Unang Wika, Bilingguwalismo, at Multilingguwalismo Sa Kontekstong Pilipino

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

Sa mga katutubong wika sa kapuluang Pilipinas, ang mga

sumusunod ang pinakamalaki at malimit gamitin bilang pangunahing


wika sa kaniya-kaniyang rehiyon sa bansa:

1. Tagalog
• Wikang batayan ng Filipino. Pangunahing wika ng mga
naninirahan sa katimugang bahagi ng Luzon.

• Sinasalita ng 24% ng kabuuang bilang ng mga Pilipino sa buong


kapuluan. Taal na gamit sa mga lalawigan sa CALABARZON.

• Ginagamit rin ito sa mga lalawigan na kabilang sa MIMAROPA. Ito


rin ang pangunahing wika ng Pambansang Punong Rehiyon na
siyang kabisera ng bansa.
2. Ilokano- Kilala rin sa tawag na "Iloko." Pangunahing
wika ng mga naninirahan sa Hilagang Luzon lalo na sa
kabuuan ng Rehiyon I at Rehiyon II, at ilang bahagi ng
Rehiyon III.

3. Cebuano- Ang pinakakilala at pinakamalawig na wikang


"Bisaya." Pangunahing wika ng lalawigan
ng Cebu, Silangang Negros, Bohol, Leyte, Timog Leyte, at
malaking bahagi ng Mindanao. Tinatayang sinasalita ng
27% ng kabuuang populasyon ng bansa.
4. Hiligaynon: Isang wikang Bisaya na tinatawag ding
Ilonggo batay sa pinakakilalang diyalekto nito mula sa
Lungsod ng Iloilo. Pangunahing wika ng Kanlurang Visayas
lalo na sa Iloilo, Capiz, Guimaras, kabuuan ng Negros
Occidental, at sa timog-silangang Mindanao tulad ng
Lungsod ng Koronadal.

5. Waray: Isang wikang Bisaya na tinatawag ding


Waray-Waray. Pangunahing wika ng Silangang
Visayas partikular sa buong pulo ng Samar, hilagang-
silangang Leyte, at ilang bahagi ng Biliran. Sinasalita
sa Lungsod ng Tacloban.
6. Kapampangan- Pangunahing wika ng mga naninirahan
sa Gitnang Luzon partikular na sa Pampanga, timog Tarlac,
at iilang bahagi ng Bulacan at Bataan.

7. Bikol- Pangunahing wika (lingua franca) ng mga


naninirahan sa Tangway ng Bicol sa timog-silangang Luzon.
Sinasalita sa mga lungsod ng Naga at Legazpi.
8. Pangasinan- Malimit ding tawagin sa maling
pangalan na Panggalatok. Isa sa mga pangunahing
wika ng Lalawigan ng Pangasinan.

9. Meranao- Isa sa mga pinakamalaking wika ng


mga Moro. Pangunahing sinasalita sa Lungsod ng
Marawi at buong Lanao del Sur, at ilang bahagi
ng Lanao del Norte.
10. Maguindanao- Isang pangunahing wika ng
mga Moro at ng Autonomous Region of Muslim
Mindanao. Sinasalita sa Lungsod ng Cotabato.

11. Kinaray-a- Isang wikang Bisaya. Pangunahing


sinasalita sa pulo ng Panay partikular sa Antique at
ilang bahagi ng Lalawigan ng Capiz at Iloilo tulad
ng Lungsod ng Passi.
WIKA
Itinuturing na wika ang bawat isa dahil hindi
magkakaintindihan ang dalawang
tagapagsalita nito na may magkaibang
katutubong wika.
DIYALEKTO
Bawat isa sa mga wika ay may
mga sanga at tinatawag na
diyalekto na maaaring
magkaiba sa isa’t isa sa ilang
katangian. Ngunit
nagkakaintindihan ang
dalawang tagapagsalita na
may dalawang diyalekto.
WIKANG PAMBANSA AT
MULTILINGGUWALISMO
➢ Isang lingguwistikong realidad ang pagkakaroon ng
maraming wika. Kahit na sabihing mayroong
pambansang wika, nananatili pa rin ang barayti at
baryasyon nito na dinamikong nahuhubog at
humuhubog sa mga kasalong wika. (Constantino at
Mangahis, et. Al., 2005)
MULTILINGGUWALISMO SA ATING
BANSA
➢ Ang wikang Filipino ay binubuo ng maraming
wika mula sa mga kasalong wika (Cebuanong-
Bisaya, Iloko, Kapampangan, Pangasinan, Samar-
Leyte, Maguindanao, Tausug, at Tagalog) at ang
mga banyagang wika (Kastila, Ingles, at Tsino).
➢Upang mapalakas ang ating pambansang wika, nararapat
lamang na mawala ang katawagang rehiyonal o
bernakular na wika. Kung ang pinagmulan ng
ideyalisadong wikang Filipino ay mula mismo sa wikang
nasa loob ng bansa nararapat lamang na mga “kasalong
wika” ang maging taguri ng mga ito.

➢Nilalansag nito ang heopolitikal na bangayan ng mga


etnolingguwistikong pangkat tungkol sa representatibong
wikang magmumula sa rehiyon na bubuo sa wikang
Pambansa.
PAGPAPLANONG PANGWIKA- layunin nito na
lutasin ang mga problemang pangwika at magpabago
sa mga sitwasyon at kalagayang pangwika sa
pamamagitan ng mungkahing solusyon at
manipulasyon tungo sa katutubong dominasyon.
(Constantino, 2005b: 23).

Dekada ‘70- Isang pananaw ang naging paunang


tunguhin kung saan nagbalitaktakan hinggil sa tamang
landasin ng pagpaplanong pangwika.
Ernesto Constantino- “Ang Wikang Pambansa ay dapat ibatay
hindi sa isang wika lang kundi sa maraming wika ng Pilipinas;
pero hindi ito pinupuwersa na isa sa mga wikang ito ang
gawing nucleus o simula ng wikang pambansa.

Konstitusyon ng Kasalukuyang Artikulo XIV, Seksiyon 6:


“Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng
Pilipinas at sa iba pang mga wika.”

You might also like