Maflt 205

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Varyasyong Leksikal ng Wikang Manobo

sa Lungsod ng Esperanza at Bunawan

Isang Pananaliksik na inihanda kay

Dr. ANNIE Y. SAMARCA


Profesor

Bilang pagtupad sa pambahaging pangangailangan sa asignaturang


Kayarian ng Wika- MAFLT 205

nina:
Cullantes, Jemarie S.
Castro, Juliet V.
Cervantes, Ruth V.
Corvera Luz Marie A.
Dalion, Renalyn P.
Malbasias Mary Kris L.
Introduksyon

Masasabing ang wikang Manobo ay isa sa mayamang wika na ginagamit ng mga


mamamayan sa probinsya ng Agusan del Sur. Ang salitang “manobo” ay
nangangahulugang “tao” o “mga tao”, na galing sa salitang “mansuba” na hango sa
dalawang salitang “man” na ibig sabihin ay tao at “suba” na nangahulugang “ilog”.
Samakatuwid, ang kahulugan ng “mansuba” ay “taong-ilog”.

Ayon kay Hymes (Conrad at Biber, 2001), walang taong may isang paraan lamang
ng pagsasalita sa lahat ng pagkakataon. Bagama’t iisang katutubong pangkat o
grupo ang tribung Manobo ay napaghihiwalay ang mga ito dahil sa dimensyong
heograpikal at iba pang hangganan na ilan sa mga paktor kung bakit nagkakaroon
ng varyasyon ang wikang Manobo.

Dagdag pa ni Caroll (1973), ang wika ay masistemang estruktura ng sinasalitang


tunog at pagsasaayos nito sa paraang arbitraryo upang makamit ang interpersonal
na pakikipagkomunikasyon at ang makabuluhang pagsasama-sama ng mga bagay,
pangyayari at mga karanasan ng sangkatauhan. Mula rito, masasabi ring ang
wikang Manobo ay may angking katangian din tulad ng nabanggit sa
pagpapakahulugan ni Caroll sa wika, lalo na sa anyo, at paraan ng pagbigkas,
gayunpaman ito ay lubusang nagagamit sa pakikipagkomunikasyon ng mga pangkat
ng Manobo sa mga nabanggit na lungsod.

Isa sa hamon na kinakaharap ng mga wikang katutubo sa kasalukuyang panahon ay


ang unti-unti nitong paglaho dahil na rin sa kakaunti na lamang ang gumagamit nito
lalo na’t umuusbong ang sosyal medya na siya ring pag-usbong ng makabagong
salita upang lubos na maipahayag ng bawat indibidwal lalo na sa bagong
henerasyon ng mga kabataan ang kanilang saloobin, kaisipan o ideya.

Ayon sa pambansang alagad ng sining at taga-pangulo ng Kagawaran ng Wikang


Filipino o KWF na si Virgilio Almario, ang mga wikang Inagta Isarog sa Naga,
Camarines Sur; Ayta Tayabas sa Quezon; Katabaga sa Bondoc Peninsula, Quezon;
Agta Sorsogon sa Prieto Diaz, Sorsogon; at ang Agta Villa Viciosa sa Abra ay ang
mga wikang kulang sa dokumentasyon dahil ipinapasa lamang sa pamamagitan ng
pasalindila o Oral Tradition. Nagsisimulang mamatay ang isang katutubong wika
kapag hindi na ito ginagamit ng mga kabataan maging ng mga mamamayan. Hindi
man napabilang sa katutubong wika na malapit ng mamatay ang wikang Manobo ay
isa pa rin itong hamon upang bigyang pansin ang paggamit at pagsusuri ng wikang
Manobo.

Basi sa tala ng National Integration Commission ang Aeta, Mamanwa, Bagobo,


Banwaon, Higaonon at Manobo ay ang mga tribu na makikita sa probinsya ng
Agusan del Sur ngunit karamihan sa tribung Banwaon, Higaonon at Manobo ay
naninirahan sa lungsod ng Esperanza. Ayon nga kay Hymes (Conrad at Biber,
2001), walang taong may isang paraan lamang ng pagsasalita sa lahat ng
pagkakataon. Sa pag-aaral na ito ay makikita ang konsepto ng pagkakaroon ng iba’t
ibang varayti ng wika sa isang komunidad tulad na lamang sa lungsod na Esperanza
na kinapapalooban ng higaonon, banwaon at manobo na mga linggwahe.
Masasabing malaki ang epekto o impluwensya ng iba’t ibang wika sa bawat
indibidwal na siyang dahilan sa pagkakaroon ng paghahalo-halo, pag-adopt at
pagpapalit ng mga salita sapagkat ang mga ito ay bahagi na ng pakikipag-ugnayan
sa kapwa.

Ang pangyayaring ito ang siyang nagtulak sa mga mananaliksik upang mapalalim pa
ang kaalaman ng bawat indibidwal sa wikang ito, lalo na ang impluwensya o impak
ng ibang wika sa wikang Manobo, at matukoy ang kaibahan at kaugnayan nito sa
munisipalidad ng Bunawan at tribung Manobo sa munisipalidad ng Esperanza. At
upang maalaman din kung ano pa ang mga paktor na nakakaimpluwensya sa pag-
usbong ng varyasyong leksikal sa wikang Manobo.

Kaugnay Na Literatura

Sa pag-aaral ni Baterina, L. (2017) tungkol sa Varyasyong Leksikal ng mga Wikaing


Bagobo -Tagabawa, Giangan at Obo-Manobo ng Lungsod Davao, masasabing
nagkaroon din ng Varyasyong leksikal sa mga nabanggit na wikain dahil na rin sa
heograpikal na dimensyon ng mga tagapagsalita ng wika at sa mga salitang
magkaiba ang anyo ngunit pareho ang kahulugang taglay ng mga ito. May
magkatulad rin ang anyo at parehong kahulugan sa tatlong wikain at ang varyasyong
may pareho sa dalawang wikain ngunit naiiba sa isa. Sa mga varyasyong
umusbong, kapansin-pansin ang pagkakaroon ng kani-kanilang paraan ng paggamit
ng wika ayon na rin sa topograpiyang kanilang kinabibilangan.

Binanggit naman sa pag-aaral ni Sinoy, J. (2017) na bawat pangkat ng tao ay may


kani-kaniyang wikang ginagamit na nagpapakilala ng kanilang pagkanatatangi sa
bawat pangkat. Bunga ito ng katotohanang ang mga tagapagsalita ng bawat pangkat
ng mga tagapagsalita ay nakararanas ng mga pangyayari sa lipunang ginagalawan
na tangi lamang sa kanilang kultura na ibang-iba sa pagkakaunawa at sa mga
karanasan ng ibang pangkat. Ang ganitong pangyayari ay nagpapaliwanag ng
pagkakaroon ng iba’t-ibang varayti at varyasyon ng wika na kanilang unawain.
Tinalakay din niya ang wikang Subanen sa dalawang lugar na ito na distinct ang
wikang Subanen sa Zamboanga Sibugay sa wikang Subanen sa Zamboanga del
Sur. Nagkakaroon ng varayti at varyasyon maging sa katawagang kultural dahil hindi
ganap na naisasakatuparan o naisasakultura ang mga gawaing kultural ng
napahiwalay na maliit na pangkat. Tumutugon ito sa Teorya Akomodasyon
(Accommodation Theory) ni Howard Guiles (Santos et. al 2012) na tumutukoy sa
pagbabago ng paraan ng pagsasalita ng isang tao upang maging katulad o di-
katulad sa paraan ang pagsasalita ng kausap, na nasa uring convergence o
pakikihalubilo. Taliwas naman sa uring divergence kung saan nananatiling matatag
ang kultura ng isang malaking pangkat kung kaya’t higit nitong naiimpluwensyahan
ang kultura partikular ang wika ng maliit na pangkat sa kumunidad.

Inilahad din sa pag-aaral ni Pasion, R. (2014) tungkol sa Varyasyong Leksikal sa


mga Dayalektong Mandaya, sinasabing ang dayalektong Mandaya ay nakitaan ng
varyasyong leksikal ayon sa pagkakaiba at pagkakatulad ng anyo, at magkakatulad
ang anyo subalit magkakaiba ang bigkas. Gayunpaman, pinaniniwalaang dahil sa
paktor na heograpikal, sikolohikal at sosyolohikal na nagaganap sa kanilang kultura
ay hindi rin maipagkailang nangyari ang varyasyong leksikal na aspekto nito.
Dagdag pa sa pag-aaral ni Macatabon, R. et al. (2016), inilahad na ang wikang
B’laan ay may dalawang varayti ang To Lagad at To Baba at ito ay kakikitaan ng
varyasyong leksikal at morpolohikal ayon sa dalawang lugar na pinagkunan ng
datos, ang mga taong naninirahan sa barangay Bacong, Tulunan, Hilagang
Cotabato at Lampitak, Tampakan, Timog Cotabato. Sinasabing ang pagkakaroon ng
varyasyong leksikal at morpolohikal ng wikang B’laan ay dulot ng dimensyong
heograpiko o kalayuan ng lugar na kanilang pinaninirahan. Ayon din sa kanila ang
pagkakaroon ng varyasyong leksikal at morpolohikal ng wikang B’laan ay patunay
lamang na ang wika ay hindi homogeneous.

Sa pag-aaral naman ni Drapeza, H. (2021) tungkol sa pagsipat sa mga salik na


nakaimpluwensiya sa varayti at varyasyong leksikal sa wikang Chabacano ng
lungsod Zamboanga, nabanggit na dahil sa paglilipat sa tirahan dahil na rin sa pang-
edukasyunal na pangangailan, cross marriage, trabaho at impluwensya ng sosyal
media ay ang mga paktor na nakakaimpluwensya sa pagkakaroon ng varayti at
leksikal na varyasyon ng wikang Chabacano sa Zamboanga City.

Masasabing marami at iba’t iba ang mga paktor na nakakaapekto sa pagkakaroon


ng varyasyon ng mga wika na siya ring nangyayari sa wikang Manobo.
Gayunpaman, masasabing tunay nga na ang wika ay dinamiko ito ay nagbabago
ayon na rin sa pangangailangang komunikasyon at pakikipag-ugnayan ng isang
indidibwal o pangkat.

Metodolohiya
Ang bahaging ito ay kinapapalooban ng mga pamamaraang ginamit sa pag-aaral na
may pangunahing layunin na masuri ang mga salita o terminolohiya mula wikang
Manobo sa lungsod ng Bunawan at maihambing sa mga salita mula sa wikang
Manobo sa lungsod ng Esperanza at matukoy ang leksikal na varyason ng wikaing
Manobo sa mga umiiral na pangkat sa bawat lungsod.
A. Desinyo ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay isang uri ng deskriptib na pananaliksik at gagamit ng


disenyong kwalitatibo sa pagsusuri ng mga datos. Sinunod ang metodong indehinus
na pamamaraan sa paglilikom ng mga impormasyon o salitang makakalap. Sa
pangangalap ng datos, ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng interbyu sa mga
taong naninirahan sa lugar ng pinag-aaralan. Upang lubos na mapalawak ang
kaalaman at pagbuo ng pag-aaral ay mangangalap din ng iba pang sanggunian sa
internet na may kauganayan sa paksang pinag-aaralan ng mananaliksik. Ang
mananaliksik ay bubuo ng talahanayan upang uriin at e-klasipika ang mga salita na
nalikom upang mapadali ang pagtukoy sa varyasyon ayon sa bahagi ng pananalita
na pangngalan, panghalip, pang-uri, pandiwa at pang-abay na mula sa isinagawang
pagtatranskrayb ng interbyu.

Sa pag-analisa, susuriin ang mga kategoryang leksikal ng mga nalikom na salita.


Mula sa terminong Manobo ay gagawan ito ng pagsasalin sa wikang Filipino at
matapos na maisalin ay uuriin ayon sa bahagi ng pananalitang kinabibilangan nito.

B. Mga Kalahok sa Pag-aaral


Ang mga batayang itinakda sa pagpili ng mga impormante ay ang mga sumusunod:
(a) isang katutubong Manobo; (b) ipinanganak, lumaki at nakatira sa pook ng pag-
aaral; (3) at may sapat na kaalaman sa wikang Manobo. Sa pagpili ng mga
impormante ginamit ang convenience at purposive sampling para maisagawa nang
maayos at mabisa ang pananaliksik. Ang mga impormanteng Manobo na nakatira sa
lungsod ng Bunawan at Esperanza ang kukunan ng mga datos.

C. Mga Hakbang sa Pag-aaral


Ang mga sumusunod ay ang mga hakbang o pamaraang isasagawa ng
mananaliksik sa pagbuo ng pag-aaral na ito:

1. Pagbuo ng liham pahintulot sa pakikilahok sa pananaliksik


2. Pagsagawa ng interbyu
3. Paglilista at pagrekord sa mga salitang pangnilalaman
4. Pagklasipika o pag-uuri ng mga salita ayon sa bahagi ng pananalita
5. Pagsalin ng mga nakalap na mga salita mula sa wikang Monobo ayon sa
kinabibilangang pangkat patungo sa wikang Filipino
6. Pagsusuri sa varyasyong leksikal ng wikang Manobo ayon sa dalawang
pangkat na pinag-aaralan
7. Pagtukoy sa iba pang paktor na nakaimpluwensya sa pagkakaroon ng
varyasyon sa wikang Manobo.

Resulta at Diskusyon
Ang varyasyong leksikal sa pag-aaral na ito ay tumutukoy sa pagkakatulad at
pagkakaiba ng mga termino ng wikang Manobo sa lungsod ng Esperanza at
Bunawan. Nakapagtala ang mananaliksik ng 55 na mga salita at klinasipika ayon sa
kung anong bahagi ng pananalita ito napabilang.
May naitalang 13 na mga salitang pangngalan, 9 na mga salitang pandiwa, 13
na mga salitang pang-uri, 11 na panghalip, at 9 na mga salitang pang-abay. Nasa
ibaba ang halimbawa ng mga salitang makikita sa binuong talahanayan.

Talahanayan 1. Mga Salitang Pangngalan

MGA SALITANG MANOBO MGA FILIPINO BAHAGI


SA ESPERANZA SALITANG NG
MANOBO SA PANANALI
BUNAWAN TA

1. amay amuy ama Pangngalan


2. inay inuy ina Pangngalan
3. panganay kakuy nakatatandang-anak Pangngalan
4. tinangkudan/gipusan hadi nakababatang-kapatid Pangngalan
5. wahig wuhig tubig Pangngalan
6. otaw utow tao Pangngalan
7. lampay plato pinggan Pangngalan
8. seya ingkudanan silya Pangngalan
9. bade/utak yugjo itak Pangngalan
10. manggahat bagani bayani Pangngalan
11. isu isu bata Pangngalan
12. manok-manok manok- ibon Pangngalan
manok
13. aedow nu nautuwan aedow nu kaarawan Pangngalan
nautuwan

Ang mga salitang nasa Talahanayan 1 ay iilan lamang sa mga salita na may
kayariang leksikal na Pangngalan. Ang pangngalan ay salita o bahagi
ng pangungusap na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook, hayop, at pangyayari.
Sa linggwistika, kasapi ang pangngalan sa isang malawak, bukas na leksikong
kategorya na kung saan ang mga kasapi nito ay nagiging pangunahing salita sa
isang simuno ng isang sugnay, bagay sa isang pandiwa, o bagay sa isang pang-
ukol.
Mapapansin natin mula sa talahanayan na ang bawat salita ay nakaklasipika
sa dalawang wika. Mula sa wikang Manobo ay isinalin naman sa wikang Filipino.
Mapapansin din na may mga salitang nakabold at ang iba naman ay hindi. Ang mga
salitang nakabold ay yaong mga salitang magkakatulad sa pagbigkas at pagbaybay
kahit pa man ay magkaiba ang lugar na pinanggalingan ngunit gumagamit ng
parehong wika. Halimbawa, ang salitang isu na may salin na bata sa wikang
Filipino, manok-manok na may salin namang ibon sa wikang Filipino, at aedow nu
nautuwan na may salin na kaarawan sa wikang Filipino. Ang mga salitang hindi
nakabold naman ay yaong mga salita na talagang magkakaiba ang bigkas at
spelling ngunit pareho lamang ang mga kahulugan. Makikita na ang iilan sa mga
salita ay nagkakaiba lamang sa ponemang /a/ at /u/ tulad ng mga salitang amay at
amuy, inay at inuy, wahig at wuhig.

Talahanayan 2. Mga Salitang Pandiwa

MGA MGA FILIPINO BAHAGI NG


SALITANG SALITANG PANANALITA
MANOBO SA MANOBO SA
ESPERANZA BUNAWAN
1. sajaw sajow sayaw pandiwa
2. tiduga lipudong tulog pandiwa
3. sulat suyat sulat pandiwa
4. kaon kuon kain pandiwa
5. agalak tiyaho iyak pandiwa
6. migsalok migsayok nag-igib pandiwa
7. migpana migpanuw naglakad pandiwa
w
8. agaw-aw pangiyak sumigaw pandiwa
9. naghinlo naghinlo naglinis pandiwa

Ang mga salitang nasa Talahanayan 2 ay iilan lamang sa mga salita na may
kayariang leksikal na Pandiwa. Ang pandiwa ay isang salita (bahagi ng pananalita)
na nagsasaad ng kilos o galaw, na tinatawag ito na verb sa wikang Ingles.

Mapapansin mula sa talahanayan na ang bawat salita ay nakaklasipika sa


dalawang wika. Mula sa wikang Manobo ay isinalin naman sa wikang Filipino.
Mapapansin din na may mga salitang nakabold at ang iba naman ay hindi. Ang
salitang nakabold ay ang salitang nagkakatulad sa pagbigkas at pagbaybay kahit pa
man magkaiba ang lugar na pinanggalingan ngunit gumagamit ng parehong wika.
Halimbawa, ang salitang naghinlo na may salin na naglinis sa wikang Filipino.
Ang mga salitang hindi nakabold naman ay yaong mga salita na talagang
magkakaiba ang bigkas at spelling ngunit pareho lamang ang mga kahulugan tulad
ng tiduga at lipudong, agalak at tiyaho, agaw-aw at pangiyak.Makikita rin na ang
iilan sa mga salita ay nagkakaiba lamang sa ponemang /a/ at /u/ tulad ng mga
salitang kaon at kuon, migpanaw at migpanuw at sajaw sa sajuw. Dagdag pa
ang pagkakaiba sa ponemang /l/ at /y/, tulad ng mga salitang sulat at suyat,
migsalok at migsayok. Kung paghahambingin natin ang mga salitang ito ay sa
dalawang ponema lamang nagkakaiba.
Talahanayan 3. Mga Salitang Pang-uri

MGA SALITANG MGA FILIPINO BAHAGI NG


MANOBO SA SALITANG PANANALITA
ESPERANZA MANOBO SA
BUNAWAN

1. maduot maduot pangit Pang-uri


2. maaslag maaslag malaki Pang-uri
3. atuyo maintok maliit Pang-uri
4. madagway madujow maganda Pang-uri
5. mahagsay bu otan mabait Pang-uri
6. mabis-ay matulin matulin Pang-uri
7. malayat matikang matangkad Pang-uri
8. pagang mahinuy mahinhin Pang-uri
9. kunog-ato haedukan duwag Pang-uri
10. malinaw malinuw payapa Pang-uri
11. matam-is matam-is matamis Pang-uri
12. sinaw mahamis makinis Pang-uri
13. wada pobre mahirap Pang-uri
mahimo

Ang mga salitang nasa Talahanayan 3 ay iilan lamang sa mga salita na may
kayariang leksikal na Pang-uri. Ang pang-uri ay isang bahagi ng pananalita na
nagbibigay turing sa isang pangngalan o panghalip. Ang mga pinakakinikilalang mga
pang-uri ay iyong mga salita katulad ng malaki, matanda at nakakapagod na
sinasalarawan ang mga tao, mga lugar, o mga bagay.

Mapapansin natin mula sa talahanayan na ang bawat salita ay nakaklasipika


sa dalawang wika. Mula sa wikang Manobo ay isinalin naman sa wikang Filipino.
Mapapansin din na may mga salitang nakabold at ang iba naman ay hindi. Ang mga
salitang nakabold ay yaong mga salitang magkakatulad sa pagbigkas at pagbaybay
kahit pa man ay magkaiba ang lugar na pinanggalingan ngunit gumagamit ng
parehong wika. Halimbawa, ang salitang maduot na may salin na pangit sa wikang
Filipino, maaslag na may salin na malaki sa wikang Filipino at matam-is na may
salin na matamis sa wikang Filipino.

Makikita naman na ang ibang salita na hindi nakabold ay yaong mga salita
na talagang magkakaiba ang bigkas at spelling ngunit pareho lamang ang mga
kahulugan, halimbawa nito ay ang mga salitang atuyo at maintok na
nangangahulugang maliit sa wikang Filipino at iba pa.Makikita rin na ang iilan sa
mga salita ay nagkakaiba lamang sa ponemang /a/ at /u/ tulad ng mga salitang
malinaw at malinuw na may salin na payapa sa wikang Filipino.

Talahanayan 4. Mga Salitang Panghalip

MGA MGA SALITANG FILIPINO BAHAGI NG


SALITANG MANOBO SA PANANALITA
MANOBO SA BUNAWAN
ESPERANZA

1. kanay kanay akin Panghalip


2. siak siak ako Panghalip
3. kandin kandin siya Panghalip
4. siki kanami kami Panghalip
5. sidan kandan sila Panghalip
6. sae sei ito Panghalip
7. sikaw ikuw ikaw Panghalip
8. tibo ita tayo Panghalip
9. sayan sύja iyan Panghalip
10. sa ya utsa iyon Panghalip
11. nukoy intawa sino Panghalip

Ang mga salitang nasa Talahanayan 4 ay iilan lamang sa mga salita na may
kayariang leksikal na Panghalip. Ang panghalip ay mga salitang humahalili sa
ngalan ng tao, bagay, pook o lugar.
Makikita mula sa talahanayan na ang bawat salita ay nakaklasipika sa
dalawang wika. Mula sa wikang Manobo ay isinalin naman sa wikang Filipino.
Mapapansin na may mga salitang nakabold at ang iba naman ay hindi. Ang mga
salitang nakabold ay yaong mga salitang magkakatulad sa pagbigkas at pagbaybay
kahit pa man ay magkaiba ang lugar na pinanggalingan ngunit gumagamit ng
parehong wika. Halimbawa, ang mga salitang kanay na nangangahulugang akin sa
wikang FIlipino, ang salitang siak na may salin na ako sa wikang Filipino at kandin
na may salin na siya sa wikang Filipino.
Ang mga salita naman na hindi nakabold ay yaong mga salita na talagang
magkakaiba ang bigkas at spelling ngunit pareho lamang ang mga kahulugan tulad
ng mga salitang siki at kanami na may salin na siya sa wikang Filipino, sidan at
kandan na nangangahulugang sila sa wikang Filipino at ang iba pang salita na
makikita sa talahanayan.

Talahanayan 5. Mga Salitang Pang-abay

MGA SALITANG MGA SALITANG FILIPINO BAHAGI NG


MANOBO SA MANOBO SA PANANALITA
ESPERANZA BUNAWAN

1. aldaw-aldaw aedow-aedow araw-araw Pang-abay


2. iman kuntuon ngayon Pang-abay
3. daluman madukilum gabi Pang-abay
4. madakul madugi marami Pang-abay
5. huo huo oo Pang-abay
6. mabis-ay maagbot mabilis Pang-abay
7. kaasim kasaem bukas Pang-abay
8. sikuna gayud rin/din Pang-abay
9. su-edaw diya una Noon Pang-abay
Ang mga salitang nasa Talahanayan 5 ay iilan lamang sa mga salita na may
kayariang leksikal na Pang-abay. Ang pang-abay ay mga salitang nagbibigay-turing
sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay.

Makikita mula sa talahanayan na ang bawat salita ay nakaklasipika sa


dalawang wika. Mula sa wikang Manobo ay isinalin naman sa wikang Filipino.
Mapapansin na may mga salitang nakabold at ang iba naman ay hindi. Ang mga
salitang nakabold ay yaong mga salitang magkakatulad sa pagbigkas at pagbaybay
kahit pa man ay magkaiba ang lugar na pinanggalingan ngunit gumagamit ng
parehong wika. Halimbawa, ang salitang huo na may salin na ou sa wikang Filipino.

Ang mga salita naman na hindi nakabold ay yaong mga salita na talagang
magkakaiba ang bigkas at spelling ngunit pareho lamang ang mga kahulugan tulad
ng mga pang-abay na pamanahon na aldaw-aldaw at aedow-aedow na may salin
na araw-araw sa wikang Filipino, salitang iman at kuntuon na parehong
nangangahulugang ngayon sa wikang Filipino at iba pang salita na makikita sa
talahanayan.

Mapapansin ang ibang terminolohiya na makikita sa talahanayan mula sa


wikang Manobo sa Esperanza at Bunawan na kahit pa iisa ang wikang ginagamit ay
may pagkakaiba pa rin ayon sa anyo at pagbigkas batay sa lugar na
pinanggagalingan ng mga ito. Masasabing isa sa paktor nito ay ang heograpikal na
dimensyon at iba pang paktor tulad ng impluwensya ng ibang wika sa wikang
Manobo lalo na sa lungsod ng Esperanza. Halimbawa nito ay ang mga salitang
amay at inay na nangangahulugang ama at ina, ang mga salitang ito ay napabilang
at ginagamit ng mga pangkat ng Higaonon sa Esperanza, maging ang salitang
wahig na may salin na tubig sa wikang Filipino, tiduga ibig sabihin ay tulog,
lampay na plato sa wikang Filipino, madagway na ibig sabihin maganda at
daluman na gabi sa wikang Filipino. Malinaw na ang wikang Manobo sa lungsod ng
Esperanza at wikang Manobo sa lungsod ng Bunawan ay kakikitaan ng Varyasyong
Leksikal.

Referensya
Baterina, L. (2017): Varyasyong Leksikal ng mga Wikaing Bagobo -Tagabawa,
Giangan at OboManobo ng Lungsod Davao: Pokus sa Dimensyong Heyograpikal,
retrieved from
https://www.msuiit.edu.ph/academics/colleges/cass/research/langkit/2017/Article
%204.pdf

Sinoy, J. (2017): Pag-aaral sa Wikang Subanen, retrieved from


https://jmsinoy.blogspot.com/2016/12/pag-aaral-sa-wikang-subanen.html?
m=1&fbclid=IwAR0a2MsMlqZoSV_nelpI6r2d6yDywUI6smJk4VsNmwUk-
x8s8_iumFCuj1w

Macatabon, R. & Calibayan, M. L. (2016), Varayti at Varyasyon ng Wikang B’laan sa


Bacong, Tulunan, Hilagang Cotabato atLampitak, Tampakan, Timog Cotabato,
Philippines. Asia Pacific Journal of Multidisciplinary Research, APJMR ,Vol. 4, No. 3
retrieved from
https://www.academia.edu/41957738/Varayti_at_Varyasyon_ng_Wikang_Blaan_sa_
Bacong_Tulunan_Hilagang_Cotabato_at_Lampitak_Tampakan_Timog_Cotabato_P
hilippines

Pasion, R. (2014). Varyasyog Leksikal ng mga Dayalektong Mandaya. retrieved


from https://oaji.net/articles/2014/1543-1418707692.pdf

Drapeza, Hanna & Reyes, Aubrey. (2021). Pagsipat sa mga salik na


nakaimpluwensiya sa varayti at varyasyong leksikal sa wikang Chabacano ng
lungsod Zamboanga. International Journal of Research Studies in Education. 10.
10.5861/ijrse.2021.21614.

https://www.coursehero.com/file/60615088/Manobodocx/

http://educfilipino-waltzsarquial12.blogspot.com/2015/08/ang-wika.html

https://rmn.ph/mga-wikang-namamatay-o-dying-language-sa-bansa-sinusubukang-
isalba-ng-komisyon-sa-wikang-filipino/

You might also like