Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Surigao del Sur State University


Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300

VARAYTI NG MGA WIKA SA PROBINSYA NG SURIGAO DEL SUR

Isang Pananaliksik na inihanda kay

DR. MEDELYN MONTENEGRO

Profesor

Bilang pagtupad sa pambahaging pangangailangan sa asignaturang

Pagsasaling Wika - MAFLT 206

Ni:

Corvera Luz Marie A.

INTRODUKSYON
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300

Ang wika ang siyang nagdudugtong sa ating lahat. Ito ang instrumento upang

magkaintidihan tayo. Mula sa pagkamulat natin sa mundong ito, wika na ang siyang

nagbihis at bumubuhay sa atin, ito ang pangunahing kasangkapan ng ating

pakikisalamuha sa iba’t ibang tao sa lipunan, bawat bigkas ng salita ay katumbas na ito

ng ating buhay, hindi maitatatwa na nag kaloob na ito ay siyang namumukod tangi sa

lahat ng bagay, ito ang instrumentong kagamitan ng tao sa bawat araw ng pamumuhay.

Ang bansang Pilipinas ay isang bansang multilingwal at binubuo ng

etnolingwistikong pangkat. Nakatala sa Ethnologue: Languages of the World (Online

Version) na may isandaan at walumpu’t anim (186) indibidwal na wika ng Pilipinas.

Bawat pangkat mula Luzon, Visayas at Mindanao ay may mga wikang ginagamit sa

pang-araw-araw na pamumuhay at pakikipagtalastasan (Pamaus, et al, 2016). Kaya ay

hindi maipagkakaila na nag bawat lugar sa Mindanao ay may iba’t ibang wikaing

sinasalita, isa na dito ang Lalawigan ng Surigao del Sur. Marami ang wikain sa

Lalawigan ng Surigao del Sur kaya ay may mga taong naguguluhan at hindi

maintindihan kung anong mga kahulugan ng bawat binabanggit at sinasalita sa

lalawiganin at kung saan ito napapabilang na lugar. Ito ang humihikayat sa mga

mananaliksik na pag-aralan kung ano nag iba’t ibang varayti ng wika na ginagamit sa

Surigao del Sur. Ang lalawiganin ay may iba’t ibang wikain iilan na dito ay ang

Cantilangnun ng Cantilan, Tandaganun ng Tandag, Kamayo ng Marihatag at

Sebuanong Bisaya ng Bislig. Ayon sa Varayti ng Wika ni Hall (2004), ang iba’t ibang

particular na kultura ay may tiyak na mga posisyon sa paksa na isinasagawa ng mga


Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300

nagsasalita sa pamamagitan ng wika. Bagaman ang larangan ay hindi nakasalalay s

labis na terminong pagkakakilanlan mismo, ang pag-aaral na ito ay nagpapakilala ng

ilan sa mga pinakamahalagang mga pagpapaunlad sa bagong tradisyon ng

pananaliksik sa antropolohiko ng wika at pagkakakilanlan.

Tutukuyin ng pag-aaral na ito ang mga salita na ginagamit ng mga mamamayan

ng ilang piling Lungsod ng sa Surigao del Sur na siyang isasalin sa wikang Filipino

upang madaling maintindihan, ipapabatid sa mga tao ang makukulay na mga salita na

ginagamit ng ilang mamamayan sa lalawigan, at may matutunan mula sa kanila.

Dagdag pa, dahil ito ay nakapaloob sa ating kultura’t lipunan na dapat ipagmalaki sa

lahat na siya nating panatilihin at huwag kalimutan ang salitang kinagisnan na humubog

sa ating pagkatao.

Inaasahang maipakita ng pananaliksik na ito kung gaano kahalaga ang wikang

ating kinagisnan sa ating lipunan na siyang hindi dapat ikahiya higit kanino man,

maiparating kung gaano kaganda ang wikang ipinamana ng mga ninuno dahil bawat

salita ay katumbas ng ating buhay at upang maiwasan ang posibilidad ng pagkawala ng

etnikong pagkakakilanlan ng mga wikain ng Cantilangnun, Tandaganun, Kamayo at

Sebuanong Binisaya sa Surigao del Sur. Maaari itong gamiting pantulong sa

pananaliksik pangwika bilang karagdagan impormasyon sa ating lipunan, sa mga guro,

mga mag-aara, mga magulang at sa lahat ng mamamayan ng Surigao del Sur.

METODOLOHIYA
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay ginamitan ng desinyong kawalitatib, gumamit ng mga

sagutang papel para sa sarbey at ang pamamaraan na ginamit ay deskriptibo sapagkat

ito ay tumatalakay sa pagbibigay ng katutuhanan kung paano ginamit ang mga wikaing

Cantilangnun, Tandaganun, Kamayo at Sebuanong Binisaya.

Populasyon

Ang pag-aaral ng mananaliksik ay nakatuon sa mga lugar ng lalawiganin ng

Surigao del Sur. Sa lugar ng Cantilan sa Baranggay ng Parang, Tandag sa Baranggay

ng Bongtud, Lungsod ng Marihatag at Bislig sa Baranggay ng Mangagoy. Sa bawat

lugar ay may sampung (10) respondente kung saan manggagaling ang mga

impormasyong nakalap.

Mga Respondente

Ang sampung (10) respondenteng napili sa bawat lugar ay taal sa bawat

dayalekto ng Cantilan sa Baranggay ng Parang, Tandag sa Baranggay ng Bongtud,

Marihatag sa Baranggay ng Mararag, at Bislig sa Baranggay ng Mangagoy. Sampung

taon o mahigit na naninirahan sa nasabing lugar.

Instrumento ng Pananaliksik
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300

Ang paraan ng mananaliksik na ginamit sa pag-aaral ay ang pakikipanayam

gamit ang mga talatanungang papel na naglalaman ng mga salitang isasalin sa

dayalekto ng bawat kalahok ayon sa lugar kung saan sila kabilang.

Pamamaraan ng Pagkalap ng Datos

Ang mga datos na nalikom mula sa Cantilangnun, Tandaganun, Kamayo at

Sebuanong Binisaya ay isasalin sa Wikang Filipino. Ang mga tuntunin ay alamin kung

mayroong varyasyong leksikal at nagsasalita ng isang salita na nagbabago ng

ekslusibo sa bawat kataga ayon sa panggalan, pang-uri at pandiwa.

RESULTA AT DISKUSYON

Talahanayan 1. Ang mga wikain sa Cantilangnun, Tandaganun, Kamayo at Sebuanong

Binisaya ayon sa:

Talahanayan 1.1 Pangngalan

Cantilangnun Tandaganun Kamayo Sebuanong Binisaya

Tao

tatay tatay ama amahan

asawa asawa asawa asawa

iyaan Iya-an iyaan iyaan

babaji babayi bubay babae

Hayop
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300

ayas haas haas bitin

ido ido ido iro

baboy baboy baboy baboy

baboy ihayas baboy-ihaas baboy-ihaas baboy-ihaas

itik pato pato pato

Bagay

bintilador eliktrikpan eliktrikpan bintilador

baro blawos blawos blaws

kyaha kaha karaha kaha

haboy habol habol habol

lampot lamping lamping lampin

Sa kategorya ng tao, hayop at bagay na binubuo ng tiglilimang salitang

pangngalan, ang karaniwang salitang ginagamit ng Cantilangnun, Tandaganun,

Kamayo at Cebuano ay halos magkapareho ang salita ng apat na dayalekto. Makikita

sa pinakaunang bahagi sa talahanayan 1.1, magkapareho ng katawagan at ang

kahulugan tulad ng pangngalan ng tao ang “asawa” na ibig sabihin ay asawa rin sa

Filipino. May mga salita na nagkakaiba ang iisang titik tulad ng salitang “babaji”,

“babaye”, “babae” na ang ibig sabihin ay babae ngunit sa isang lugar ay “bubay” naman

ang tawag dito. Ang iba namang salita ay nagkakaiba lamang sa ddin at bigkas ng

salita tulad ng ‘iyaan” ana ang ibig sabihin ayt tiyahin. Gayundin ang mga salitang gamit
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300

sa pagkilala ng bagay at lugar/pook. May mga bagay na naiiba din ang bigkas dahil sa

iisang titik lamang tulad ng “habol” at “haboy” ibig sabihin ay kumot. Ang malaking

pagkakaiba ng wika ay ang pagkabigkas nito ayon sa kung saan ang isang impormante

nabibilang na lugar.

Talahanayan 1.2 Pandiwa

Cantilangnun Tandaganun Kamayo Sebuanong Binisaya

basa basa basa Basa

langoy langoy langoy langoy

tuyog turog turog tulog

huyat huwat tagad hulat

Sa pandiwa, may mga salitang magkapareho ang terminolohiya sa bawat lugar

tulad ng “basa” ibig sabihin ay basa at “langoy” ibig sabihin ay langoy. Meron din mga

salita na pinalitan ang titik ngunit pareho lang din ang kahulugan tulad ng turog na kung

papalitan ang titik “r” ng “y” at “l” ay magiging “tuyog” at “tulog” kung saan ito ay

nangangahulugang tulog sa Filipino. May apat na terminolohiya din ang ginamit sa

iisang salita tulad ng salitang “huwat’ sa Tandaganun, “huyat” sa Cantilangnun, “tagad”

sa Kamayo at “hulat sa Sebuanong Bisaya.

Talahanayan 1.3 Pang-uri

Cantilangnun Tandaganun Kamayo Sebuanong Binisaya


Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300

buotan
buotan buotan buotan
sabaan sabaan sabaan tabian

nagkabero gakabido yaguol Magul-anon

malipajon malipayon malipayon malipayon

Ang limang salitang pang-uri na nakalap mula sa iba’t ibang wikain kadalasan

pareho ang salitang gamit at pareho rin ang pakahulugan ng ilang salita tulad ng

“buotan” na ang ibig sabihin ay mabait. Ang iba naman ay di pareho ng salita ngunit iisa

lang ang pakahulugan nito tulad ng “sabaan o tabian” ibig sabihin ay madaldal, ang

“nagkabero, gakabido, yagool, magul-anon” ang ibig sabihin ay malungkot. Meron ding

mga salita na pinalitan ng titik ngunit pareho lang din ng kahulugan tulad ng “malipajon”

na kung papalitan ng titik “y” ay magiging “malipayon’ na ang ibig sabihin ay masaya.

Talahanayan 2. Salin sa Filipino ng mga Wikain sa Surigao del Sur

Talahanayan 2.1 Pangngalan

Sebuanong
Filipino Cantilangnun Tandaganun Kamayo
Binisaya

Tao

ama tatay tatay ama amahan


Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300

asawa asawa asawa asawa asawa

tiyahin iyaan Iya-an iyaan iyaan

babae babaji babayi bubay babae

Hayop

Ahas ayas haas haas bitin

Aso ido ido ido iro

Baboy baboy baboy baboy baboy

Baboy
baboy ihayas baboy-ihaas baboy-ihaas baboy-ihaas
ramo

Bebe itik pato pato pato

Bagay

Bintilador bintilador eliktrikpan eliktrikpan bintilador

Blusa baro blawos blawos blaws

Kawali kyaha kaha karaha kaha

Kumot haboy habol habol habol

Lampin lampot lamping lamping lampin

Talahanayan 2.1 Pandiwa


Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300

Sebuanong
Filipino Cantilangnun Tandaganun Kamayo
Binisaya

Basa basa basa basa Basa

Langoy langoy langoy langoy langoy

Tulog tuyog turog turog tulog

hintay huyat huwat tagad hulat

Talahanayan 2.3 Pang-uri

Sebuanong
Filipino Cantilangnun Tandaganun Kamayo
Binisaya

Mabait buotan
buotan buotan buotan
Madaldal sabaan sabaan sabaan tabian

Malungkot nagkabero gakabido yaguol Magul-anon

masayahin malipajon malipayon malipayon malipayon

Dito natin makikita sa tatlong talahanayang ito amg pagsasalin ng lahat ng mga

salita tungo sa wikang Filipino. Nakapaloob dito ang ang mga salitang pangngalan,

pandiwa, at pang-uri na wikain ng Surigao del Sur na nakalap ng mananaliksik kung

saan ay karaniwang ginagamit sa araw-araw na pamumuhay ng mga mamamayan sa

lugar ng Cantilan, Tandag, Marihatag at Bislig.


Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300

REFERENSYA

Austero, Cecilia A., et, al. 2009. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. 200
CINSILAY, Pasig City, UNLAD Publishing House
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300

Batnag, Aurora A., Petras Jayson D. 2009. Teksbuk sa Pagsasalin.Manila.C&E


Publishing,Inc.
Constantino, P.C. (1993). Varayti at Varyasyon ng Wika:Historya, Teorya at
Praktika, Minanga, Sentro ng Wikang Filipino, UP, Quezon City.
Espinosa, S. (2000). Ethnicity and Kinsip in Filipino Centennial Novels. Retrieved
February 8, 2016 from http://kyotereview.Org/issue-89/ethnicity-and-kinship-in-
filipinoCentennial-novels

You might also like