Professional Documents
Culture Documents
Remediation Pagbasa
Remediation Pagbasa
Remediation Pagbasa
Pangalan:______________________________Strand/Section:___________________
B. Suriin
Magtala ng tatlong suliraning iyong naranasan sa pagbabasa. Tukuyin ang
sanhi ng mga suliraning ito. Itala sa sagutang papel ang iyong sagot.
C. Panuto: Punan ang patlang ng angkop na salita upang mabuo ang mahahalagang
kaisipang may kaugnayan sa pagbasa.
1. Ang pagbasa ay isa ring proseso ng pagtanggap ng ___________mula sa mga
simbolo o senyas
2. Hindi lamang ________ ang maaaring basahin ng isang tao. Ang mga senyas
at iba pang simbolo ay maaari ring basahin.
3. Pinoproseso ng ____________ ang teksto sa oras na kilalanin niya ang
mga titik at unawain ang nilalaman nito.
4. Nakatutulong ang ______________ ng mambabasa upang bigyang buhay at
sariling kulay ang tekstong binabasa.
5. Ang ______________ ay nakatutulong sa mambabasa upang matiyak na
naging epektibo ang pag-unawa sa teksto.
K. Panuto: Punan ang patlang ng angkop na salita upang mabuo ang mahahalagang
kaisipang may kaugnayan sa tekstong impormatibo.
1. Ang _________________ay nagtataglay ng isang paksa o koleksyon ng mga
paksa at pagkatapos ay tinatalakay ang iba’t ibang elemento o aspekto nito.
2. Nakatuon ang tekstong impormatibo sa _________ng paksa dahil pinapalawig
nito ang mga impormasyon sa paksa upang makapagdagdag ng kaalaman sa
taong nagbabasa nito.
3. Nagsisilbing __________________ o impormasyon ng anumang paksa ang
tekstong impormatibo, sapagkat nilalayon din nito na iugnay ang mga paksa
o konsepto sa iba pang konsepto at linawin ang mga elementong nagbibigay
ng ugnayan sa mga ito.
4. Ang tekstong impormatibo ay _________________ sa isang paksa, dahil
nakapagpapalago ito ng pagtanaw sa isang mambabasa upang lalong maging
malinaw ang pagkakilala niya sa isang partikular na paksa. Nakapaglilinaw
rin ito ng mga impormasyong dating alam na at mas nauunawaan higit ang
mga impormasyong ito kung makapagbabasa pa ng mga tekstong
impormatibong nagbabanggit ng iba pang detalye kaugnay sa paksa.
5. Ang paksa ay nagsisilbing buod ng tekstong impormatibo na tinatalakay sa
pamamagitan ng _____________ sa mga sangkap nito.
6. Isang mahalagang elemento sa tekstong impormatibo ang pagkakahanay ng
mga impormasyon upang maging ___________ ang pagpapabatid ng mga
impormasyong sa tekstong impormatibo.
7. Ang kalinawan ng paglalahad ng tekstong impormatibo ay nakasalalay sa
________ at daloy ng impormasyon.
L. Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang inilalahad ng sumusunod na mga
pangungusap, kung mali naman, tukuyin ang hindi wastong salita at isulat ang
tamang salita upang maging wasto ang pangungusap.
_____1. Nakatuon ang tekstong impormatibo sa detalye ng paksa.
_____2. Ang tekstong impormatibo ay nagtataglay ng maraming paksa o koleksyon
ng mga paksa.
_____3. Nagsisilbing imbakan ng mga kalaman o impormasyon ng anumang paksa
ang tekstong impormatibo.
_____4. Ang paksa ay nagsisilbing buod ng tekstong impormatibo na tinatalakay
sa pamamagitan ng pagdedetalye sa mga sangkap nito.
_____5. Isang mahalagang elemento sa tekstong impormatibo ang pagkakahanay
ng mga impormasyon upang maging masalimuot ang pagpapabatid ng mga
impormasyong sa tekstong impormatibo.
Karagdagang Gawain
Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
1. Bakit mahalaga ang pagbabasa at pagsulat ng mga tekstong impormatibo?
2. Sa ano-anong pagkakataon sa buhay ng tao nakatutulong ang kaalaman sa
tekstong impormatibo?
N.Gawain 1: Subukin natin ang iyong husay sa pagsusuri. Sagutin ang mga
sumusunod na tanong.
1. Bakit mahalaga ang edukasyon sa kabataan?
2. Bakit mahalaga sa kabataan ang mataas na pagpapahalaga sa nasyunalismo?
3. Bakit sumisibol ang mga suliranin sa kakulangan sa pagbabantay sa
kabataan?
4. Bakit kaya sinasabing hindi kayang gamutin ang sakit ng lipunan ng iilan?
5. Bakit sinasabing nasakamay ng kabataan ang hinaharap ng bayan?
I. Pag-unawa sa Binasa
Pagsunod-sunorin ang mga pangayayari batay sa kuwento at lagyan ng bilang
1 hanggang 5 ang pagkakaayos nito.
Set A
____ 1. Ang bata ay nagkasakit at ipinagamot ng kanyang ama.
____ 2. Ang ina ng bata ay pumanaw at nangulila ito sa kanyang mga magulang.
____ 3. Nagtapos siya ng elementarya at inihatid ng kanyang ama.
____ 4. Biglang naglaho ang kanyang ama at hindi na niya matagpuan.
____ 5. Siya ay nakapagtapos ng kanyang pag-aaral sa kolehiyo.
Set B
____ 6. Nagkaroon na rin ng sariling pamilya ang anak.
____ 7. Nagtanim ng sama ng loob ang anak sa kanyang ama.
____ 8. Maagang pumanaw ang kanyang napangasawa.
____ 9. Dumating ang ikalawang pamilya ng kanyang ama.
____ 10. Nagkasakit ang kanyang ama at malubha ang kalagayan.
W. Isagawa
Tanong:
1. Sang-ayon ba kayo na isabatas ang same sex marriage sa Pilipinas?
2. Pabor ba kayong ipatupad ang parusang kamatayan sa Pilipinas?
3. Payag ba kayong limitahan na lamang sa isa hanggang tatlo ang anak ng mga
mag-asawang Pilipino?
Z. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Piliin ang letra ng
tamang sagot.
_____1. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga uri ng tekstong
prosidyural?
a. direksyon c. pagsasalaysay
b. eksperimento d. panuto
_____2. Alin sa mga sumusunod ang may hindi wastong pahayag ukol sa pagsulat
ng tekstong prosidyural?
a. Maaaring gumamit ng matatalinhagang pahayag sa pagsulat nito.
b. Makatutulong ang paglalagay ng larawan sa bawat habang upang lubos
na maunawaan ang pagsasagawa ng hakbang.
c. Nagtataglay ng sapat na kaalaman sa paksa ang susulat nito.
d. Nararapat na maayos ang pagkakasunud-sunod ng mga hakbang.