Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO I

I. LAYUNIN
-Natutukoy ang pandiwa sa usapan o pangungusap
II. PAKSANG ARALIN
Pagtukoy sa Pandiwa
SANGGUNIAN:
K-12 Curriculum Guide sa Filipino
F1 WG- IIIe-g-5 d. 11
Patnubay ng Guro d.166-169
MGA KAGAMITAN:
larawan, chart, kartolina, marker
Value Integration: Pagmamalasakit sa mga Alagang Hayop
III. PAMAMARAAN
1. Pagganyak
a. Ipaawit ang kantang Kung Ikaw ay Masaya.
Pagkatapos ay itatanong ng guro sa mga mag-aaral kung ano mga nabanggit
na salitang kilos sa awit.
b. Magpagawa ng kilos sa ilan sa mga mag-aaral at ipatukoy
ang kilos sa mga kaklase
2. Paunang Pagtataya
a. Magpaskil ng larawan ng aso at pusa na nag-uusap.
b. Bigyang pansin ang mga salitang may salungguhit sa
usapan.
c. Ano ang ginagawa ng aso at pusa?
d. Bakit lumayas ang aso? Ang pusa?
e. Ano ang ipinapakita ng mga sagot sa tanong?
f. Ano ang tawag sa salitang nagpapakita ng kilos o galaw?
3. Tunguhin
Ngayon ay muli nating tatalakayin ang pandiwa sa pamamagitan ng pagtukoy
nito sa pangungusap.
4. Pagtuturo at paglalarawan
a. Magpaskil ng larawan sa pisara. Tukuyin sa pangungusap ang salitang kilos
na angkop sa larawan at bilugan ito.
Ang bata ay umaawit.

.
Si Sam ay nagbabasa.

Si Ben ay kumakain.
5. Kasanayang Pagpapayaman
a. Hatiin sa dalawang grupo ang mag-aaral.
b. Ipabasa ang tula sa bawat grupo.
c. Ipasulat sa ibibigay na cartolina ang salitang kilos na
makikita dito.

Ang Daga
May dagang mabilis na tumatakbo
Doon sa lungga siya ay nagtago,
Humihingal at natatakot na totoo.

Sa labas may tumatahol namang aso,


Palundag-lundag at pagalaw-galaw ang ulo.
Inaamoy ang bawat butas,
Upang mahuli ang dagang tumatakas.
6. Kasanayang Pagkabisa
1.a. Pangkatin ang mga bata sa dalawang grupo. Bigyan ang bawat pangkat ng
kani-kanilang gawain.
Pangkat 1
Panuto: Ikahon ang salitang kilos sa bawat pangungusap.

1. Si Arjel ay nagsusulat.

2. Si Sophia ay sumasayaw.

3. Mabilis tumakbo si Katkat.


4. Nagdidilig ng halaman si kuya Gab.

5. Si ate ay naghuhugas ng plato.

Pangkat 2
Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na pandiwa o salitang kilos na
bubuo sa pangungusap. Guhitan ang tamang sagot.

1.Si Dave ay ( naglalaro , nagbabasa ) ng bola.

2. ( Nagpapabunot , nagsisipilyo) ng ngipin si Viel.

3. Si Marlene ay ( umiiyak , tumatawa).

4. Si Jaymark ay (nagbabasa, nagsusulat)

5. (Nagtuturo, nagsusuklay) si Ginang Bunagan.

1.b. Ipapaskil ng lider ng bawat pangkat ang kanilang gawain at itatama ito ng guro.
2. Magpapakita ang guro ng mga larawang nagsasad ng kilos at ipatukoy sa mga bata
ang mga ito.
7. Paglalahat
Ano ang tawag san mga salitang nagsasaad o nagsasabi ng kilos o galaw?
Pandiwa ang tawag sa salitang nagsasaad ng kilos o galaw.

IV. PAGTATAYA
Panuto: Guhitan ang pandiwa sa bawat pangungusap.

1. Kumakanta si Buboy.

2. Ang mga bata ay tumatakbo.

3. Si tatay ay nagluluto.

4. Nagtatanim ng palay si Aling Marta.

5. Nagbabasa ng aklat ang magkapatid.

Prepared by:

MARICEL P. BUNAGAN
T-I

You might also like