Cot 4rth Quarter Final Araling Panlipunan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

R epublic of the P hilippines

D epartment of Education
REG IO N IV- A CALABARZO N
CITY SCH O O LS D IVISIO N O F TH E CITY O F TAYABAS

VALENCIA ELEMENTARY SCHOOL

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 1

Layunin :
a. Natutukoy ang ibat ibang uri ng transportasyon mula bahay patungo sa paaralan .
b. Nauunawaan ang gamit ng mga transportasyon ayon sa distansya ng bahay patungo sa
paaralan.
c. Napahahalagahan ang gamit ng ibat ibang uri ng transportasyon.

MELCS: Naiuugnay ang konsepto ng lugar, lokasyon at distansya sa pang-araw-araw na buhay sa


pamamagitan ng iba’t ibang uri ng transportasyon mula sa tahanan patungo sa paaralan AP1KAP-
IVc-6

I. Paksang Aralin
A. Ako at ang Aking Tahanan At Paaralan
B. Sanggunian: Araling Panlipunan Pivot-Module pahina 18-20
C. Kagamitan ; picture, self made worksheet , puzzle
D. Konsepto: May iba’t-ibang uri ng transportasyon ang ating sinasakyan patungong paaralan.

I. Pamamaraan :
I. Pamukaw Siglang Gawain
Ipaalala ng guro sa mga bata ang mga dapat at hindi dapat gawin sa loob ng silid-aralan.
(powerpoint presentation).
A. Panimulang Gawain:
Mga bata, sino sa inyo ang may sasakyan? Anong uri ng sasakyan mayroon sa inyo?
Sino naman ang tatay o kapatid ay drayber? Ano ang pangalan nila at ano ang kanilang ginagamit na
sasakyan?
Mayroon akong awit na ituturo sa inyo. Ito ay may pamagat na “ Ang Dyip ni Mang Juan” . (pipili
ng isa sa sagot ng bata , papalitan ng guro ang uri ng sasakyan na ginagamit at ang pangalan ng may-
ari) (Music Integration)
Ang Dyip ni Mang Juan
Ang _______ ni _______ ay may butas ang gulong (3X)
Kaya tinakpan niya ng bubble gum

“Helping children reach their dreams”


R epublic of the P hilippines
D epartment of Education
REG IO N IV- A CALABARZO N
CITY SCH O O LS D IVISIO N O F TH E CITY O F TAYABAS

VALENCIA ELEMENTARY SCHOOL


B. Panlinang na Gawain
1. Paunang
Pagtataya

Mga bata, tayo ay maglalaro. Ang tawag sa laro natin ay puzzle. Mayroon akong inilagay sa ilalim
ng inyong upuan. Bilangin nga ninyo kung ilang bahagi ng papel ang bubuo sa puzzle. (Mathematics
Integration)
Ang inyong gagawin ay bubuuin ang larawan gamit ang mga piraso ng papel at ididikit ito sa isang
buong papel . Pagkatapos , isa- isang pupunta sa unahan at sasabihin sa buong klase kung anong larawan
ang inyong nabuo . Ito ay gagawin sa loob ng dalawang minuto.

2. Paglalahad

Malayo ba ang inyong bahay sa paaralan?


Ilang bahay ang inyong madaraanan bago kayo makarating sa paaralan? (Mathematics Integration)
Paano ba kayo nakakapunta o nakakarating sa paaralan? (naglalakad o sumasakay)
Ilan sa inyo ang sumasakay ? Ilan naman ang naglalakad lamang?(Mathematics Integration)
Ano ang inyong sinasakyan patungong eskwelahan o paaralan?
3. Pagtuturo

Mga bata, ang uri ng sasakyan na sinasakyan nating ay depende sa layo o lapit ng ating tirahan sa
eskwelahan o sa lugar na ating pinupuntahan.

Naintindihan nyo ba mga bata?


4. Pagtatalakay
Magpakita ng larawan at talakayin ang mga paraan
ng mga mag-aaral upang makarating sa paaralan.

“Helping children reach their dreams”


R epublic of the P hilippines
D epartment of Education
REG IO N IV- A CALABARZO N
CITY SCH O O LS D IVISIO N O F TH E CITY O F TAYABAS

VALENCIA ELEMENTARY SCHOOL

Ang tawag sa mga sasakyang ito ay transportasyon.


Ang transportasyon ay tumutukoy sa paggamit ng sasakyang panglupa, pangdagat o
panghimpapawid upang makarating sa destinasyon o paroroonan.

5. Kasanayang Pagpapayaman

Sa mga tinalakay nating mga sasakyan, alin dito ang madalas mong sakyan patungo sa paaralan o sa
lugar na inyong pinupuntahan? Isa-isahin ang mga ito.

Kung hindi naman kayo sumasakay , ano naman ang paraan ninyo para makarating
sa paaralan? Ano ang naitutulong sa inyo ng paglalakad patungo sa paaralan?

Mayroon akong babasahing kuwento sa inyo . Ito ay tungkol sa mga batang nasa unang baitang
na sumasakay sa ibat-ibang uri ng sasakyan papunta sa paaralan.

( Ipaliliwanag ng guro ang mga sasakyan na maaring gamiting base sa distansya o lokasyon.)

“Helping children reach their dreams”


R epublic of the P hilippines
D epartment of Education
REG IO N IV- A CALABARZO N
CITY SCH O O LS D IVISIO N O F TH E CITY O F TAYABAS

VALENCIA ELEMENTARY SCHOOL

6. Paglalahat
Anu-ano nga ang ibat –ibang uri ng sasakyang pangtransportasyon ?
Kailan ba ninyo nagagamit ang mga ito?

Anong uri ng mga sasakyan na ang inyong nakikita sa daan patungong paaralan ?

8. Pagpapahalaga
Bakit mahalaga ang mga transportasyon?

Ano ang dapat gawin sa tuwing naglalakad tayo sa daan lalo na kapag tumatawid tayo sa kalsada? (ESP
Integration)

Tama! Mag-iingat at laging titingin sa paligid kung may dumarating na sasakyan.

Mga bata palagi ninyong tatandaan na mahalaga ang mga sasakyan dahil malaki ang naitutulong nito
sa atin upang makarating ng mabilis at maayos sa ating pupuntahan.

9. Pahuling Pagtataya

Pagsasanay 1

Panuto. Pagtambalin ng guhit ang mga larawan sa Hanay A patungo sa kahulugan nito sa Hanay B.

“Helping children reach their dreams”


R epublic of the P hilippines
D epartment of Education
REG IO N IV- A CALABARZO N
CITY SCH O O LS D IVISIO N O F TH E CITY O F TAYABAS

VALENCIA ELEMENTARY SCHOOL

Pagsasanay 2

Basahing mabuti ang sitwasyon sa ibaba. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang .
________1. Ang dyip ay sasakyang may ___________ na gulong .
a. 3 b. 2 c. 4
________2. Ang mga sasakyang nasa ibaba ay mga halimbawa ng sasakyang panlupa maliban sa isa. Ano
ito?
a. motorsiklo b. bangka c. bisikleta
________3. Ngayon ang araw ng inyong pagsusulit . Nagmamadali ka sapagkat napakalayo ng inyong
bahay sa paaralan. Anong sasakyan ang maaari mong sakyan upang mabilis na makarating sa paaralan?
a. traysikel
b. bisikleta
c. sasakyang padyak
_________4. Si Zyrene ay naglalakad lamang sa umaga patungo sa paaralan. Marami ang dumaraan na
sasakyan sa daan patungo sa paaraln. Ano kaya ang dapat gawin ni Zyrene upang hindi siya mapahamak sa
daan?
a. diretso lamang sa paglalakad
b. maging listo sa paligid at tingnan mabuti kung may dumaraan na sasakyan
c. tumakbo para makarating agad sa paaralan
_________5. Sang ayon ka ba na malaki ang tulong na ibinibigay ng paglalakad patungo sa paaralan?
(Health Integration)
a. oo, dahil nagbibigay ito ng malakas at masiglang pangangatawan.
b. hindi, dahil mapapagod ang ating katawan
c. hindi dahil sasakit ang ating katawan

I. Takdang Aralin:

Iguhit sa iyong kuwaderno ang pinakapaborito mong transportasyon o sasakyan. (Arts Integration)

“Helping children reach their dreams”


R epublic of the P hilippines
D epartment of Education
REG IO N IV- A CALABARZO N
CITY SCH O O LS D IVISIO N O F TH E CITY O F TAYABAS

VALENCIA ELEMENTARY SCHOOL


Prepared by:
MA. MAGDALENA L. NANEZ
Teacher
Noted by:
ALDWIN V. CAPISTRANO
ESHT-III

“Helping children reach their dreams”

You might also like