Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 33

FILIPINO 6

YUNIT 1
Aralin 1
Karaniwang Tanawin,
Espesyal sa Paningin
Talasalitaan
❖ Kilyawan- isang uri ng ibon
❖ Malalabay- malalago
❖ Igalugad-hanapin o maghanap
❖ Pag-usbong-pag-unlad
❖ Paglago-bunga ng pagpupursige
Puno’t halaman masdan sa parang
Sa ligaw na bulaklak tila nakaabang
Tutubi’t tipaklong doo’y naghahabulan
Pipit at kilyawan kanina pa nagliliparan.

Sa kokak ng palaka, paru-paro’y nagulat


Hayun ang uod, sa dahon panay ang buklat!
Mga bubuyog, ano kaya ang buhat-buhat?
Sa sangang malalabay walang makasusukat.
Saanman igalugad yaong mga mata
Malalaki’t maliliit na nilikha’y makikita
Iba-ibang kulay at natatanging hitsura
Sa kamay ng lumikha, pawing mahalaga.

Pangkaraniwang tanawin kung tutuosin


Wala nga bang bago at espesyal sa paningin?
Sa pagdapo, paglipad, pag-usbong, at paglago
Simula ng buhay na ‘wag hayaang maglaho.
Pagsagot ng mga tanong tungkol sa tulang binasa.

1. Ano ang naramdaman mo habang iginuguhit ang


tanawing inilalarawan sa tula?
2. Saang pook sa inyong lugar matatagpuan ang
ganitong tanawin.
3. Ano ang ipinaaalala sa tao ng ganitong tanawin?
Karaniwang Tanawin,
Espesyal na Paningin
Talasalitaan
❖ Isinasaboy-itinapon
❖ Pilapil-taniman ng palay
❖ Pumaparoon-ibig sabihin pumunta doon at
pumunta sa
❖ Binabansagan-inihahambing
❖ Pagbalikwas-pagbangon
❖ Kumpol-kumpol-pagsasama ng isang tao sa
isang lugar
❖ Polinisasyon-pagbubulo o pagpupunlay
❖ Bulalas-pagkagulat na may kasamang sigaw
❖ Kinagisnan-kinasanayan
❖ Nektar-matamis na katas ng halaman at
nakakaakit sa mga kulisap
Isinasaboy ng simoy ng hangin ang bango ng hinog
na palay hanggang kakahuyan kung saan naroon si
Obet. Hinog na rin ang mga kamatis at papaya sa
dulo ng pilapil. Hitik naman sa bunga ang duhat at
singwelas. Panay rin ang pagaspas ng mga dahon ng
bayabas. Masayang naghahabulan ang mga sisiw.
Tulog pa naman ang mga inahing manok sa
kani-kanilang mga pugad.
Sa isang anak ng magsasaka na katulad ni Biboy,
walang bago sa tanawing ito. Subalit sa batang
lungsod na kagaya ni Obet, bago at nakamamangha
ang lahat. Palaging bago sa kanyang pandinig ang
mga huni ng ibon sa likod ng kalabaw. Tuwang-tuwa
siya sa mga kawayang sumasayaw sa ihip ng hangin.
Bilib na bilib din siya sa mga ilaw na orkidyas na
nakakapit sa mga sanga ng malalaking puno.
Magpinsan sina Biboy at Obet. Magkapatid ang
kanilang ama. Kapag bakasyon, pumpunta si Biboy
sa lungsod o kaya naman ay si Ober ang
pumaparoon sa kanyang pinsan. Mas madalas na si
Obet ang nagbabakasyon sa lalawigan. Ikinatutuwa
naman iyon ng kanyang Tiyo Lino sapagkat
mabuting bata si Obet. Bukod sa pagiging magalang
ay mahilig siyang mag-alaga ng mga hayop.
Nakasanayan na niyang pangalanan ang mga alaga
ng kanyang tiyo.
Maging ang mga pananim at punongkahoy ay kanyang
binabansagan.
“Magandang umaga po, Tiyo Lino! Lalo po yatang
tumataba si Totsie pero parang hindi lumalaki si Sweet,”
nakangiting bati ni Obet.
Ang tinutukoy niya ay ang alagang kalabaw ng kanyang
tiyo. “Oo nga! Pihikan iyang si Sweet.” sagot ng tiyo.
“Hmmm…. Baka po gusto ng pastilyas, yema at ube
jam!” pagbibiro ni Obet.
Malutong na halakhak ang itinugon ni Tiyo Lino. Sa isip
niya’y sana ganoon din ang anak na si Biboy. Walang
kahilih-hilig sa mga halaman at hayop ang anak. Madalas
din niyang pagsabihan ang anak dahil sa pagmamalupit
nito sa mga alagang hayop. Ayaw rin ni Biboy na naglalaro
sa bakuran o kaya ay umaakyat sa mga puno. Hindi siya
sumasama sa pamimitas ng gulay. Minsan pa lamang yata
siya sumubok magtanim. Katwiran niya nakaiinip itong
gawin.
Isang umaga, pagbalikwas ni Obet sa higaan, dumungaw
siya sa bintana at tinanaw ang malapit na taniman ng
kalabasa. Ilang saglit pa ay bumangon na rin si Biboy.
“Magandang umaga, Obet! Ano ba ang tinitignan mo
riyan? “usisa ni Biboy.
“Naaaliw talaga ako sa panonood sa mga bubuyog na
iyan. Kumpol-kumpol sila kung dumapo sa nagsasayaw na
bulaklak. “wika ni Obet.
“Sabi ng guro namin ang pagkain ng mga bubuyog ay
nektar at polen. Ang nektar daw ang nagbibigay lakas o
enerhiya sa bubuyog at ang polen naman ay
pinagkukunan nila ng protina at sustansiya, “dugtong ni
Obet.
“Aba! Malaki pala ang pakinabang ng mga bubuyog sa
bulaklak, “sambit ni Biboy.
“Pinakikinabangan din ng mga halaman ang bubuyog.
Ito ay isa sa mga naglilipat ng polen ng mga bulaklak.
Ito ang proseso ng polinisasyon na siyang simula ng
mumunting butil ng buhay sa mga halaman, “paliwanag ni
Obet.
“Ang galling mo, pinsan! “bulalas ni Biboy.
Masayang nagtawanan ang dalawa at sabay na tumayo
patungo sa kusina subalit tinawag ang kanilang pansin ng
isang malaking paruparo.
“Aba, saan pupunta ang isang iyon? “pabirong sabi ni
Obet.
“Ha-ha-ha! Binabati nila ang bakasyonista, “tukso ni Biboy.
“Aba, kung ganyan naman kaganda ang kulay ng paruparo
na babati sa akin, buong giliw ko ring babatiin, “sagot ni
Obet. “Kaya nga ba, lagi kong inaabangan ang
pagbabakasyon dito. Nakagagaan ng pakiramdam ang mga
tanawin. Lahat ng nakikita ko’y nagpapaalala kung gaano
kahalaga ang lahat ng nilikha. Ang suwerte mo, Biboy,
sapagkat ito ang araw-araw mong maipipinta sa iyong
isipan.”
Hindi nakakibo si Biboy sa narinig. Kailan ba nagkaroon ng
halaga sa kanya ang mga naroon sa paligid?
Noong isang araw lamang ay tinapak-tapakan niya ang
tipaklong sa damuhan at pinaghahampas ang mga
bubuyog sa halamanan. Kailan nga ba niya tuluyang
pahahalagahan ang mga bagay ay may buhay sa
kapaligirang kanyang kinagisnan? Sadyang karaniwan ang
ganoong tanawin subalit tunay naming espesyal sa
paningin.
Pagsagot sa mga tanong:
1. Saan naninirahan si Obet at Biboy?
2. Ano-ano ang pagkakaiba sa mga katangian ng
magpinsan?
3. Ano ang damdamin ni Tiyo Lino sa
pagbabakasyon ng kanyang pamangkin?
4. Kung ikaw ang nasa katayuan ni Biboy,
palalampasin mo rin ba ang pagkakataong
masaksihan ang mga pambihirang tagpo sa
kapaligiran?
5. Gaano kahalaga sa isang tao ang pakikiangkop
sa kanyang kapaligiran?
Tukuyin :
Kwentong Pasalaysay

Open –Ended Situation

Magagalang na Pananalita

Pangngalan
Kwentong Pasalaysay

❖ Nagsasalaysay ng mga pangyayari batay sa


karanasan ng may-akda o ibang tao.

❖ Nagsasalaysay sa karanasan batay sa masaya o


malungkot na pangyayari.
❖ Naglalahad ng mga pangyayari na naglalayong
maikintal sa mambabasa ang aral na kaugnay ng
buhay.
Open –Ended Situation

Ang huling bahagi ng kuwento ay


maituturing na open-ended situation. Ang
mga mambabasa ay maaaring makabuo ng
iba-ibang wakas batay sa pangyayaring
nakalahad.
Magagalang na Pananalita

Ang magagalang na pananalita ay mahalagang bahagi ng


pakikipagtalastasan ng mga Pilipino. Ang paggamit ng
magagalang na pagbati, pagpapahayag ng pasasalamat,
paghingi ng paumanhin,pagpapaalam, at maayos na
pagsang-ayon o pagtutol ay nagpapahiwatig ng pagiging
mapitagan.
Sa paggamit ng magagalang na pananalita,
mahalagang angkop din ang intonasyon o paraan ng
pagsasalita. Higit na nagiging mabisa ang paggamit nito
kung maayos itong naipapahayag.
Pangngalan

Ito ay ang ngalan ng tao, bagay, pook, pangyayari, at


gawa.
Dalawang Pangunahing Uri ng
Pangngalan

Pangngalang Pantangi Pangngalang Pambalana

Ito ay tumutukoy sa
Mga Pangngalang
di-tiyak na ngalan ng
tumutukoy lamang sa
tao, bagay, hayop, o
partikular na tao, bagay,
pook. Ito ay nagsisimula
hayop, lugar o
sa maliit na titik.
pangyayari.
Pangngalang Pantangi Pangngalang Pambalana

Fatima mag-aaral
Bb. Santos guro
Mangaladan Public Market palengke
Dr. Cruz doktor
Filipino aklat
Maaaring uriin ang pangngalang pambalana sa mga sumusunod:

❖ KONGRETO- mga bagay na tumutukoy sa bagay o material na nakikita


at maaaring hawakan.
Halimbawa: kagubatan, gulay, ilog

❖ DI-KONGRETO- diwa o kaisipan ang tinutukoy at hindi materyal.


- hindi na kikita at hindi nahahawakan ngunit nadarama.
Halimbawa: pagsisikap, pag-asa, pagmamahal
Setyembre 10, 2020
Sagutan ang pahina 10 at 11 B
Walang pong google meet bukas.
Setyembre 11, 2020
Unang Pagsusulit sa Google Classroom
Maraming Salamat mga
bata
Hanggang sa Muli

You might also like