Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Paaralan Parang-Pinagbayanan ES Baitang VI

TALA SA Guro Mr. Vladimer D. Pionilla Learning Area AP


PAGTUTURO Petsa April 22, 2022 Markahan IKAtlo
Oras Bilang ng Araw Week 2

PIVOT IDEA Lesson Exemplar Alignment with the Module


Format
I. LAYUNIN
Ang mag-aaral ay…
A. Pamantayang Pangnilalaman inaasahang maiisa-isa ang mga pangunahing suliranin at hamon sa
kasarinlan pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Ang mag-aaral ay…
B. Pamantayan sa Pagganap
matatalakay ang suliraning pangkabuhayan pagkatapos ng digmaan
*masusuri ang mga pangunahing suliranin at hamon sa kasarinlan
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
.
D. Pinakamahalagang Kasanayan Matututuhan ang mga Pangunahing Suliranin at Hamon sa
sa Pagkatuto (MELC) Kasarinlan pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
(Kung mayroon, isulat ang pinakamahalagang
kasanayan sa pagkatuto o MELC)
E. Pagpapaganang Kasanayan Nasusuri ang mga pangunahing suliranin at hamong kinaharap ng
(Kung mayroon, isulat ang pagpapaganang
kasanayan.) mga Pilipino mula 1946 hanggang 1972
Pangunahing Suliranin at Hamon pagkatapos ng Ikalawang
II. NILALAMAN
Digmaang Pandaigdig
III. KAGAMITAN PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Learner’s Material sa ARALING PANLIPUNAN 6 pp.11-15
Guro
b. Mga Pahina sa Learner’s Material sa ARALING PANLIPUNAN 6 pp.11-15
Kagamitang Pangmag-
aaral
Learner’s Material sa ARALING PANLIPUNAN 6 pp.11-15
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitan
mula sa Portal ng Learning
Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang Tarpapel, Powerpoint Presentation, TV, activity sheets,
Panturo para sa mga Gawain sa
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Panimula
Balik- aral:
Sagutan ng TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap
at MALI kung hindi.
_____1. Ang pagpapatupad ng patakarang “Filipino Muna”
(First Filipino Policy) ang isa sa mga pangunahing prayoridad
ng administrasyong Roxas
_____2. Si Elpidio Qurino ang nagpahayag ng Proklamasyon
Bilang 1081.
_____3. Naitatag ang SEATO o Southeast Asia Treaty
Organization sa panunungkulan ni Ramon Magsaysay
_____4. Sa pamamahala ni Diosdado Macapagal nangyari ang
paglipat ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12 mula Hulyo 4.
_____5. Ipinatupad ni Carlos Garcia ang pagrespeto sa
karapatang pantao at pagpapanatili ng malayang halalan.
Halina’t Maglaro:
Paunahang bumuo ng salita ang mga mag-aaral sa “jumbled
letters” na ipapakita ng kanilang guro.

“4 pics one word” Magpapakita ang guro ng apat na larawan at


huhulaan ng mga mag-aaral kung anong salita ang ipinapahiwatig
nito.

Magpapanood ang guro ng isang Video na may kinalaman sa


ikalawang Digmaang Pandaigdig na kung saan ay makikita ang
katapangan ng mga IGOROT laban sa mga hapon noong sumiklab
ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

B. Pagpapaunlad
PANGUNAHING SULIRANIN AT HAMON NG
KASARINLAN PAGKATAPOS NG IKALAWANG
DIGMAANG PANDAIGDIG

Pagbagsak ng Ekonomiya
Malaking pinsala ang idinulot ng digmaan sa bansa.
Libo-libong buhay ang nawala at maraming ari-arian ang
nasira, kasama na rito ang mga hayop na katulong sa
pagsasaka, industriya, pabrika at bahay-kalakal. Lumaganap
ang kahirapan dahil sa kawalan ng hanapbuhay ng
mamamayan. Hindi magamit ang mga pasilidad sa
transportasyon tulad ng mga lansangan, tulay, at sasakyang
pandagat at panghimpapawid. Nasira rin ang mga patubig at
sakahan. Bunga nito, humina ang produksyon ng bansa at
nagkulang sa pagkain. Napabayaan ang pagluluwas ng mga
produkto na nagbunga ng kakapusan sa pananalapi ng
pamahalaan. Malaking suliranin ng pamahalaan ang muling
pagpapaunlad ng kabuhayan. Pinatatag nito ang agrikultura,
kalakalan, at industriya bilang unang hakbang sa pagbangon
ng ekonomiya. Inuna ang pagpapagawa at pagkukumpuni ng
mga lansangan at tulay sa mga proyektong pang-
imprastraktura. Lumikha rin ng mga hanapbuhay ang
pamahalaan upang magkaroon ng pagkakakitaan ang mga
tao.
Malaking suliranin ng pamahalaan ang muling
pagpapaunlad ng kabuhayan. Pinatatag nito ang agrikultura,
kalakalan, at industriya bilang unang hakbang sa pagbangon
ng ekonomiya. Inuna ang pagpapagawa at pagkukumpuni ng
mga lansangan at tulay sa mga proyektong pang-
imprastraktura. Lumikha rin ng mga hanapbuhay ang
pamahalaan upang magkaroon ng pagkakakitaan ang mga
tao.

Kapayapaan at Kaayusan
Suliranin din ang kapayapaan at kaayusan sa bansa
pagkatapos ng digmaan. Lumaganap ang nakawan at hold-
up sa mga lungsod, bayan, at maging sa mga lalawigan dahil
sa kakulangan ng mga trabahong maaaring pasukan at
pagkakakitaan. Dahil dito, nanganib ang buhay at ari-arian
ng mga mamamayan sa masasamang elemento ng lipunan.
Higit na nagpalubha sa kalagayan ng bansa ang suliranin sa
pagsasaka. Nagpatuloy ang kawalan ng gana ng mga
magsasaka laban sa mga haciendero. Marami sa mga ito
ang naging Huk o kasapi ng Hukbo ng mga haciendero.
Marami sa mga ito ang naging Huk o kasapi ng Hukbo ng
Bayan Laban sa Hapon o Hukbalahap.
Nagsimula ang Hukbalahap bilang samahang gerilya
noong panahon ng mga Hapones. Pagkatapos ng digmaan,
tumanggi ang mga Hukbalahap na isuko ang kanilang mga
sandata nang hindi ipagkaloob ng pamahalaan ang kanilang
kahilingan sa repormang pansakahan.
Komunismo-sosyalismo ang ideolohiya ng mga Huk.
Layunin nila na pabagsakin ang pamahalaan. Lumaban sila
sa pamahalaan at inakit ang mga hindi nasisiyahang
magsasaka na umanib sa kanila. Maraming magsasaka ang
sumali, lalo na sa Gitnang Luzon, na naging sentro ng
pakikibaka ng samahan.

Suliraning Panlipunan
Matinding hirap at pagdurusa ang naging epekto
ng digmaan. Kapos sa pagkain ang mamamayan, lalo na sa
mga lugar na sentro ng labanan. Nanirahan ang marami sa
dikit-dikit at sira-sirang mga bahay at gusali. Buy-and-sell ng
anumang bagay ang naging pangunahing hanapbuhay ng
mga mamamayan sa panahong ito. Dahil sa kakulangan ng
paninda at salapi, tumaas ang halaga ng mga bilihin. Dahil
sa kawalan ng katiyakan sa buhay, nalimot ng marami ang
kagandahang asal at pamantayang moral ng lipunan.
Nawalan ng tiwala ang mga tao sa isa’t isa. Lumaganap ang
katiwalian. Ginamit ng mga opisyal ng pamahalaan ang
kanilang kapangyarihan sa pagpapayaman at nagkaroon ng
pandaraya at suhulan sa pamahalaan.

Kakapusan ng Pananalapi
Pagkatapos ng digmaan, dumanas ng krisis sa
pananalapi ang pamahalaan. Kakaunti lamang ang natirang
salapi sa kaban ng bayan. Nahirapang makalikom ng buwis
ang pamahalaan sapagkat walang hanapbuhay ang
karamihan sa mamamayan. Natigil din ang
pakikipagkalakalan sa ibang bansa dahil nahinto ang
produksiyon ng mga pangunahing produkto tulad ng palay,
asukal, at niyog.

C. Pakikipagpalihan  Isagawa
Pangkatang Gawain:
Itala ang mga naging epekto ng mga suliranin at hamon
ng pamahalaan pagkatapos ng Ikalawang Digmaan
Pandaigdig sa mamamayan. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

Gawain
Panuto: Tingnan ang mga letra sa loob ng kahon. Hanapin ang mga
pangunahing suliranin na kinaharap ng mga Pilipino sa Loop-a-
Word.
Tayahin

D. Paglalapat

V. PAGNINILAY
Naunawaan ko na TAKDANG ARALIN
______________________.
Nabatid ko na
_________________________
_.

You might also like