Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Sektor Pang-ekonomiya

Sanggunian

🏦 Ang agrikultura ay isang agham kung saan inaalagaan ng


mga magsasaka ang kanilang mga pananim na halaman at
alagang-hayop, at sa sektor na ito galing ang lahat ng
mga hilaw na materyales at tagabili ng yaring produkto

saligan ng anumang ekonomiya sapagkat dumedepende ang bansa


sa agrikultura

bansang agrikutural ang pilipinas

ang paghahalaman ay ang produksiyon ng gulay,


halamanggubat, halamang mayaman sa hibla

paghahayupan ay binubuo ng pag-aalaga ng mga kalabaw, baka,


kambing, manok, o baboy na sinusuplayan ang pagkain katulad
ng karne sa bansa

pangingisda paghuhuli ng isda at salamat sa heograpiya ng


pilipinas ay isa ito sa mga pinakamalaking tagatustos ng
bansa

paggugubat pinagkukunan ng mga kahoy, troso, abaka

kahalagahan

dito galing ang pagkain ng bawat mamamayan at hilaw na


sangkap sa sektor ng industriya

pinagkukunan ng kitang panlabas sa mga produktong


iniluluwas

malaki ang ambag sa empleyo at marami ang direkta at di-


direktang umaasa rito

bumubuo ng malaking % ng kabuoang produksiyon ng bansa

Sektor Pang-ekonomiya 1
🏦 Sa sektor ng industriya ipinoproseso ang mga hilaw na
materyales para buoin ang mga produkto na ginagamit ng
mga mamimili at mahalaga itong sektor upang matamo ang
kaunlaran

nagmumula sa agrikultura ang mga materyales nito

maraming produkto at serbisyo ang kailangan kaya ito ang


nagpapaunlad sa mga bansa

basehan ng kaunlaran sa bansa

lahat ng uri ng pagawaan na naitayo sa ekonomiya

paglikha ng mga industrial goods para sa ekonomiya

kailangan ang ibayong pagtutok para maayos ang sektor na


ito

uri ng industriya

pagmimina

extractive industry ito dahil matatagpuan sa ilalim ng


lupa ang mga mahahalagang bato kaya kailangan maghukay
para rito at hindi na maaaring palitan o makaroon muli
ng mga mineral (nonrenewable)

pagmamanupaktura

paggawa ng mga hilaw na kasangkapan para gawing produkto


gamit ang mga manggagawa o mga makina

konstraksiyon

pagtatayo ng mga gusali at estraktura na bahagi ng


serbisyo-publiko ng pamahalaan

utilities

binubuo ng mga kompanyang nilalayong matugunan ang


pangangailangan sa gas, tubig, kuryente, atb

kahalagahan

gumagawa ng mga produkto

Sektor Pang-ekonomiya 2
nagbibigay ng trabaho

kaya mayroong pamilihan ng mga produkto

nasusulit ang mga makabagong teknolohiya

nagpapapasok ng dolyar sa bansa sa pandaigdigang kalakalan

🏦 Ang sektor ng paglilingkod ay umaalalay sa buong yugto


ng produksiyon, distribusyon, kalakalan, at pagkonsumo
ng mga produkto sa loob o labas ng bansa at lumilingkod
sa transportasyon, komunikasyon, media, pangangalakal,
pananalapi, pamahalaan, at turismo

lumalawak ang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao para


sa paglilingkod

nagiging mas episyente sa paglilingkod ang espesyalisasyon


sa paggawa sa bawat larangan

kailangan ng tulong mula sa mga eksperto sa mga bagay na


hindi magagawa mag-isa

nagagawa ang mga gawaing pang-ekonomiya salamat sa lubos na


paggamit ng lakas at kakayahan ng mga manggagawa upang
makalikha ng mga produkto at serbisyo

transportasyon, komunikasyon, mga imbakan

paglilingkod sa mga publikong sasakyan, telepono, at


pinapaupahang bodega

kalakalan

pagpapalitan ng produkto at paglilingkod

pananalapi

paglilingkod ng mga institusyong pampinansiyal tulad ng


mga bangko, sanglaan, remittance, foreign exchange, atb

paupahang bahay at real estate

paupahan tulad ng apartment, sbvd, town house, condo

pampribadong paglilingkod

Sektor Pang-ekonomiya 3
lahat ng uri ng paglilingkod sa pribadong sektor

pampublikong paglilingkod

paglilingkod ng pamahalaan

🏦 Ang paggawa ay kaugnay ng uri ng manggagawa, maging


manggagawang pisikal o mental

manggagawang pisikal

unskilled, semi-skilled, skilled

blue collar job

mas ginagamit ang lakas-pisikal at enerhiya ng manggagawa


sa paglikha ng produkto at serbisyo

manggagawang mental

white collar job

ginagamit ang mental na kapasidad at kaisipan

🏦 Hindi nakikibahagi sa mga pormal na institusyong


ekonomiko ang impormal na sektor dahil hindi sila
rehistrado sa pamahalaan, hindi nagbabayad ng buwis, o
hindi dumadaan sa ligal na proseso ang mga negosyo

naglalako, namamasada, nagbebenta sa palengke

iligal na ekonomiya tulad ng black market, prostitusyon,


iligal na pasugalan

di nakarehistro at walang papeles, hindi nagbabayad ng


buwis, hindi nagpapakita ng totoong daloy ng negosyo

gawaing pang-ekonomiya na di naitatala sa national


accounting system o kulang-kulang ang mga dokumento

ang countertrade ay tulad ng sistemang barter kung saan ang


produkto o serbisyo ay ipinapapalit sa kapwa produkto o

Sektor Pang-ekonomiya 4
serbisyo imbis na salapi

🏦 Ang counterfeiting ay ang paggawa ng mga huwad na


produkto ng mga orihinal na ibinebenta sa mga mamimili
at pwede rin gawin sa salapi at ito ay iligal dahil
nakapagdudulot ito ng paglugi ng orihinal na negosyo

🏦 Sa black market nagaganap ang mga iligal na bilihin ng


produkto, serbisyo, at iba pa na ipinagbabawal o hindi
pinahihintulutan ng pamahalaan. Lumalabas ang mga
pamilihan na lumalabag sa mga patakaran at regulasyon
ng pamahalaan sa oras na may mga produkto na kulang ang
suplay

Sektor Pang-ekonomiya 5

You might also like