Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

GRADE 7 ARALING PANLIPUNAN

MODYUL SA PAGKATUTO
UNANG MARKAHAN | LINGGO 4

ARALING PANLIPUNAN 7 | Unang Markahan Linggo 4 Modyul


2
KABANATA: Yamang Tao sa Asya
PAMAGAT NG ARALIN: Ang mga Mamamayan ng Asya
MGA LAYUNIN: Pagkatapos ng linggo:
 Makakaya kong masuri ang komposisyon ng populasyon at kahalagahan ng yamang-
tao sa Asya sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang panahon.

PAGTUKLAS UNANG ARAW

Gawain 1: Bago natin simulan ang ating aralin ay kinakailangan mong sagutan ang
mga sumusunod na katanungan upang matukoy natin kung mayroon kang natutunan sa ating napag-
aralan noong nakaraan.

1. Bakit nagkakaroon ng pagbaha sa ilang bansa ng Asya?

Sagot:
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

2. Ano ang bunga ng polusyon sa yamang-tubig?

Sagot:
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. May kinalaman ba ang mga tao sa mga nangyayaring polusyon sa Asya? Ipaliwanag ang sagot.

Sagot:
________________________________________________________________________________
______________________________________

GAWAIN 2:Talasalitaan
ARALING PANLIPUNAN 7 | Unang Markahan Linggo 4 Modyul
2
Magsaliksik at ibigay ang ibig sabihin ng mga sumusunod na konsepto.

Terminolohiya Kahulugan

Life expectancy

Birth rate

Death rate

Literacy rate

Migration

Gawain 3: Pag-aralan natin!

ARALING PANLIPUNAN 7 | Unang Markahan Linggo 4 Modyul


2
 Asya- pinakamalaki at pinakamatao na kontinente sa buong daigdig
- binubuo ng 30% na kabuuang lupain 60% kabuuang
populasyon
- may pinakamataas na growth rate.
- mahigit kumulang na 4,636,987,835populasyon atkasalukuyang tumataas ayon ng
United Nations.
https://www.worldometers.info/world-population/asia-population/
 Growth Rate- pagtaas ng bilang ng tao sa isang lugar sa itinakdang taon.

Tunghayan sa talahanayan ang populasyon ng mga Rehiyon sa Asya:


Table 1

Bahagdan ng
Bilang ng Populasyon ng
Rehiyon sa Asya
Populasyon Bawat Rehiyon
sa Asya
Timog-Asya 1,940,369,612 42%
Silangang Asya 1,678,089,619 36%
Timog-Silangang Asya 668,619,840 14%
Timog-Kanlurang Asya 279,636,754 6%
Hilagang Asya 74,338,950 2%
https://www.worldometers.info/world-population/asia-population/
Implikasyon ng Edukasyon
 Edukasyon- pinakamahalagang salik sa pag-unlad ng isang bansa.
 Asya- nagbigay ng malaking importansya sa edukasyon ng kanilang mamamayan.
 Literacy rate-bahagdan ng tao sa isang partikular na bansa na may kakayahang bumasa at sumulat.
 Mataas na literacy rate- nagpapakita ito ng mas mataas na tiyansa na umunlad ang bansa.
 Mababa na literacy rate- mabagal ang pagsulong ng kaunlaran ng isang bansa.
 Pilipinas- nakapagtala ng 97.95% na literacy rate.

Tunghayan ang talahanayan ng mga bansa sa Asya na may mataas na literacy rate.
Table 2
https://google.com/amp/s/www.worldatlas.com/amp/articles/10-most-literate-asian-countries.html

Literacy Rate ng mga


Kabataan Ayon sa
Bansa
Bahagdan ng Populasyon
2016
1. Azerbaijan 99.94%
2. Singapore 99.93%
3. Macau 99.80%
4. Indonesia 99.67%
5. Turkey 99.62%

Kahalagahan ng Kalusugan
ARALING PANLIPUNAN 7 | Unang Markahan Linggo 4 Modyul
2
 Kalusugan- ay mahalaga upang magkaroon ng maganda at positibong
pananaw sa buhay
- mahalagang batayan ng pag-usbong ng ekonomiya sa
isang bansa
 Birth Rate- bilang ng buhay na sanggol na ipinanganak sa bawat
1,000 populasyon sa loob ng isang taon
 Death Rate- bilang ng mga namatay sa bawat 1,000 populasyon sa
loob ng isang taon
 Life Expectancy- inaasahang haba ng buhay ng bawat tao sa Asya
 Mataas na birth rate- malaki ang potensyal ng pagtaas ng populasyon
 Mataas na death rate- maaaring mangangahulugang kasalatan sa
aspetong medikal sa lipunan.

Tunghayan ang talahanayan sa ibaba.

Table 3
Bansa Birth Rate Death Rate Life Expectancy
1. Russia 11 13 71
2. Georgia 12 11 77
3. Japan 8 10 86
4. North Korea 15 9 71
5. Philippines 23 6 70
https://www.indexmundi.com/map/?v=26&r=as&I=en

Hanapbuhay at Migrasyon
 Migrasyon o pandarayuhan- ay ang paglipat ng tirahan ng isang tao mula sa isang lugar patungo sa
ibang lalawigan, lungsod, o ibang bansa
 Dalawang uri ng pandarayuhan:
- Pandarayuhang panloob- paglipat ng tao mula sa lalawigan o rural patungo sa lungsod o urban
- Pandarayuhang panlabas- paglipat ng tao mula sa kanyang bansa patungo sa ibang bansa at ang
kalimitang dahilan nito ay pagtatrabaho.
 Suliranin sa pandarayuhan:
- lumalaki ang bilang ng tao sa lungsod o urban
- kakulangan sa pabahay
- pagkasira sa kapaligiran
- kasalatan sa serbisyong panlipunan

ARALING PANLIPUNAN 7 | Unang Markahan Linggo 4 Modyul


2
IKALAWANG ARAW
PAGLINANG

Gawain 4: Hating-kapatid!
Panuto: Hatiin ang pizza pie sa pamamagitan ng pagbabase sa bahagdan ng mga datos ng
populasyon sa mga rehiyon sa Asya na makikita sa ibaba nito. Huwag kalimutang pangalanan ang
rehiyon sa Asya sa inyong pizza pie ayon sa paghahati nito.

Figure 1

https://www.pixabay.com/images/search/pizza/

Tunghayan sa talahanayan ang populasyon ng mga Rehiyon sa Asya:


Table 4

Bahagdan ng
Populasyon ng
Rehiyon sa Asya Bilang ng Populasyon
Bawat Rehiyon
sa Asya

Timog-Asya 1,940,369,612 42%

Silangang Asya 1,678,089,619 36%

Timog-Silangang Asya 668,619,840 14%

Timog-Kanlurang Asya 279,636,754 6%

ARALING PANLIPUNAN 7 | Unang Markahan Linggo 4 Modyul


2
Gawain 5: Data Collect
Panuto: Manaliksik ng datos hinggil sa hinihingi sa talahanayan (2018).

: Bansa Kabisera / Kapital Populasyon

North Korea

Taiwan

Singapore

Malaysia

Bangladesh

Bhutan

Russia

Kyrgyzstan

United Arab Emirates

Qatar

ARALING PANLIPUNAN 7 | Unang Markahan Linggo 4 Modyul


2
Gawain 6: Ma-THINK-matika
Panuto: Suriin ang mga datos sa ibaba. Pagkatapos, sagutin ang tanong sa pamamagitan
ng pagkompyut gamit ang sumusunod na Formula:
Literacy Rate= Bilang ng Literate sa Bansa x 100
Populasyon ng Bansa
Unemployment Rate= Bilang ng walang Trabaho x 100
Populasyon ng Bansa

Population Data as of 2018 (estimated)


Bansa Populasyon Literate/marunong Unemployed
/walang
bumasa at sumulat
trabaho
China 1,400,000,000 1,344,000,000 84,000,000
Philippines 106,000,000 101,760,000 5,300,000
India 1,300,000,000 936,000,000 104,000,000
Saudi Arabia 33,500,000 318,250,000 2,010,000
Uzbekistan 32,300,000 32,170,800 1,938,000

Mga Tanong:

1. Kompyutin ang literacy rate ng bansang Pilipinas(Philippines).


Sagot:___________________________________________________
2. Ilang porsyento ng populasyon sa India ang walang trabaho?
Sagot:___________________________________________________
3. Ilang tao sa bansang China ang hindi marunong bumasa at sumulat?
Sagot:___________________________________________________
4. Ilang tao sa Saudi Arabia ang may trabaho?
Sagot:___________________________________________________
5. Gamit ang datos na nasa itaas, ilan ang kabuuang populasyon ng mga bansang nabanggit?
Sagot:_____________________________________________________

ARALING PANLIPUNAN 7 | Unang Markahan Linggo 4 Modyul


2
Sanggunian
Books
Asya Pag-usbong ng Kabihasnan (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan Ikalawang Taon )
Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba

Modules
Project EASE (Effective Alternative Secondary Education) Araling Panlipunan Panlipunan II
Modyul 2 Yamang Tao sa Asya
Modyul sa Sariling Pagkatuto sa Araling Panlipunan 8 Pinagmulan Kasaysayan Kayamanan
Pagkakakilanlan (Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba)

SELF-ASSESSMENT | Lagyan ng tsek (✓) ang kahon na naglalarawan ng


iyong nararamdaman.

May problema ako sa paggawa nito Kailangan ko ng tulong/mga halimbawa


Kayang gawin pero kailangan pa ng pagsasanay Kaya kong gawin ng maayos

MGA LAYUNIN

 Makakaya kong mailarawan ang mga


yamang likas ng Asya
 Makakaya kong maipahayag ang
pangangalaga ng kalikasan bilang asyano
sa timbang na kalagayang ekolohikong
rehiyon.

Note: This part must be answered by your parent or guardian who supervised your
learning activities.

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

PARENT’S SIGNATURE:_____________________
CONTACT NUMBER:________________________

ARALING PANLIPUNAN 7 | Unang Markahan Linggo 4 Modyul


2

You might also like