Kabanata 11-20

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

Kabanata 11-20

Kabanata 11: Ang Mga Makapangyarihan


Hindi kasali si Don Rafael Ibarra sa mga “makapangyarihan”
dahil mababa ang kaniyang loob at gumagawa siya ng
kabutihan sa bayan para lang gumawa ng kabutihan, hindi
para sa pansariling kapakanan. Ngunit, sa oras ng
pangangailangan ay tinatalikuran siya ng lahat.

Hindi rin makapangyarihan si Kapitan Tiago bagaman siya ay


mayaman at tinatratuhan nang ganon, dahil bina-backstab
naman siya at pinagtatawanan

Hindi rin ang gobernadorcillo o ang kapitan ang


makapangyarihan dahil uto-uto lang sila sa iba at hindi
nakakapagdesisyon mag-isa

Kinumpara ang estadong pampulitika ng San Diego sa Roma,


kung saan ang makapangyarihan sa Batikano ay ang Santo
Papa katulad ng Kura Paroko ng San Diego, at sa Quirinale
(parang Malacanang ng Italya) ay ang hari ng Italya
samantalang sa San Diego ayang alperes ng guwardiya sibil,
at kapwa nila pinag-aagawan ang kapangyarihan

Mahilig magbugbugan ang mag-asawang alperes dahil isang


kasawian daw para sa alperes ang pagpapakasal kay Donya
Consolacion (therapy o divorce na lang kayo plz enebe)

Mahilig maggantihan sa maliliit na paraan ang alperes vs


padre, halimbawa:

“Sikulate, E” — paghahandaan ng malapot na tsokolate ng


alperes ang pari

“Sikulate, A” — paghahandaan ng malabnaw na tsokolate ng


alperes ang pari

Pag magsisimba ang alperes, pinapasara ng kura ang lahat


ng mga pinto ng simbahan at magsesermon hanggang antukin
ang mga santo kaya paglabas ng alperes ay nanghuhuli

Kabanata 11-20 1
siya ng mga inosenteng sakristan at pinaglalampaso o
pinaglilinis ng bahay niya

Pero pag harap-harapan nagbabati-batian ang mga to


amplastik hahaha

Ang mga makapangyarihan sa San Diego ay ang Alperes at Kura


Paroko

—WAKAS—

Kabanata 12: Todo Los Santos


Ikinaiiba raw ng tao sa hayop ang pagpapahalaga sa patay at
bahagi ng kultura ng mga Pilipino noon pa man ang pagsamba
sa mga pumanaw nang mga ninuno

Sa sementeryo ng San Diego matatagpuan ang dalawang lalaki


na naghuhukay ng libingan at umuulan noong araw na iyon

Hinuhukay nila ang libingan na iyon dahil inutos ‘yon sa


kanila ng “kurang malaki” at ibabaon na lang daw sa
libingan ng mga Intsik

—WAKAS—

Kabanata 13: Hudyat ng Unos


Kasama ang kaniyang matandang utusan, pumunta sa sementeryo
si Ibarra ngunit hindi nila mahanap ang puntod ng ama ni
Ibarra

Ayon sa isang tagapaglibing na tinanong nila, sinunog daw


niya ang krus sa libingan ng ama ni Ibarra na kanilang
hinukay noong nakaraang kabanata at inagos na lang ang
bangkay sa ilog dahil sa lakas ng ulan noon, sa utos ng
malaking namamalong kura

Si Padre Salvi ang hinarap ni Ibarra ngunit si Padre Damaso


pala ang may kagagawan ng lahat ng kalokohang ito

—WAKAS—

Kabanata 14: Baliw o Pilosopo?

Kabanata 11-20 2
Backstory reveal ni Piloposo Tasyo na nasa sementeryo rin

Si Don Anastacio ay dating estudyante ng pilosopiya ngunit


tumigil sa pag-aaral bagaman maykaya naman dahil sa
paniniwala ng mayaman niyang ina na makakalimutan niya ang
Diyos sa pag-aaral niya, sumunod naman siya at pinakasalan
ang nobya

Nabiyudo at naulila siya sa susunod na taon

At least ngayon may pagkakataon na siya mag-aral, pero sa


sobrang pagkakagumon sa pag-aaral na ‘yun na lang ginawa
niya sa buong buhay niya ay di na niya nabantayan ang mga
ari-arian niya at naghirap na siya

Para sa mga kapwa may mataas na pinag-aralan, siya ay si


“Pilosopong Tasyo,” pero para naman sa ibang taong di
nakapag-aral siya ay “Tasyong Baliw”

Ngayon, kausap ni Pilosopo Tasyo ang isang Kapitan at


sinabi niyang inaantay niya ang unos, pero hindi para
maligo, kundi ang kidlat na papatay ng mga tao at susunog
ng mga bahay (loxia)

Pumasok si Pilosopo Tasyo sa simbahan at sinabihan ang mga


batang sakristan na nagtatrabaho roon na pinaghanda na sila
ng hapunan ng ina nila, ngunit sabi ng mga bata na alas-
otso pa sila makakaalis at kailangan nilang pagtrabahuin
ang sweldong maibibigay nila sa ina nila

Ngayon, pinagtsitsimisan nina P. Tasyo at Don Filipo ang


pamilyang Ibarra at napunta ang usapan nila sa purgatoryo

Ayon kay P. Tasyo, “Ang isipang nananalig sa purgatoryo ay


mabuti, banal, at makatuwiran. Dahil sa purgatoryo ay hindi
nalalagot ang pagkakaugnay ng mga buhay sa mga patay.”

—WAKAS—

Kabanata 15: Ang Mga Sakristan


Patutunugin ang kampana ng simbahan ng mga bata na kinausap
kanina ni P. Tasyo

Kabanata 11-20 3
Nagrereklamo ang nakababata sa kuya ang buhay sa kumbento,
at mas gugustuhin daw niyang magkasakit para maalagaan siya
ng nanay niya at hindi na bumalik sa kumbento at hindi na
sila masasaktan. Panira naman ang kuya na sinabi na
mamamatay rin naman sila, ang nanay sa sama ng loob at sila
sa gutom

Pinagbibintangan si Crispin na nagnakaw ng dalawang onsa


(tatlumpu’t dalawang piso P32) at sa laki ng halagang ito
ay sinabi ni Crispin na sana ninakaw na nga niya iyon
hahaha tama material gurl pero malungkot sa kanila na
sinisisi sa kanila to dahil lulong sa bisyo ang tatay nila

Dumating ang Sakristan Mayor at minultahan na naman si


Basilio dahil daw sa maling pagtugtog sa kampana at
pinaiwan si Crispin hanggang lumitaw ang ninakaw niya

Kinakaladkad ng sakristan mayor si crispin na angal nang


angal

—WAKAS—

Kabanata 16: Si Sisa


Nasa labas na ng bayan ang bahay nina Sisa, Crispin, at
Basilio

Ang ama at asawa ng pamilyang ito ay malupit pero hindi


malupet na sabungero at bisyo lang ang inaatupag sa buhay
at binebenta pa ang mga alahas ni Sisa para sa bisyo
samantalang si Sisa girlboss ay naghahanapbuhay pero iyak
na lang ang magagawa minsan pero masyado pa niyang mahal
ang asawa at mga anak

Noong araw na iyon ay nagsaing at nag-ihaw ng tatlong


tuyong tawilis at nagluto pa ng tapa at hita ng pato si

😕
Sisa para sa pag-uuwi ng kaniyang mga anak pero asawa pala
ang umuwi


Halos inubos ng asawa ang mga handa pero nasiyahan naman si
Sisa nang kinumusta ang mga anak (bare minimum langs )

Kabanata 11-20 4
Mag-isang umuwi si Basilio na kakila-kilabot at pinapabukas
sa nanay ang pinto ng kubo

—WAKAS—

Kabanata 17: Si Basilio


Nakauwi si Basilio nang bagabag na bagabag at kinuwento sa
ina ang nangyari sa kanila ni Crispin, na naiwan sa
kumbento

Ipinagtapat niya an hinabol siya ng mga guwardiya sibil at


nadaplisan pa nga ng bala sa noo, ngunit binabalaan niyang
sabihin na lang sa iba na nahulog lang daw siya para walang
makakaalam na hinabol at pinagbabaril siya

Ayaw na ni Basilio na kumain ng hapunan at hindi rin naman


niya paborito ang tuyong tawilis. Sinabi ni Sisa sa kanya
na dumating at tatay nila pero sabi ni Basilio na mas
gugustuhin niyang silang 3 na lang magkakasama na
kinalungkot ni Sisa

Binangungot si Basilio kinagabihan, kung saan nakita niya


ang pang-aapi ng sakristan mayor kay Crispin hanggang
gisingin siya ng kaniyang ina. Di na lang niya sinabi ang
napanaginipan niya, sa halip ay nanggapasan daw silang
tatlo sa bukod at di na niya matandaan ang ibang detalye

Plano ni Basilio na umalis sa pagsasakristan at


magtatrabaho na lang siya sa pastulan ng bagong-dating na
Don Crisostomo Ibarra, at pagbubutihan niya ang pagpapastol
at papapaaralin si Crispin kay Pilosopo Tasyo hanggang sa
mabigyan siya ng sarili nilang lupang sakahan at sasaya na
sila sa buhay

Siyempre, umoo si Sisa rito pero nalungkot siyang di na


nabanggit ang tatay nila sa pangarap (dasurb)

—WAKAS—

Kabanata 18: Nagdurusang Kaluluwa

Kabanata 11-20 5
May sakit daw si Padre Salvi pagkatapos magmisa nang
matamlay tungkol sa mga kaluluwa

May tsismosang grupong naghihintay sa kaniya dahil gusto


nila malaman kung sino ang mangunguna sa sermon sa pistang
bayan, at nagpaparamihan lang sila ng indulhensiya na
katumbas daw ng mahigit isanlibong taon ng paghihirap sa
purgatoryo

Nagsuot ng pinakamagandang bihis at pinitas ang mga


pinakasariwang gulay si Sisa papunta sa kumbento upang
ihatid na sana si Crispin, pero ayon sa kusinerong
nakasalubong niya ay tumakas na raw ‘yon at hinahabol ng
mga guwardiya sibil at hahanapin na nila siya sa bahay nila
mismo

Nilait din ng kusinero ang pamilya ni Sisa at siya ay


humagulgol pero sinabi ng kusinero na sa kalye na lang daw
siya umiyak

—WAKAS—

Kabanata 19: Karanasan ng Isang Guro


Itinuro ng guro kay Ibarra kung saan banda sa ilog ang
bangkay ng kaniyang ama

Nagkuwento na rin ng backstory ang guro, kung saan


tumatanaw siya ng malaking utang na loob kay Don Rafael
dahil nang dumating siya sa San Diego nang walang-wala ay
ikinuha siya ng Don ng bahay at mga kagamitang panturo, at
binibigyan niya ng pera ang mga masipag na bata tuwing
bibisitahin niya ang eskuwelahan

Tinanong ni Ibarra ang kasalukuyang kalagayan ng mga batang


tinulungan ng kaniyang ama pero sabi ng guro na ginagawa na
lang nila kung ano ang nakakaya nila at kokonti na lang ang
pumapasok, ipinaliwanag na rin ng guro ang dahilan

walang pang-akit na mag-aral ang mga bata like di naman


talaga sila ginaganahan mag-aral

Kabanata 11-20 6
madalas, kahit gusto rin naman talaga nila mag-aral,
wala naman silang kakayahan dahil kailangan magtrabaho
para matuosan ang mga pang-araw-araw na pangangailangan

basta sa kabuoan bulok ang sistema ng edukasyon

Iginiit siya ni Ibarra kung bat di pa nasosolusyonan ang


mga to:

una sa lahat, walang impluwensiya ang guro dahil guro na


nga lang siya

di siya nakakapagturo nang matiwasay dahil epal ang kura


parokong nasa tabi ng paaralan nila na pinapagalitan ang
klase kapag nagigising siya sa mga bata

tinuruan niya ang mga bata na mangastila pero


pinagsabihan siya ng kura na hindi ‘yon para sa kanila
at magtagalog na lang daw

sa halip na madismaya rito ang guro ay ginanahan pa siya


mapabuti ang pagtuturo niya, nag-aral siya lalo ng
wikang kastila at natunang di maganda mamalo at pinasok
niya ang mga pagbabagong ito sa klase niya kung saan sa
halip na mamalo ay naglalaro na lang sila para matuto at
ginanahan na mag-aral ang mga bata

sinabihan na naman siya ng kura na mamalo na lang ulit,


hanggang sa punto na ang mga magulang na rin ang
nagsasabi sa kaniya na mas matututo ang mga bata sa
pamamalo

kaya yon, namalo na lang ulit siya at nadismaya muli


ang mga bata

nagkasakit ang guro at napalitan ang kura

sinubukan niya muli magturo tungkol sa kasaysayan at


heograpiya at panitikan ng pilipinas na isinalin niya
mula sa kastila, pero inisyuhan na naman siya at dapat
daw kabisaduhin ng mga bata ang mga doctrina christiana
at kung ano pa

“Mamamatay tayong ganito pa rin ang gawain na tutularan pa


ng susunod na henerasyon, samantalang ang Europa ay patuloy

Kabanata 11-20 7
ang pag-unlad”

Dahil sa lahat ng natunan ngayon ni Ibarra, napagpasiyahan


niyang tatayo siya ng paaralan sa alaala ng ama niya

—WAKAS—

Kabanata 20: Pulong ng Bayan


May naganap na pulong ng bayan para sa nalalapit na
kapistahan ng San Diego na dinaluhan ng dalawang partido

Ang Partido Conservador ay binubuo ng mga konserbatibong


matatanda na tradisyunal ang mga paniniwala na
pinapangunahan ni Kapitan Basilio

Ang Partido Liberal ay binubuo ng kabataang radikal mag-


isip sa pamumuno ni Don Filipo

Pinayuhan ang Partido Liberal ni P. Tasyo, na parang kahit


ano ang imumungkahi nila sa pagpupulong ay tatanggihan nila
dahil galit lang talaga sa kanila ang Partido Conservador.
Kaya, dapat una nilang banggitin ang planong hindi talaga
nila balak mapatupad para iyon ang tatanggihan ng kabilang
partido, tapos ibang miyembro ang lalapit ang magsasabi ng
ibang plano, ang totoo nilang plano, at yon na ang
maaaprubahan

Sa mismong pagpupulong, unang nagsalita si Kapitan Basilio,


kung saan siya ay nanalumpati na walang kuwenta

Noong si Don Filipino naman ang magsasalita, iminungkahi


niyang P3500 ang kanilang badyet; P200 para sa entablado;
P1400 para arkilahin ang komedyasa Tondo na magdudula ng
pitong sunod-sunod na gabi; P1000 para sa 200 bomba at 200
kuwitis; 200 pritong manok, 100 relyenong kapon, 50 litson
na ihahagis sa ilog; at magsusugal sila

Tulad ng inasahan nila ay tinaggihan siyempre ang ganitong


plano

Iminungkahi naman ng isang kabesa ang pagpapalabas ng mga


dramang naglalarawan ng sariling kaugalin ng mga Pilipino
upang maunawaan at maiwasto ang mga bisyo at kapintasan at

Kabanata 11-20 8
mapahalagahan ang mga katangian, at kanilang ipapalabas
“Ang Paghahalal sa Kapitan,” at ”Mariang Makiling”

Pagkatapos ng lahat ng pagtatalo nila, sinabi ng kapitan na


nanguna sa pagpupulong na gusto ng kura ng 6 na prusisyon,
3 sermon, 3 misa mayor, komedya sa tondo, at musikang pang-
intermisyon, at yan ang masusundan

—WAKAS—

Kabanata 11-20 9

You might also like