Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 27

8

Filipino
Kwarter 2 – Modyul 1
Piliin Mo; Pahayag Mo!

?
? ?
Filipino – Baitang 8
Kwarter 2 – Modyul 1: Piliin Mo; Pahayag Mo!

Isinasaad sa Batas Republika 8293, sekyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang- sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula,awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon.Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Ronelo Al K. Firmo

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Melissa Jane M. Madrona


Ana Leah D. Paglinawan
Editor: Zita Bogñalbal , Roger Bañal
Tagasuri: Emilia B. Boboyo

Tagaguhit: Jefferson B. Besmonte


Tagalapat: Melodie C. Bueno; Brian Navarro

i
Paunang Salita
Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng modyul na
ito. Nilalaman nito ang mga lubhang mahahalagang kasanayang pampagkatuto o Most
Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng kasalukuyang kalagayan ng
edukasyon. Upang matugunan ang hamong kinakaharap sa edukasyon, kalusugan at
kaligtasan malaking tulong ang modyul na ito sa patuloy na pag-aaral ng kabataan sa loob at
labas ng paaralan sa pakikipagtulungan ng mga magulang at tagagabay. Ang modyul na ito
ay binubuo ng dalawang aralin na kailangan ninyong mapag-aralan at masagutan ang lahat
ng mga pagsasanay.
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng kasanayan
at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:
Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-pakinabang ang
modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa mga mag-aaral,
magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung paano gagamitin at iingatan
ang modyul na ito.

Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang bawat


mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat bahagi at panapos
na pagsubok . Kung tapos nang sagutin ang modyul na ito, ipaalala sa mag-aaral
na kaagad itong ibalik sa guro para sa kaukulang tunguhin.

Para sa mag-aaral:
Inihanda ang modyul na ito para sa iyo. Kailangan mong
sundin at saguting mag-isa ang mga gawaing nasa loob nito.
Huwag kang mag-alala, kayang-kaya mo ito. Tiniyak kong
matutuwa ka habang natututo.

Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong susulatan at iwasang


mapunit ang mga pahina. Gumamit ka ng sagutang papel o ang iyong
kuwaderno. Sige, simulan na natin!

ii
Ang mga salitang nasa loob
ng kahon ay mga bagong salitang magbibigay sa iyo
ng kalinawan sa pagtahak mo sa modyul na ito.
Galingan mo kaibigan!

Talasalitaan

Paanas- pagsasalita ng pabulong o sa pagpapahayag sa pamamagitan ng


mahinang boses
Ulupong- isang uri ng makamandag o nakalalasong ahas
Curfew- takdang oras o hudyat kung kailan dapat na umalis na sa mga lansangan
at umuwi na patungo sa mga tahanan ang mga tao.
Dagta- katas
Sulsi- pagtahi sa sira na damit/gamit

Aralin 1: PILIIN MO!

Panimula:
Magandang araw!
Kumusta ka na kaibigan? Isang makabuluhang aralin naman ang ating matutunghayan
ngayon.
Tiyak na mawiwili ka sa pagsagot sa mga pagsasanay na inihanda ko para sa iyo.
Halika, umpisahan na natin!
Bagong kasanayan ang ituturo ng modyul na ito sa iyo tulad ng pagpili ng pangunahing
kaisipan at pantulong na kaisipang nakasaad sa binasa.
Pagkatapos ng modyul na ito, ay matutuhan mong pumili ng pangunahin at pantulong na
kaisipang nakasaad sa binasa
Ihanda ang sarili at sagutin ang “Panimulang Gawain”

Layunin
Sa modyul na ito, inaasahan na napipili mo ang
pangunahin at pantulong na kaisipan na
nakasaad sa binasa.

1
Bago ka pumunta sa mga gawaing inihanda ko,
subukin mo munang sagutin ang pagsusulit sa
ibaba upang masukat ang dati mong kaalaman sa
paksang ating tatalakayin.

Panimulang Gawain

Panuto: Basahin at piliin ang pangunahing kaisipan at mga pantulong na kaisipang


nakasaad sa binasa.

Ang dengue ay isang nakahahawang sakit na dulot ng dengue virus.


Kabilang sa mga sintomas ang lagnat, sakit ng ulo, kalamnan at pananakit ng
kasukasuan, at ang isang pagpapantal sa balat na katulad ng sa tigdas. Sa
isang maliit na bahagi ng mga kaso, ang sakit ay maaaring maging
pagbabanta sa buhay ng may dengue na may pamumuo ng dugo kasama ng
lagnat, na nagdudulot ng pagdurugo, mababang bilang ng platelet ng dugo at
pagtagas ng plasma ng dugo sa dengue shock syndrome, kung saan ang
mapanganib na mababang presyon ng dugo ay nangyayari.
-Halaw mula sa artikulo na “Dengue”

(Sanggunian: https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Dengue)

1. Ano ang pangunahing kaisipan na nakasaad sa binasa? Bilugan ang letra ng tamang
sagot.
a. Ang Dengue at ang mga Sintomas nito.
b. Ang Pagsugpo sa Dengue.
2. Batay sa binasang artikulo, piliin dito ang mga pantulong na kaisipan na susuporta sa
pangunahing kaisipan na pinili mo.

Mga Pantulong na Kaisipan

1.
2.
3.

Alamin mo sa pahina 11 ang wastong sagot sa mga tanong.

Nasagot mo bang lahat ang tanong? Kung hindi, huwag kang


mamroblema. Pag-aralan mo na ang modyul na ito.

2
Handa ka na ba kaibigan? Dumako na tayo sa isa sa
mga mahahalagang bahagi ng modyul na ito. Sa
bahaging ito’y tiyak kong marami kang matututuhan.
Simulan mo na!

Mga Gawain sa Pagkatuto:

Basahin mo.
Alam mo ba?

…na ang Pangunahing Kaisipan at Pantulong na Kaisipan ay kabilang sa mga bahagi ng


isang huwarang talata.
Pangunahing Kaisipan- ito ay tumutukoy sa diwa ng buong talata. Ang diwa ay isang
kaisipan o ideya na binibigyang diin sa talata. Kadalasan itong matatagpuan sa
pangunahing pangungusap.
Pantulong na Kaisipan- ito’y kaisipang tumutulong upang mas mapalitaw ang pangunahing
kaisipan. Sa tulong ng mga pantulong na kaisipan mas nauunawaan ng mambabasa ang
diwa na nais iparating ng talata. Ang mga pantulong na kaisipan ay kadalasan matatagpuan
sa mga pansuportang detalye.
https://brainly.ph/question/1208837

Halimbawa:

Pangunahing Kaisipan: Mahusay ang aming Barangay


Mga Pantulong na Kaisipan:
a. Laging malinis ang lahat ng kalye.
b. Malulusog pa ang mga halaman sa tabi.
c. Dahil dito, binigyan ang aming barangay ng premyo at pagkilala.
d. Nagawa ito ng aming barangay dahil sa aming kooperasyon at pagtutulungan
-EASE Filipino I. Modyul 4 p.43

3
Tingnan natin kung naintindihan mo ang tinalakay sa itaas. Sagutin
mo ang mga sumusunod na gawain.

Gawain 1
Panuto: Basahin at piliin ang pangunahing kaisipan at mga pantulong na kaisipang
nakasaad sa binasang mailking kuwento.

May isang batang babaing mahirap. Nag-aaral siya. Sa paaralan ay kapansin-


pansin ang pagiging walang imik. Madalas na nag-iisa siya. Lagi siyang nasa isang
sulok. Kapag nakaupo na’y tila ipinagkit. Lagi siyang nakayuko, mailap ang mga mata,
sasagot lamang kapag tinawag ng guro halos paanas pa kung magsalita.
Naging mahiyain siya sapagkat maaga niyang nalaman na kaiba ang kanyang
kalagayan kung ihahambing sa mga kaklase. Ipinakita at ipinabatid nila iyon sa kanya.
Mayayaman sila. Magaganda at iba-iba ang kanilang damit na pamasok sa paaralan.
Madalas ay tinutukso siya dahil sa kanyang damit. Ang kanyang damit kahit malinis ay
halatng luma na palibhasa ay kupas na at punung-puno pa ng sulsi.
-Halaw mula sa Maikling Kuwento na “Sandaang Damit” ni Fanny Gacia

(Sanggunian: Panitikang Filipino 7 p .5)

Pangunahing Kaisipan:
____________________________________

Mga Pantulong na Kaisipan:

1.
2.
3.
4.
5.

4
Ipagpatuloy mo.
Naunawaan mo na ba kaibigan? Kung hindi mo ito gaanong naunawaan, maaari
mong balikan ang tinalakay na aralin at ihanda ang iyong sarili sa
pagsagot sa mga pagsasanay na inihanda ko pa para saiyo.
Maaari mo nang gawin ang Pagsasanay 1

Ano’ng mahahalagang impormasyon ang iyong nalaman?


Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong pag-aaral?

Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa:

Lubos na naunawaan Naunawaan Naguluhan

Simulan mo na ang iba’t ibang gawain.

Pagsasanay 1
Panuto: Basahin at piliin ang pangunahing kaisipan at mga pantulong na kaisipang
nakasaad sa binasang alamat. Gamitin ang SAG (Sketch Appropriate Graphics) sa
pagsagot

Noong mga unang panahon, may isang malupit na namiminsala sa mga tao.
Wala itong pinatatawad. Ang ulupong na ito ay may pitong ulo at ang labing-apat na
butas ng ilong ay nagbubuga ng usok. Wari bang wala nang makagagapi sa
ulupong na ito na makatira sa bundok. Marami na siyang napapatay dahil sa
pagbubuga niya ng apoy kapag siya ay nagagalit.
-Halaw mula sa Alamat na “Alamat ng Bundok Kanlaon”
(Sanggunian: https://buklat.blogspot.com/2017/11/ang-alamat-ng-bundok-kanlaon-.html?m=1)

SAG
(Sketch Appropriate Graphics)

PT
PT PT
PK
PT PT
PT

5
Kumusta ang unang pagsasanay? MADALI ba o MAHIRAP?
Tingnan ang sagot sa pahina 11.
Nakuha mo bang lahat ng wastong sagot sa Pagsasanay 1?
Kung tama ang iyong ginawa, maaari ka nang magpatuloy sa Pagsasanay 2. Kung hindi,
balikan mo ang aralin.

Narito ang isa pang teksto. Basahin mo at piliin


muli ang Pangunahing Kaisipan at mga
Pantulong na Kaisipan.
Pagsasanay 2
Dahil madali mo lang nasagutan ang unang pagsasanay, narito pa ang isa
pang gawaing magpapatibay ng iyong kaalaman.

Panuto: Basahin at piliin ang pangunahing kaisipan at mga pantulong na kaisipang


nakasaad sa binasang teksto. Gamitin ang Habi ng Kaisipan sa pagsagot.

Mangosteen:Mahika ng Kalikasan
Ni Ligaya Tiamzon Rubin
Liwayway, Disyembre – 2003
May mga nagtataguri sa mangosteen bilang reyna ng mga prutas sapagkat
kakaiba at natatangi ito. Maaari ring ito ang prutas na sinasabing paborito ni Reyna
Victoria ng Great Britain.
Hugis piramido ang tuktok ng puno ng mangosteen. May katagalan itong
lumaki. Brown na papaitim ang matigas na kahoy nito at may kulay dilaw na dagta.
Pinaniniwalaang magiging mapakla ito kapag natalsikan ng dagta nito ang bunga.
May mga dahon itong manilaw-nilaw na berde, makapal, madulas, makinis at hugis
oblong. May kumpul-kumpol itong bulaklak na may tulduk-tuldok na pula. Kaakit-akit
tingnan ang mga petalyo nito na kulay berde sa labas at kulay dilaw sa loob. Tulad ito
sa mga ornamental na bulaklak.
Ayon sa mga tala, mula sa Thailand ang mangosteen. May mga nagsasabi
naman na mula ito sa peninsula ng Malay, Molucca at Sunda Island.
Karaniwang makikita ang mga taniman ng mangosteen sa Mindanao. Sa mga
tropikal na bansa ito madalas na tumutubo.
-EASE Filipino I. Modyul 9 p.27-28

HABI NG KAISIPAN
Pantulo
ng na

Pangunah Pantulo
Pantulo
ing ng na
ng na
Kaisipan

Pantulo
ng na
6
Naunawaan mo na ba?
Saang pagsasanay ka nahirapan? Pagsasanay 1 Pagsasanay 2
Gayunpaman, binabati kita sa iyong tagumpay.
Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasanay 2.
Kung tama ang iyong ginawa, maaari ka nang magpatuloy sa Pagsasanay 3.
Kung hindi, balikan mo ang aralin.

Balikan ang mga natutuhan sa naunang mga gawain upang masagutan ang
sumusunod na pagsasanay.

Pagsasanay 3

Panuto: Basahin at piliin ang pangunahing kaisipang nakasaad sa binasa at lagyan ng


tsek ang bilang ng mga pansuportang detalye.

Batas ng Lansangan
Manilyn A. Sison
Ang Sulo, Mataas na Paaralang Torres
Disyembre, 2002

Isang makabuluhang hakbang ang pagpapatupad ng barangay curfew mula


ika-10 ng gabi hanggang ikaapat ng umaga sa may 897 barangay sa anim na distrito
ng Maynila sa mga kabataang 17 taong gulang pababa batay sa City Ordinance
No.8046 na itinakda ni Manila 6th District Councilor Julio Logarta.

Layunin ng ipinatutupad na curfew na mapangalagaan ang mga kabataan sa


masasamang elemento tulad ng pagtutulak at pagkalulong sa mga ipinagbabawal na
gamot at mga marahas na pangkat na gumagala sa lansangan tuwing gabi.

Makabuluhan ang layunin ng ordinansang ito- ang pangalagaan ang mga


kabataan at maiiwas sa pagkalulong sa mga ipinagbabawal na gamot, pag-inom ng
alak, paninigarilyo at pagsusugal, mailayo sa maimpluwensiyang barkada at lalo’t higit
sa lumalalang karahasan sa bansa na karaniwang nagaganap tuwing gabi.
Kaugnay nang pagpapatupad na ito, may mga kaparusahan sa mga mahuhuling
kabataang nasa labas ng bahay sa ganitong oras ng gabi.

Tunay na malaking tulong ang barangay curfew sa paghubog ng mga pag-asa


ng bayan. Magkakaroon ang mga kabataan ng disiplinang pansarili, katangiang
makapagpapaunlad sa kanilang katauhan at paghahanda sa pagiging responsableng
mamamayan ng bansa.

-EASE Filipino I. Modyul 9 p.33-34

7
PANGUNAHING KAISIPAN:

Ang mga sumusunod na talata ay nagbigay sa atin ng mga pansuportang kaisipan sa


pangunahing kaisipan. Lagyan ng tsek ang bilang ng mga pansuportang kaisipan.

_____1. Mapangalagaan ang mga kabataan sa masasamang elemento tulad ng


pagtutulak at pagkalulong sa bawal na gamot.

_____2. Mabawasan ang mga kabataang nagkakalat sa kalye.

_____3. Maiwas sa pag-inom ng alak, paninigarilyo at pagsusugal ang mga kabataan.

_____4. Mailayo ang mga kabataan sa impluwensiya ng barkada.

_____5. Mapalaki ang kita ng mga panggabing negosyo.

_____6. Ipatutupad ang curfew sa 897 barangays sa anim na distrito ng Maynila.

_____7. Ang curfew ay para lamang sa mga kabataan sa mga baranggay na sakop
ng ikaanim na distrito ng Maynila.

_____8. Ang mga kabataang 17 taong gulang pababa ay sakop ng curfew.

_____9. Mula ika-10 ng gabi hanggang ika-4 ng umaga ipatutupad ang curfew.

_____10. May mga kaparusahan sa mga kabataang lalabag sa ordinansa.

Bilib na talaga ako sa iyo. Nasagutan mo lahat nang pagsasanay. Iwasto


mo ang iyong mga kasagutan sa pahina 11.
Anong naramdaman mo matapos malaman ang resulta ng iyong
pagsisikap

 ☺ 
Malinaw ba sa iy ang lahat? Kung oo, sagutan
mo na ang Panapos na Pagsubok. Kung hindi,
balikan mo ang aralion.

Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa mga natutuhan mo sa loob


ng aralin. Huwag kang matakot dahil alam kong kayang-kaya mo ito.
Huling pagsubok na lamang ito na kailangan mong sagutin.

8
Panapos na Pagsubok
Panuto:
Basahin at piliin ang pangunahing kaisipan at mga pantulong na kaisipang nakasaad
sa binasang teksto.

Musika...Musika...Musika...
Mary Dimple S. Dolatoa
Ang Sulo, Mataas na Paaralang Torres
Nobyembre, 2002

Musika...musika...musika... isang himig na napakasarap sa pandinig. Alam ba ninyo


na bukod sa nagpapagaan ito ng ating damdamin ay may malaking naiaambag din sa
larangan ng medisina?
Napag-alaman ng mga siyentipiko na ang kapangyarihan ng musika ay kayang
magpaalis ng stress sa isang tao. Dahil sa pamamagitan nito naipapahinga ng indibidwal ang
kanyang katawan at maging ang pag-iisip kaya naman ito ay nakababawas sa kanyang mga
alalahanin.
Ayon sa propesor na si Richard Fratianne, ang musika ay nakababawas din sa sakit
at kirot na nararamdaman ng isang pasyente matapos ang isang operasyon. Nakatutulong
din ito na mapabilis ang paggaling ng taong maysakit. Kaugnay nito, ang mga manggagamot
noong unang panahon ay gumagamit ng musika upang gamutin ang ilang problema sa puso,
maialis ang depression at maging ang insomia o hindi pagkatulog ay nagagamot din nito.
Samantala, naniniwala naman ang mga babaeng nagdadalang-tao na ang sanggol ay
dapat na pinakikinig ng musika habang nasa sinapupunan pa lamang upang ito ay lumaking
aktibo at matalino. Mas makabubuti sa mga sanggol kung inyong iparirinig ay musikang
instrumental tulad ng mga likha nila Mozart at Beethoven.
Sa kasalukuyan, may mga katibayang nagpapatunay na ang musika rin ay tumutulong
sa pagpapagana ng ilang bahagi ng utak tulad ng memorya, emosyon at iba pa.
Sadyang makapangyarihan ang musika hindi lamang sa puso kundi maging sa pag-
iisip ng isang tao. O, kayo, buksan na ang inyong mga radyo upang mapatunayan ang tunay
na galing ng musika!
-EASE Filipino I. Modyul 9 p.25-26

PANGUNAHING KAISIPAN:
_____________________________________________________________

MGA PANTULONG NA KAISIPAN:


1.__________________________________________________________
2.__________________________________________________________
3.__________________________________________________________
4.__________________________________________________________
5. __________________________________________________________

9
Ang ganda ng aralin natin.
Ang dami kong natutuhan.
Naaliw rin ako ng mga gawain at
pagsasanay.

Hindi rin ako nahirapan sa mga


pagsasanay. Kaya parang gusto ko pa ng
karagdagang Gawain.
Tara magtulungan tayo!

Karagdagang Gawain

Panuto: Basahin at unawain mo ang sumusunod na teksto. Isulat ang pangunahing


kaisipan ng bawat isa at pagkatapos ay itala ang pansuportang detalye.

Saging ang pinakamasustansyang prutas na malaki ang naitutulong sa


1. pagpapalaki ng kalamnan ng ating katawan. Marami ang nagsasabi na ang
saging ay hindi prutas kundi isang uri ng “berry” ang puno nito ay itinuturing na
isang uri ng “herb” Nagtataglay rin ito ng mga sustansyang tumutulong sa
pagpapabilis ng pagbuo ng mga nasirang tisyu sa ating katawan .
-EASE Filipino I. Modyul 9 p.30-32

Pangunahing Kaisipan: _________________________________


Pantulong na Kaisipan: _________________________________

2.
Ang isdang tuna ay isang malaking salik sa pagpasok ng dolyar sa ating
bansa. Ang Pilipinas ang nangunguna sa pagluluwas ng mga de latang tuna sa
iba’t ibang panig ng daigdig. Mahigit 50% ng mga tunang ito ay nanggagaling sa
Mindanao o sa timog na bahagi ng bansa. Kabilang na rito ang Golpo ng Moro,
Dagat Sulo, Dagat Bohol, Look ng Batangas at Golpo ng Ragay.
-EASE Filipino I. Modyul 9 p.30-32

Pangunahing Kaisipan: _________________________________


Pantulong na Kaisipan: _________________________________

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng aralin. Ang saya-saya ko at


napagtagumpayan mo ang mga pagsasanay at gawain.

Ang husay mo kaibigan!

10
11
Pagsasanay 2
Pangunahing Kaisipan: Ang mangosteen bilang reyna ng mga prutas sapagkat kakaiba at natatangi ito.
Mga Pantulong na Kaisipan:
1. hugis piramido ang tuktok ng puno nito.
2. may katagalan itong lumaki.
3. pinaniniwalaang magiging mapakla ito kapag natalsikan ng dagta ang bunga nito.
4. brown na papaitim ang matigas na kahoy nito at may kulay dilaw na dagta.
5. sa mag tropical na bansa ito madalas tumubo.
Pagsasanay 3
Pangunahing Kaisipan: Isang makabuluhang hakbang ang pagpapatupad ng curfew sa Lungsod ng Maynila.
Mga Pantulong na Kaisipan:
1 3 4 6 8 9 10
Panapos na Pagsubok
Pangunahing Kaisipan: Ang malaking ambag ng musika sa larangan ng medisina
Mga Pantulong na Kaisipan:
1. kayang magpaalis ng stress sa isang tao.
2. nakababawas din sa sakit at kirot na nararamdaman ng isang pasyente matapos ang operasyon.
3. nakagagamot ang problema sa puso, ng depression maging ng insomia o di pagkatulog.
4. nakatutulong na lumaking aktibo at matalino ang sanggol na nakikinig ng musika habang nasa sinapupunan ng ina.
5. nakapagpapagana ng utak tulad ng memorya, emosyon at iba pa.
Karagdagang Gawain
1. Pangunahing Kaisipan: Ang saging ang pinakamasustansiyang prutas na malaki ang naitutulong sa pagpapalaki ng
kalamnan ng ating katawan.
Pantulong na Kaisipan:
Nagtataglay ito ng mga sustansiyang tumutulong sa pagpapabillis ng pagbuo ng mga nasirang tisyu ng ating katawa
2. Pangunahing Kaisipan: Ang Pilipinas ang nangunguna sa pagluluwas ng mga de latang tuna sa iba’t ibang panig ng
daigdig.Pantulong na Kaisipan: Mahigit 50% ng mga tunang ito ay nanggagaling sa Mindanao o sa timog na bahagi ng bansa.
Panimulang Gawain
1. A
Mga Pantulong na Kaisipan
Kabilang sa mga sintomas ng Dengue sang sumusunod
1. lagnat, sakit ng ulo, kalamnan at pananakit ng kasukasuan
2. ang isang pagpapantal sa balat na katulad ng sa tigdas.
3. pamumuo ng dugo kasama ng lagnat, na nagdudulot ng pagdurugo, mababang bilang ng platelet ng dugo at pagtagas ng
plasma ng dugo sa dengue shock syndrome
Gawain 1
Pangunahing Kaisipan: Ang batang babaing mahirap
Mga Pantulong na Kaisipan:
1. Sa paaralan ay kapansin-pansin ang pagiging walang imik.
2. Madalas na nag-iisa siya
3. Lagi siyang nakayuko, mailap ang mga mata, sasagot lamang kapag tinawag ng guro halos paanas pa kung magsalita
4. Madalas ay tinutukso siya dahil sa kanyang damit.
5. Ang kanyang damit kahit malinis ay halatang luma na. palibhasa ay kupas na at punung-puno pa ng sulsi.
Pagsasanay 1
Pangunahing Kaisipan: Ang malupit at mapaminsalang Ulupong
Mga Pantulong na Kaisipan:
1. Wala itong pinatatawad
2. Ang ulupong na ito ay may pitong ulo
3. ang labing-apat na butas ng ilong ay nagbubuga ng usok.
4. Marami na siyang napapatay dahil sa pagbubuga niya ng apoy kapag siya ay nagagalit.
5. Wari bang wala nang makakagapi sa ulupong na ito na makatira sa bundok
Susi sa Pagwawasto
Mga Sanggunian:
https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Dengue
https://brainly.ph/question/1208837
https://buklat.blogspot.com/2017/11/ang-alamat-ng-bundok-kanlaon-.html?m=1)
https://pixabay.com
http://lrmds.deped.gov.ph/.

EASE Filipino I. Modyul 4


EASE Filipino I. Modyul 9
Panitikang Filipino 7 Modyul

12
Aralin 2: Pahayag Mo, Isulat Mo!

Panimula

Magandang buhay! Kumusta ang araw mo? Umupo at


maghanda sa gawain na magbibigay sa iyo ng kaligayahan at bagong kaalaman na
nakapaloob sa modyul na ito.
Halika, umpisahan na natin.
Sa buhay na ating ginagalawan, bahagi na ng buhay ng tao ang
makapagbahagi ng kanilang pahayag o paliwanag ukol sa mga bagay-bagay na
nangyayari sa ating kapalibutan.
Sa araling ito, sikapin mong makagamit ng iba’t ibang paraan ng pagpapahayag
sa pagsulat ng sanaysay.
Handa ka na ba?

Layunin

Sa modyul na ito,inaasahan na
nagagamit mo ang iba’t ibang paraan ng
pagpapahayag (pag-iisa-isa,
paghahambing, at iba pa) sa pagsulat ng
sanaysay.

Ano ba ng alam mo na sa ating aralin? Subukin mo


nga?

13
Talasalitaan

Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit. Piliin ang sagot
sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

nagkakamali madaling itumba lumalakas


katapangan mabilis na pagdating

1. Hindi niya alintana ang mga rumaragasang jeep sa paghabol sa magnanakaw.


2. Ang kanyang ginawang kagitingan ang hinangaan ng buong bayan nang mailigtas niya
ang bata sa tubig-baha.
3. Ang magulong pamilya madaling mabuway sa mga pagsubok ng buhay.
4. Sumisidhi ng pintig ng kanyang puso sa takot habang binabagtas niya ang masukal
na daanan pauwi ng bahay.

Panimulang Gawain

Basahin at unawain.
Bago ka mag-umpisa, magbalik-tanaw ka muna sa mga natutuhan mo sa mga
nakaraang aralin. Magbigay ng maikling pagpapahayag sa natutuhan mo sa
nakaraang aralin.
• Natutuhan ko ang__________________________________________

Para sa pag-uumpisa ng ating aralin marapat lamang na basahin


muna ang akda na nasa susunod na pahina. May nakalaang gawain
para sa iyo.

Mga Gawain sa Pagkatuto:

Ang Bicolano sa Hamon ng Sustenidong Kaunlaran


Ni: Roger B. Bañal
Ang kaligtasan ng komunidad ay dapat na layuning panlahat ng mabubuting
mamamayan. Ang kanyang puso, isip at pagkatao ay kailangan na ihandog sa
pinagkakautangan niya ng buhay, sa nagbigay sa kanya ng pagkakataong mamuhay nang
malaya at masagana.

14
Sa kasalukuyan, lalong sumisidhi ang masamang kalagayan ng ating kapaligiran di
dahil may mga taong masasama kundi marami ang nagwawalang-bahala. Patuloy nga sa
pag-unlad ang ating bayan bunga ng makabagong imbensyon subalit nalalagak naman sa
panganib ang ating kinabukasan. Nariyan ang mabilis na pagbabago-bago ng panahon.
Nitong nakaraang buwan, ating nararanasan ang pinakamalakas na bagyong wumasak ng
buhay at ari-arian.
Bilang paghahanda, ating itinali ang mga bahay, nilagyan ng pabigat at bubungan,
nag-imbak ng maraming pagkain, tubig, gamot, at inihanda ang transistor at flashlight.
Lumikas sa evacuation centers ang iba.
Iba na ang handa! Sabi nga ni Gob. Salceda. “Ang kahandaan ang siyang
pinakamabisang pananggalanag upang maiwasan ang pagbuwis ng buhay na siyang
pinakamahalaga sa lahat.”
Sa gitna ng kalamidad, nakapag-isip pa rin nang matino ang isang Bikolano.
Isang 12 taong gulang mula sa Malinao, Albay ang hinangaan ng buong mundo dahil
sa kagitingang ipinamalas. Hindi natinag si Janela Lelis ng rumaragasang tubig-baha para
iligtas ang watawat ng Pilipinas.
Sa larangan ng kalakal, kinilala noong nakaraang taon si Carlo B. Buenaflor bilang
batang Bikolanong nakapag-ambag nang malaki sa pagsulong ng kaunlaran sa rehiyong
Bikol. Nagsimula ang kanyang kakayahan sa pagluluto ng napakasarap na hamburger na
punong-puno ng kesong sangkap na natutunan niya sa kanyang ina.
Sagisag din si Senador Trillanes IV ng mga Pilipinong ang hangarin ay ang
pagkakapantay-pantay ng lahat. Isiniwalat niya ang malawakang kurapsyon at pangingibabaw
ng kawalan ng katarungan particular na sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Tulad ni Jun
Lozada, matapang niyang hinarap ang taong-bayan kahit na ang kapalit nito ay ang kanyang
buhay.
Si Miguel Luis Villafuerte ay gumawa rin ng pangalan bilang pinakabatang gobernador
sa kasaysayan ng politika ng Pilipinas. Sa kanyang ulat sa bayan, ito ang kaniyang sinabi:
“Ako po ang ikaapat na Villafuerte na nagtukaw sa probinsya kan Camarines Sur.
Namana ko po ang saindang katibayan kaya dae kamo magngalas kun ang pinaka-joven na
gobernador ang pinakamatibay na gobernador kan Camarines Sur.”
May pag-asa pang mabago ang sistema ng halalan ng Pilipinas. Nitong nakaraang
halalang pambaranggay, dalawang kandidato sa pagkapunong-barangay ng Jonop, Malinao
Albay ang nagkasundong hindi mamimili ng boto ng mga botante. Nagpirmahan ang
magkabilang-panig na kanilang hahayaan na ang konsensya ng taong-bayan ang magpasya.
Tama sina Jose Cierva at Felisa Canicula. Ang tapat na paglilingkod ay nag-uugat sa malinis
na halalan.

15
Mahusay ang mga Bikolano. Hindi nagpapabaya. Patuloy sa pag-unlad. Patuloy sa
pagdukal ng karunungan para sa bayan.
Hanggang sa ngayon, naririnig ko pa ang awit ng Bikolanong punong-puno ng pag-
asa. Alam mo ba kung ano ang kaniyang awit? Awit ito ng taong ayaw paalipin sa kagutuman.
Bumubulag ang kagutuman! Pumapatay ang kagutuman! Ang taong nagugutom, mapanganib
ang buhay.
Ang Bikolano ay isang taong may paninindigan. Mas pipiliin niyang mamatay kaysa
magnakaw. Mas gugustuhin magtiis kaysa magsinungaling. Mas nanaisin niyang magsiwalat
ng kawalan ng katarungan kaysa manahimik. Mas hahayaan niyang mamatay nang buo ang
kanyang dignidad kaysa mabuhay na nakaluhod sa kawalan ng karangalan.
Ito ang totoong Bikolano sa pagharap sa hamon ng buhay.

Naunawaan mo ba ang iyong binasa? Ang iyong binasang


sanaysay ay isang uri ng paglalahad. Alam mo ba kung ano ang
paglalahad? Upang higit itong maunawaan basahin ang nasa loob
ng kahon

Alam mo ba na may…

Iba’t ibang Paraan ng Pagpapahayag (Paglalahad)

Ang paglalahad ay nagpapaliwanag, nagbibigay-kaalaman o pakahulugan, at nagsusuri


upang lubos na maipaunawa ang diwang inilalahad o nais ipaabot ng nagsasalita o sumusulat.
Maaaring ito ay tumutugon sa mga katanungan kung ano ang katuturan ng isang salita o bagay, kung
paano ang pagsasagawa ng isang bagay, kung ano ang kakanyahan ng isang layunin o simulain.

Upang mabigyang-linaw ang pagpapahayag ay ginagamit ang iba’t ibang pagpapaliwanag.

1. Pag-iisa-isa – Ito ay isang paraan ng paglalahad ng isang kalagayan o sitwasyon sa


pamamagitan ng maayos na paghahanay ng mga pangyayari ayon sa talagang
pagkakasunod-sunod ng mga ito. Dito ay malinaw na naipapakita ang mga dahilan at bunga
ng mga pangyayari.
2. Paghahambing at Pagsasalungatan – Ginagamit ang paraan na ito sa paghahambing ng
magkakatulad at pagkakaiba ng mga bagay-bagay. Ang paraang ito ang pinakamalimit na
gamitin
3. Pagsusuri – Sa paraang ito ay sinusuri ang mga salik o bagay-bagay na nakaaapekto sa
isang sitwasyon at ang pagkakaugnay-ugnay ng mga ito.
4. Sanhi at Bunga – Tinatalakay rito kung ano ang sanhi o dahilan at kung ano-ano ang
kinalabasan. Sa paraang ito madaling maikintal sa isipan ng mambabasa o nakikinig ang mga
pangyayari.
5. Pagbibigay ng Halimbawa – Ito’y nagpapatibay ng isang paglalahad. Sa pamamagitan ng
pagbibigay ng halimbawa ay madaling makumbinsi o mahikayat ang nagbabasa o nakikinig.
Siguraduhin lamang na tiyak o makatotohanan ang ibibigay na halimbawa.

Sa pagsulat ng paglalahad ay kailangan ang malawak na kaalaman sa paksang tatalakayin,


pagpapaliwanag sa kahulugan, malinaw at maayos na pagpapahayag, at walang kinikilingan.

https://www.slideshare.net/Jocelle29/iba’t-ibang-paraan-pagpapahayag

16
Naunawaan mo na ba? Ipagpatuloy ang pagbabasa at
ilahad ang iyong pahayag sa gawaing nakatakda para
sa iyo.
Pagsasanay
Pagsasanay 1
1
Panuto: Basahin at unawain ang halimbawa ng pagpapahayag at sagutin
ang kasunod na mga tanong.

Sino sa atin ang hindi kasama sa karanasan ng bayan?


Tiyak at walang pasubali, ang tao’y hindi isang pulo upang mabuhay sa sarili
lamang kundi sa piling ng kapwa. Tayo at ang kapwa natin ang mga arkitekto ng ating
kapalaran sa ating lipunan. Kung ano tayo’y iyon ang buhay at pakikipamuhay sa iba
sa tulong ng sariling pagsisikap, mithiin, pangarap, at ambisyong umunlad at
magtagumpay. Sa ganito’y hindi natin matatakasang hindi lumingap at magmahal sa
ibang tao sa pamamagitan ng ating damdamin, pag-iisip, at mga nagawa. Ngunit bakit
kung minsa’y nawawala ang biyaya ng pagmamahalan? Bakit nangyayari ang lahat
ng ito, kung tunay mang tayo’y marunong tumulong at makibahagi sa katuwaan at
kalungkutan ng iba?
Marahil, dahilan ito sa hindi makatarungang pagbabaha-bahagi ng
kabuhayan(ekonomiya) at lisyang kaugalian. Subalit walang bagay na hindi natin
maitutuwid, tuwiran at di-tuwiran, sapagkat ang ating demokrasya’y nagtataglay ng
kapangyarihan sa pansariling pagwawasto at pagbabago. Datapwat saan dapat
magsimula? Maging si Gat Jose Rizal ay naniniwalang hindi dapat magsimula sa
ibaba, sa masa, sapagkat magiging marahas at madugo. Maliwanag, sa gayon, na
ito’y dapat magsimula sa itaas, sa mga namumuno, sa mga intelektuwal, at sa mga
taong nasa dambana ng lingkurang-bayan. Sila ang tagabalangkas at tagaukit ng
timon ng gobyerno at tagasunod lamang ang mga mamamayan. (Mula sa akdang “Sa
Dambana ng Ating Lingkurang-Bayan” ni Lamberto Ma. Gabriel)

Alam mo ba kung anong paraan ng pagpapahayag ang iyong


binasa? Ito ay isang halimbawa ng pagpapahayag na pag-iisa-isa.
Upang labis mo na maunawaan ang nilalaman ng modyul na ito may
nakatakdang gawain na nakalaan para sa iyo.

Gawain: Sagot Mo! Ilahad Mo!


Panuto: Suriin ang sanaysay ayon sa paksang-diwa at paraan ng pagkakalahad at
pagkamakasining nito. Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa binasang akda at ibatay
ito sa sariling kaalaman at pananaw sa buhay. Malaya kang pumili ng paraan ng
pagpapahayag na gagamitin mo sa iyong pagsulat. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

17
Kumusta ang unang pagsasanay? Madali lang ba o Mahirap? Nakuha mo bang
lahat ng wastong sagot sa pagsasanay 1? Kung nakuha mo na ikaw ay
Mahusay! Maaari mo nang gawin ang pagsasanay 2
Kung mababa sa 3 ang iyong sagot balikan mong muli ang hindi mo na nakuha
at pag-aralang muli at pagkatapos ipagpatuloy na ang pagsasanay 2.

Para malaman ang pagtataya sa iyong ginawa basahin ang nakasulat sa ibaba.
Pamantayan sa Pagmamarka Iskor
Kalinawan ng pagpapahayag 5
Tamang gamit ng mga salita 3
Tamang gamit ng bantas 2
Kabuoan 10

Dahil madali mo lang nasagutan ang unang pagsasanay, narito pa ang isa
pang gawaing magpapatibay ng iyong kaalaman.

Pagsasanay
Pagsasanay 22
Panuto: Narito ang isa pang halimbawa ng sanaysay. Basahin at unawain ang
sanaysay at gawin ang nakahandang gawain para saiyo. Handa ka na ba?

Ang kahirapan ang isa sa mabibigat na problema ng ating bansa. Madalas


nating sisihin ang maling pamamalakad ng mga pinuno ng bansa, pero sila nga ba
ang may kasalanan o tayong mga Filipinong tamad?

Sabi nga nila, “Ang Katamaran ay katumbas ng Kahirapan”. Tama sila, at tama
rin naman ang mga taong nagsasabing nasa gobyerno ang pagkakamali. Sinasabi ng
marami na, kaya sila naghihirap ay dahil sa wala silang trabaho. Pero ang totoo,
maraming trabahong nakalaan. Mapili lang talaga ang mga Filipino. Pero hindi rin natin
sila masisisi. Mas pipiliin pa nilang maupo na lang sa isang tabi at manghingi ng limos
kaysa magpakapagod sa napakabigat na trabaho at kumita ng isang daang piso sa
isang araw. Pero sa dahilang ito, ipinapakita lang natin na tayo ay tamad kaya
nahihirapan (Mula sa akda, Kahirapan ni Ghie)
https://pinoycollection.com/sanaysay

18
Panuto: Gamit ang paraan ng pagpapahayag na pag-iisa-isa, sumulat ng maikling
sanaysay tungkol sa kahirapang nararanasan ng mamamayang Pilipino sa ating
bansa. Ibatay ito sa nakikita mo sa iyong paligid. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

Pamantayan sa Pagmamarka Iskor


Kalinawan ng pagpapahayag 5
Kaisahan ng salita, pangungusap, at talata 10
Wastong gamit ng salita 5
Kabuoan 20

Magaling nagawa mo ang Pagsasanay 1 at Pagsasanay 2.


Ano ang mahalagang impormasyon ang iyong natutuhan
makatulong kaya ito sa iyong pag-aaral?

Ngayon ipagpatuloy mo pa ang iba’t ibang gawain sa ibaba.

Pagsasanay 3
Pagsasanay 3
Panuto: Basahin at unawain ang balita-impormasyong nasa ibaba.Gawin ang
gawaing nakalaan para sa iyo.

Pilipinas, naunahan na ang Indonesia sa dami ng COVID-19 kaso sa Southeast Asia


Nangunguna na ang Pilipinas sa dami ng kaso ng coronavirus disease
2019(COVID-19) sa Southeast Asia matapos na maunahan ang Indonesia. Ngayong
huwebes, iniulat ng Department of Health(DOH) na 119,460 na ang kabuuang kaso ng
COVID-19 makaraang madagdagan ng panibagong 3 561.
Nitong miyerkules, umabot na sa 116,871 ang kaso ng Covid-19 sa
Indonesia na mayroong average na 1 850 bago na infection sa bawat araw nitong nakalipas
na isang linggo.
Sa Pilipinas, umabot na sa ikawalong araw na mayroong higit na 3000 sa araw-araw
na bagong kaso ng coronavirus.
Ang limang lugar na mayroong pinakamataas na bagong kaso ng COVID-19 sa
Pilipinas ay ang Metro Manila (2 041), Laguna (222), Cebu (221), Cavite (100), at Rizal (81).
Samantala, nadagdagan naman ng 569 ang mga gumaling sa virus para sa
kabuuang bilang na 66 837. Umakyat naman sa 2 150 ang mga nasawi makaraang
madagdagan ng 28. (FRJ, GMA News)

https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/balita/750160/pilipinas-
naunahan-na-ang-indonesia-sa-dami-ng-covid-19-cases-sa-southeast-asia/story/

19
Gawain A
Panuto: Suriin ang paksang-diwa ng balitang iyong binasa. Sumulat ng sanaysay
tungkol sa mga bagay na dapat gawin ng mamamayan upang maibsan ang
lumalalang kaso ng COVID-19 sa ating bansa. Gumamit ng iba’t ibang paraan ng
pagpapahayag sa iyong pagsusulat. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Gawain B
Panuto: Sumulat ng sanaysay tungkol sa pandemyang nararanasan ng ating bansa
ngayon at ibatay ito sa iyong sariling saloobin at pananaw sa buhay. Isulat ang
iyong sanaysay sa isang buong papel o coupon bond. Malaya kang pumili ng
paraan ng pagpapahayag na gagamitin. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Pamantayan sa Pagmamarka Iskor


Kalinawan ng pagpapahayag 5
Kaisahan ng salita, pangungusap, at talata 10
Wastong gamit ng salita 5
Kabuoan 20

Magaling! Nasagutan mo lahat na pagsasanay.


Malalaman mo ang tamang sagot pagkatapos mong masagutan
ang panapos na gawain at karagdagang gawain.
Anong naramdaman mo matapos malaman ang resulta ng
iyong pagsisikap?

Binabati kita! Maaari ka na ngayong sumubok sa


pangwakas na gawain. Huling pagsubok na
lamang ito na kailangan mong sagutin.

Panapos na Pagsubok

Panuto: Sumulat ng sarili mong sanaysay na maaaring sa anyong pormal o di-pormal


mula sa napanood na bagong balita sa telebisyon o sa mga balitang
dokumentaryo. Gamitin ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag, malaya kang
pumili ng paraang gagamitin mo sa iyong pagpapahayag. Isulat ang iyong
sanaysay sa isang maikling coupon bond.

20
Karagdagang Pagsubok

Panuto: Bilang pagsubok sa iyong natutuhan, sumulat muli ng maikling sanaysay na


susukat ng iyong kaalaman. Pumili sa ibaba ng paksang nais mong isulat.
Pumili ng paraan ng pagpapahayag na gagamitin sa iyong pagsusulat. Isulat
muli sa maikling coupon bond ang iyong sanaysay.

Pag-ibig Pamantayan Iskor


1. Nilalaman (binubuo ng 3 talata) 10
Pamilya 2. Wastong gamit ng salita at bantas 5

Kaibigan 3. Paggamit ng iba’t ibang paraan ng pagpapahayag 5


Kabuoang Puntos 20

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng aralin. Ang saya-saya ko


at napagtagumpayan mo ang mga pagsasanay at gawain.
Ang husay mo!

21
22
Talasalitaan
1. Nagkakamali 2. Mabilis na pagdating 3. Katapangan
4. madaling itumba 5. lumalakas
Panimulang Gawain
Pagsasanay 1
Ang paraan ng pagpapahayag na ginamit sa sanaysay ay ang pag-iisa-isa.
Gawain
(Ang guro na ang bahala sa pagsusuri ng isinulat na sanaysay ng mag-aaral.)
Pagsasanay 2
Ang paraan ng pagpapahayag na ginamit sa sanaysay ay ang sanhi at bunga.
(Ang guro na ang bahala sa pagsusuri ng isinulat na sanaysay ng mag-aaral.)
Pagsasanay 3
Ang paraan na ginamit sa pagpapahayag ay ang pagbibigay-halimbawa at pag-iisa-isa.
(Ang guro na ang bahala sa pagsusuri ng isinulat na sanaysay ng mag-aaral.)
Panapos na gawain at Karagdagang Gawain
(Ang guro na ang bahala sa pagsusuri ng isinulat na sanaysay ng mag-aaral.)
Susi sa Pagwawasto
Mga Sanggunian:
Pinagyamang Pluma 8 – mga pahina 280 - 281

Mga larawang guhit ni Francis Glenn Paglinawan

Sanaysay ni Roger B. Bañal – HT-VI, Filipino Department – “Ang Bicolano sa Hamon ng


Sustenidong Kaunlaran”

Batayang Aklat Filipino IV

https://pinoycollection.com/sanaysay-tungkol-sa-kahirapan
https://www.slideshare.net/Jocelle29/iba’t-ibang-paraan-ng-pagpapahayag
https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/balita/750160/pilipinas-naunahan-na-ang-
indonesia-sa-dami-ng-covid-19-cases-sa-southeast-asia/story/

23
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 178 1288

Email Address: region5@deped.gov.ph

You might also like