Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

SAINT AUGUSTINE HIGH SCHOOL

San Agustin, Surigao del Sur

THIRD PRELIMINARY EXAMINATION


FILIPINO 9

Junior High School Department Bb. Luz Marie A. Corvera


PANGALAN: ______________________________________ PETSA: ________________________
BAITANG & SEKSIYON: ____________________________ PUNTOS: _______________________

TEST I – PAGTUKOY. Kilalanin ang magkasingkahulugan na salita sa loob ng pangungusap. Bilugan ang salita o mga
salita. (2pts bawat bilang)

1. Sa kanilang tahanan ay labis pa ang mga pagkaing inilaan para sa mga katulong, sa sobrang dami ay hindi nila ito
maubos.
2. Nilustay niya sa mga walang kabuluhang bagay ang kayamanang kahit kailan ay hindi winaldas ng kanyang ama.
3. Lubhang nahabag ang ama nang makita ang anak, naawa ito sa kalagayan ng kanyang pinakamamahal na anak.
4. Nalaman ng ama na ang kanyang anak ay nagdalita matapos maubos ang pera nito, sadyang naghirap siya.
5. Natanaw ng ama ang papalapit na anak, siya ay napabalikwas nang masilayan ito.
6. Hindi natin dapat maliitin ang mga patutot, may pag-asa pang magbago ang mga babaeng nagtitinda ng aliw.
7. Binahagi ng kanyang ama ang yaman na para sa bunso at binigay rin ang nararapat sa isa pa niyang anak.
8. “Ang aking ama ay maraming upahang utusan kaya’t hindi siya nahihirapan dahil katulog niya ang mga ito.
9. Hinangad niyang kumain ng pagkain ng baboy kahit hindi naman ito ang kanyang ninanais.
10.“Nagkasala ako laban sa langit,” ang sambit ng kanyang anak na humingi ng tawad dahil siya’y nagkamali.

TEST II – PAGKILALA. Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Kilalanin ang kayarian ng salita na
nakasalungguhit. Isulat sa patlang ang sagot

______________________1. Nakakalungkot mang sabihin ay hindi maitatangging asal-hayop ang kanyang kapatid.
______________________2. Para sa nakatatandang kapatid, walang kapatawaran ang ginawa ng kanyang kapatid.
______________________3. Isang bahaghari ang masisilayan kapag natapos na ang unos sa ating buhay.
______________________4. Siya ang kasagutan sa lahat ng aking mga panalangin.
______________________5. Iilan lamang sa aking mga kaibigan ang aking nalalapitan sa orass ng kagipitan.
______________________6. Maraming matatanda ang dumalo sa pagtitipon na hindi napigilang tumawa ng malakas
dahil sa saya.
______________________7. Marami sa atin ang naniniwala sa mga kwentong-bayan na mula sa mga matatanda.
______________________8. Pinagsumikapan niyang makabili ng relong ibibigay sa kanyang asawa.
______________________9. Kahit anong mangyari ang anak ay babalik parin sa magulang.
______________________10. Ang mga aso sa aming lugar ay gabi-gabi na lamang ang pagtatahol.

TEST III – ANALISA. Magbigay ng halimbawa ng mga kayarian ng salita gamit ang sariling wika. (kinamayo o bisaya)
1. Payak
a. ___________________
b. ___________________
c. ___________________
d. ___________________
e. ___________________
2. Maylapi
a. Unlapi - ______________________ _________________________
b. Gitlapi - ______________________ _________________________
c. Hulapi - ______________________ _________________________
d. Kabilaan - _____________________ _________________________
e. Laguhan - _____________________ _________________________

TEST IV – PAGTUKOY. Basahin at unawain ang isang parabula tungkol sa Mabuting Samaritano pagkatapos nito’y
iuuri ang mga salitang nakadiin batay sa kayarian. Isulat sa inihandang kahon sa ibaba ang sagot. (10 Puntos)
Isang araw ay may lumapit kay Jesus na isang
eskriba na dalubhasa sa kautusan upang siya ay
subukin. Tinanong niya si Jesus ng, “Guro, ano ang
dapat kong gawin upang magkamit ng buhay na walang
hanggan?”
Sumagot si Jesus at itinanong sa lalaki, “Ano
ba ang nakasulat sa kautusan? Ano ba ang nababasa mo
roon?”
Anang eskriba ay ibigin ang Panginoong Diyos
ng buong puso, kaluluwa at lakas. At ibigin ang kapwa
gaya ng sarili.
Tama umano ang sagot ng lalaki ayon kay
Jesus. Gawin daw iyon at magkakamit siya ng buhay na
walang hanggan.
Ngunit upang hindi lumabas na kahiya-hiya ang lalaking dalubhasa sa kautusan ay nagtanong pa ulit ito kay
Jesus.
“Guro, sino po ang aking kapwa?”
Kaya naman inihayag ni Jesus ang talinghaga tungkol sa mabuting samaritano.
Isang araw ay may taong naglalakbay mula sa Jerusalem papuntang Jerico. Hinarang siya ng mga tulisan.
Hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na.
May isang pari na napadaan sa lugar ngunit sa halip na tulungan ay lumihis siya ng daan at nagpatuloy lamang sa
paglalakad na parang walang nakita.
Ganun din ang ginawa ng isang Levita na nakakita sa bugbog saradong katawan ng lalaki.
Nagkataon namang napadaan ang isang lalaking Samaritano na naglalakbay at nang makita ang lalaki ay agad
niya itong tinulungan. Siya’y naawa dito, binuhusan at nilinis ang sugat saka binendahan.
Pagkaraan ay isinakay niya ang lalaki sa kanyang asno at dinala ito sa bahay-panuluyan upang maalagaan siya
doon.
Bago umalis kinabukasan ay nag-iwan pa siya ng dalawang salaping pilak ang namamahala ng bahay-
panuluyan at nagbilin na alagaan niya muna ang lalaki at kung sakaling may magastos pa siya na higit sa iniwan niyang
pera ay babayaran na lamang niya ito sa kanyang muling pagbabalik.
Pagkatapos mailahad ni Jesus ang talinghaga ay nagtanong ito, “Sa palagay mo, sino kaya sa tatlo ang naging
tunay na kapwa ng taong hinarang ng mga tulisan?”
“Ang taong tumulong sa kanya,” tugon ng eskriba.
Kaya’t sinabi sa kanya ni Jesus, “Kung gayon, humayo ka’t gayon din ang gawin mo.”

PAYAK MAYLAPI INUULIT TAMBALAN

You might also like