Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Alvaran, Mar Anthony Joseph G.

Pebrero 28, 2022


GE5 - Masining na Pagpapahayag Prof. Rafael Julian

“Hinahanap-hanap Kita, Manila”

Ayon nga sa kantang “Manila” ng Hotdog, ang Manila ay binabalik-balikan sa ingay


nitong kay sarap sa tenga, mga jeepney na nagliliparan, at ang mga babaeng naggagandahan.
Ngunit and hindi nabanggit ng kantang ito ay ang kagandahan ng mga makasaysayang tanawin
na nasa loob ng lungsod na ito. At dito sa Intramuros ay nagpasiyahan naming magkakaibigan na
magpunta. Tirik na ang araw nang ako’y magising, pagkababa ko’y sinalubong ako ng mga
masasarap na putaheng niluto ng aking ina, kadalasan kasi ay hindi ko na naabutan ang
mainit-init na Arroz caldo at malamig na kape. Inihanda ko ang aking mga kagamitan na
kakailanganin para sa araw na iyon, pagkatapos ay kaagad akong tumungo sa banyo at naligo.
Bumiyahe ako nang maaga upang hindi gaano siksikan sa MRT, at pagbaba sa Shaw Boulevard
ay muli kong sinubukan na tandaan ang mga istasyon mula sa aking patutunguhan.

Ganito pala ang karanasan ng mga nasa kolehiyo upang makarating sa Intramuros o
U-Belt, mahaba-habang lakaran, ititiis ang siksikan, at walang katapusang pagtayo, depende
lamang kung palyado ang air-conditioning system. Sa bawat istasyon na aking kinararatingan ay
nakikita ko ang mga mga unibersidad na nakapaligid sa Manila; tunay na isang pribilehiyo ang
makapag-aral dito. Nang makarating sa Central Station ay bumungad ulit sa akin ang ingay ng
Manila at ang kagandahan nito. Agad akong tumungo sa Intamuros nang sa ganoon ay makita ko
muli ang aking mga kaklase. Imbis na sumakay sa kalesa ay pinili naming lakarin ang loob ng
Intramuros dahil ang paglalakad ay nagpapabuti sa kalusugan, nagpapagaan ng depresyon at
pagkapagod. (Green, 2018) Kaagad naman kaming nakarating sa Manila Cathedral kung saan ay
inilaan namin ang umagang iyon upang mag-usap at pagmasdan ang mga taong dumadaan.

Muli, ay naglakad kami palabas ng Intramuros hanggang sa sakayan papuntang Binondo,


na ayon sa karamihan, dito raw natatagpuan ang ilan sa mga pinakamasasarap na pagkain sa
Manila, at upang subukan ang pahayag na iyon, ay nagpasya kaming gumala. Lumagpas ang
aming sinasakyang e-trike at napadpad kami ng ilang kanto mula sa Binondo. Mabuti naman at
hindi kalayuan ang mga kainan at agad naming nahanap ang daan pabalik. Mayaman sa
kasaysayan ang Binondo lalo na’t sa kultura ng mga Instik; nakapalibot ang lugar ng mga pulang
poste na may mga palamuti at mga eskulturang hawig ng isang dragon, at hindi mawawalan ng
tikoy ang bawat tindahan doon. Dito ko na naisip na ganito na siguro ang takbo ng aking buhay
kung maitutuloy man ang face-to-face classes sa susunod na taon.

Matapos ang lahat ng iyon ay kinailangan na rin naming umuwi, sapagkat may klase pa
kami sa LAS212 at panigurado ay ayaw ng aming propesor na kami’y lumiban. Bumili lang
muna kami ng mga pasalubong galing Binondo, at inihatid namin ang aming mga kasama sa
istasyon ng bus. Kaagad na rin akong umuwi at magpahinga. Ayon kay Brennan, 2021, ang
pakikipagkaibigan ay may kaakibat na positibong epekto sa ating kapakanan at mental health, na
kaagaran ko ring naramdaman pagkatapos ng isang nakakapagod, ngunit masaya at sulit na araw.

Mga Sanggunian:

NBCUniversal News Group. (2018, May 4). Why walking is the most underrated form of
exercise. NBCNews.com. Retrieved February 27, 2022, from
https://www.nbcnews.com/better/health/why-walking-most-underrated-form-exercise-ncna79727
1

WebMD. (n.d.). How friendship can improve your mental health. WebMD. Retrieved
February 27, 2022, from
https://www.webmd.com/mental-health/psychological-benefits-of-friendship

You might also like