Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Surigao del Sur State University


Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL

Pangalan: Corvera, Luz Marie A. MFLT 210

MGA SIMULAIN SA PAGTUTURO NG PANITIKAN

PAGTUTURO NG PANITIKAN SA BATAYANG EDUKASYON

A. May malaking bagay na nagagawa ang paraan ng pag-aaral at pagtuturo ng


panitikan sa ating mga paaralan.

B. Hinayaan nating magdaos ng paligsahan ang mga mag-aaral sa pagsasaulo


ng nilalaman ng panitikan.

C. Naging maluwag tayo sa pagsasabing “magaling” sa sinumang makasasagot


ng mga tanong na ang simula ay Sino, Ano, Alin, Kailan, Saan tungkol sa
itinakdang aralin sa panitikan.
D. Hindi tumutugon sa tunay na kalikasan ng panitikan ang karaniwang pag-
aaral nito. Sa pag-aaral ng isang akdang pampanitikan, malimit nang sinasabi
ng guro kung ano ang makikita at madarama sa akda. Ang tungkulin niya na
iparanas sa mga mag-aaral ang kabuuan ng akda ay tuluyan nang
kinalilimutan.

(BADAYOS, 1998)

Marahil, iyon kasi ang turo ng kanilang cooperative teacher o iyon ang
nakagawian nila sa elementarya at hayskul. Kaya naman ang mga akda ay binabasa
para lamang alamin ang mga aral na mapupulot dito.

Ano ang implikasyon ng prosesong ito?

Ibig sabihin lamang nito na ang pagtuturo ng panitikan sa mataas na paaralan ay


kailangan maging INTERAKTIB at KOLABORATIB

1. GURO
2. mga mag-aaral
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL

3. mag-aaral sa kapwa mag-aaral


4. mag-aaral sa teksto
5. mag-aaral sa komunidad.

Ang proseso ng pagtuturo-pagkatuto ay hindi na rin monopolisado ng guro.


Wika nga ni Garcia (2003), nalipasan ka na ng panahon kung laging ikaw ang bida
sa iyong klase. Ang prinsipyong ito, ayon pa rin kay Garcia, ay nakabatay sa mga
sumusunod na paniniwala.

1. Hindi monopolisado ng guro ang karunungan at kaalaman.

2. Ang estudyante ay isang nilikhang nag-iisip at nagsasaliksik, kung kaya’t


may nalalamang hindi natin alam.

3. May malaking bagay na nawawala kung aariin nating ganap ang mga
kaalamang lagpas sa ating pinag-aralan o espesyalisasyon.

payo ni Garcia (2003): Tulad ng isang tunay na artista, nararapat lamang na


gumanap tayo ng iba’t ibang papel sa loob ng klasrum upang bigyang-hamon hindi
lamang ang ating mga sarili kundi (upang) mabigyan din ng ibang perspektib ang
ating mga estudyante

Paano ito isasagawa sa klasrum?

Matalinong pagpili ng estratehiya ang sagot dito. Ang kailangan lamang ay pagpili ng
angkop na mga estratehiya sa isang partikular na akda at paggamit ng barayti ng
mga ito upang ang klase sa panitikan ay hindi maging kabagut-bagot at labis na
prediktabol sa mga mag-aaral.

Isa pang kapansin-pansing katangian ng inilahad na proseso ay ang paglalapat ng


tiyak na teoryang pampanitikan sa bawat akdang tatalakayin sa klase.

Antas na pagsusuri:

1. Pagsusuring panlinggwistika
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL

ibabatay sa mga tiyak na elementong ponemiko tulad ng sukat/tugma, pag-uulit


ng mga salitang pantig, letra, onomatopeya.

 masusuri ang akda batay sa mga ibig sabihin ng salita (pamimili ng salita,
pahiwatig ng kapangyarihan ng salita, pag-aagawan ng kahulugan ng salita,
etimolodyi ng salita

 batay sa pagkakabuo ng mga pangungusap (haba, ikli, pag-uulit, pagbabagu-


bago).

 Sa pagtalakay naman ng akda sa aspektong pagsusuring pangnilalaman,


susuriin ang akda batay sa mga nais sabihin nito, sa mga tiyak na tradisyunal
na elemento, pagtukoy sa bisa ng akda sa lipunan (kamalayang panlipunan).

 Sa pagsusuring pampanitikan, ang akda ay susuriin batay sa mga tiyak na


teorya, pamantayan sa pamumuna, katawagang pamapanitikan at ugnayan at
pagkakaayos ng mga tiyak na elemento ng akda.

Paano nga ba natin mapabubuti ang pagtuturo ng panitikan nang sa gayo’y


kawilihan ng mga mag-aaral ang pag-aaral na ito?

Anu-ano nga ba ang mga katangiang dapat taglayin ng guro ng panitikan?

Pangangailangan upang maging epektibong guro ng panitikan:

1. Pang-unawa,

2. Puso,

3. Pagkamalikhain,

4. Sensitibiti,

5. Kahandaan.

…Walang magaling at mahusay na pamaraan sa isang gurong hindi


nakakaunawang lubos ng paraang ginagamit… Guro at guro pa rin ang dapat
magpakadalubhasa sa pamamaraan upang makinabang ang mga mag-aaral.
Republic of the Philippines
Surigao del Sur State University
Rosario, Tandag City, Surigao del Sur 8300
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
GRADUATE SCHOOL

Ganito ang sinabi ni Natividad (Binanggit ni Padolina, 2001) kaugnay sa


unang pangangailangan

Hindi natin maituturo ang panitikan sa pamamagitan ng labi lamang, dapat tayong
magkaroon ng isang pusong nakauunawa upang makayang pakahulugan ang mga
damdamin ng may-akda, ang kanyang hinagpis at kaligayahan, isang pusong
maaaring makatarok sa lalim ng kawalang pag-asa sa mga taludtod ng isang
makata,

masilip ang nakatambad na daigdig ng kagandahan at kapangitan nang buong


kaluwalhatian at pagkilala, maunawaan ang kahulugan ng isang hungkag na
tagumpay, ang pamumulaklak ng isang pag-ibig at ang mabilis na paglipas nito.
Kailangan natin ang puso upang malaman at mapahalagahan ang lahat ng ito.
Dapat tayong makinig sa pintig ng karunungan ng puso.

Kaugnay ng ikalawang pangangailangan, ganito ang sinabi ni Simbulan


(1998):

… huwag pa rin nating kalilimutan ang pagiging malikhain. Isang pambihirang


katangian ng guro ang pagiging malikhain. Ito’ isang katangiang dapat taglayin ng
bawat guro upang ang pagtuturo at pagkatuto ay maging magaan, mabilis,
makahulugan, mabisa at kasiya-siya.

Ganito naman ang sinabi ni Badayos (1998) kaugnay ng ikatlong


pangangailangan:

… hindi totoong ganoon lamang kadali ang magturo ng panitikan. Kung kinikilala
natin ang panitikan ay buhay, aba naman, huwag tayong manira ng buhay sa
pamamagitan ng maling pagpapakilala nito sa ating mga tinuturuan. Maging sensitib
at handa muna [tayo] bago [natin] salungatin ang agos ng buhay!

You might also like