Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

PAKIKINIG

KAHULUGAN NG PAKIKINIG
Ano ang pakikinig? Alam natin na ang pakikinig ang pinakaunang kasanayang
pangkomunikasyon na natutunan ng tao? Kung walang kapansanan sa pandinig na nakakarinig
na isang bagong panganak na sanggol kahit pa puro lamang iyak ang mamumutawi sa mga bibig
niya.

Lahat ay sasang-ayon sa katotohanang awain ang naitutulong ng pakikinig sa buhay ng tao. Sa


pamamagitan ng pakikinig ay nadaragdagan ang ating kaalaman na magagamit at makatutulong
nang awain sa ating pag-aaral, at pamumuhay sa araw-araw. Nagiging daan din ito upang
maunawaan ang damdamin at kaisipan ng isang tao upang mabigyang-katwiran ang kanyang
mga gawi, kilos at paniniwala.
Ang mabuting kasanayan sa pakikinig ay itinuturo at hindi nakukuha lamang. Sapagkat
mahalaga sa mabilisang pagkatuto, sa pagpapanayam ng pansariling buhay at sa pakikilahok sa
mga pangyayaring panlipunan at pansibiko sa makabagong panahon, kailangang linangin ang
kasanayang ito.
Ang pakikinig ay isang paraang interaktiv at di-pasibo, na nangangailangan ng higit sa
itinakdang lakas at pagsasanay. Dahil dito, mahalagang makapili at makapagdisenyo ng mga
kagamitang awtentiko sa pagkatuto ng wika, gayundin sa mga gawaing tutugon sa edad, antas ng
interes at kakayahan sa wika ng sinumang gagamit (Pierce, 1988).
Ang pakikinig ay hindi pasibo(passive) kundi aktibong paraan ng pagtanggap at pagbuo ng
mensahe mula sa pinanggagalingang tunog. Ang paraang ito ay nakabatay sa kung ano ang
nalalaman ng sinuman sa mga sistemang fonolohikal, gramatikal, lexikal at kultural ng wika.
Samakatwid, sa-apat na kasanayan na pangwika, ang pakikinig marahil ang may pinakamalaking
porsyento ng panahon na nakukunsumo ng mga mag-aaral. Sa isang mag-aaral, ang matamang
pakikinig sa guro ay makatutulong upang makakuha siya nang mataas na marka na habang
nakikinig ay nabibigyang-kahulugan o nauunawaan ang aralin na pinag-uusapan. Nakikinig siya
sa mga magulang at iba pang myembro ng pamilya kung nasa tahanan, at mga kamagaral, kung
may panahon. Nakikinig din siya sa mga programa sa radyo at televisyon, at maging sa mga
talumpati ng mga kilalang personalidad sa iba't ibang pagkakataon.

KAHALAGAHAN NG PAKIKINIG
Ayon kina Bernales, et.al, ang pakikinig ay may kabutihang dulot. Ilan sa mga ito ay mga mga
sumusunod:

1. Ang pakikinig ay isang mabisang paraan ng pagkuha ng mga mensahe, lantad man o hindi
ang mensahe.
2. Ito rin ang isa sa mga pinakagamiting kakayahan ng tao sa pag — unawa ng mga
impormasyong hatid ng mundo.
3. Mahalaga ang pakikinig tungo sa mga pampersonal na kasiyahan o pansariiing kasiyahan.
4. Dulot ng pakikinig ang pagkakaroon ng isang maayos na pakikipagkapwa ng tao.

Para maging isang makasanayang imbestigador, kinakailangang malinang ang iyong kasanayan
sa pakikinig. Sa mga pagkakataong magsasagawa ng isang Pisaanna:am o interogasyon sa
kriminal, dapat taglay mo ang ibayong husay sa pagbato ng tanong pakikinig sa mga sagot.

ANG PAKIKINIG BILANG ISANG PROSESO

Para masabing ikaw ay nakarinig, dapat maganap ang mga sumusunod na yugto.
 Una, pagdinig ng mensahe. Sa yugtong ito nagaganap ang pagdinig ng mga
impormasyong napakinggan.
 lkalawa, pagbibigay — pokus sa mensahe. Dito naman sa yugtong ito nangyayari ang
pagtukoy sa mismong mensahe ng nagpadala.
 Ikatlo, pagbibigay — kahulugan sa mensahe. Binibigyang — talakay ang ebalwasyon ng
mensahe kung paano naunawaan o naintindihan ng tagatanggap ng mensahe ang buong
daloy ng impormasyong kanyang narinig.

LAYUNIN NG PAKIKINIG
1. Itanim sa isipan ang layunin mo sa pakikinig.
2. Itangi ang maraming mahahalagang kaisipan at isulat sa pangungusap.
3. Unawain, bigyang kahulugan, suriin ang mga ideyang napakinggan.
4. Pagsasaayos ng mga ideya sa kaisipan at pagkakaugnay-ugnay ng mga ito.
5. Magkaroon ng matalas at matamang pakikinig.
PAGLINANG SA MGA KASANAYAN SA APAT NA URI NG PAKIKINIG

A. Pakikinig na may Layunin (Purposeful Listening)


Nangangailangan ng layunin at kamalayan sa layunin ng guro at mga mag-aaral.
Iba't ibang layunin:
1. Pakikinig para makasagot sa tanong.
2. Pakikinig sa tanong na may intensyong sumagot.
3. Pakikinig upang makabuo ng opinyon sa isang kontroversyal na tanong.
4. Pakikinig sa balita.
5. Pakikinig sa mga di-tiyak na informasyon tungkol sa isang paksang may interes ang isang
tao.

B. Wastong Pakikinig (Accurate Listening)


Hindi lamang dapat may layunin sa pakikinig, kundi dapat ring wasto ito. Dapat
na mahusay ang pagkakabuo ng mga ideyang ibibigay sa pag-uulat sa loob ng klase
upang matulungan ang tagapakinig na sundin ang daloy ng inilalahad ng tagapagsalita
sapagkat ang bawat sitwasyong may nagsasalita ay sitwasyon sa pakikinig ng iba.
Maaaring turuan ang mga aaral ng mga sumusunod:
1. Sumunod sa daloy ng talakayan.
2. Mag-abang ng mgà pariralang transisyonal.
3. Kumuha ng mga tala.
4. Sumulat ng mga buod ng pasalitang pag-uulat.
5. Kumuha ng pangunahing ideya.

C. Mapanuring Pakikinig (Critical Listening)


Dapat na maging mapanuri ang pakikinig upang huwag madala ang isang tao ng
mga kumakalat na mapanghikayat nas komersyal. Makabayan at ideólohikal na
panghihikayat. Nagbigay si Hayakawa ng babala tungkol dito. "Ang mamamayan ngayon
ay nagpapakahulugan sa lalong maraming salita sa loob ng isang araw kaysa sa mga
mamamayan ng mga naunang panahon sa kasaysayan ng daigdig. Nakababasa o di-
gaanong nakababasa, tayo ay nahaharap sa mga nagsasalita sa buong maghapon: mga
tagapagbalita, mga drama, mga pangangampanya, mga pahayagan, mga propaganda ng
mga grupong may nais matupad o ng gobyerno ang lahat ng ito; na may tangkang sabihin
sa atin, at maaabot ng ating paniniwala, at iba pa."

Maaaring matuto ang mga mag-aaral na:


1. makakilala ng katotohanan sa prinsipyo, pangangatwiran sa katibayan;
2. matugunan ang maling paghinuha at paglalahad na walang katibayan;
3. makakilala- ng napapanahon at di-napapanahong materyal; at
4. makakuha ng di-lantad na layunin na dahilan ng pagsasalita ng tao.
Ang kritikal o mapanuring pakikinig ay maaaring mahasa. Sa pamamagitan ng: 1,
Pagkuha ng mensahe sa awitin, 2. Pagbubuo ng pagpapahalagang moral sa pabula at
parabula, at 3. Paggawa ng pagkakatulad o pagkakaiba.
Dapat matuto ang mga mag-aaral na magbigay ng pagtataya sa mga pananalita at
magtanong ng "Sino ang nagsabi?", "Bakit niya sinabi iyon?" "Ano ang kanyang
mapapala sa pagsasabi ng ganoon?" "Ano ang kanyang awtoridad sa pagsasabi ng
ganoon?".

D. Pakikinig Upang Maaliw (Appreciation)

Ito ang pinakamadaling uri ng pakikinig dahil hindi ito nangangailangan ng


masusing atensyon.
— Mula kay Bb. Gloria L. Alday, Supervisor Il
DECS/NCR, Pambansang Serhinar sa Gawaing
Kapulungan sa Filipino, Hulyo 1-3 1998

MGA TIPO O URI NG TAGAPAKINIG


EAGER BEAVER
Ikaw ba ay ...
 ngiti nang ngiti habang may nagsasalita?
 tango nang tango habang may nagsasalita?
 walang pokus?
 nagpapanggap na masugid na nakikinig?
 hindi nakasisigurong naiintindihan ang pinakikinggan?

SLEEPER
Ikaw ba ay ...
 umuupo lamang sa isang sulok?
 walang intensyon making?
 naiinis sa ingay?
 dahan — dahan ipinipikit ang mata?
 naglalakbay sa daigdig ng pangarap?

TIGER
Ikaw ba ay . . .
 handang mag-reak sa anumang sasabihin ng nagsasalita
 nagbabantay ng pagkakamali

BEWILDERED
Ikaw ba ay . . .
 walang naiintindihan kahit anong pilit?
 madalas napapakunot na lamang ng noo?
 sumisimangot?
 anyongnagtataka nagtatanong?
 walang malay tungkol sa paksang pinag uusapan?
FROWNER
Ikaw ba ay ...
 wari laging may tanong at pagdududa?
 Nagtatanong para magpasikat?

RELAXED
Ikaw ba ay . . .
 Walang interes na makinig?
 umuupo na para bang nasa sala ng sariling bahay?
 Nakatuon ang atensyon sa ibang tao o bagay?
 Walang reaksyon?

TWO – EARED LISTENER


Ikaw ba ay ...
 gumagamit tainga at utak?
 obhektibo ang mga reaksyon?
 may kawilihan?

MGA SALIK NA NAKAIIMPLUWENSYA SA PAKIKINIG


Ayon kina Alcaraz, Villafuerte at Jocson (2005), ang iyong kakayahang makinig ay lubhang
naiimpluwesyahan ng pitong salik.
Ito ay ang: 1) oras/panahon, 2) edad, 3) kasarian, 4) tsanel, 5) lugar/ kapaligiran, 6) kultura, at 7)
konsepto sa sarili.

1. Oras/Panahon - Ang oras na alas — 12 ng tanghali ay oras kung kailan kumakalam na


ang sikmura. Sa ganitong panahon, epektibo ka pa bang nakikinig sa iyong propesor?

2. Edad - Higit na matiyaga ang mga matatandang tagapakinig kaysa mga batang
tagapakinig.

3. Kasarian - Mas mahaba ang pasensya ng babaeng tagapakinig samantalang madaling


mabagot ang sa mga lalake. Mas mapanuri ng mga detalye ang mga bababe kung
ihahambing sa mga lalake.

4. Tsanel - Ang telepono, video chat, Skype at iba pang katulad na plataporma ang maaring
gamitin tsanel. Ang hangin ay tsanel din ng isang usapan.

5. Lugar/ Kapaligiran - Mahirap makinig kung ang lugar ay maingay, mainit,


maalinsangan at magulo.

6. Kultura - Ang kulturang kinagisnan mo ay maaring taliwas sa kultura ng kapwa mo.


Kaya maaring magdulot ito ng epekto sa pakikinig.
7. Konsepto sa Sarili - Ano ang mga dapat tandaan upang maging epektibo ang iyong
pakikinig? May sagot dito sina Leticia Pagkalinawan at ang kanyang mga kasamahan
(2004). ng mga taong may mataas ang tingin sa sarili ay maaring maging kritikal sa
sinasabi ng ibang nagsasalita.

MGA TIP SA EPEKTIBONG PAKIKINIG


Ano ang mga dapat tandaan upang maging epektibo ang iyong pakikinig? May sagot dito sina
Leticia Pagkalinawan at ang kanyang mga kasamahan (2004).

1. Maging handa sa pakikinig.


2. Magkaroon ng layunin sa pakikinig.
3. Kilalanin ang mahahalagang kaalaman.
4. Unawaing mabutin ang sinasabi ng nagsasalita
5. Hintaying matapos ang sinasabi ng nagsasalita bago magbigay ng puna.

You might also like