Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 23

7

ARALING PANLIPUNAN
Ikatlong Markahan – Modyul 4b:
Kaugnayan ng Iba’t ibang
Ideolohiya at mga Malawakang
Kilusang Nasyonalista
(AP7TKA-lllf-1.14)

i
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 4b: Kaugnayan ng Iba’t ibang Ideolohiya at mga
Malawakang Kilusang Nasyonalista

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat
na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa aklat na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Lazel J. Verchez


Juan Paul E. Legazpi
Editor: Judy C. Dugan
Tagasuri: Divina M. Diaz, Ph.D.
Tagaguhit:
Tagalapat: Edsel D. Doctama

ii
Pamagat Kaugnayan ng Iba’t ibang Ideolohiya at mga

Malawakang Kilusang Nasyonalista

Sa araling ito, ay malilinang mo ang iyong kaalaman sa iba’t ibang

ideolohiya at kung paano ito nakatulong o nakaapekto sa

pagkakaroon ng mga Kilusang Nasyonalista sa Timog at Kanlurang

Asya.

Layunin
Ang mga sumusunod ay ang inaasahang matutuhan mo

sa araling ito. Tiyaking iyong babasahin at babalik-

balikan ito dahil ito ang magsisilbing gabay sa iyong

pagkatuto:

1. Naipaliliwanag ang naging epekto ng iba’t ibang

ideolohiya sa pagtatatag ng mga malawakang kilusang

nasyonalista.

2. Nailalahad ang papel na ginampanan ng mga

ideolohiya sa paglaya ng mga bansa sa Asya.

3. Nasusuri ang mga tulong o epekto ng mga ideolohiya

sa pagkakaroon ng mga kilusang nasyonalista

4. Naitatala ang ibat-ibang ideolohiya na umiral sa mga

bansang Asyano

Talahulugan Holocaust – pagpatay sa milyon-milyong mga Hudyo noong

panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Hudyo - tumutukoy sa pangkat etno-relihiyosong nagmula sa mga

sinaunang Israelita at sa mga taong naniniwala sa

paniniwalang Hudaismo.

1
Konstitusyon - tumutukoy sa papel, kapangyarihan, at istruktura ng

iba't ibang mga entidad sa loob ng isang estado. Ito ang

pinakamataas na batas ng bansa

Kudeta - pag-aaklas ng isang maliit na organisadong grupo o

seksiyon ng estado upang pabagsakin at palitan ang nakaluklok na

gobyerno.

Panimulang
Sa bahaging ito ay mayroong mga gawain na tataya sa iyong
Pagsubok
paunang kaalaman tungkol sa paksang pag-aaralan. Tara!

Umpisahan na natin ang iyong gawain.

Talasalitaan: Basahing mabuti ang mga salita at pangungusap sa

ibaba. Hanapin sa loob ng kahon ang mga tamang salita na

inilalarawan o ipinapaliwanag ng mga pangungusap. Isulat ng

tamang sagot .

a. DEMOKRASYA c. SOSYALISMO e. IDEOLOHIYA


b. KOMUNISMO d. PASISMO f. KAPITALISMO

______1. Sistema ng pamahalaang nagtataguyod ng

pagkakapantay-pantay ng mamamayan; pamahalaan na ang

namumuno ay humahango ng kapangyarihan mula sa mga tao o sa

mga mamamayang pinamumunuan.

______2. Sistema ng pamamahala sa ekonomiya, lipunan, at politika

na ang lahat ng kagamitan at pamamaraan ng produksyon ay pag-

aari ng estado at binubuo ng lipunang walang kinikilalang antas

(social class), sa ilalim ng isang sentralisadong pamunuan.

______3. Sistemang pang-ekonomiya at panlipunan kung saan ang

mga kagamitan sa produksyon ay nasa pag-aari ng publiko o

2
gobyerno.

_______4. Tumutukoy sa ideolohiya na naniniwala na mas

nangingibabaw ang interes ng estado kaysa sa kapakanan ng mga

mamamayan.

______5. Kalipunan ng mga paniniwala hinggil sa mga

pangangailangang dapat tugunan at sa mga adhikain ng isang tao o

grupo ng mga tao, o ng sambayanan.

Mga Gawain
sa Pagkatuto BASA - SURI-TEKSTO

Iba't Ibang Ideolohiya at ang mga Malawakang Kilusang


Nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya

Ang mataas na uri ng pagpapahalaga at mga kasagutan sa

mga suliranin at pangangailangan ng mamamayan ay ipinahahayag

ng mga ideolohiya. Naaayon din ang mga ito sa kultura at

kasaysayan ng bansa. Ang ideolohiya ay nahahati sa dalawang

pangunahing kategorya: ang ideolohiyang pang-ekonomiya at

ideolohiyang pampolitika.

Ang ideoIohiyang pang-ekonomiya ay nakatuon sa mga

patakarang pangkabuhayan ng bansa at paraan ng paghahati ng

kayamanan nito sa mamamayan. Samantala, ang ideolohiyang

pampolitika ay nakapokus sa paraan ng pamumuno at paraan ng

pagpapatupad ng mamamayan. Nauugnay ang politikal na

ideolohiya sa mga kilusan para sa panlipunang pagbabago.

Hinihikayat nito ang mga tao na kumilos ayon sa ninanais nilang

mga pagbabagong kaayusan.

Sa pangkalahatan, iba't ibang ideolohiya ang nabuo sa Asya.

Ito ay ang Demokrasya, Sosyalismo, Komunismo, at Pasismo. Pag-

3
aralan natin ang piling kaso ng mga bansa sa Timog at Kanlurang

Timog Asya
India at Pakistan

Sa Timog at Kanlurang Asya, higit na naging malaki ang

impluwensiya ng demokrasya sa mga kilusang nasyonalista. Sa

India, sa ilalim ng pananakop ng mga British, maraming Indian ang

naging aktibo sa muling pagbuhay ng kaisipan at tradisyong Hindu.

Hindi matanggap ng mga Indian ang pagbalewala at pag-alis sa

kanilang mga nakagisnang kultura. Hinimok ni Swami Dayanand

Saraswati, isang nasyonalista, ang muling pagbasa ng mga veda

upang maging batayan ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga

Indian. Hinangad din ng mga Indian ang pagkakaroon ng

konstitusyon na magbibigay sa kanila ng mas malaki at malawak na

pagkakataong makalahok sa pamamahala sa bansa. Ang naging

mabagal na pagkakaloob ng mga British sa mga hinihinging

pagbabago ang nagtulak sa mga Indian upang maglunsad at

magpalaganap ng isang kilusang rebolusyonaryo. Pinangunahan ni

Bal Gangadhar Tilak ang tinawag na militanteng nasyonalismo.

Nagsagawa sila ng marahas na pagkilos laban sa mga British mula

1905 hanggang 1914. Samantala, may mga Indian naman na

nagpamalas ng nasyonalismo sa pamumuno ni Mohandas Gandhi.

Siya ay naging pangulo ng All India National Congress na naitatag

noong 1885.

4
https://www.indiatoday.in/education-today
Mahatma Gandhi
https://pixabay.com/photos/pacifist-mahatma-gandhi-71445/

Noong 1935 nagbigay ang Great Britain sa India ng isang

bagong konstitusyon na nagkaloob ng isang lehislatibong bikameral

at pederal, sanggunian ng mga estado at ng kapulungan.

Tinanggihan ito ng mga Indian at Muslim. Para sa mga Muslim, kung

mga Hindu ang mas magkakaroon ng kontrol sa India, mapipinsala

ang kanilang kultura at relihiyon. Upang mabigyang proteksiyon ang

kanilang mga karapatan at kapakanan, itinatag ang Muslim League

noong 1906. Ito ay sa pangunguna ni Muhammad Ali Jinnah.

Naging masigla ito sa kanilang mga gawain. Hiniling niya noong

1947 ang isang hiwalay na bansang Muslim. Ito ay nagbigay-daan

sa pagbuo ng bansang Pakistan na naihayag ang kasarinlan

kasabay ng India noong Agosto 14, 1947.

Muhammad Ali Jinnah

http://freedownload40.blogspot.com/2013/12/Quaid-e-Azam-

Muhammad-

5
Sri Lanka at Maliliit Na Estado sa Timog Asya

Pinamunuan ng Great Britain ang Sri Lanka at ang buong sub-

kontinente ng India sa loob ng isa't kalahating dantaon (1796 -

1947). Noong 1915, itinatag nila ang Ceylon National Congress na

unang partidong politikal. Namuno ito upang ipaglaban ang

kasarinlan ng bansa. Pagkaraan ng Ikalawang Digmaang

Pandaigdig, pinamunuan ni Don Stephen Senanayake, ang

itinuturing na "Ama ng Kasarinlang Sri-Lanka," ang pakikipaglaban

para sa kasarinlan. Sila ay sinuportahan ng lahat ng pangkat-etniko.

Noong Pebrero 4, 1948, ipinahayag ang kasarinlan ng bansa.

Samantala, sa Nepal, noong 1990, naganap ang mapayapang

Rebolusyong People Power. Nagsilbing inspirasyon nila ang katulad

ng EDSA Rebolusyon sa Pilipinas noong 1986. Noong Disyembre

24, 2007, ipinahayag ng Nepalese Constituent Assembly na

lalansagin ang monarkiya sa 2008 pagkatapos ng eleksiyon sa

Asemblea. Noong Mayo 28, 2008, idineklara ang Nepal bilang isang

Federal Democratic Republic.

Kanluranq Asya

Israel
Natagpuan ng mga Hudyo ang kalayaan at oportunidad sa

pamamagitan ng United States. Naging instrumental ang

pamahalaan ng US sa pagtulong sa mga Hudyo.

Sa pagtatapos ng ika-19 na dantaon, sumibol ang mga

pagkilos upang ang mga Hudyo ay makabalik sa kanilang lupain.

Itinatag ang Kilusang Zionismo sa Basel, Switzerland noong 1897 ni

Theodor Herzl (1860 - 1904), isang Austro-Hungarian. Nagsimula

ang kilusan sa pagbabalik ng mga Hudyo sa kanilang "lupaing

6
pangako." Libo-libong migranteng Hudyo ang pumunta sa Palestine

at doon ay muling nanirahan. Ikinagalit ito ng mga Palestiniang Arab.

Kaya noong 1921, inayos ng mga British ang usapin tungkol dito na

nagdulot ng paghahati sa Palestine. Nagkaroon ito ng dalawang

estado - isa para sa mga Hudyo at ang isa ay para sa mga Arab.

Ipinangako sa bawat isa ang kani-kanilang kasarinlan. Subalit ang

bawat isa ay hindi nasiyahan. Ang panahon ng partisyong ito (1920 -

1948) ay naging puno ng madudugong labanan sa pagitan ng mga

Hudyo at Arab.

Theodor Herzl

https://www.dreamstime.com/theodor-herzl-portrait-old-israeli-money-
image117786110

Ang kasukdulan ng mapait na nakaraan ng mga Hudyo ay

ang ginawang pagpatay sa milyon-milyong mga Hudyo na nasa

Europe noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig (1939 -

1944). Isinagawa ito ng Nazi Germany sa pamumuno ni Adolf Hitler.

Ang pangyayaring ito ay tinawag na holocaust, at ito ang naging

rallying point ng mga Hudyo at ng kanilang mga tagasuporta.

Inihayag ang malayang nasyon ng Israel sa Tel-Aviv noong

Mayo 14, 1948. Tinawag itong Republika ng Israel at ang naging

unang Punong Ministro ay si David Ben-Gurion.

7
Iraq

Pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang Iraq at

Palestine ay naipasailalim sa pamamahala ng Great Britain. Dahil sa

hindi maayos na pamumuno at kapabayaan ng mga Ottoman,

sumibol ang mga kilusang makabayan noong huling bahagi ng ika-

19 na dantaon. Sumiklab ang mga nasyonalistang pag-aalsa sa

Baghdad at nahirapan ang mga hukbong British sa paggapi sa mga

ito. Upang mahikayat na pumanig sa kanila, pumayag ang mga

British sa hiling ng mga nasyonalistang Iraqi.

Itinatag nila ang Kaharian ng Iraq. Noong Agosto 23 ang

kahilingan ay ipagkaloob sa kanila ang kasarinlan noong 1921, at si

Faisal ay naluklok bilang hari. Ipinagkaloob naman ang kasarinlan ng

Iraq noong 1932. Gayunpaman, kontrolado pa rin ng mga

kanluraning kompanya ang industriya ng langis pagkaraang

matuklasan ito noong 1927.

KING FAISAL

https://www.pinterest.com/saimakamran/shah-faisal/
Nagpatuloy ang kaguluhan sa Iraq. Mula nang mamatay si

Haring Faisal I noong 1933 hanggang dekada 1960, tagpo ng

magkakasunod at madudugong kudeta ang Iraq. Sa mahabang

panahon, nakilala ang Iraq na "Republika ng Takot" dahil ang mga

pagbabago ng pamahalaan ay madalas na humahantong sa

8
karahasan. Ilang ulit na nagpalit ng mga administrasyon sa bansa at

nangyayari ito gamit ang karahasan, pananakot, o

pakikipagdigmaan. Hindi nila kinikilala ang demokrasya, kalayaan,

mga karapatang pantao, malayang eleksiyon, at malayang

pananalita sa kanilang bansa. Naging malakas na puwersa ang

militar sa bansa. Bagaman, umaasa pa rin ang mga Iraqi at ang

sandaigdigan na maghahari pa rin ang kapayapaan, demokrasya, at

paggalang sa mga karapatang pantao sa bansang ito

Saudi Arabia
Dahil sa kalupitan at labis na paniningil ng buwis,

naghangad ng kasarinlan ang mga Arab mula sa mga Turk. Noong

1744, nagsanib ang puwersa nina Muhammad Ibn Saud, isang

pinunong Arab at Muhammad Ibn Abd-al-Wahhab, isang kleriko

upang makapagtatag ng alyansang politikal. Ito ang naging

pundasyon ng dinastiyang namumuno ngayon sa Saudi Arabia.

Noong Unang Digmaang Pandaigdig, tumulong si Haring Abdul Aziz

at ang mga nasyonalistang Arab sa mga British sa pakikipaglaban sa

mga Ottoman Turk. Nangako ang Great Britain na ipagkakaloob ang

kanilang kasarinlan. Pinag-isa ni Colonel Thomas Edward Lawrence

ang nagdidigmaang mga tribung Arab. Pinamunuan niya ang mga ito

sa paggapi sa mga puwersang Turk-German.

Muhammad Ibn Saud


www.britannica.com

Ang modernong kaharian ng Saudi Arabia ay likha ni Haring Abdul

9
Aziz Ibn Saud. Sinakop niya ang Riyadh noong 1902 at ginawa

niyang lider ang sarili ng kilusang makabayan ng mga Arab. Noong

1932, inihayag niya ang sarili bilang Hari ng Saudi Arabia.

Walang demokrasya sa bansa at hindi tinatanggap ng

absolutong monarkiya ng Saudi ang mga pagtutol. Kontrolado ang

pamahalaan ng isang pamilya ng mga Saud. Ang hari ang

gumagawa ng mga batas at kasunduan. Walang eleksiyon, walang

partidong politikal, at walang lehislatura rito.

Sa pamamagitan ng langis, lakas sandatahan, at ugnayang


internasiyonal, nagagawa ng mga taga-Saudi ang makipag
powerplay sa politika.

Pagkatapos ng pagusuri sa teksto, sagutin ang sumusunod na

tanong

1. Paano ang iba’t ibang ideolohiya ay nakaapekto sa

pagkakaroon ng malawakang kilusang nasyonalista?

2. Sa kasaysayan ng Timog at Kanlurang Asya, anong

ideolohiya ang higit na nakaapekto sa pagkakaroon ng

malawakang kilusang nasyonalita?

3. Paano sa pamamagitan ng nabanggit na mga ideolohiya ang

mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya ay nagkaroon ng

transpormasyon?

Pagsasanay I. Decoding

1. Ang A – Z ay katumbas ng 1 – 26.

2. Hanapin ang katumbas na letra ng bawat bilang upang

mabuo ang nakatagong salita.

9 4 5 15 12 15 8 9 25 1

10
II. Data Retrieval Chart

Kilalanin ang larawan ng mga nasa kahon na nanguna sa paglinang

ng iba’t ibang ideolohiya sa Timog at Kanlurang Asya. Isulat ang

bansang kanilang pinagmulan at ang iba pang impormasyong

hinihingi ng sumusunod na tsart.

TIMOG ASYA

Larawan Bansa Kilusang Ideolohiya Epekto


Nasyonalita

Swami
Dayanand
Saraswati

Mahatma
Gandhi
/

Muhammad Ali

11
Larawan KANLURANG ASYA

Bansa Kilusang Ideolohiya Epekto


Nasyonalita

Theodor Herzl

King Faisal

Muhammad Ibn Saud

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang pagkakaiba ng mga ideolohiyang isinulong ng mga

kilalang pinuno?

2. Naging epektibo ba ang mga kilusang nasyonalismo na

itinatag ng mga kilalang personalidad? Sa paanong paraan?

3. Paanong ang nasyonalismo ay nakapagdulot ng

transpormasyon sa kanilang bansa?

III. Map Analysis

12
Gamit ang mapa sa Timog at Kanlurang Asya, kulayan ng asul ang

mga bansang naniniwala sa ideolohiyang demokrasya, dilaw kung

sosyalismo at pula kung komunismo.

TIMOG ASYA

KANLURANG ASYA

https://www.pinterest.com/pin/167759154842362220/

13
Binabati kita! Maluwalhati
mong natapos ang bahagi ng
aralin. Ngayon naniniwala
ako na ikaw ay may lubos ng
kaalaman tungkol sa iba’t
ibang ideolohiya ng mga
bansa sa Timog at Kanlurang
Asya

Pangwakas
na Pagsubok I. Tama o Mali

Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay wasto at

MALI kung ito ay di-wasto.

_____1. Ang ideolohiya ay tumutukoy sa mataas na uri ng

pagpapahalaga at mga kasagutan sa mga suliranin at

pangangailangan ng mamamayan.

_____2. Malaki ang naging impluwensiya ng komunismo sa mga

kilusang nasyonalista sa Timog at Kanurang Asya.

_____3. Sa pamamagitan ng mapayapang rebolusyong People

Power ay naideklara ang Nepal bilang isang Federal Democratic

Republic noong Mayo 28, 2008.

_____4. Ang ideolohiyang politikal ang umiral sa bansang Saudi

Arabia at naging pundasyon ng dinastiyang namumuno ngayon sa

bansa.

_____5. Ang ideolohiyang pang-ekonomiya ay nakatuon sa mga

patakarang pangkabuhayan ng bansa at paraan ng paghahati ng

kayamanan nito sa mamamayan

14
II. Sagutin ang mga Tanong

1. Ano-anong bansa ang naniniwala sa demokrasya, Sosyalismo,

Komunismo?

2. Paano nakatulong ang kalagayang heograpikal ng mga bansa sa

pagpapanatili at pagsusulong ng kanilang pinaniniwalaang

ideolohiya?

3. Paano ang mga ito ay nagsilbing instrumento sa paglaya ng mga

bansa?

Karagdagang Picture Collage


Gawain
Sa kasalukuyang panahon, magsaliksik ng limang personalidad na

taga Timog at Kanlurang Asya na naging instrumento sa pagbabago

ng kanilang bansa. Humanap ng kanilang larawan at ng kanilang

mga inilunsad na gawaing naging instrumento sa pagbabago. Ipakita

ito sa pamamagitan ng picture collage.

Kinakailangang magpakita ito ng sumusunod.

Kraytirya Puntos
Nilalaman 10 puntos
Organisasyon ng mga Ideya 5 puntos
Pagkamalikhain 5 puntos

15
SUSI SA PAGWAWASTO:
PANIMULANG PAGSUBOK
1. DEMOKRASYA
2. SOSYALISMO
3. KOMUNISMO
4. PASISMO
5. LIBERALISMO
PAGSASANAY
I. Encoding - Ideolohiya
II. Data Retrieval Chart
III. Map Analysis
PANGWAKAS NA PAGSUBOK
1. TAMA
2. MALI
3. TAMA
4. TAMA
5. TAMA

16
ACTIVITY SHEETS

Data Retrieval Chart


TIMOG ASYA

Larawan Bansa Kilusang Ideolohiya Epekto


Nasyonalita

17
KANLURANG ASYA

Larawan Bansa Kilusang Ideolohiya Epekto


Nasyonalita

18
Map Analysis TIMOG ASYA

19
KANLURANG ASYA

20
SANGGUNIAN

ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba(Modyul para sa Mag-aaral), pahina


243-249
Proto-type DLP in AP7, Kaugnayan ng Iba’t ibang Ideolohiya at mga

Malawakang Kilusang Nasyonalista

Accessed May 23, 2020


https://pixabay.com/photos/pacifist-mahatma-gandhi-71445/

Accessed May 23, 2020


https://www.indiatoday.in/education-today

Accessed May 23, 2020


http://freedownload40.blogspot.com/2013/12/Quaid-e-Azam-Muhammad-

Accessed May 25, 2020


https://www.dreamstime.com/theodor-herzl-portrait-old-israeli-money-
image117786110

Accessed May 25, 2020


https://www.pinterest.com/saimakamran/shah-faisal/

Accessed May 25, 2020


www.britannica.com

Accessed May 26, 2020


https://www.pinterest.com/pin/167759154842362220/

21

You might also like