Professional Documents
Culture Documents
Tsu Tos
Tsu Tos
Pangalan: Iskor:
Taon at Seksyon: Petsa:
I. May Pagpipilian: Panuto. Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Bilugan ang
tamang sagot.
1. Uri ng pantikan na tumutukoy ito sa maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa
loob ng pangungusap. Nasusulat ito sa karaniwang
takbo ng pangungusap o pagpapahayag.
A. Panulaan C. Tula
B. Prosa D. Epiko
2. Uri ng panitikan na tumutukoy sa pagbubuo-buo ng pangungusap o parirala sa
pamamagitan ng salitang binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma.
A. Maikling Kuwento C. Tula
B. Tuluyan D. Dula
3. Barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko.
A. Idyolek C. Pidgin
B. Sosyolek D. Dayalek
4. Wikang ginagamit sa isang partikular na domeyn na may tiyak na pagpapakahulugan.
A. Etnolek C. Jargon
B. Register D. Balbal
5. Antas ng wika na ginagamit sa mga aklat, babasahin, at sirkulasyong pangmadla.
A. Lalawiganin C. Balbal
B. Pambansa D. Kolokyal
6. Isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba’t ibang kabanata.
A. Nobela C. Epiko
B. Dula D. Awit
7. Ang barayti ng wikang ito ay nakabatay ito sa mga pangkat panlipunan.
A. Etnolek C. Creole
B. Sosyolek D. Pidgin
A. Pambansa C. Kolokyal
B. Pampanitikan D. Balbal
11. Ang isinulat na akda ni Jose Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay isang
.
A. Dula C. Anekdota
B. Kuwento D. Nobela
12. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng panuluan o tula MALIBAN sa?
A. Awit C. Bugtong
B. Dula D. Salawikain
13. Ala eh! Ang layo pala nito. Ang pangungusap ay isang halimbawa ng
.
A. Dayalek C. Sosyolek
B. Ekolek D. Etnolek
14. May tiboli na bumibili ng saging kanina sa tindahan. Ang nakasalungguhit na salita
ay isang .
A. Balbal na salita C. Pidgin na salita
B. Kolokyal na salita D. Jargon na salita.
15. Ang ibig sabihin ng salitang “gayyem” ay kaibigan sa mga Iloko.
A. Balbal na salita C. Kolokyal na salita
B. Pampanitikan na salita D. Lalawiganin na salita
II. TAMA o MALI. Isulat ang titik T kung ang pahayag ay nagsasaad ng wastong
impormasyon at titik M naman kung ito ay nagsasaad ng di makatotohanang pahayag.
1. Ang pabula ay kabilang sa uring tuluyan o prosa.
2. Ang parabula ay hango sa kuwento sa Bibliya.
3. Ang Ibong Adarna ay isang halimbawa ng awit.
4 Biag ni Lam-Ang ay isang epiko mula sa mga Iloko.
5. Ang isang tula ay maaaring walang sukat at tugma,
6. Ang dula ay kasaysayan ng buhay ng isang tao na base sa mga tunay
naimpormasyon.
7. Ang maikling kuwento ay nagkukuwento ito tungkol sa mga pinagmulan ng
mga bagay-bagay sa daigdig.
8. Ang anekdota ay akdang isinasalaysay ang mga kakaiba o kakatuwang
nangyari sa buhay ng isang sikat o kilalang mga tao.
9. Ang epiko ay isang uri ng tuluyan o prosa.
10. Ang kuwento ng pinagmulan ng pinya ay isang alamat.
11. Ang idyoma at moto ay mga halimbawa ng panulaan.
12. Ang talumpati ay isinasalaysay nito ang mga kaisipan o opinyon ng isang tao
upang humikayat, tumutugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at
maglahad ng isang paniniwala.
13. Ang blueprint ay para sa isang enhinyero at ang barayti ng wikang ginamit ay
register.
14. Nag-uugat ang mga barayti ng wika sa pagkakaiba-iba ng bawat indibidwal
ayon sa kanilang pangkat-etniko.
15. Ang etnolek ay wika ng mga etnolinggwistikong grupo.
III. SANAYSAY. (10 puntos)
Ibigay ang pinagkaiba ng antas at barayti ng wika.
Inihanda ni:
June D. Figueroa Jr,
MGA SAGOT:
May Pagpipilian
1. A
2. C
3. D
4. B
5. B
6. A
7. B
8. C
9. C
10. B
11. D
12. B
13. A
14. A
15. D
TAMA o MALI
1. T
2. T
3. M
4. T
5. T
6. M
7. M
8. T
9. M
10. T
11. T
12. T
13. T
14. T
15. T