Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Libagon Academy Foundation Inc.

Brgy. Talisay, Libagon Southern Leyte


Araling Panlipunan 7
S.Y. 2021-2022

Quarter 1
Week 3

Competencies: Napapahalagahan ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng kabihasnang Asyano.

ANG KAPALIGIRAN NG ASYA


Kaanyuang Pisikal ng Asya

Sukat at Hangganan ng Asya


 Ang asya ang pinakamalaki sa pitong kontinente sa mundo.
 May kabuuang sukat na 44 579 000 kilometro kuwadrado o katumbas ng 30 porsiyento ng lupain ng mundo.
 Ang hangganan nito a Europa ay ang kabundukan ng Ural at Caucasus at ang Turkish Straits.
 Ang dalahikan (isthmus) ng Suez at ang Red Sea naman ang nasa pagitan ng Asya at Aprika.
 Karagatang Artiko at Dagat Bering ang naghihiwalay sa Asya at Hilagang Amerika.
 Kapuluan ng Indonesia ang nagsisilbing hangganan sa pagitan ng Asya at Australia.

Klima ng Asya
 Ang pangkalahatang lagay ng panahon sa isang malawak na lugar.

Mga salik na nakaaapekto sa klima


 Latitud o layo mula sa ekwador – mainit ang lugar na malapit sa ekwador at malamig naman ang klima ang malayo sa ekwador.
 Elebasyon (Altitude) – Mas malamig ang klima kung ang lugar ay nasa mataas na elebasyon
 Topograpiya – Ang pagkakaayos ng mga natural at artipisyal na kaanyuan ng isang lugar. Halimbawa ng natural na kaanyuan ay ang
kabundukan na nagsisilbing panangga sa pagkilos ng hangin na mahalumigmig kung kaya mas maulan sa mga baybayin kaysa sa mg
alugar na nasa looban na nakararanas naman ng tuyong klima.
 Wind Pattern – tumutukoy sa direksiyon ng paggalaw ng hangin. Halimbawa ay ang habagat.

Mga Uri ng Klima


1. Klimang Tropikal
a. Tropical wet climate – nakararanas ng mainit na panahon at pag-ulan sa buong taon ang mga rehiyong matatagpuan sa pagitan
ng 10 hilaga at timog ng ekwador.
b. Tropical wet and dry climate – nagkakaeoon ng pagpapalitan ng wind patterns sa mga lugar.

2. Tuyong Klima
a. Semiarid – nakakaranas ng buwanang pagbabago sa klima sa buong taon.
b. Arid – matatagpuan sa pagitan ng 20 hanggang 30 hilaga at timog ng ekwador. Kaunti lamang ang pag-ulan sa mga rehiyon at
hindi gaanong nagbabago ang mainit na temperature.

3. Klimang Banayad
a. Marine west coast climate – Nararanasan ito sa mga rehiyon sa pagitan ng 40 hanggang 60 latitude hilaga at timog ng
ekwador. Madalas ang pag-ulan at limitado ang sikat ng araw dahil sa westerly winds.
b. Mediterranean climate – klima sa mga rehiyon na nasa 30 hanggang 35 latitude hilaga at timog ekwador. Mainit at tuyo ang
klima sa mga buwan ng tag-araw at malamig na may pag-ulan naman sa mga buwan ng taglamig.
c. Humid subtropical climate – nararanasan sa silangang bahagi ng mga kontinente. Mainit at maalinsangan ang panahon ng tag-
araw samatalang ang taglamig ay nagdudulot ng niyebe.
4. Klimang Kontinental
a. Continental warm summer – karaniwang temperature sa tag –araw ay 21C at sa taglamig naman ay -7C.
b. Continental cool summer – nararanasan sa mga lugar na nasa pagitan ng 40 hanggang 60 hilagang latitude. Tag-araw ay
15C, taglamig ay mas mababa sa 0C.
c. Subarctic continental climate – nasa mataas na latitude na may pag-ulan.

5. Klimang Polar
a. Tundra climate – nasa 0C, maliban sa isa hanggang apat na buwang tag-araw na ang temperature ay aabot lamang sa 10C.
b. Ice cap climate – nararanasan sa mga rehiyon na nababalutan ng niyebe ang buong kalupaan.
Mga Anyong Lupa – Ang mga anyong-lupa sa Asya ay nabuo sa dalawang proseso:
1. Endogenic – pagkilos ng mga puwersa sa interior ng mundo tulad ng pagkilos ng mga tectonic plate, paglindol, at bolkanismo.
2. Exogenic – pamamaraan ng pagkilos ng mga puwersa sa ibabaw ng mundo tulad ng hangin at tubig.

Mga Anyong-lupa na nabuo bunga ng prosesong endogenic


1. Bundok, bulkan, at kabundukan 5. Lambak
2. Talampas 6. Pulo at kapuluan
3. Burol 7. Tangway
4. Kapatagan 8. Dalahikan

Mga anyong-lupa na nabuo sa pamamagitan ng prosesong exogenic


1. Karst
2. Canyon
3. Sand dune
4. Delta
5. Glacier

Mga Anyong-tubig – May dalawang uri ng anyong-tubig.


1. Katubigang-alat
2. Katubigang-tabang

Mga katubigang-alat
1. Karagatan 4. Look
2. Dagat 5. Kipot
3. Golpo

Mga katubigang-tabang
1. Ilog
2. Talon
3. Lawa

MGA GAWAIN: Isulat ang lahat ng sagot sa isang buong papel.

Gawain blg.1 – Lutasin ang hamon, K1. Page 20.

Gawain blg. 2
Panuto:
1. Magbigay ng tig-iisang halimbawa ng Mga Anyong-lupa at Anyong-tubig na matatagpuan sa Pilipinas.
2. Magbigay ng tig-iisang halimbawa ng Mga Anyong-lupa at Anyong-tubig na matatagpuan sa ibat’-ibang bansa ng Asya.

Proyekto 1: TRAVEL ASIA


Panuto: Ipagmalaki ang Asya! Bawat mag-aaral ay nais kong pumili ng isang Anyong lupa o anyong tubig na inyong napuntahan na pwedeng
ipagmalaki sa buong bansa. Gumawa ng isang tula patungkol sa napiling anyong lupa o anyong tubig na inyong napuntahan at isulat ito sa
malikhain na pamamaraan.

Ipasa ito sa SEPTEMBER 17, 2021

 Long Bond Paper


Halimbawa:
Rubric sa pagbuo ng Larawan/Collage
 Pagkamalikhain 10points
 Kaangkupan sa Paksa 10points
 Presentasyon 10points
 Mensahe 10points
 Kalinisan at kaayusan 10points
Total = 50 points

Ms. Edelyn B. Custinar


09164276707
Araling Panlipunan Teacher
FB Account: Ydeelen BC

You might also like