AP3-Q1-Module4 - Katangian NG Mga Lalawigan Sa Rehiyon

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 33

3

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 4:
Katangian ng mga Lalawigan
sa Rehiyon
Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 4: Katangian ng mga Lalawigan sa Rehiyon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Nanette Paniza Escalona
Editor: Ma. Vanessa M. Cariaso, Aljune J. Castillo, Martiniano D. Buising
Tagasuri: Freddie Rey R. Ramirez, Marlou G. Roderos
Tagaguhit: Lilibeth M. Jimenez
Tagalapat: Laiza L. Madrigal
Tagapamahala: Benjamin D. Paragas, CESO V
Mariflor B. Musa
Freddie Rey R. Ramirez
Florina L. Madrid
Norman F. Magsino
Marlou G. Roderos

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA

Office Address: Meralco Avenue, corner St. Paul Road, Pasig City
____________________________________________
Telefax: (02) 8631-4070
____________________________________________
E-mail Address: mimaropa.region@deped.gov.ph
____________________________________________
3

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 4:
Katangian ng mga Lalawigan
sa Rehiyon
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 3
ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling
Katangian ng mga Lalawigan sa Rehiyon.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri
ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral
sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-
aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral Kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan, Baitang 3 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Katangian ng
mga Lalawigan sa Rehiyon.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo


Alamin ang mga dapat mong
matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita


natin kung ano na ang kaalaman
mo sa aralin ng modyul. Kung
Subukin nakuha mo ang lahat ng tamang
sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng
modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o
balik-aral upang matulungan
Balikan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong
aralin ay ipakikilala sa iyo sa
Tuklasin maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

iii
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Suriin Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing


para sa mapatnubay at
malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-
Pagyamanin unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa
huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga


katanungan o pupunan ang
Isaisip patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung
anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang
Isagawa maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong


matasa o masukat ang antas ng
Tayahin pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

iv
Sa bahaging ito, may ibibigay sa
iyong panibagong gawain
Karaagdagang
Gawain upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang


Susi ng Pagwawasto sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

v
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin

Isang masayang araw ng pag-aaral sa iyo!


Binabati kita sapagkat ikaw ay maraming natutuhan sa mga
naunang modyul ng unang markahan sa asignaturang Araling
Panlipunan 3. Ngayon ikaw ay nasa ikaapat na modyul para sa
nasabing asignatura. Sa mga naunang modyul ay natutuhan mo
ang mga simbolo at mapa, kinalalagyan ng mga lalawigan sa
rehiyon batay sa direksiyon at nalaman mo rin ang mga
relatibong lokasyon ng mga lalawigan sa rehiyon.
Sa araling ito, aalamin mo ang katangian ng mga lalawigan
sa rehiyon. Tatalakayin din ang mga impormasyon ng sariling
lalawigan at rehiyon upang higit na maunawaan ang iyong
kultura at kasaysayan. Makatutulong din ito upang mas
maliwanag ang iyong paghahambing ng mga lalawigan.

Sa araling ito, ikaw ay inaasahang:

1. matutukoy ang mga katangian ng lalawigan sa sariling rehiyon


batay sa kanilang mga lokasyon, direksiyon, laki, at kaanyuan;
2. mailalarawan ang sariling lalawigan at ang mga karatig nitong
lalawigan sa rehiyon; at
3. maihahambing ang mga lalawigan sa sariling rehiyon ayon sa
mga nabanggit na katangian nito.

Handa ka na ba? Tara na at lakbayin ang daan patungo sa


karunungan!
Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong tungkol sa mga


katangian ng mga lalawigan sa rehiyon ang bawat bilang. Piliin
ang titik ng wastong sagot at isulat sa iyong kuwaderno.

1. Ano ang kabisera ng Oriental Mindoro?


A. Lungsod ng Puerto Princesa C. San Jose
B. Lungsod ng Calapan D. Mamburao

2. Ilang lalawigan at lungsod ang bumubuo sa Rehiyong


MIMAROPA?
A. limang lalawigan at isang lungsod
B. tatlong lalawigan at apat na lungsod
C. limang lalawigan at dalawang lungsod
D. apat na lalawigan at dalawang lungsod

3. Bakit natatangi ang rehiyong MIMAROPA?


A. sapagkat wala itong katabing kalupaan na
nasasakupan ng ibang rehiyon
B. sapagkat marami itong katabing kalupaan na
nasasakupan ng ibang rehiyon
C. sapagkat may lima itong katabing kalupaan na
nasasakupan ng ibang rehiyon
D. sapagkat wala itong katabing karagatan na
nasasakupan ng ibang rehiyon
4. Ikaw ay mag-aaral sa ikatlong baitang at inatasan ka ng iyong
guro na mangalap ng impormasyon tungkol sa iyong lalawigan.
Paano mo ito isasagawa?
A. Makikiusap sa kaklase na matulad ang kanyang sagot.
B. Manonood at makikinig ng balita upang makakalap ng
datos.
C. Itatala lamang ang datos na makakalap sa abot ng
makakaya.
D. Kapapanayamin ang taong makapagbibigay ng
wastong impormasyon tulad ng mga opisyal ng
barangay.

5. Sa iyong kakayahan bilang isang mag-aaral, paano mo kaya


maisalalarawan ang katangian ng mga lalawigan ng iyong
rehiyon?
A. Magbabasa ng mga kuwentong pambata
B. Magtatanong sa mas nakababatang kapatid.
C. Makikinig sa mga kwento mula sa kapuwa mag-aaral
D. Pag- aaralan at aalamin ang mga katangian ng
lalawigan sa sariling rehiyon batay sa direksiyon, lokasyon,
laki, at anyo.
Aralin Katangian ng mga
1 Lalawigan sa Rehiyon

Ang iba’t ibang lalawigan sa ating rehiyon ay may kaniya-


kaniyang katangian batay sa direksiyon, lokasyon, laki, at
kaanyuan. Mas madaling mailarawan ang lalawigang
kinabibilangan at mga karatig nito kung may sapat na kalaman
sa topograpiya nito.

Balikan

Sa natutuhang aralin, naranasan ninyong ilarawan ang


kinaroroonan ng inyong lalawigan at maging ang mga karatig na
lalawigan nito sa mapa gamit ang mga pangunahin at
pangalawang direksiyon. Ito ay isang paraan upang malaman
ang mga direksiyon na matukoy ang kinalalagyan ng mga lugar.
Ang mga kaalamang natutuhan ninyo ay magdadala sa inyo
nang mas malalim na pagkatuto upang higit na maunawaan
ang mga katangian ng mga lalawigan sa rehiyon.
Suriin at unawain ang mapa ng MIMAROPA. Sagutin ang
sumusunod na tanong tungkol sa kinalalagyan ng mga lalawigan.
Isulat sa iyong kuwaderno ang wastong sagot.
Pagmasdan mo ang mapa ng Rehiyong MIMAROPA.

1. Anong mga lalawigan ang nasa hilagang-kanluran ng


Romblon?
________________________________________________________
2. Anong lalawigan ang nasa kanluran ng Oriental Mindoro?
________________________________________________________
3. Anong lalawigan ang nasa timog-kanluran ng Mindoro?
________________________________________________________
4. Anong mga lalawigan ang nasa timog-silangan ng Mindoro?
________________________________________________________
5. Anong lalawigan ang nasa silangan ng Oriental Mindoro?
________________________________________________________
Mga Tala para sa Guro
Ang modyul na ito ay siyang magiging paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral upang mas maunawaan
niya at maihambing ang katangian ng lalawigan
at mga karatig nito na bumubuo sa Rehiyong
MIMAROPA.

Tuklasin

ANG AKING REHIYON


ni: Nanette Paniza- Escalona
Tono: Leron, Leron Sinta
(Awitin ito gamit ang himig ng Leron, Leron Sinta)

Ang aking rehiyon


Ngala`y MIMAROPA
Lalawigan ay lima
Tunay na pinagpala
Ang lungsod ay dalawa
Parehong kilala
Lungsod ng Calapan at
Puerto Princesa
Mindoro Oriental at ang Occidental
Marinduque, Romblon
Pati na Palawan
Bawat lalawigan
Direksiyon, lokasyon, laki’t kaanyuan

1. Ano ang rehiyong iyong kinabibilangan?


________________________________________________________________
2. Ano-anong lalawigan ang bumubuo rito?
________________________________________________________________
3. Ilang lungsod ang bumubuo sa rehiyong ito?
________________________________________________________________
4. Ano-anong katangian mayroon ang bawat lalawigan sa
rehiyon?
________________________________________________________________
Suriin

May limang lalawigan na bumubuo sa Rehiyong


MIMAROPA. Ito ay ang mga lalawigan ng Oriental Mindoro,
Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan.
Natatangi ang rehiyong ito sapagkat wala itong katabing
kalupaan na nasasakupan ng ibang rehiyon. Ang MIMAROPA ay
hango sa mga daglat na salita mula sa mga lalawigan na
nasasakupan nito.

Ang Southwestern Tagalog Region ay itinatag at kinilala


bilang MIMAROPA Region sa bisa ng Republic Act No. 1087 the
MIMAROPA ACT. Ito ay binubuo ng mga lalawigan ng Mindoro
Oriental, Mindoro Occidental, Marinduque, Romblon, at Palawan
at ng mga Lungsod ng Calapan at Puerto Princesa.

Ang ikapitong pinakamalaking pulo sa Pilipinas ay ang


lalawigan ng Mindoro. Matatagpuan ito sa timog-kanlurang Luzon
at hilagang-silangan ng Palawan. Ang pulong ito ay nahati
noong 1950 sa dalawang lalawigan, ang Occidental Mindoro at
Oriental Mindoro. Noong 1921, isang lalawigan lamang ang pulo
ng Mindoro.
Katangian ng mga Lalawigan sa Rehiyong Mimaropa
ORIENTAL MINDORO

Ang lalawigan ng Oriental Mindoro ay matatagpuan sa


timog- hilaga ng bansa. Ang Lungsod Calapan ang kabisera nito
at nasasakop ang silangang-kalahati ng pulo ng Mindoro. Sa
silangan ng lalawigan naroon ang dagat Sibuyan at Romblon. Sa
hilaga ay Batangas at pulo ng Verde. Samantalang ang mga
pulo ng Semirara ng Antique ay nasa timog nito.

Ang lalawigan ng Oriental Mindoro ay binubuo ng labing-


apat na bayan, isang lungsod, apat na daan at dalawampu’t
anim na barangay. Ito ay nahahati sa dalawang distrito.
Ikatatlumpo ito sa pinakamalalaking lalawigan na may kabuoang
sukat na 4 238.38 kilometro parisukat.
OCCIDENTAL MINDORO

Sa bisa ng Batas Republika Blg. 505 natamo ng lalawigan


noong 1950 ang ganap na pagsasarili mula sa kaniyang pagiging
bahagi ng Oriental Mindoro. Mamburao ang kapital nito at
sinasakop ang kanlurang-kalahati ng pulo ng Mindoro. Nasa
kanluran nito ang Timog Dagat Tsina, sa timog-kanluran ang
lalawigan ng Palawan at sa hilaga ang Batangas na nakahiwalay
sa pamamagitan ng daanan ng pulo ng Verde. Ito ay may
kabuoang sukat na 5 879.9 kilometro parisukat.

Ang lalawigang ito ay binubuo ng labing-isang bayan at


sandaan at animnapu’t apat na barangay kasama na ngayon
ang Naibuan ng San Jose at Santa Maria ng Abra de Ilog. Ito ay
isa sa dalawampu’t isa sa pinakamaliit na lalawigan sa bansa
batay sa populasyon.
MARINDUQUE

Ang lalawigan ng Marinduque ay isang isla sa kapuluan ng


Pilipinas. Ang kabisera nito ay ang bayan ng Boac na
nakahalayhay sa baybayin ng Tayabas sa hilaga at dagat ng
Sibuyan sa timog. Ito ay matatagpuan sa timog-kanluran ng
Quezon, silangan ng Oriental Mindoro at hilaga ng Romblon. Ang
Marinduque ay hugis-pusong anyong-lupa na matatagpuan
labing-isang milya mula sa isla ng Luzon. Ito ay may sukat na 370
milya kuwadrado at kilala bilang ikalabintatlong pinakamalaking
pulo sa bansa. Nakahiwalay ito sa Bondoc Peninsula ng Quezon
sa pamamagitan ng Mompong Pass.
Mayroon itong mga maliliit na isla sa timog-silangan tulad
ng isla ng Maniwaya, isla ng Sta. Cruz, at isla ng Mongpong. Ang
pinakamataas na bundok na matatagpuan dito ay ang Bundok
Malindig (dating bundok ng Marlanga), isang aktibong bulkan na
may taas na 1 157 metro. Sa kabuoan, ito ay mayroong anim na
bayan at dalawandaan at labingwalong barangay at may sukat
na 952.58 kilometro parisukat.

ROMBLON

Ang lalawigan ng Romblon ay binubuo ng maraming pulo


na matatagpuan sa Dagat Sibuyan (isang katubigang sakop ng
Romblon). Romblon din ang pangalan ng kabisera nito.
Nakahimlay ang lalawigang ito sa timog na bahagi ng
Marinduque at lalawigan ng Quezon, sa silangan nito ang
Mindoro, sa hilaga ang Aklan at kanluran ng Masbate.
Ayon sa senso, ang lalawigan ay pang labing-anim sa
pinakamaliit kung ang pagbabatayan ay populasyon. Ang
kabuoang sukat nito ay 1 355.9 kilometro parisukat at pang
labing-isa sa maliliit na pulo sa bansa. Nahahati sa labimpitong
munisipalidad ang Romblon at dalawang-daan at labinsiyam ang
kabuoang bilang ng barangay.

PALAWAN

Ang Palawan ang pinakamalaking lalawigan sa bansa base


sa laki ng kaniyang nasasakupan. Sa hilagang-silangan nito ay
ang lalawigan ng Occidental Mindoro at sa timog-kanluran ay
ang Borneo. Ito ay nakahalayhay sa pagitan ng dagat Timog
China at dagat ng Sulu. Ang pangalan nito ay hango sa
pinakamalaking isla ng Palawan na may sukat na 450 kilometro
pahaba at may luwang na limampung kilometro.
Ito ay binubuo ng mga mahahaba ngunit maliliit na pulo.
Ang Calamian Group of Islands na matatagpuan sa hilagang-
silangan nito ay binubuo ng Busuanga Island, Coron Island, at
Culion Island. Bahagi rin nito ang pinagkakaguluhang Spratly
Islands na matatagpuan sa halos mahigit isandaang kilometro
mula sa sentro patungo sa kanlurang bahagi nito. Kilala rin ito sa
tawag na Kalayaan Group of Islands. Matapos ang Digmaang
Pilipino-Amerikano ay idineklara ang Puerto Princesa bilang
kapital sa pamamagitan ng Philippine Commission Act No. 1363
noong 1903. Ito ay binubuo ng 367 barangay at dalawampu’t
tatlong mga bayan at may kabuoang sukat na 14 649.7 kilometro
parisukat.

Ngayong natutuhan mo na ang mga katangian ng bawat


lalawigan, basahing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang
tamang sagot sa iyong kuwaderno.

1. Ano ang kahulugan ng akronim na MIMAROPA?


A. Mindoro, Palawan, Romblon, at Marinduque
B. Mindoro, Romblon, Marinduque, at Palawan
C. Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan
D. Mindoro, Marinduque, Palawan, at Romblon

2. Ano ang pinakamalaking lalawigan sa bansa na kabilang sa


rehiyong MIMAROPA base sa laki ng kanyang nasasakupan?
A. Marinduque
B. Occidental Mindoro
C. Romblon
D. Palawan
3. Anong pulo sa Rehiyong MIMAROPA ang binubuo ng
dalawang lalawigan?
A. Mindoro C. Romblon
B. Marinduque D. Palawan

4. Batay sa senso, aling lalawigan sa rehiyong MIMAROPA ang


pang labing-anim sa pinakamaliit kung ang pagbabatayan ay
populasyon?
A. Palawan C. Romblon
B. Occidental Mindoro D. Marinduque

5. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng bawat lalawigan sa


iyong rehiyon?
A. lokasyon, direksiyon, laki, at kaanyuan
B. kasikatan, distansiya, at tanawin
C. laki, layo, lawak, at klima
D. anyong lupa, anyong tubig, at likas na yaman
Pagyamanin

Panuto: Ihambing ang katangian ng iyong lalawigan sa mga


karatig nitong lalawigan. Punan ang talahanayan.

Lalawigang Karatig na
Lokasyon Anyo
kinabibilangan Lalawigan

Ngayong naibigay mo ang katangian ng iyong sariling


lalawigan at karatig nito, iyo namang subukang iugnay ang
lalawigan sa kabuuang sukat nito base sa kalupaan.

Panuto: Pag-ugnayin ang mga lalawigan sa Hanay A sa tamang


sukat ng kalupaan nito sa Hanay B. Isulat ang titik ng wastong
sagot sa puwang bago ang bawat bilang.

Hanay A Hanay B
________1. Palawan a. 4 238.38 kilometro parisukat

________2. Marinduque b. 952.58 kilometro parisukat

________3. Occidental Mindoro c. 5 879.9 kilometro parisukat

________4. Romblon d. 14 649.7 kilometro parisukat

________5. Oriental Mindoro e. 1 355.9 kilometro parisukat


Isaisip

Ang rehiyong ___________ ay binubuo ng limang lalawigan


at dalawang lungsod. Mindoro (Oriental at Occidental),
Marinduque, Romblon at Palawan; Lungsod ng ___________, at
Lungsod ng ___________.

May iba’t ibang katangian ang bawat lalawigan at karatig


nito ayon sa__________, lokasyon, __________, at kaanyuan.
Mahalaga na ang mga ito ay iyong matutuhan upang mayroon
ka ng kakayahang mailarawan ang iyong lalawigan at mga
karatig nito ng sarili mong rehiyon.

Isagawa

Gawain A
Sa tulong ng mapa ng rehiyong MIMAROPA, tukuyin mo ang
tamang lokasyon ng mga nakatalang lalawigan. Isulat ang sagot
sa iyong kuwaderno.
1. Kung ikaw ay nasa Palawan, ano ang lokasyon nito sa
Occidental Mindoro?
________________________________________________________________
2. Ang Oriental Mindoro ay nasa anong bahagi ng Marinduque?
________________________________________________________________
3. Nagbabakasyon kayo ng pamilya mo sa Romblon, saang
direksiyon mo matatagpuan ang Marinduque?
_____________________________________________________________
4. Kung ikaw ay nasa Occidental Mindoro, saang direksiyon mo
matatagpuan ang Palawan?
_____________________________________________________________
5. Ang pinsan mo ay naninirahan sa Marinduque, ano-anong
lalawigan ang nasa kanluran nito?
________________________________________________________________
Gawain B
Panuto: Gamit ang mapang pangrehiyon, punan ng wastong
impormasyon ang kahon sa ibaba upang makumpleto ang
talaan ng mga katangian ng lalawigan. Isulat ang iyong sagot sa
kuwaderno.

PALAWAN

Katangian ng mga Lalawigan sa Rehiyong MIMAROPA


Lokasyon sa
Rehiyon (punto ng Pisikal na
Lalawigan Sukat
reperensiya ay Anyo
Oriental Mindoro)

Oriental Mindoro

Occidental
Mindoro

Marinduque

Romblon

Palawan
Tayahin

Panuto: Basahin mong mabuti ang bawat pangungusap. Piliin


ang titik nang tamang sagot at isulat mo ito sa iyong kwaderno.

1. Ano ang lalawigang may pinakamalaking sukat sa


ating rehiyon?
A. Marinduque C. Palawan
B. Romblon D. Oriental Mindoro

2. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng bawat lalawigan sa


iyong rehiyon?
A. laki, layo, lawak, at klima
B. kasikatan, distansiya, at tanawin
C. lokasyon, direksiyon, laki, at kaanyuan
D. anyong lupa, anyong tubig, at likas na yaman

3. Ano ang kahulugan ng akronim na MIMAROPA?


A. Mindoro, Palawan, Romblon, at Marinduque
B. Mindoro, Romblon, Marinduque, at Palawan
C. Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan
D. Mindoro, Marinduque, Palawan, at Romblon

4. Sa Rehiyong MIMAROPA, ano ang lalawigan na may


pinakamaliit na sukat?
A. Occidental Mindoro C. Romblon
B. Marinduque D. Palawan

5. Anong pulo sa Rehiyong MIMAROPA ang binubuo ng


dalawang lalawigan?
A. Palawan C. Romblon
B. Mindoro D. Marinduque
Karagdagang Gawain

Panuto: Hanapin mo sa puzzle at isulat sa kuwaderno ang mga


lalawigang tinutukoy sa sumusunod na pahayag.

1. Ang Lungsod Calapan ang kabisera ng lalawigang ito.

2. Ito ay lalawigan na hugis-puso matatagpuan labing-isang milya


mula sa isla ng Luzon.

3. Ito ay lalawigan na kung saan matatagpuan ang Lungsod ng


Puerto Princesa.

4. Ito ay lalawigan na nasa timog ng Marinduque.

5. Ito ay lalawigan na isa sa dalawampu`t-isang pinakamaliliit na


lalawigan sa bansa batay sa populasyon.

M O R A R S T U B K Y
A S C O R I E N T A L
R P M C M I N D O R O
I H M I I B R S E T R
N V A I N D L G M U M
D Y K R N D E O C H F
U E Q D C D O N N L P
Q T M S W F O R T Q U
U W O T V D R R O A Z
E F P A L A W A N B L
Isaisip Pagyamanin Suriin
Pagbibigay ng A. Hayaang 1. C
halaga sa magbigay ng 2. D
konsepto sariling
3. A
kasagutan ang
1.timog 4. C
bata sa na may
2.kanluran gabay. 5. A
3.timog B.
1. D
4.hilaga
2. B
5.silangan
3. C
4. E
5. A
Tuklasin Balikan Subukin
1. MIMAROPA 1. Oriental 1. B
2. Mindoro Mindoro 2. C
Marinduque at Occidental 3. A
Mindoro
Romblon 4. D
2. Occidental
Palawan Mindoro 5. D
3. Dalawa (2) 3. Palawan
4. direksiyon, 4. Romblon at
lokasyon, laki, at Marinduque
kaanyuan 5. Marinduque
Susi sa Pagwawasto
Karagdagang Tayahin Isagawa
Gawain Gawain A
1. C
1.Oriental 2. C 1. hilaga
Mindoro 3. C 2. kanluran
2.Marinduque 4. C 3. hilaga
3.Palawan 5. B
4. timog
4. Romblon 5. Oriental
5. Occidental Mindoro at
Mindoro Occidental
Mindoro
Sanggunian

Aklat

Roderos, Marlou G., Eligio M. Jacob, Rhodora L. Fabrero, Imelda


C. Chongco, Pedro J. Dandal Jr., Jordan D. Solotario, Marites L.
Arenio, Ma. Magdalena D. Lo, Sylvia M. Muñiz, Felamer E. Abac,
Eddie A. Eleazar, Nestor T. Rualo, Lolita M. Lu, Charity A.
Capunitan, Dennis B. Bermoy (2019) Araling Panlipunan 3,
Kagamitan ng Mag-aaral pahina 17-25.

Araling Panlipunan 3, Kagamitan ng Mag-aaral, Draft 2014,

https://pia.gov.ph/news/articles/1024621
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like