Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ANG MGA PINAGPALA


“Pinagpala ang mga taong walang inaasahan kundi
ang Diyos,
sapagkat kabilang sila sa kaharian ng langit.

“Pinagpala ang mga nagdadalamhati,
     sapagkat aaliwin sila ng Diyos.

“Pinagpala ang mga mapagpakumbaba,
     sapagkat mamanahin nila ang daigdig.

“Pinagpala ang mga may matinding hangarin na
sumunod sa kalooban ng Diyos,
     sapagkat sila'y bibigyang kasiyahan ng Diyos.

“Pinagpala ang mga mahabagin,
     sapagkat kahahabagan sila ng Diyos.

“Pinagpala ang mga may malinis na puso,
     sapagkat makikita nila ang Diyos.

“Pinagpala ang mga gumagawa ng paraan para sa
kapayapaan,
     sapagkat sila'y ituturing na mga anak ng Diyos.
10 
“Pinagpala ang mga inuusig nang dahil sa kanilang
pagsunod sa kalooban ng Diyos,
     sapagkat kabilang sila sa kaharian ng langit.

You might also like