Professional Documents
Culture Documents
Character Evaluation Form: 301852@deped - Gov.ph
Character Evaluation Form: 301852@deped - Gov.ph
Department of Education
Region V
Division of Albay
MATACON NATIONAL HIGH SCHOOL
Polangui, Albay
Greetings!
Please accomplish this Character Evaluation Form as part of your personal and professional assessment to the
undersigned teacher.
The undersigned upholds continuous personal and professional improvement, thus, the result of this CEF will be used
as feedbacks and guide of the undersigned’s key character performance throughout and for succeeding Academic
Year.
This CEF is for personal reflection and RPMS 2021-2022 purposes only.
Respectfully,
MAYDOLL C. ROQUINO
Instruction: Rate the teacher’s character performance according to the indicators below. Use the rating scale below
for your rating:
5 – Highly Observed
4 – Observed
3 – Seldom Observed
2 – Slightly observed
1 – Not Observed
EVALUATION FACTORS 5 4 3 2 1
Attends to personal and
academic needs of the
learners within and beyond
school hours.
Regularly checkups on
students regarding their
academic performance,
family, and personal
matters.
CARING Encourage every learner to
ATTITUDE develop their talents and
perform at their best.
Communicates with
respectful tone, language,
and texts.
Approaches the problem
and school concerns with
RESPECTFUL respectful attitude.
ATTITUDE
Addresses everyone with
respect during the
meetings and or virtual
conversation with parents,
students, superiors, and
colleagues.
EVALUATION FACTORS 5 4 3 2 1
Considerate and kind to
others especially to parents
and students.
Takes responsibility of
success and failures in
tasks performed.
_______________________
Teacher III
Tauhan
P-5, Matacon, Polangui, Albay Tiyak na tagpuan ng pangyayaring tinalunton
09357561157
301852@deped.gov.ph
Mahahalagang pangyayari sa buhay ng tauhan
Mahahalagang
Pangyayari at
Tunggaliang Natunton sa
Buhay ng Tauhan Tunggaliang naganap sa buhay ng tauhan
Posibleng Wakas o
Kinahihinatnan ng
Tauhan
Gawain 2 AkdaUhan
Tigidig! Tigidig! Tigidig!, yabag ng paparating na kabayo. “O aking alaga, sa’n ka na naman
galing? Halika’t tayo nang mamasyal. Ating lilibutin ang nakamamanghang nilikha ni Bathala,” pananabik
na tinig ng Prinsesa.
Sa tuktok ng bundok matatagpuan ang isang kahariang pinamumunuan ng isang hari. Ang lugar na
ito ay ‘di kalayuan sa baybayin na kung saan ang mga nakatira rito ay namumuhay ng matiwasay. Mula sa
huni ng mga ibon na tila baga’y nakapanghahalina sa himig ng kanilang awitin, nagtitingkaran din ang mga
punongkahoy na kanlungan ng iba’t ibang nilalang.
“Purihin si Bathala! Salamat sa napakaaliwalas na araw na ito. Salamat sa ipinagkaloob mong
daigdig. Napakapayapa ng sanlibutan,” sambit ng hari sa labas ng palasyo. Sa kanyang paglalakad-lakad,
nakasalubong niya ang dalawang tagapaglingkod na may pasan-pasang mga panggatong mula sa gubat.
“Magandang araw po kamahalan!” bati ng dalawang may pagpupugay Napansin ng hari na parang pagod na
pagod na ang dalawa kaya’t pinatuloy niya ito sa palasyo upang bigyan ng pagkain.
Ang hari ay may kaisa-isang anak na babae. Siya ay si Prinsesa Nomay na may alagang kabayong
may pakpak. Nahahati ang kulay nito sa ginto at itim mula ulo hanggang buntot. Mahilig sa kalikasan ang
prinsesa, kaya naman bawat lugar na kanyang nararating sa kaharian ay tinatamnan niya ng punla.
“Danlog! Danlog! Danlog! Asan ka na ba?” paghahanap ng prinsesa sa kanyang alaga. “Narito na
ako mahal na prinsesa,” sagot ni Danlog na nadudulas-dulas pa sa pagmamadali. Kinagawian na ng prinsesa
ang palaging pumunta sa pampang na kung saan dito’y pinagmamasdan niya ang nakabibighaning gawa ng
Dakilang Lumikha. Matapos humiling ni Prinsesa Nomay ng pagpapala, sumakay na siya sa kabayo upang
bumalik sa palasyo. Ipinagaspas din agad ni Danlog ang kanyang mga pakpak, at pumaimbulong sa alapaap
na natatanaw ang malaparaisong kaharian.
Lubos ang kagalakan ng buong kaharian dahil sa katiwasayan ng sanlibutan. Lahat ay nagbubunyi sa
kadakilaan at kaluwalhatian ng daigdig. Hanggang sa dumating na nga ang araw nang pagpapasa ng hari ng
Malakas na mga hiyawan at palakpakan ang dumadagundong sa loob ng palasyo habang iginagawad
ng hari ang medalyon sa prinsesa. Mabuhay si Prinsesa Nomay!” magkakasunod na sigaw na maririnig mula
sa mga nasasakupan.Hanggang biglang malalakas na pagsabog ang umalingawngaw sa palasyo.Nabahala
ang mga nasasakupan sa malalakas na tunog. “Kamahalan! Kamahalan! May mga dayuhang nakapasok sa
palasyo,” pagkaligalig na sumbong ng mga tauhan. Agad na naghanda ang mga kawal sa palasyo para sa
isang labanan. Nabalot ng takot ang kaharian. Nagkaroon ng madugong digmaan, at hanggang nangyari na
nga ang hindi inaasahan. Napatay ng pinuno ang hari, kasabay nang paglupig sa kanyang mga kawal.
Nakatakas naman si Prinsesa Nomay ng gabing iyon nang may paghihinagpis dahil sa pagkawala ng
kanyang ama. Nakarating sila ng kabayo sa ilog ng Pat-al at doon nagkubli. Lumipas ang ilang araw, nang
minsang dumako si Danlog sa kagubatan upang manguha ng pagkain, lingid sa kanyang kaalaman na
nasundan siya ng mga mananakop.
Nang pauwi na ang prinsesa, laking gulat niya na lamang sa kanyang nasaksihan. Bihag na ng mga
mananakop si Danlog. “Mahal na prinsesa, kapalit ng iyong medalyon, ibibigay ko sa’yo ang iyong
pinakamamahal na kabayo,” palalong pahayag ng pinuno. “Huwag Prinsesa Nomay, huwag mong isuko ang
medalyon, sapagkat diyan nakasalalay ang kapangyarihan ng kaharian,” pagpupumigil na bigkas ni Danlog.
“Ang pagsuko ay hindi pagpapakita ng kahinaan, ito’y hindi karuwagan, dahil may mga bagay na
kailangang bitiwan dahil ‘yun lang ang natatanging paraan,” pagpaparayang sagot ng prinsesa.Nang
iaabot na ng prinsesa ang medalyon, biglang binunot ang sibat ng pinuno sa tangkang tutusukin ang kabayo.
“Huwaaag!” patakbong sigaw ni Prinsesa Nomay. Subalit, ang prinsesa ang natamaan ng sibat sa kanyang
pagharang sa alagang kabayo. “Isinusumpa ko! Ang sinumang kumuha kay Danlog ay mamamatay,” saad
ng prinsesang punung-puno ng galit. Biglang dumilim ang kalangitan, umalingawngaw ang kulog at kidlat
sa kaharian. Sinubukang lumikas ng mga mananakop ngunit tinamaan sila ng humahagupit na kidlat.
Lumipas ang mahabang panahon, may mga napadpad na Amerikano sa lugar upang magmina ng ginto. Sa
paghuhukay ng mga minero, laking gulat nila sa kanilang natuklasan mula sa butas sa kailaliman ng lupa,
mga buto ng kabayong may korteng pakpak na naiipit ng malalaking bato. Sinubukan nila itong kunin
ngunit nahirapan sila. Gayunpaman, napag-alaman din nila ayon sa mga malalapit na nakatira sa bundok,
kapag ginalaw nila ang mga bato, lulubog ang lugar na iyon, sapagkat ang malalaking bato ang nagsisilbing
takip sa butas ng lupa na nagdurugtong sa kabilang dagat ng lugar.
Ayon sa mga matatanda, ang bundok hanggang ngayon ay nababalot pa rin ng hiwaga. Marahil, ang
Canomay, isa sa mga pook ng bayan, ay nanggaling sa pangalan ni Prinsesa Nomay. Pinaniniwalaan din na
galing ito sa isang halaman na “kanomay”, na siyang itinatanim ng prinsesa sa mga lugar na napupuntahan
niya. Ang Madanlog, isang sityo , na ang ibig sabihin ay madulas. Ito ay galing sa pangalan ng alagang
kabayo ng prinsesa na si Danlog, na palaging nadudulas sa tuwing namamasyal sila sa labas ng palasyo. Ang
Fatal falls na matatagpuang malapit sa nayon ng Canomay ay sinasabing ang ilog Pat-al na pinagtaguan ng
prinsesa at alaga nito. Ang pampang naman na madalas puntahan ng prinsesa ay ang tinatawag ngayong
“Bawal ang Iligal.” At ang palasyong nasa tuktok ng bundok ay makikita sa pagitan ng nayon ng Canomay
at sityo Madanlog.
KBESANG PRINSESA
TALES NOMAY
Gawain 3 KomperM!
2. Pangunahing Tauhan/
3. Suliranin
4. Tunggalian
5. Solusyon
6. Wakas
Gawain 1
V. Susi sa Pagwawasto
VI. Sanggunian
Aklat
Marasigan, Emily V. Pinagyamang Pluma 10
Sipi
Claveria Local Heritage Template
Internet
https://www.youtube.com/watch?v=qzqySR1ZcOE