Bio Note

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

BIONOTE

Si Sir Jeffrey Allen G. Ituriaga, o mas nakilala sa alyas na “Allen Guevarra”, ay


isang tanyag na artista at mang-aawit na lubos na minahal ng buong mundo at
binigyang parangal ng Pilipinas. Nagtapos siya ng pag-aaral sa Saint Scholastica
College ng kursong Bachelor of Music in Voice with Diploma in Music Performace para
sa kaniyang pag-awit. Siya rin ay nag-aral sa De La Salle-College of Saint Benilde para
sa kursong Bachelor of Arts in Theater Arts para sa kaniyang pag-arte. Bata pa lamang
si Allen nang naakit siya sa ambisyong maging artista at mang-aawit. Noong siya ay
nag-aaral pa sa Senior High School, sumali siya sa organisasyong Bedan Artistic
Chamber of Thespians (A.C.T.), isang grupo ng mga mag-aaral na nagbibigay ng
oportunidad sa mga taong nais tahakin ang landas sa larangan ng pag-awit at pag-arte.
Sa kabutihang palad, binigyan siya ng karangalang gumanap bilang isa sa mga bida ng
kanilang palabas. Mula noon, siya ay tuluyang nahulog at minahal nang husto ang
teatro at ang pag-awit kaya’t binigay niya ang lahat upang makamit ang kaniyang mga
pangarap. Ngunit noong siya ay nagsisimula pa lamang sa industriya, hindi siya
sinuwerte at naghirap ang kaniyang buhay sa sumunod na dalawang taon. Sa kabila ng
mga paghihirap na ito, hindi siya nawalan ng pag-asa at nagpursigi. Nang isang araw,
siya ay nabigyan ng oportunidad na maging bida sa isang pagtatanghal sa isang dula at
mula noon, sunod-sunod na ang biyayang dumating sa kaniyang buhay. Ngayon isa na
siya sa mga pinakatanyag na artista’t mang-aawit na nagmula sa Pilipinas na
nakarating sa entablado ng Broadway.

You might also like