Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

1. Sino ang sumulat ng aklat ng Mateo?

Si Mateo
2. Sino ang tinutukoy sa aklat ng Mateo na siyang magiging katuparan ng ipinangakong pagliligtas
ng Dios buhat pa sa mga isinulat sa aklat ng lumang tipan?
Si Hesus
3. Anong bansa ang tinutukoy sa aklat ng Mateo na tinaguriang “bansang hinirang ng Dios”?
Israel
4. Sinong hari ng Israel pinagmulan ng angkan ni Hesus?
Si Haring David
5. Sino ang Ina ni Hesus?
Maria
6. Ilang salinlahi ang mayroon mula kay Abraham hanggang kay David?
Labing-apat
7. Sino ang haring nais magpapatay nang sanggol pa lamang si Hesus?
Haring Herodes
8. Saan nagtungo sina Jose at Maria nang magbabala ang anghel sa kanila na lumisan sa
Bethlehem?
Egipto
9. Saang balahibo ng hayop yari ang damit ni Juan na Tagapagbautismo?
Balahibo ng kamelyo
10. Ano ang dalawang bagay na kinakain ni Juan?
Baling at pulot-pukyutan
11. Saang ilog nagbabautismo si Juan?
Ilog Jordan
12. Nang bautismuhan si Jesus, anong ibon ang bumababa at dumapo sa kaniya?
Kalapati
13. Sa Aklat ng Mateo Kabanata 4, ilang beses nag-ayuno si Hesus nang siya ay tuksuhin ng diyablo?
Apatnapung araw at apatnapung gabi
14. Ano kadalasang tawag kay Pedro?
Simon
15. Sino ang dalawang mangingisda na anak ni Zebedeo na nagging alagad ni Hesus?
Santiago at Juan
16. Sino ang kapatid ni Pedro?
Andres
17. Sa aklat ng Mateo Kabanata 6, aling bahagi ng katawan ang tinutukoy na ilaw ng katawan?
Mata
18. Sa aklat ng Mateo Kabanata 7, aling pintuan ang tinutukoy ng Dios na daang papunta sa buhay
at kakaunti ang nakakatagpo niyon?
Makipot na pintuan
19. Inihalintulad ng Panginoon ang mga nakikinig at nagsasagawa ng mga salita niya sa isang taong
matalino na nagtayo ng bahay sa anong pundasyon?
Bato
20. Kung ang bawat nakikinig ay maihahalintulad sa isang matalinong tao na nagtayo ng bahay na an
pundasyon ay bato, saan naman inihalintulad ang mga nakinig ngunit hindi naman nagsagawa
ng mga ito?

Isang taong hangal na nagtayo ng kanyang bahay sa buhanginan

21. Sa Mateo Kabanata 8, pagbaba ni Hesus mula sa bundok, isang taong may anong uri ng sakit ang
lumapit sa kaniya at sinabi “ Panginoon, kung nais po ninyo, ako’y inyong mapapagaling at
magagawang malinis at siya’y pinagaling ni Hesus.
Isang taong may ketong
22. Sino ang tinutukoy ni Hesus sa pahayag na ito, “Tandaan ninyo: hindi pa ako nakakita ng ganito
kalaking pananampalatay sa buong Israel”
Kapitang Romano o opisyal ng hukbong Romano
23. Nang nagtungo si Hesus sa bahay ni Pedro, sino ang nakaratay at nilalagnat kaya’t siya’y
pinagaling ni Hesus, at bumanagon at naglingkod kay Hesus?
Biyenan ni Pedro
24. Sa aklat ng Mateo Kabanata 9, sino ang naglahad ng ganitong pahayag at nangutya kay Hesus,
“Bakit nakikisalo ang inyong guro sa mga maniningil ng buwis at sa mga makasalanan?
Mga Pariseo
25. Sa aklat ng Mateo Kabanata 9, lumapit kay Hesus ang babaeng dinudugo at pinagaling siya ni
Hesus. Ilang taon nang dinudugo ang babaeng ito?
Labindalawang taon
26. Magbigay ng isa sa labindalawang alagad ni Hesus na tinutukoy sa Mateo Kabanata 10?
1. Simon na tinatawag ring Pedro
2. ANDRES na kapatid ni Pedro
3. Santiago na anaki ni Zebedeo
4. Juan na anak ni Zebedeo
5. Felipe
6. Bartolome
7. Tomas
8. Mateo
9. Santiago na anak ni Alfeo
10. Tadeo
11. Simon na Makabayan
12. Judas Iscariote
27. Sino ang nagsabi ng pahayag na ito: Ako po ang dapat magpabautismo sa inyo! Bakit kayo
nagpapabautismo sa akin?
Si Juan na Tagapagbautismo
28. Sinugo ni Hesus ang labindalawang alagad at ito’y kaniyang pinagbilinan, sa aling bayan sila
pinagbawalan ni Hesus na magtungo?
Sa lugar ng mga Hentil o sa alinmang bayan ng mga Samaritano
29. Sa aklat ng Mateo Kabanata 10, sino ang dapat katatakutan ng tao?
Ang Dios na may kakayahang pumuksa ng katawan at kaluluwa sa impyerno.
30. Sa Aklat ng Mateo Kabanata 6, saan dapat nag-iimpok ng kayamanan ang tao?
Mag-impok ng kayamanan sa langit; doo’y walang naninirang insekto at kalawang at walang
nakakapasok na magnanakaw.
31. Ano ang kahulugan ng salitang Emmanuel?
Kasama natin ang Dios!
32. Sino ang pinagbilinan ni Haring Herodes na hanapin ninyong mabuti ang sanggol at ipagbigay-
alam agad sa kaniya kapag ito’y natagpuan?
Mga pantas
33. Ano- ano ang dala ng mga pantas na inihandog nila sa Sanggol?
Ginto, insenso, mira
34. Magbigay ng isang bagay na sinabi ni Hesus sa mga alagad na huwag dadalhin kapag
mangangaral ng Salita ng Dios sa ibang bayan? Mateo 10:9-10
Pera
Ginto
Pilak
Tanso
Pagkain
Bihisan
Pampalit na sandalyas
Tungkod
35. Saang lupain nagtungo si Hesus na kung saan siya ay sinalubong ng dalawang lalaking
sinasapian?
Gadanero
36. Saan pumasok ang demonyong sumapi sa dalawang lalakimatapos makiusap kay Hesus na sila’y
palayasin ngunit papasukin sa anong hayop?
Baboy
37. Ayon sa paghihiwalay dahil sa panagangalunya sa Mateo Kabanata 5, kapag makikipaghiwalay
ang isang lalaki sa kaniyang asawa, ano ang dapat niyang ibigay dito?
Kasulatan ng paghihiwalay
38. Magbigay ng isa sa mga katuruan na tinukoy sa Mateo Kabanata 5?
Katuruan tungkol sa Kautusan
Katuruan tungkol sa pagkagalit
Katuruan Laban sa Pangangalunya
Tungkol sa Panunumpa
Paghihiganti
Pagmamahal sa Kaaway
Paglilimos
Pananalangin
Pag-aayuno

You might also like