Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Mga Susing Salita

Abangan!
Ang Mga Susing Salita ang unang pambansang palihan sa wika na nakatuon sa
pagbuo ng kaalaman gamit ang mga konseptong nakapaloob sa isang susing salita na
hango sa anumang wika sa Pilipinas. Pangunahing layunin ng palihan na paunlarin ang
inisyal na mga ideyang nakapaloob sa piniling salita at alamin ang potensyal na ambag
nito sa larangan ng pag-aaral at pananaliksik tungo sa produksyon ng kaalaman.
Inaasahang maging lunsaran din ang nabuong kaalaman na hango sa napiling susing
salita sa artikulasyon ng mga pambansa at akademikong usapin tulad ng panunuring
pampanitikan, identidad, migrasyon, modernismo, urbanisasyon, pagpaplanong
komunidad, wika at kultura, agham panlipunan, araling midya at kulturang popular,
agham at teknolohiya at iba pang mga paksa at tema na umuusbong sa iba’t ibang
larangan.
Sa tulong ng mga guro, iskolar, mananaliksik, at eksperto sa iba’t ibang akademikong
disiplina, inaasahang magkakaroon ng interdisplinaryong pagsipat sa napiling susing
salita upang matukoy ang lawak at lalim ng diskursong maaaring mabuo nito.
Magkakaroon ng panawagan sa paglahok at pipili ng sampung kalahok na
magkakaroon ng pagkakataong ibahagi ang inisyal na mga konseptong nakapaloob sa
piniling susing salita at kung sa paanong paraan nila ito gagamitin upang makabuo ng
kaalaman. Matapos ang palihan, bibigyan ng sapat na panahon ang mga kalahok na
muling magsulat upang maging isang ganap na papel ang kanilang inilatag na inisyal na
mga ideya. Titipunin ng SWF-UPD ang nabuong papel ng mga kalahok at ihahanda
para sa publikasyon.
Maaaring lumahok ang mga mag-aaral, guro, mananaliksik at iskolar na nais paunlarin
ang kanyang mga inisyal na ideya na hango sa piniling susing salita tungo sa pagbuo
ng kaalaman.

You might also like