Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Layunin: Napag uuri ang mga pangngalan ayon sa tungkulin:Pantangi,Pambalana, at Lansakan.

Pagpapahalaga; Pagbibigayan

II. Paksa: Pag-uuri uri sa mga Pangngalan ayon sa tungkulin.

Sanggunian; BEC-PELC Pagsasalita 11,Filipino sa Bagong Henerasyon ph.47-49


Kagamitan; strip cartolina at larawan

III.Pamamaraan:
A.Panimulang Gawain:
1. Pagwasto ng takda.
2.Balik- aral
Ano ang Pangngalan? Pagbibigay halimbawa ng mga bata

B.Paglalahad/ Pagtalakay
1.Itanong sa mga bata kung gusto nilang maglaro.Itanong din ang kahalagahan ng laro sa
Katawan.
2.Paglalaro ng mga bata sa pamamagitan ng pagbibigay ng 10 cartolina strips sa bawat pangkat
Na may pangngalang pantangi at pambalana na ididikit sa dalawang hanay sa pisara.

A. B.
bansa Pilipinas
sabon Tide
artista Vilma Santos
araw Lunes
guro Gng. Lopez

3.Pag uusapan ang nagawa ng bawat pangkat.


a.Bakit sa hanay a ninyo inilagay ang pangngalang ito?(Nagsisimula sa maliit na titik at di tiyak
Na pangalan ng tao, bagay, o pook) ano ang tawag sa mga pangngalan ito?( Pangngalang
Pambalana)
b.Bakit naman dito nyo inilagay ang mga ito?(Ituro ang hanay B) Nagsisimul sa malaking titik at
Tiyak na mga pangalan ng tao,bagay,o pook. Anong uri ng pangngalan ito? (Pangngalan
Pantangi)
4.Pagpapakita ng larawan ng mga hukbo, kumpol ng ubas,buwig ng saging.
a.Sa mga larawang ito, ilang sundalo ang nakikita mo? saging? Ubas? Ano naman ang tawag
sa
Mga pangngalan tumutukoy s lupon o pangkat ng mga tao, hayop, o bagay?(lansakan)
C. Pagsasanay
Pagpapatuloy ng laro ng mga bata.Bawat isa sa pangkat ay kukuha ng cartolina strips
At idikit sa pisara kung saan ito kabilang.

bombilya, Rizal Park, tumpok, aklat, kalye, buwig, Mars, Angeles City,
paaralan, Anita, kumpol

D.Pagpapahalaga
Anong pagpapahalaga ang ipinakita natin kanina ng isa tayong pumunta sa pisara?
(Pagbibigayan)

IV. Pagtataya:
Uriin ang mga pangngalan.Isulat ang pantangi,pambalana,lansakan.

______1.lapis
______2.Toyota
______3.Andres Bonifacio
______4.hanay
______5.pumpon
______6.Huling Paalam
______7.Diwang Makabansa
______8.prutas
______9.kawan
______10.simbahan

V. Takdang Aralin:
Gumupit ng isang balita sa pahayagan at idikit sa isang coupon bond. Sa ilalim
Nito itala lahat ang mga pangngalan at isulat kung ito’y pantangi,pambalana,o lansakan.

Pinuna ni; Inihanda ni:

GLENN KENNETH V. CORONEL AMIE G. JULIANO


PunongGuro II Guro

You might also like