Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Loresco, Denver John E.

Misalang, Ma. Angelica T.


Palola, Louiselane M.
Paragas, Billy Joe Q.
Perigo, Rosalinda
3BSN8

Disiplina/Kurso: Bachelor of Science in Nursing (BSN)


Pamagat ng Proyekto:
Pangingibang bansa upang makapagtrabaho pag nagtapos ng kurso
Strengths (Panloob na Pagsusuri)
 Nakakatulong sa pag-ahon ng kanilang pamilya sa kahirapan at nagkakaroon ng panustos sa pang-araw araw na
pangangailangan.
 Ang remittances o ipinapadalang pera ng OFW sa kanilang pamilya ay higit na nakatutulong sa paglago ng ekonomiya sa bansa
na siyang ginagamit bilang kapital para sa negosyo.
 Magkakaroon ng mas maraming benepisyo tulad ng libreng medical health insurance at maayos na financial assistance mula sa
gobyerno.
 Makakatanggap ng mas malaking sahod kumpara sa sahod na natatanggap sa Pilipinas
 Mas maliit na oras ng pagtatrabaho
Weakness (Panloob na Pagsusuri)
 Ang pangingibang bansa ng mga OFW ay may epekto sa kanilang mga naiwang pamilya, lalo na sa kanilang mga anak na kung
saan naghahanap ng kalinga at gabay sa buhay.
 Nagkakaroon ng brain drain sa bansa na kung saan ang mga taong propesyonal ay pinipiling mangibang bansa dahil sa mas
magandang oportunidad.
 Magkakaroon ng mahabang pagsasanay sa pakikipag usap gamit ang ibat-ibang wika at pagharap sa iba’t ibang klase ng kultura
 Maaaring makaramdam ng kalungkutan dahil mag-isa lamang sa ibang bansa.
 May mga gastusing pang-sarili habang namumuhay mag-isa at nababawasan ang pinapadalang pera sa pamilya.
Opportunities (Panlabas na Pagsusuri)
 Nagkakaroon ng malaking demand para sa mga skilled workers at propesyonal at nanghihikayat ang mga kabataan ng mga
kursong demand sa mga bansa.
 Nagkakaroon ng integration at multiculturalism sa pagitan ng dayuhan at mga migrante na kung saan naglalayong magkaroon
ng magandang relasyon, mapayapang pagsasama at pantay sa isang lugar o bansa.
 Maaaring maidala o magkaroon ng oportunidad na maidala ang pamilya sa ibang bansa upang magkaroon ng mas maayos na
pamumuhay
 Makakapag ipon ng mas malaking pera para sa pamilya at iba pang bagay
 Magandang oportunidad upang mas mapalawak ang kakayahan
Threats (Panlabas na Pagsusuri)
 Naitatala ang iba’t ibang kaso ng mga pang-aabuso kada taon ang mga OFW, particular na ang mga kababaihan, sa kadahilanang
hindi dumaan sa legal na proseso ang mga kaukulang papeles na siyang nahuhulog sa sikolohikal, pisikal at emosyonal na pang-
aabuso na natatamo sa pinagsisilbihang kompanya o pamilya. Ito rin ay hindi nagbibigay seguridad sa kanilang kaligtasan at
karapatang pantao.
 Hindi makakapag bigay ng serbisyo sa mga kapwa Pilipino
 Pahirapan na matanggap agad ng isang hospital o kumpanya
 Malaki ang perang kakailanganin para sa paglakad at pagsasaayos ng mga kakailanganing dokumento at maging sa pamasahe sa
eroplano.

You might also like