Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII
Cotabato Division
KABACAN WESLEYAN ACADEMY, INC.
Abellera St., Kabacan, Cotabato
kabacanwesleyanacademyincorpor@gmail.com
0910 4771 350
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Di-Masusing Banghay-Aralin sa Filipino 10
(Grade 10 – Josiah / TTh / 1:15 – 2: 30pm)
I. MELCS: Pagkatapos ng 150 minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Naipapahayag ang mahalagang kaisipan sa napakinggan
b. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda sa nangyayari sa: sarili, pamilya, pamayanan, lipunan,
daigdig
c. Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kayarian nito sa kasalukuyan
d. Naipapahayag nang malinaw ang sariling opinyon sa paksang tinalakay
e. Nagagamit ang angkop na pandiwa bilang aksiyon, pangyayari at karanasan
f. Naisusulat ang sariling mitolohiya batay sa paksa ng akdang binasa
g. Naisasagawa ang sistematikong pananaliksik sa iba’t ibang pagkukunan ng impormasyon (internet, silid-
aklatan, at iba pa)

II. PAKSANG ARALIN


a. Paksa: ARALIN 1: MAY KAPARUSAHAN SA KATAMPALASAN (Greece): PANITIKAN - Mitolohiya
(Ang Alingawngaw at si Narcissus) at GRAMATIKA - Pandiwa bilang aksiyon, pangyayari at karanasan
b. Sanggunian: Talastasan 10 (Gramatika at Panitikan) ni Jessie S. Setubal
c. Kagamitan: Powerpoint Presentation, aklat, TV, bond paper
d. CORE Values: Pagpapakumbaba
e. 21st Centuty Skills: Kritikal na Pag-iisip, Malikhaing Pag-iisip, Literacy Skills, Comunication Skills
f. Estratehiya: Malikhaing Pagkukuwento, Kolaborasyong Pagkatuto

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagtsetsek ng mga lumiban at hindi lumiban sa klase
d. Pagpapaalala sa mga palatuntunan at regulasyon ng klase
e. Pagbabalik-aral: Magtatanong ang guro tungkol sa akdang pampanitikan

B. Panlinang na Gawain:
a. Pagganyak: Magtatanong ang guro tungkol sa kagandahan at kung kalian masasabing ang isang
nilalang, lugar, o bagay ay maituturing na maganda. (Pamukaw-sigla, p.2) (Explore/Pagtuklas)

b. Paghawan ng sagabal: Bibigyang kahulugan ng mga mag-aaral ang mga salitang nakadiin sa bawat
pangungusap (talas-salita, p. 5) (Explore/Pagtuklas):
c. Paglalahad ng Paksa: Pagbibigay tribya tungkol sa bansang Greece(Alam mo ba, p.5)
(Explore/Pagtuklas)

d. Pagtalakay sa Paksa
Gawain 1: Ipapabasa sa mga mag-aaral ang mga pokus na katanungan
Gawain 2: Malikhaing pagkukuwento ng Mitolohiya: Ang Alingawngaw at si Narcissus(Aksa-Unawa
p.3-4). Habang nangyayari ang pagkukuwento, paunti-unting sasagutan ang mga pokus na katanungan
sa pamamagitan ng oral recitation. (Firm Up / Paglinang)
Gawain: Tatalakayin ng guro ang tugkol sa KALIKASAN AT KATUTURAN NG MITOLOHIYA.
Pagkatapos ay pabibigyang kahulugan sa mga mag-aaral ang salitang Mitolohiya at ipapalarawan ang
Mitolohiyang Pilipino. (simulan natin, p.7). (Firm Up / Paglinang)

Gawain 4: Tatalakayan ng guro ang tungkol sa pandiwa bilang aksiyon, pangyayari at karanasan
(Gramatika, p9-10). Malayang Talakayan at pagbibigay halimbawa (Pagpapalalim / Deepen)

e. Pangkatang gawain o paglalapat : Ito ay isang Contextualized Activity mula sa gawaing nasa pahina 11.
Hahatiin ang klase sa tatlong pangkat. Ang bawat pangkat ay bubuo ng mitolohiya batay sa akdang
pinakinggan at pinag-aralan sa pamamagitan ng Dugtungang pagkukuwento / Skit. Isasaalang-alang ang
paggamit ng mga pandiwa bilang aksiyon, pangyayari, at karanasan. Ipepresenta ng guro ang rubriks sa
itinakdang gawain . (Paglalapat / Transfer):

f. Presentasyon ng gawain (Paglalapat/Transfer)

g. Paglalahat: Bubuo ng kasabihang nanghihikayat sa kapuwa mag-aaral na tangkilikin ang mitolohiya


bilang isa sa mga sinaunang anyo ng panitikan. Gumamit ng mga pandiwa bilang aksiyon, pangyayari, at
karanasan (p.8)( Paglalapat/Transfer)

h. Pagpapahalagang Moral: Magtatanong ang guro tungkol sa pagpapakumbaba. (Paglalapat/Transfer)

C. Pagtataya: Magkakaroon ng maikling pagsusulit ang mga mag-aaral (10 aytem)

D. Takdang Aralin: Magsaliksik ng halimbawang mitolohiya na namalasak sa mga bansang Mediterranean. Isulat
ang buod gamit ang grapikong pantulong (Ilapat na, p. 9) Paglalapat/Transfer)

Inihanda ni: LADY JOY R. DAO-AY, LPT Iniwasto ni: JANA FE C. MANUEL, LPT
Guro sa Asignatura Koordineytor sa Asignatura/TIC

Inapruba ni: ROSALITA P. RABIA, EdD.


Punong-guro

You might also like