Project Employment Waiver

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PROJECT EMPLOYMENT CONTRACT

(Kontrata)
Name: ____________________________________________________________________ Date: __________________________________

Address: _________________________________________________________________________________________________________________________

Ikaw ay inupahan bilang isang PROJECT EMPLOYEE na may posisyon na __________________ para sa proyekto na
___________________________ sa ilalim ng pangangasiwa ni _____________________ na tinatantyang tatagal sa loob ng __3__ buwan.

TERMS AND CONDITIONS OF EMPLOYMENT:

1. Ang iyong partikular na project employment ay magsisimula sa ika - _____________________ at tinatayang matatapos sa ika -
________________________. Ngunit hindi ito maaring lumagpas o humaba ng higit sa itinakdang phase of work o ng proyekto mismo kung saan ang
iyong serbisyo ay kailangan. Bukod dito, ang iyong project employment ay maaring putulin ng mas maaga kung ang partikular na bahagi ng trabaho o
phase of work na kung saan ikaw ay inupahan ay matatapos ng mas maaga o kung sa tingin ng iyong tagapangasiwa ang iyong pagganap sa iyong
trabaho ay hindi naaayon, kasiya-siya o kaya kung sa ano mang makatwirang kadahilanan (justifiable cause) na naayon sa Labor Code ng Pilipinas
at/o polisiya ng Kumpanya.

2. Ikaw ay sumasang-ayon na sa panahon ng iyong pagtatrabaho o employment sa nabanggit na proyekto na ikaw ay susunod at tatalima sa lahat ng mga
patakaran at alituntunin ng kumpanya, gayundin sa lahat ng probisyon ng Parallel Civil Engineering Construction Code of Conduct na
ipinatutupad at sa mga susunod na pagdagdag, pagbabago at/o pagwawasto na maaring palaganapin. Kabilang dito ang iyong mahigpit na pagsunod sa
itinakdang oras ng pagpasok na mula sa ika 8:00 ng umaga hanggang sa ika 5:00 ng hapon o sa direksyon ng mga namamahala base sa apurang
pangangailangan o sitwasyon.

3. Ang iyong oras ng pananghalian ay mula ika 12:00 ng tanghali hanggang sa ika 1:00 ng hapon at may pahinga (Break time) mula ika 10:00 hanggang
sa ika 10:15 ng umaga at ika 3:00 hanggang ika 3:15 ng hapon.

4. Ikaw ay sumasang-ayon na mag-overtime sa araw ng linggo o sa mga araw na nakatakdang holidays kung kinakailangan.

5. Ang iyong kabayaran or sahod habang nakatalaga sa ________________________ na sakop ng naangkop na pagbabawas na itinakda ng batas kung
saan ay matatanggap tuwing _________________________________ ayon sa payroll cut-off, ay ang mga sumusunod:

i. Basic rate : Php __________ / Araw


ii. Over time rate : Php __________/ Oras
iii. Cola : Php ____N/A__ / Araw
iv. SSS : Php __________ /Buwan
v. Philhealth : Php __________/Buwan
*Tandaan : Ang COLA (Cost of living allowance) ay matatanggap kung ang iyong lugar ng proyekto ay malayo o hindi sa Bulacan kung saan
nakabase ang Parallel Civil Engineering Construction at kung ikaw ay STAY-IN sa nasabing proyekto.

6. Ang iyong pamamaraan ng sahod ay cash.

7. Ang iyong kuwartel (barracks), tubig (pangligo) at kuryente ay inako ang responsibilidad ng kumpanya sa kadahilanang nais na masiguro ang
iyong seguridad at hindi na mabawasan ang iyong sahod.

8. Ang mga nabanggit na tuntunin at kondisyon ay sapat at/o naangkop lamang para sa partikular na proyektong nasasaad.

9. Ipinapahayag na malinaw na naintindihan at nauunawaan na ang Employment Contract na ito, ang panahon o tagal na nasasaad sa unang sugnay (clause
1) nito ay magsisilbing paunawa sa manggagawa / empleyado patungkol sa pagwawakas o pagtatapos ng kanyang project employment. Bukod pa dito,
kinikilala ng manggagawa / empleyado na ang lahat ng tuntunin at kundisyon ng Employment Contract na ito ay naipaliwanag sa kanya sa Pilipino at/o
sa salitang kaniyang nauunawaan.

Prepared by: Noted by:

_____Mark Rhevin P. Cruz ___ _______Gregorio D. Rambayon___


Project Admin Officer Foreman / Lead man

With my Conformity: Approved by:

___________________________________ _____Engr. Patrick T. Villanueva___


Name and Signature Project Manager

You might also like