Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Nilalaman o Balangkas ng mga Pangyayari

Ang ilang pangyayari sa akda ay may koneksyon sa awtor at


sa panahon ngayon tulad ng mga rosas sa hardin pareho
lamang ang mga rosas, walang pag kakaiba, walang espesyal
o ni isang natatangi. Mapapaisip nalang ang mga mambabasa
kung bakit gusto ng alamid na paamuhin s’ya ng Prinsipe.
Pagkatapos mapaamo ang alamid nadiskubre ng Prinsipe ang
kaibahan ng rosas na pagma may-ari n’ya at mga rosas sa
ibang hardin. Malinaw na ipinahiwatig ng may akda na sa
karanasan lamang ng isang tao malalaman ang kaibahan ng
isang bagay na importante sa kanya.  
Sa simula, bumagsak ang eroplano ng isang piloto sa
disyerto ng Sahara. Habang pinag-iisipan niya kung paano
ito aayusin at kung saan siya makakahanap ng makakain at
maiinom, dumating naman ang munting Prinsipe. Nagpaguhit
ito sa kanya. Habang inaayos ang eroplano, nagkwento ang
prinsipe tungkol sa mga lugar na napuntahan at natutuhan
niya. Nabanggit niya rin ang pagmamahal niya sa kanyang
rosas at kung bakit siya umalis sa kanyang planeta.
Nakilala ng Prinsipe ang isang alamid na nagbigay sa
kanya ng mahalagang aral. Naghanap ng balon ang piloto at
munting Prinsipe dahil nauubos na ang tubig nila. Nang
makakita sila nito, mahahalata sa pananalita ng prinsipe
ang pananabik na makabalik sa planeta nila upang makita
ang rosas. At sa wakas, naayos na ng piloto ang eroplano
at nakita niya ang Prinsipe na kausap ang ahas at
tinuklaw siya nito. Sa huli, namatay ang Prinsipe at
nakabalik na ang Piloto sa pinanggalingan n’ya. 

You might also like