Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Filipino 2

Ikatlong Markahan
Modyul 8 para sa Sariling
Pagkatuto
Pagpapahayag ng Sariling
Ideya/Damdamin o Reaksyon
Tungkol sa Napakinggang Kuwento
Batay sa Tunay na Pangyayari
Pagkatapos ng modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:
A. nakapapahayag ng sariling ideya/damdamin o reaksyon tungkol sa
napakinggang kuwento batay sa tunay na pangyayari; at
B. nakasasagot ng mga pagsasanay upang higit na mapagyaman ang
kakayahan.

Panuto: Piliin ang angkop na sariling ideya/damdamin o


reaksyon sa sumusunod na mga sitwasyon. Bilugan ang titik
ng wastong sagot.

1.Ikaw ang napiling sumama sa pagdala ng pasyenteng may COVID


sa ospital . Alam mong nakahahawa ito.
A. Sasama pa rin ako dahil ito ang tungkulin ko bilang nars.
B. Sasabihin ko sa pasyente na siya na lang mag-isang pumunta sa
ospital.
C. Hayaan ko ang kamag-anak ang sumama sa pasyente.

2.Nanonood ka ng paborito mong palabas sa telebisyon subalit nang


dumating ang iyong Tatay, hiniling niya na
ilipat ang estasyon sa balita para malaman ang kalagayan ng ating
bansa sa Corona Virus.
A. Sasabihin ko sa Tatay na maghintay na matapos ako sa panonood
bago ko ilipat ang estasyon.
B. Pagbibigyan ko ang Tatay na ilipat ang estasyon sa palabas na
balita.
C. Makikipag-away ako sa aking Tatay.

3. Nais mong sumama sa pamimili ng iyong Nanay sa palengke


ngunit bawal ka lumabas dahil sa Corona Virus na isang
nakakahawang sakit.
A. Sasama ako kay Nanay sa palengke kahit ayaw niya.
B. Mananatili na lang ako sa loob ng bahay para makaiwas sa sakit.
C. Mag-iiyak ako para isama ako ni Nanay.

4. Nakatanggap ka ng relief goods galing sa Kapitan ng barangay


ngunit mas gusto mo yung ipinamigay ng Mayor.
A. Pagpapalit ko yung binigay ni Kapitan sa kapitbahay.
B. Magpapasalamat ako sa natanggap ko.
C. Pipila ulit ako para mabigyan ulit ako.

5. Mabait at matalinong bata si Lito. Gusto niyang pumasok sa


paaralan sa panahong may COVID 19 ngunit ayaw ng kanyang mga
magulang.
A Susundin ko ang aking mga magulang ngunit mag-aaral pa rin ako
kahit nasa bahay.
B. Iiyak ako hanggang ang mga magulang ko ay pumayag.
C. Maglalaro ako buong araw.

Bago tayo magsimula sa bago nating aralin. Sagutin ang mga


sumusunod na inihanda kong gawain.
Panuto: Ilarawan ang katangian ng mga tauhan sa bawat bilang.
Pumili ng sagot sa kahon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang.

___1. Pinipili ni Ramon ang palabas na maganda para sa kabataan.


___2.Araw-gabi ay nag-aaral ng leksyon si Lita.
___3.Pinipilit ni Rona na makakuha ng mataas na marka kahit
mahirap ang aralin.
___4. Inaalagaan ni Nita ang kanyang Ina.
___5.Dapat iwasan ang ugaling ito upang hindi
mapahamak.
Pakinggan mo ang aking babasahing maikling kuwento tungkol sa
isang batang nagpapahayag ng kanyang sariling ideya/damdamin o
reaksyon. Makinig nang mabuti.

Araw ng Lunes sa aming paaralan. Taimtim na inawit ang


“Lupang Hinirang”. Itinaas ng mga batang iskawt ang bandila.
Pagkatapos, nagkaroon ng maikling programa at sumayaw ang ilang
bata mula sa ikaanim na baitang. Sa dakong huli, nagsalita ang
punong-guro na si Gng. Lulu Perez.
“Dapat matuto tayong gumamit ng digital na kasangkapan. Bahagi
ito ng kampanya ng DepEd sa
Digital Literacy sa bansa, ” pahayag ni Gng. Perez.
“Digital daw! Ano ‘yon?”, tanong ng maraming
bata sa kanilang isipan. Bago ang salitang ito sa
kanila. Hindi ito naging lingid sa kaalaman ng guro
na si Bb. Rose Demalgen.
Sa loob ng klase , pinaliwanag ni Bb.
Demalgen ang ibig sabihin ng digital na kasangkapan.
“Ang digital na kasangkapan ay mga gamit na
makabago. Ilan sa halimbawa nito ay computer,
internet, laptop, cellphone at iba pa. Dapat matuto
tayong gumamit ng mga ito dahil umuunlad ang ating
lipunan at nagiging bahagi na ito ng ating pang-araw-
araw nating pamumuhay”,paliwanag ng guro.
Halimbawa, sa pagsasagawa natin
ng isang pananaliksik tungkol sa iba’t ibang paraan ng pangangalaga
ng kalikasan, magagamit natin ang internet para makakuha ng
impormasyon at kaalaman,” dagdag ni Bb. Demalgen. “Ngayon,
handa na ba kayo, mga bata? Mag-aaral tayo ng paggamit ng digital
na kasangkapan!” masayang wika ni Bb. Demalgen.
“Opo! Bb. Demalgen. Nakahanda na po kami!”, masayang
sagot ng mga bata.
Naunawaan mo ba ang kuwento? Sagutan ang mga sumusunod
na tanong.Ilagay ang sagot sa patlang.

1. Saan unang narinig ng mga bata ang salitang digital?


_____________________________________
2.Ano ang digital literacy ?
______________________________________________________
3. Bakit kailangang marunong tayong gumamit ng mga kagamitan
at kasangkapan na digital ?
__________________________________________________
4.Ano ang mga kagamitan at kasangkapan na digital?
_________________________________________________
5. Paano nakatutulong ang makabagong teknolohiya sa buhay ng mga
tao ?
_______________________________________________________
6. Ano-ano ang mararamdaman mo sa panahon na gagamit ng
kasangkapang digital sa pag-aaral?
_______________________________________________
Ano ang mga dapat tandaan para sa maayos na pagpapahayag ng
sarling ideya/damdamin o reaksyon tungkol sa napakinggang
kwento? Sagot:

Ang mga pangungusap ay maaaring nagpapahayag ng iba’t ibang


damdamin tulad ng lungkot, tuwa, inis, takot, galit, panghihinayang at
iba pa. na maaaring makita sa isang teksto o sa isang pahayag na
napakinggan.

Paano maipahahayag ang sariling ideya/damdamin o


reaksyon tungkol sa napakinggang kuwento batay sa
tunay na pangyayari?
Sagot:
Ang pagbibigay ng reaksyon sa isang teksto o sitwasyon napakinggan
ay nakasalalay o nakabatay sa damdaming nadarama ng nakikinig.
PAGSASANAY 1
Panuto: Bilugan ang reaksyon o damdaming ipinahihiwatig.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Napabulyaw at nasabi niya nang malakas “Ay, Diyos ko po!!”
dahil sa matinding gulat.
A. panghihinayang B. lungkot C.pagkabigla
2. Lolobo at lalaki na ang tiyan mo sa sobrang pagkain.”

3. “Naku!, kinikilabutan at naninindig ang aking balahibo! Anong


lugar kaya ito?”
takot B. gulat C. pagkabigla
4. “Aha! Diyan ka lang pala nagkukubli o nagtatago.
“Ikaw na ang bagong taya!”

5. “Yehey!, tumama at nanalo ng malaking halaga ang Nanay ko


sa paligsahan.
A. pagkabigla B. lungkot C. tuwa

PAGSASANAY 2
Panuto: Piliin ang reaksyon o damdaming ipinahahayag ng
bawat pangungusap. Pumili sa kahon ng titik ng tamang
sagot.Isulat ang sagot sa patlang
_____1.“Hay!, umalis na si Tatay patungong Saudi
Arabia matagal na naman bago kami magkita.”
_____2.“Yehey, manonood kami ng sine!”
_____3. Ay! Nawalan ng kuryente.”
_____4. “Gabi na!, bakit nasa lansangan ka pa?”
_____5. “Naku! Ang dilim-dilim dito. Bakit parang may
matang mapupula sa may dulo ng lagusan.

A. nagulat D. natakot
B. nagalit E. nalungkot
C. natuwa

Panuto: Tukuyin ang reaksyon o damdaming


ipinahihiwatig ng bawat linya. Piliin ang titik ng
wastong sagot.

Ang pagbibigay ng sariling ideya o reaksyon sa isang sitwasyon ay


nakasalalay sa damdaming nadarama ng nakikinig o nagbabasa.
Panuto: Sumulat ng limang (5) reaksyon o damdamin na
maaaring Makita sa isang teksto o isang pahayag na
napakinggan o nabasa.
1._________2.__________3.__________4._________5.__________
Piliin sa loob ng kahon ang reaksyon o damdaming
ipinapahiwatig ng pahayag. Isulat ang wastong titik sa
patlang.

You might also like