Professional Documents
Culture Documents
Aralin 3 Ang Mga Lumad Sa Mindanao
Aralin 3 Ang Mga Lumad Sa Mindanao
Aralin 3 Ang Mga Lumad Sa Mindanao
• Ang mga B’laan ay sakop ng unang pangkat ng mga Indonesian na dumating at nanirahan sa
Pilipinas mga 5,000 o 6,000 taon na ang nakakaraan.
• Sila ang unang gumamit ng bangka bilang paraan ng kanilang transportasyon patungong Pilipinas.
• Maraming mga antropolohista ang makapagpapatunay na ang pangkat na ito ay nagmula sa
Indonesia dahil sa pagkakatulad sa sistema ng ponemang patinig.
• Mas gugustuhin ng mga B’laan na tawagin silang B’laan kaysa Bi-la-an dahil para sa kanila ang
pagbigkas na Bi-la-an ay nangangahulugan ng kawalang-galang at kabastusan.
• Ayon sa interbyu sa grupong ito, ang pagbigkas nito na Bi-la-an ay nangangahulugang “malandi”
o “kalandian”.
• Ang terminong B’laan ay tumutukoy sa mga miyembro ng etnikong grupo na noon ay tinatawag
na Bira-an, Bara-an, Blaan o Bi-la-an.
• Ang “Bila” ay nangangahulugang kaibigan.
• Ang mga B’laan ay mga tao sa bundok.
• Karaniwang silang nakatira sa matataas na bahagi sa mga bulubundukin sa North Cotabato,
Davao, at Saranggani Islands.
• May ilan ding nakatira sa palibot ng Lake Buluan at ang ilan naman ay naninirahan malapit sa mga
dalampasigan ng Davao.
• Bago dumating ang mga Kristiyano, ang politikal na teritoryo ng B’laan ay nahahati sa maliit na
baryo.
• Ang pamayanan ng B’laan ay pinangungunahan ng datu o village chief na tinatawag na fulong
(wise).
• Ang fulong ay hindi dumadaan sa pormal na pagpili. Hindi rin siya humihingi ng mga bagay-bagay
bilang pagkilala sa kanya ngunit maaaring magbigay ang mga tao tanda ng kanilang paggalang sa
kanya.
• Ang may kayang fulung ay maaaring mag-asawa ng higit sa isa hanggang kaya niya suportahan.
Itinuturing siyang pinuno, tagapagsanggalang, tagapamagitan, at tagapagbigay ng solusyon sa
mga suliranin.
• Sa tradisyunal na sistema, ang kapangyarihan ng fulong ay ekstensibo. Siya ang itinuturing na
pinuno sa isang lugar, awtoridad sa pagpapatupaf ng batas at hustisya, at tagapag-ugnay sa iba
pang fulong.
• Sa kasalukuyan, ang fulong ay hindi na nagpapataw ng parusa sa kanyang kapwa B’laan maliban
na lamang sa miyembro ng kanyang pamilya. Sa kasalukuyan, sumusunod na ang mga B’laan sa
batas na ipinapatupad sa Pilipinas.
• Ang pangunahing ikinabubuhay ng mga B’laan ay pagkakaingin, o inigo sa kanilanh wika.
• May dalawang magkasalungat na paliwanag tungkol sa relasyon sa lupa ng mga B’laan. Ang una,
ang kaingin ay resulta ng paraan ng pamumuhay ng B’laan na palipat-lipat ng lugar dahil iniisip
nilang hindi kailangan nh permanenteng lupa para sa kabuhayan. At, ikalawa naman ay dahil sa
kalikasan ng kaingin kaya napipilitang lumipat ng lokasyon ang mga B’laan at bumabalik sila kung
maayos na ang lupa na kadalasan ay pagkatapos ng isang taon.
• Palay at mais ang unang itinatanim pagkatapos ay kamote at iba pang pananim.
• Ang pagdating ng mga Kristiyano ay nagbunsod sa pag-iwan ng mga B’laan sa kanilang minanang
lupa. Ang lupa ay inangkin na ng mga nandarayuhang pamilya. Ang pagkakaingin ay itinigil na ng
karamihan sa mga B’laan. Karamihan ay naging tenant o nangungupahan na lamang at ang iba
naman ay naging katulong ng mga Kristiyano.
• Ang mga B’laan ay naniniwala sa pagkakaroon ng pinakadakila sa lahat na kinikilala nilang D’wata
(God). Siya ang itinuturing na Mele (planter) ng Langit (heaven) at Tana (earth) at lahat ng bagay
sa daigdig. May tinagurian din silang L’nilong (fairies) na mas mababa sa D’wata. Para sa mga
B’laan, ang kalikasan ay ipinagkatiwala sa kanila upang pangalagaan. Ang L’nilong ay hindi
manlilikha sapagkat tanging ang D’wata lamang ang manlilikha. Bilanh Snalig (tagapangalaga), sila
ay karaniwanh tinatawag na M’fun Manhin (owner of the sea), M’fun D’lag (owner of the forest).
Ibig sabihin, ang Panginoon ang manlilikha, ang mga L’nilong (fairies) ang tagapangalaga at ang
mga tao ang gagamit ng kalikasan upang mapakinabangan.
• Para sa mga B’laan, hindi banal ang pag-angkin sa kalikasan tulad ng hangin, lupa, tubig, gubat, at
iba pa. Para sa kanila ang lupa ay likha ng Panginoon at hindi maaaring ariin ng sinumang nilalang.
Maaari itong gamitin sa tamang paraan upang mapakinabangan.
• Ang ibang B’laan ay naimpluwensyahan ng Kristiyanismo. Karamihan sa mga naging Kristiyano ay
naging protestante na bahagi ng Christian Missionary Alliance Church of the Philippines
(CAMACOP), United Church of Christ of the Philippines (UCCP), United Methodist Church, at iba
pa. Ang ilan namang ay Katoliko. Tinatayang 40% ng mga B’laan ay naging Kristiyano.
• Ayon kay Javier (1998), parehong nagsusuot ng tela na yari sa abaka ang kasuotang pantaas ng
mga B’laang babae at lalaki. Ang mga blusa ng mga babae ay napapalamutian ng mga makikinang
na mga materyales tulad ng mga beads at mga butones. Ang mga dyaket ng mga lalaki ay di-
gaanong burdado.
• Hinndi rin maipagkakaila, na marami nang pagbabagong nangyayari sa tribung ito sa kasalukuyan.
Ngunit, sa Brgy. Pichon, kapansin-pansing nananatili pa rin ang kanilang katutubong pamamaraan.
• Ang katagang Mandaya ay nagmula sa salitang “man” (tao) at “daya” (itaas na bahagi ng ilog).
Kaya ang Mandaya ay tinatawag sa Ingles na Inhabitants of the Uplands.
• Ang Mandaya ay karaniwang naninirahan sa bulubunduking bahagi ng Katimugang Mindanao sa
Davao del Norte, Compostela Valley province, Agusan del Sur, at Davao Oriental. Sa Davao
Oriental ang may pinakamaraming populasyon ng mga Mandaya.
• Ang Sangab ay matatagpuan sa Silangang bahagi ng Mindanao sa lalawigan ng Davao Oriental, sa
munisipalidad ng Caraga, ng Barangay Pichon. Mula sa poblasyon ng Caraga, may apatnapung (40)
kilometro ang layo qt may isang libo at dalawang daan (1,200) na talampakan ang taas mula sa
dagat ang Sangab.
• Habal-habal ang tanging motorsiklo qng sasakyang pampasahero para makarating lamang sa
tuktok ng Sangab.
• Sa Brgy. Pichon at Sityo Sangab, lubos nilang napapanatili ang kasuotan nilang Mandaya, gayundin
ang paghahabi nito na tinatawag nilang dagmay, isang hinabing telang mula sa abaka.
• Ang Sityo ng Sangab ay isang lugar na tahimik, walang nagsasalimbayang mga sasakyan, malayo
sa polusyon, at walang gulo. Ang mga taong naninirahan dito tulad ng matatanda-babae man o
lalake, ay nasa kanilang sakahan upang magtrabaho. Lunes hanggang Sabado ng umaga ang
iniuukol nila sa kanilang pagtatrabaho sa bukirin. Tuwing Sabado ng hapon naman, sila ay umuuwi
na sa kanilang mga tahanan upang paghandaan ang misang dadaluhan sa araw ng Linggo.
• Walang sinuman ang makapapasok sa nasabing lugar (Sangab) kung walang pahintulot ang
kanilang tinaguriang datu o tribal chieftain.
• Mangkatadong (council of elders)- sila ang nagpapaalala sa mga kabataang produkto ng bagong
henerasyon kung ano ang katanggap-tanggap sa kanilang lipunan. Isa na rito ang mahigpit na
pagbabawal sa paggamit ng maiksing pantot (short) para sa mga babae dahil taboo para sa kanila
ang pagsusuot nito.
• Ayon kay Ernesto I. Corcino, isang manunulat ng Davao History ang mga Mandaya ay walang
kaibahan sa ibang grupo sa kanilang sosyal na gawain at sa kanilang pananampalataya. Mahirap
tukuyin kung ito ay matatawag na sosyalisasyon o panama o mamamalagi sa kanilang
pamayanang Mandaya dahil mahihirapan talagang makapaglikom ng impormasyon tungkol sa
kanilang tribu.
• Nakasanayan ng mga Mandaya na bago magsimula sa anumang mga gawain ay dapat manawagan
o manalangin sa Panginoon. Kahit bago umalis ng bahay, dumaan sa malaking puno o kaya’y
malaking bato, dumaan sa tubig, uminom sa nadaanang tubig, magputol ng punong kahoy,
mangaso at iba pang gawain ay kailangan talagang magpaalam at manawagtawag (prayer
offering) sa may-ari.
• Ang lahat ay ginawa at pag-aari ni Magbabaya (God). Ang salitang Magbabaya ay galing sa
salitang ugat na baya na ang ibig sabihin ay walang pinagmulan at walang katapusan.
• Bago nakapagsagawa ng pananaliksik, kinailangan munang magsagawa ng panawagtawag ang
balyan, ang priestess at lokal na manggagamot at isa sa mga naging impormante. Ayon din sa
kanila, ang pagbibigay ng kaalaman o transfer of knowledge sa katutubong pamamaraan, kaisipan
at mga praktis sa ibang tao, lalong-lalo na kung ito ay may kinalaman sa panggagamot ay mahigpit
na ipinagbabawal. Para sa kanila, baka ito ay dida magtugo (mawalan ng bisa o kaya’y saysay)
dahilang kanilang pinaniniwalaan na ipinagkaloob ito sa kanila ng kanilang abiyan (espiritu).
• Sa pagsasagawa ng panawagtawag, ang balyan ay gumagamit ng inuming mallorca, sa halip na
byais (local fermented wine). Ito ay isang patulam-tulam o panulak sa kanilang lalamunan upang
hindi sila mahiyang sumagot sa mga nagtatanong sa kanila, at rin ay pampabaag ng talinga o
pampainit ng tainga ayon sa kanila. Sa isinagawang panawagtawag, lahat ng mga mananaliksik ay
pinapainom din bilang tanda ng isang mabuting pagtanggap sa kanila o bilang pakikisundo at
pagbati.
PAGPAPAKASAL AT PAG-AASAWA
• Ayon sa mga naging impormante, ang pag-aasawa ay isang paraan lamang ng mga Mandaya
upang masunod ang kayamanan o pamana ng mga magulang. Kaya ang mga magulang ang nag-
uusap para sa kanilang mga anak, at kahit sa panliligaw din ay kasama rin sila, lalong-lalo na kung
ang ama ay isang pinuno sa pamayanan at ang anak ay mayroon ding mabuting pag-uugali at
pananaw sa kanilang lipunang ginagalawan.
• Gimbubayan- ibig sabihin ay babaeng marunong gumawa ng mga gawain ng lalaki, gaya ng
pangangaso.
• Ang gawaing pag-aasawa at pagpapakasal ng isang babae at lalake ay hindi biro at kailangan itong
sumunod sa mga hakbang tulad ng mga sumusunod:
1. Pagdali-dali. Dito, ang lalaki ay kailangang bumisita o pumunta lagi sa bahay ng babae.
2. Pagatud-atod. Isang bahagi ito ng pamamanhikan na ang lalaki ay magdadala ng mga pagkain
sa bahay ng babae.
3. Pagkagon. Dito dadalhin na ang lalaki ang kanyang mga magulang upang ipakilala sa pamilya
ng babae at kaibigan. Sa panahong ito ay kailangan nang pag-usapan ang sukat (dowry) ng
babae.
4. Pagtawas. Tumutulong na sa mga gawain ang lalaki sa pamilya ng babae. Halimbawa nito ay
ang pagsasaka, pag-iigib ng tubig, at pagsisibak ng kahoy.
5. Pagbutang ng sukat. Dito susubukin ang kakayahan ng lalaki ng pamilya ng babae. Sa
pagsubok na ito, ang mga magulang ng babae ay magpapahayag ng kanilang mga kahilingan
(sukat). Ito ay isang pagsubok na kapag matugunan ng lalaki ang kahilingan ng mga magulang,
nangangahulugan itong kaya nang buhayin o suportahan ng lalaki ang babae.
6. Pag-ol’lonan. Ang lalaki ay magbibigay sa babae ng regalo (remembrance) na sasaksihan ng
mga magulang at kaibigan ng dalawang panig.
7. Pagtutuonan. Ito ang panahon ng kasalan. Isa itong seremonya na lahat ng tao sa pamayanan
ay imbitado. Ito ay gagawin sa bahay ng babae. Aanyayahan din ang mga mangkatadong
(council of leaders) at balyan. Ang babae ay papayuhan ng kanyang ina at ang lalaki naman
ay papayuhan ng mga mangkatadong at balyan at iba pang respetado sa pamilya. Pagkatapos
ng mga payo ay susunod ang pagdarasal ng balyan at idedeklara na ang kanilang pagsasaman.
Bibigyan ng kanin at byais. Sumunod ang mha mangkatafong, balyan, mga magulang, at ibang
mga panauhing dumalo. Magkakaroon din ng sayawan, inuman at kantahan.
8. Pagdudul’logan. Pagkatapos ng kasal, ang lalaki ay uuwi sa kanilang bahay at iiwan ang babae
sa mga magulang. Makalipas ang tatlong (3) araw, pwede na silang magsiping sa bahay ng
babae sa isang gabi lamang. Mayroon na namang kainan na ihahanda para sa mga kaibigan
na hindi nakadalao sa pagtutuonan (kasal).
9. Pagdadal’laan. Ito ang katapusang proseso ng pag-aasawa kung saan ang babae ay dadalhin
na sa bahay ng lalaki.
PANGANGANAK
PAGDIDIRIWANG NG KAARAWAN
• Sa tradisyon ng mga Mandaya, ang pagdiriwang ng kaarawan ay hindi sinusunod. Tanging bunong
(bagong silang) lamang ang kanilang ipinagdiriwang.
• Ang Mandaya ay naniniwala na kung may namatay, ito ay kinuha na ni Ibol’l. Si Ibol’l ay
naninirahan sa ilalim ng lupa at nag-aaru sa mga patay.
• Sa Mandaya, kapag namatay ang isang tao, isang araw lamang itong paglalamayan bagong ilibing.
Maaaring ilibing sa lupa o kweba, o di kaya’y ibinibitin sa itaas ng malaking punong kahoy.
• Ang patay ay babalutan ng kumot at gagawan ng ritwal bago umalis sa bahay. Kasamang ililibing
o ipadadala ang mga gamit ng namatay. Tinatawag nila itong unong. Ang iba naman ay naglalagay
ng gamit ng patay sa ibabaw ng puntod nito ay tatamnan ng halamang malisa, kilal’la, at tubo. Ito
ay tanda ng kanilang mga labi.
• Sa pag-uwi naman ng bahay, ang mga nakipaglibing ay pinagpaghuhugas nmang kamay sa isang
palanggana o tabo na may halong mga halaman, gaya ng diat, (isang parang tanglad na may bunga
at matulis ang gilid).
• Sila ay magkakatay rin ng karne ng baboy upang ipamigay sa mga taong tumulong sa paglilibing.
Ang asawa ng namatayan ay maglimbo (magtatalukbong ng dagmay) sa loob ng pitong araw, at
pagkatapos nito ay pwede nang maligo at magtrabaho.
GAMOT
• Sinasabi ng mga katutubong Mandaya na ang kagubata ay nagsisilbi nilang palenge at marmasiya
sapagkat dito sila kumukuha ng kanilang pang-araw-araw na pagkain at gamot. Kung ang gubat
ay mawawala sa kanilang buhay, para na ring nawala ang kanilang kabuhayan, gayundin ang
kanilang kultura.
PANINIWALA SA SAKIT
• Kung may sakit ang tao, pinaniniwalaan nilang may masasamang espiritu na sumanib, dumapo o
di kaya’y nakialam sa katawan nito. Marahil, dahil hindi niya nirespeto o ‘di kaya’y nakaligtaan
niyang magpaalam sa mga naninirahang espiritu sa lugar na kanyang napuntahan. Kung ang lugar
na iyon ay bawal puntahan, kailangang tandaan at huwag talagang puntahan o lapitan upang
walang masamang mangyari.
PAMPAGANDA
• Para sa tribong Mandayaz ang kagandahan ay makikita sa ugali lalong-lalo na sa kapag ang
babaeng Mandaya ay byagid o byabagid o ang ngipin nito ay pinutulan. Ang mga babae ay dapat
kompleto sa gamit, mula sa byatataan (embroided blouse), linangaw (kuwintas), balikog (hikaw),
pamul’lang (set ng pulseras), kurbata (breast cover made of beads) at iba pa.
• Ang mga sangkap na kanilang ginagamit sa pagpapaganda ay kinukuha lamang nila sa mga
halaman at bulaklak na tumutubo sa kagubatan. Ito ay kanilang dinudurog, pinipiga at ipinapahid
sa kanilang mga mukha upang pumuti at mawala ang tigyawat.
PAGLULUTO
• Ito ay di-pangkaraniwan. Ang lahat ay niluluto sa kawayan. Kung bigas ang lulutuin ito ay
tinatawag na yumbol’l. Gamit ang kawayan ay babalutin ito ng dahon ng halamang bagikik. Ang
karne, pasayan (malaking hipon), kasili (igat), at iba pang ulam na niluluto sa kawayan ay
tinatawag na lul’lut. Kung ang isda o karne ay iihawin, ay tinatawag itong sinugba. Kung ito naman
ay binalot sa dahon ng saging at iihawin, ito naman ay tinatawag na bungos. Napakasarap nito
kapag kompleto ang sangkap kagaya ng dul’law (turmeric), kabuwayna, sibuling (native na sibuyas
na may dahon), luya, kalabo, (oregano) at tanglad. Ang mga sangkap na ito ay gamit din na mga
gamot nila.
ILANG PAMAHIIN
MGA TABOO
1. Bawal pagtawanan ang mga nakikitang hayop na nagtatalik baka kumulog at kumidlat.
2. Bawal makipag-asawa ng kapamilya baka ang anak ay maging abnormal.
3. Baw tumawa kapag may kulog at kidlat at baka ikaw ay kainin ng kidlat.
KONSEPTO SA ORAS
• Ang mga Mandaya ay may kakaibang konsepto o sinusunod na oras. Ito ay naiihayag lamang sa
pagmamasid sa araw, mga bituin at sa nakapaligid na mga hayop. Ito talaga ang nagsisilbi nilang
orasan.
• Ang ibong kal’law naman ay nagtatakda rin sa kanila ng oeas. Ito ay humuhuni maya’t maya na
may interbal na tigtatlumpung minuto kaya nasusundan nila ang oras sa buong araw.
-nina Nenita Rebecca Y. Casten, Shandra G. Dimaudtang, Nelia O. Du, at Julie Ann Asari-Orobia
• Kilala ang Bukidnon bilang Pineapply Capital of the World. Isang agrikultural na lugar at lupain
ang Bukidnon. Pangunahing iniluluwas na mga produkto ay palay, mais, tubo, kape, goma, niyog,
kamoteng kahoy, palm oil, iba’t ibang klase ng bulaklak tulad ng rosas, calla, lilies, babies breath,
orchids, daffodil, anthoriums; mga prutas tulad ng pinya, rambutan, mangga, santol, durian,
dalandan, saging, lansones; mga gulay at rekados tulad ng repolyo, labanos, patatas, asparagus,
broccoli, lettuce, carrots, cauli flower, sweet peas, kalabasa, atsal, sibuyas na dahon, kamatis,
luya. Nangunguna din sa pagprodyus ng mga manok, baboy, at baka ang probinsya.
• Kaamulan Festival- ipinagdiriwang ito tuwing buwan ng Marso bilang sentro ng pinyahan sa
Pilipinas.
• Ang katawagang Kaamulan ay mula sa wikang Binukid na amul na nangangahulugang “lipunang
pagtitipon.” Ito rin ay nangangahulugang ritwal ng mga datu tulad ng seremonya sa kasal, piyesta
ng pasasalamat gaya ng pag-aani, kasunduang pangkapayapaan, at iba pa.
• Pitung etnikong tribu:
Higaunon, Talaandig, Manobo, Matigsalug, Tigwahanon, at Umayamnon.
• Ang Kaamulan Festival ay kaisa-isang etnikonh piyesta ng Pilipinas na kasabay rin sa araw ng
pagkakatatag ng Bukidnon noong 1917 at inaabangan ng lahat.
• Mga katutubo o nitibong nagpapakita ng kanilang mga gawain:
1. May Pagampo o pangkalahatang pagsamba.
2. Tagalambung hu Datu o ritwal ng bagong datu sa isang lipunan.
3. Panumanod o seremonyas ng mga espiritu.
4. Pansilig o pagpapalayo ng mga masasamang espiritu.
5. Pamalas o ritwal ng pagbabayad ng kasalanan.
• Ang mga Manobo. Nabibilang sa orihinal na proto-Philippines stock ang mga taong Bukidnon.
Ang pangunahing pinagkukunan ng pangangailangan ay paggawa ng mga hinahabing damit at mga
palamuti tulad ng hikaw, malalapad na kuwintas, pulseras, at iba pa.
• Ang iba’t ibang kultural na komunidad na makikita sa Probinsya ng Bukidnon ay ang mga grupo ng
Manobo, Bukidnon, Higaonon, Matigsalug, Talaandig, Tigwahanon, at Umayamnon.
• Ang Arumanen. ay isang sub-grupo.
• Ang Arumanen-Manobo. Makikita sa probinsya ng Hilagang Cotabato. Sila ay napabilang sa
orhinal na proto-Philippines stock. Paghahanap ng pagkain at pagsasaka ang kanilang
pangunaging pangangailangan sa grupo. Ang Timuay o datu, siya ang tumatawag ng pagpupulong.
Ang walian o shaman na nangunguna naman sa espiritwal na aspekto; mandirigma; taong
karaniwan o hindi maharlika. Sa kasalukuyan, ang Arumanen ay nanatili pa rin sa pagsasagawa ng
ilang mga ritwal gaya ng “Samaya-an Festival” na taunang ginaganap sa huling linggo nh
Disyembre bilang pasasalamat sa kanilang kinikilalang makapangyarihang diyos/diyosa.
• Ang diyalekto ng Bukidnon ay Binukid.
• Ang terminong Higaunon ay nangangahulugang people of the wilderness.
• Ang Matigsalug ay grupo ng Bukidnon na makikita sa lambak ng Tigwa-Salug, San Fernando.
Nangangahulugang “mga Tao sa Ilog ng Salug” ang Matigsalug. Tinatayang mahigit sa 146,500 ang
populasyon nito.
• Isa sa nagpapatuloy at nagpepreserba ng kanilang katutubong kaugalian, paniniwala at praktis ay
ang tribong Talaandig. Magbabaya ang pinaniniwalaang Diyos nila na pumuprotekta nh kanilanh
kalikasan. We gather soil of different colors and use white glue as paint binder, paliwanag ni
Datu Vic Migketay “Wayway” Saway, isang datu ng lipunan na nagpakilala ng ganitong materyal
na pagpipinta. Tinatawag nila itong soil painting.
• Watak-watak sa buong Munisipalidad ng San Fernando at hangganan ng Davao del Norte ang
Tigwa o Tigwahanon. Ang ibig salitang Tigwahanon ay mula sa salitang guwa o scattered at mula
sa ilog ng Tigwa na kung saan sila nakatira.
• Ang Umayamnon ay nakatira sa may ilog ng Umaran sa Probinsya ng Bukidnon. Kilala ang grupong
ito sa pagkamahinhin, matatag kung madesisyon at eksperto sa gubat. Makikilala sila dahil sa
kanilang katamtamang kulay ng balat, katamtamang tangkad, at sa kanilang prominenteng panga
at buto sa dakong itaas ng pisngi o cheekbone. Gumagawa sila ng mga butyl o beadworks bilang
palamuti sa katawan tulad ng ginakit at inaboy o kwintas, suning o handbag ng lalaki, at binuklad
o pulseras. Ang populasyon nila ay aabot sa 101,906.
• Narito ang mga kahulugan o deskripsyon ng mga praktis ng mga Manobo- ang pitung tribu ng
Bukidnon- sa isang buong taon.
1. Pangampo – isang taunang ritwal na nangyayari tuwing buwan ng Enero na pumapaloob sa
pagdarasal para sa kanilang Diyos na si Magbabaya. Pinapreserba at pinoprotektahan ang
pitong (7) pinakaimportanteng bagay sa mundo: lupa, tubig, punong kahoy, apoy, hangin,
tunog at paniniwala at tradisyon sa pamamagitang ng tamang paggamit dito.
2. Panagulilay – isang pagdarasal na nagaganap tuwing buwang ng Marso at humihingi kay
Magbabaya ng ulan para sa kanilang lupang sakahan. Ang Salangsang ay isang seremonya rin
sa paghingi ng pahintulot kay Magbabaya na magtanim ng iba’t ibang halamang pagkain. Ang
pang-ibabasok naman, ay pagsamba bago at pagkatapos magtanim.Layag-layag ang tawag sa
seremonsyas ng panangga o proteksyon ng kanilang tanim. Talabugta isang ritwal na taunan
ginagawa.
3. Lagong – isang pasasalamat sa mga biyayang dumating mula kay Magbabaya.
4. Samayaan – isanh ritwal ng buong lugar bilang pasasalamat sa isang buong taong kapayapaan
at matiwasay na lipunan.
5. Pangapar – isang pagtitipon ng lahat ng mga manggagamot upang maitaboy ang mha
pinagmulan ng sakit at karamdaman. Kandulian, isang ritwal na ginagawa kung may sakit ang
isang katribu. Ang kaliga ay isang siyam-na-araw ng pagdarasal sa pamamagitan ng pagkanta
at pagsayaw ng tinatawag na dugso. Isang banal na baboy o limang banal na manok ang
inihahandog sa ikasiyam na araw ng pagsasamba.
1. Binanog – tipikal na sayaw ng tribung Talaandig na ginagaya ang galaw ng isang ibong kilala sa
tawag na banog.
Tinambol, isang sayaw ng mga kalalakihan at kababaihan ng Talaandig bilang pag-aalay sa kanilang
Magbabaya.
Saut, sinasayaw ng mga lalaki lamang na nagpapakita ng pakikipaglaban.
Sayaw Pagadugsa, ang paggaya ng paglalakbay ng isanh mangangaso.
2. Inagong – sayaw pang-aliw kung may pagtitipon at piyesta.
Talupak, isang sayaw sa paraan ng pagtatanim, pag-aani at pagpapahangin ng palay.
Tinagpi, paggaya sa pagtatanim ng gulay.
Bubudsil, isang sayaw ng mga mananayay ay may hawak na poste o haligi bilang pandurog ng butil
ng palay.
3. Dugso- isang ritwal na sayaw ng kababaihan tuwing may selebrasyong panrelihiyon.
Pinagkabula, pagsasayaw ng mag-isa o solo.
Binalanak, isang sosyal na sayaw.
• Ang isang Datu ay nakasuot ng pang-itaas na may mahabang manggas, may kuwelyo at mahaba
ring pantalon. Mas marami ang kulay na pula, itim o asul at may palamuting pinaghalo ang kulay
pula, itim, asul, dilaw, berde at puti. May disenyo itong tinatawag na linabian, ginontingan, at
kinabuka.
• Linabian- ay ginupit ng pira-piraso sa tuwid na tabas ng tela na naglalaman ng maraming kulay at
ididisenyo sa harap ng polo, blusa, palda at pantalon sa dulo ng manggas.
• Ginontingan- ay may zigzag na disenyo at inilalagay sa mga gilid nito.
• Kinabuka- ay paggugupit na pira-pirasong parisukat na tela.
• Linabian at ginontingan- tinatahi na gamit lamang ang kamay.
• Solang-solang- disenyong tulad ng ginontingan (zigzag) na hugis korona ng pinakamataas na datu
o pari. Ito ang gawa sa mga butyl o beads na idinikit sa tela, at buok ng isang hayop tulad ng
kambing o kabayo.
• Tangkulo- isang espesyal na tela na ginupit na may hugis tatsulok, nilalagyan ng beads, butones o
tipay, at buhok ng hayop.
• Salibulan- ay maliit na kahon na gawa sa ginto, pilak o bronse. Inilalagay sa loob ang mamâ at
ipinapasok sa loob ng kamiseta.
• Sangi- iba pang mga kagamitan ng datu, isang matulis na kutsilyong nakakurba na may espesyal
na artisitikong sakuban na nakadikit sa kamiseta ng datu.
• Panutod- kilala sa tawah na tattoo.
• Patadyong- ay saya o palda na maaaring may guhit o simple lamang ngunit nangingibabaw ang
kulay pula, asul o putting kulay.
• Head-dress o panika- isinusuot tuwing may festival ay yari sa katutubomg materyal at himaymay
na sinulid o yarn. Benoong, isanh lasong disenyo nh pinong tela.
• Balaring o kuwentas- mga kagamitan at palamuti ng Bae na gawa sa sinulid at butyl o mga beads.
Kapulan- maliit na kahon na gawa sa ginyi, pilak o bronse at nilalagyan ng kanyang mga personal
na gamit tulad ng mama at iba pa.
Lebad- ang maliit na buslo mula sa ratan na may palamuting mga bead, butones at buhok ng hayop
na inilalagay sa gilid nito.
Songol- pulang sinturon.
Tacus- isanh pulseras sa bukong-bukong (anklet) at yaru sa mga bead.
Senibad- yari sa kahoy.
Sonong- buslo ng babae at bukala sa pulseras.
• Noong ikalabimpitong siglo, isang Agustinong Misyonaryo ang sumulat na ang mga
Mamanwa, bilang nomadic na mga tao ay walang ideya tungkol sa relihiyon at mga
sibilisadong kaugalian. Subalit naniniwala sila sa pinakamataas na si Magbabaya.
• Naniniwala rin sila na ang buwan o ang araw ay tahanan ng manlilikha nila. Kung kaya
tuwinh kabilugan ng buwan ay nananalangin sila o nag-pagpapadiwatahan, na isang uri
ng panalangin ng buong komunidad na pinangungunahan ng tambayan.
• Ang Moon-Prayer ay isang dasal na pasalita na may kasamang tugtog at sayaw ng mga
katutubo. Magsisimula sa pagpapakita ng buwan at magtatapos sa kadiliman ng gabi ang
pagdarasal.
• Ayon pa rin sa mga manunulat na Agustino, ang Mamanwa ay walang bahay, taniman at
kahit na mga kasangkapan. Mayroon lang silang pana at busog at ilang makapal na
lansetang ginagamit sa panghuhuli ng mga isda at hayip sa lupa. May pansamantalang
bahay sila na gawa sa kahoy at mga dahon. Nag-aagrikultura sila ngunit dahil sa mga
lagalag sila kung kaya naiiwan din nila ang kanilang pananim.
PAG-AASAWA
-Sir Jah