EsP10 Q1 Mod4 AngMapanagutangPaggamitNgKalayaan Version3

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 33

10

Edukasyon
sa Pagpapakatao

Unang Markahan – Modyul 4


Ang Mapanagutang Paggamit ng
Kalayaan
Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang


Alternative Delivery Mode
Unang Markahan - Modyul 4
Ang Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Janice May M. Salting
Editor: Janice May M. Salting/ Marlon V. Marco
Tagasuri: Mericel P. Sulasula
Tagaguhit: Janice May M. Salting
Tagalapat:
Tagapamahala: Arturo B. Bayocot, PhD. CESO III (Regional Director)
Co-Chairpersons: Victor G. De Gracia Jr. PhD. CESO V (Asst. Regional Director)
Randolph B. Tortola,PhD. CESO IV (SDS-Division of Bukidnon)
Shambaeh A. Usman,PhD.(ASDS-Division of Bukidnon)
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD
Neil A. Improgo, EPS-LRMS
Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Members: Elbert R. Francisco, PhD, Chief ES, CID
Nancy B. Panistante, EdD, EPS in Edukasyon sa Pagpapakatao
Rejynne Mary L. Ruiz, PhD, LRMDS Manager
Jeny B. Timbal, PDO II
Shella O. Bolasco, Division Librarian II
Inilimbag sa Pilipinas ng: Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon X, Sangay ng
Bukidnon
Office Address: Fortich Street, Sumpong, Malaybalay City
Telefax: (088) 813- 3634
E-mail Address: Bukidnon@deped.gov.ph
Website: www.Depedbukidnon.net.ph

10
Edukasyon
sa Pagpapakatao

Unang Markahan - Modyul 4


Ang Mapanagutang Paggamit ng
Kalayaan

Ang modyul na ito ay sama-samang binuo at sinuri ng mga edukador sa mga


publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang nasa larangan ng
edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng
Edukasyon sa bukidnon@deped.gov.ph.
Pinahahalagahan naming ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Talaan ng Nilalaman
Pahina

Cover Page

Copyright Page

Title Page

Talaan ng Nilalaman

Paunang Salita

Alamin 1

Subukin 2-4

Balikan 5

Tuklasin 6

Suriin 6-10

Pagyamanin 10

Isaisip 11

Isagawa 12

Karagdagang gawain 13

Huling Pagtataya 13-15

Susi sa Pagwawasto 16

Sanggunian 17
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling: Ang Pagkukusa ng makataong
Kilos at Mga Salik na Nakaaapekto sa Pananagutan ng tao sa Kahihinatnan ng Kilos at
Pasiya.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-
ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon
din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Isang magandang araw at magandang buhay sa iyo mahal kong


mag-aaral. Ang modyul na ito ay sinulat at ginawa para sa iyo, upang
ikaw ay maturuang gamitin ang iyong tunay na kalayaan. Nakapaloob
sa modyul na ito ang tungkol sa paggamit ng tunay na kalayaan upang
ang tao ay mamuhay bilang isang tao at kung paano magpakatao.
Ang pandemikong COVID-19 ay hindi hadlang upang ikaw
makapag-aral. Ang modyul na ito ang iyong gabay para maunawaan mo
ang iyong leksyon kahit ikaw ay nasa loob ng inyong pamamahay.
Basahin ng maigi, namnamin at unawain dahil ang mababasa mo dito
ay makakatulong sa iyo para ikaw ay magpakatao. At higit sa lahat,
isabuhay moa ng iyong nalalaman.

Para sa mga tagapagdaloy, inaasahang mabigyan mo nang paunang kaalaman ang mga
mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding masubaybayan at
maitala mo ang mga pag-unlad nila habang hinahayaan silang mapamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mga mag-aaral habang isinasagawa nila ang mga gawaing nakapaloob sa modyul na ito.
.
Para sa mag-aaral at magulang:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa araling Mapanagutang Paggamit ng
Kalayaan.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
mabigyan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


matutuhan sa modyul.

Alamin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang
lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong iiwan ang
bahaging ito ng modyul.

Subukin

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan


kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.

Balikan

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa


maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Tuklasin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa


aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga kasanayan.

Suriin

4
Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang
pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at
mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga
sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa
huling bahagi ng modyul.

Pagyamanin

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang


ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isaisip

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang


maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Isagawa

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas


ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Tayahin
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain
upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Karagdagang
Gawain

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga


gawain sa modyul.

Susi sa
Pagwawasto

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anomang marka o
sulat ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama
sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!
Ang Mapanagutang

Paggamit ng Kalayaan
Aralin

Alamin
Kailan mo ba masasabi na ikaw
ay malaya? Kung lahat ba ng
gusto mo ay nagagawa mo ng
walang pag-aalinlanagan? Nang
walang sinuman ang pumipigil
sa iyo? Ito ba ang kalayaan na
iyong hinahangad o minimithi?
Sa modyul na ito
tatalakayin ang tinatawag na
tunay na kalayaan.

Inaasahang malilinang mo ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan, at Pag-unawa:

1
1. Napatutunayan na ang tunay na kalayaan ay ang kakayahang tumugon sa tawag ng
pagmamahal at paglilingkod;

2. Nakagagawa ng angkop na kilos upang maisabuhay ang paggamit ng tunay na


kalayaan: tumugon sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod

Subukin

Sa bahaging ito, ang iyong kaalaman ay


susubukan sa pamamagitan ng isang
pagtataya. Handa ka na ba?

Paunang Pagtataya

2
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag at unawain ang tanong. Piliin ang
pinakaangkop na sagot at isulat ang titik ng iyong napiling sagot sa iyong kuwaderno
sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 (EsP 10).

1. Ano ang tinuturing na kakmbal ng kalayaan?


a. Kilos-loob
b. Konsensya
c. pagmamahal
d. responsibilidad

2. Ang pinakamalaking hadlang sa kalayaan ay hindi ang nagmumula sa labas ng tao


kundi ang nagmumula mismo sa loob ng tao. Ano ang nais ipakahulugan nito?

a. Ang kalayaan ay matatagpuan sa sarili.


b. Nakahahadlang ang kapuwa sa pagkamit ng kalayaan.
c. Niloob ng tao ang antas ng kaniyang pagiging malaya.
d. Ang hadlang sa pagiging Malaya ay ang sarili niyang pag-uugali.

3. Bakit may kakayahan ang taong kumilos ayon sa sariling kagustuhan at ayon sa
pagdidesisyon kung ano ang gagawin?

a. Dahil ang tao ay may malayang kilos-loob.


b. May likas na batas moral na gumagabay sa kaniya.
c. May kakayahan ang taong gamitin ang kaniyang konsensya.
d. Sapagkat ang tao ay may kakayahnag pag-iisipan ang mga ito.

3
4. Ang responsibilidad ay ang kakayahang tumugon sa tawag ng pangangailangan ayon
sa sitwasyon. Ang pahayag ay:

a. Tama, dahil ang tunay na responsableng kalayaan ay ang pagtulong sa


kapuwa.
b. Tama, dahil may kakayahan ang taong magbigay paliwanag sa kilos na
ginawa.
c. Mali, dahil ang responsibilidad ay palaging kakambal ng kalayaan na
ginagamit ng tao.
d. Mali, dahil ang responsibilidad ay ang pagtanggap sa kahihinatnan ng kilos
na ginawa.

5. Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na kalayaan?

a. Nagagawa ni Erika ang mamasyal anomang oras niya gustuhin.


b. Inamin ni ana ang kanyang pagkakamali at humingi ng paumanhin sa ginawa.
c. Hindi mahiyain si Anton kaya nasasabi niya ang gusto niyang sabihin sa isang tao.
d. Kahit pagod na galling sa trabaho, sinasamahan pa rin ni Jake ang kapitbahay na
isinugod sa ospital.

“Higit na nagiging Malaya ang tao kapag ginagawa niya ang mabuti.
Walang tunay na kalayan kundi pagmamahal at paglilingkod.”

6. Ano ang mensahe nito?

A. Ang kalayaan ay ang paggawa ng mabuti.


b. Ang pagiging Malaya ay nakabatay sa kilos ng tao.
c. Makabubuti sa bawat tao ang pagkamit ng kalayaan.
d. Ikaw ay Malaya kapag naipakita ang pagmamahal at paglilingkod.

4
7. Ano ang tinutukoy na mabuti?

a. Ang pagkakaroon ng kalayaan.


b. Ang pagmamahal at paglilingkod sa kapuwa.
c. ang kakayahang ng taong pumili ng mabuti.
d. Ang magamit ang kalayaan sa tama at ayon sa inaasahn.

8. Bakit kailangangang lumaya ang tao mula sa makasariling interes, pagmamataas,


katamaran, at iba pang negatibong pag-uugali?

a. Nakasentro lamang siya sa kaniyang sarili kaya hindi makakamit ang kalayaan.
b. magkakaroon ng kabuluhan ang buhay kung walang ganitong katangian.
c. Nag-iiwan ito ng hindi magandang imahe sa pagkatao ng tao.
d. Nilalayuan ng ibang tao ang may ganitong mga pag-uugali.

9. Para saan ang pagkakaronn ng kalayaan ng tao?

a. Dahil kailangang malinang ang pagkato ng tao sa pamamagitan nito upang


matamo
ang layunin ng kaniyang buhay sa mundo.
b. Para maging malaya ang tao sa pansariling kahinaan at maging malayang
tumugon
sa pangangailangan ng sitwasyon.
c. Para maging masaya ang tao sa buhay niya dahil nagagawa niya ang kaniyang
nais
na walang nakahahadlang dito.
d. Mahalaga ito upang malinang ang kakayahan ng taong piliin ang mabuti kaya
ibinigay
sa kanya ang kalayaan.

5
10. Hindi mo maunawaan ang leksiyon ng iyong guro at nakababagot sa pakiramdam
kaya nawalan ka ng interes na makinig sa kaniya. Dahil dito wala kang natutuhan sa
itinuro niya, sinisi mo ang ang iyong guro. Sang-ayon ka ba sa kanya?

a. Sang-ayon dahil responsibilidad ng guro ang maipaunawa sa mga mag-aaral ang


leksiyon.
b. Sang-ayon, dahil kailangang mapaganda ang leksiyon para hindi nakababagot sa
mag-aaral.
c. Di sang-ayon, dahil may pananagutan ang tao sa kaniyang kilos.
d. Di sang-ayon dahil may kakayahan kang piliin ang iyong kilos

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Sagutin ng TAMA kung ang
ipinapahayag ay tama at sagutin ng MALI kung ang ipinapahayag ay mali.

__________11. Ang pagsasabing ang malayang kilos ay kilos na “mananagot ako.”


__________12. Hindi tunay na malaya ang tao kapag hindi niya makita ang lampas sa
kaniyang sarili.
__________13. Ang pagiging malaya ay nangangahulugang mayroon akong kakayahang
kumilos nang rasyonal o naayon sa katuwiran.
__________14. Ang kalayan para sa (freedom for) ay ang makita na inuuna ang sarili bago
ang
kapuwa.
__________15. Kalayan mula sa (freedom from) ay isang aspekto na nagpapalaya sa
negatibong katangian ng isang tao.

O ano? Nahirapan ka ba? Kumusta ang iyong


iskor? Kung hindi umabot sa kalahati ang iyong
nakuhang tamang sagot ok lang ‘yan. Huwag
mabahala. Maging tapat lang sa iyong gagawin at
siguradong magkakaroon ng paglago sa iyong
matututuhan. Kung ang nakuha mo ay higit sa
kalahati pataas, magaling dahil nasa lebel ka na
patungo sa pagiging bihasa. Kaya patuloy na
tuklasin ang mahahalagang kaalaman, at
kasanayan sa modyul.

6
Balikan

Sa puntong ito, tayo ay


magbabalik-aral sa
iyong napag-aralan.
Naalala mo pa ba ang
kahulugan ng
kalayaan?

Sa pagkakataong ito, balikan mo ang mga kaisipan at konsepto na natanim sa iyo


tungkol sa kahulugan ng kalayaan. Isulat ito sa mga bilog na inilaan para sa iyong mga
sagot. Gamiting gabay ang porma sa ibaba. (concept map)

KALAYAAN

7
Tuklasin

Handa ka na ba sa mga
gagawin?
Narito ang isang kataga na
kailangan mong ipaliwanag.

Gawain 1
Panuto: Basahin at suriin ang kataga sa ibaba. Ano ang masasabi mo tungkol dito.
Ipaliwanag ang iyong sagot sa pamamagitan ng pagsulat nito sa iyong kuwaderno sa
asignaturang Edukasyon sa Pagpapahalaga 10 (EsP 10).

“Ang tunay na malaya ay hindi pabigat sa kanyang kapuwa.”

Ano ang masasabi mo sa katagang ito? Isulat ang sagot sa iyong


kuwaderno.

Suriin

Ano kung gayon ang kalayaan? Ano ang


kaugnayan nito sa iba pang pakultad ng
tao? May kaugnayan kaya ito sa
pagpapakatao ng tao? Nasa ibaba ang
paliwanag ni Johann tungkol sa tunay8na
kalayaan.
Ang Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan

Ang kalayaan ay karaniwang gumigising sa puso ng bawat tao.

▪ Ipinaglalaban ng bawat tao ang kaniyang karapatang mabuhay at magpasiya ayon


sa kaniyang nais, sa pangangatwirang walang panlabas na hadlang na sisirain sa
paggawa ng isang bagay na nais niyang gawin o ang karapatang sabihin ang
anumang bagay na nais niyang sabihin.
▪ Karaniwang sa pag-asam at pagsisikap na makamit ang kalayaan, nakaliligtaan ang
mahalagang hakbang sa pagkamit nito.
▪ Karaniwang tinitingnan ang kalayaan bilang kawalan ng panlabas na hadlang na
pagkamit. Karaniwang tinitingnan ang kalayaan bilang kawalan ng panlabas na
hadlang sa pagkamit ng ninanais ng tao.
▪ Bibihirang kinikilala na ang pinakamalakaing hadlang sa kalayaan ay hindi ang
nagmumula sa labas kundi ang nagmumula mismo sa loob ng tao.
▪ Ito ay hiwalay sa ginagawa o kilos ng iba kaya’t kailangan ng tao ng “higit” pa sa
malayang kilos-loob (free will) upang maging malaya.
▪ Ang tinutukoy na ‘higit’ ay makikita kung tinintingnan ang kalayaan sa aspektong
mayroon itong kakambal na responsibilidad o sa madaling sabi, ang kalayaan ay
may kasunod na responsibilidad.

Ang dalawang pakahulugan sa pananagutan na nakaaapekto


sa ideya ng kalayaan ayon kay Johann ay ang mga sumusunod.

9
1. Ang malayang kilos ay kilos na “mananagot ako.”

▪ Ito ay kilos na nagmula sa akin .

▪ Ang kalayaan ay nakakabit sa aking sarili (sa pagiging ako), sa


aking kakayahang kumilos, sa aking sariling kagustuhaan, sa
pagsasabi ng oo o hindi sa mga nakapalibot sa akin sa
pagpapasiya ko kung ano ang aking gagawin.
▪ Ito ang kalayaang kaugnay ng malayang kilos-loob at mayroon
ako nito dahil ako ay tao, likas ito sa akin.
▪ Sapagkat ang tao ay tao, siya ang pinagmulan ng kaniyang kilos.
Kaya may panangutan siya sa kaniyang ginawa.
▪ Nangangahulugan itong kailangan niyang harapin ang
kahihinatnan ng kaniyang ginawa.

Halimbawa, maaring bumagsak ang marka ng isang mag-aaral na


hindi pumapasok sa klase. Hindi niya maiiwasang harapin ang resulta ng
pagliban niyang ito. Ang tao ay karaniwang pinananagot sa paggawa ng
isang bagay na hindi niya mabigyan ng mapangangatwirang dahilan
(justifiable reason). Siya ay dapat managot (be accountable) sa mga kilos na
ito.

2. Bagama’t ako ay responsable sa aking ginawa, hindi ito


nangangahulugan na ang kilos ko ay mapanagutang kilos.

10
▪ Bilang tao, ako ay responsible sa aking mga kilos, subalit hindi ito
nangangahulugang ako ay isang responsableng tao.
▪ Ang responsibilidad sa sukdulang kahulugan nito ay hindi lamang
pananagutan kundi ito ay kakayahng o abilidad na magbigay
paliwanag (give account).
▪ Ibig sabihin, may kakayahan akong bigyang dahilan kung bakit
kailangan kong gawin ang aking kilos ayon sa hinihingi ng
pagkakataon o sitwasyon.
▪ Ibig sabihin, kakabit ng pananagutan ang kakayahan ng taong
tumugon sa obhektibong tawag ng pangangailangan ng
sitwasyon.
▪ Ang responsableng tao kung gayon ay ang taong tinutuon ang
kaniyang kilos, may pagsisikap siyang tumugon ayon sa mga salik
na ito at hindi ang pagpapairal ng sariling kagustuhan; kaya hindi
siya mahihirapang ipaliwanag at bigyang-katwiran ang kanyang
ginagawang kilos.

Kung ang pagiging mapanagutan ay hindi makapagbibigay sa


akin ng kakayahang ipaliwanag ang aking kilos, gayundin ang
pagkakaroon ng malayang kilos-loob, hindi masisigurong ako ay
totoong malaya (sic underline). Ang kalayaan ay hindi lamang
nangangahulugan ng pagkakaroon ng kakayahang kumilos ayon sa
kagustuhan, ang pagiging malaya ay nangangahulugang mayroon
akong kakayahang kumilos nang rasyonal o naaayon sa katwiran.
Kaugnay ng tunay na kalayaan, ang malayang kilos-loob ay paraan
lamang upang makamit ito, sapagkat ang makatuwirang kilos ay
humihingi ng pagiging malaya sa pagiging makasarili (egoism).

Ang kakayahang kumilos nang may katuwiran ay


nangangailan o humihingi ng pagpapalit ng pokus sa buhay. Ang
pukos na ito ay ang pagpapahalaga sa kapuwa at paglalagay sa
kanila na una bago ang sarili; ang tumugon sa kung ano ang
kailangan ng sitwasyon kaysa sa magpaalipin sa sariling pagnanais at
kapritso.

Sinang-ayunan ito ni Lipio (2004) sa kaniyang paliwanag na


ang tunay na kalayaan ay hindi sariling kalayaan ng tao na hiwalay sa
sambayanan kundi isang kalayaang kabahagi ang kaniyang kapuwa
sa sambayan. Dahil nabubuhay ang tao sa isang sambayanan,
ginagamit ang kalayaan sa pakikipagkapuwa-tao sapagkat ang tunay

11
na kalayaan ay ang pagpapahalaga sa kapuwa; ang magmahal at
maglingkod.

▪ Kalayaan mula sa (freedom from). Karaniwang binibigyan


katuturan ang kalayaan bilang kawalan ng hadlang sa labas ng
tao sa pagkamit ng kaniyang ninanais. Sa ganitong pag-unawa ng
kalayaan masasabing Malaya ang tao kapag walang nakahadlang
sa kaniya upang kumilos o gumawas ng mga bagay-bagay.
Subalit kailangang kilalanin na ang tunay na nakahahadlang sa
kalayaan ng tao ay hindi ang nagaganap sa labas niya o sa sa
kaniyang paligid kundi ang nagmumula sa kaniyang loob. Ang
nagaganap sa labas ng kaniyang sarili ay pangyayaring wala
siyang kontrol at wala siyang kalayaan upang pigilan ito.
Samantalang ang nagaganap sa loob ng tao ay kaya niyang pigilin
at pamahalaan upang maging ganap siyang malaya. Ano kung
gayon ang nakahahadlang sa kalayaan mula sa loob ng tao? Ito
ay ang mga negatibong katangian at pag-uugaling ipinaiiral ng tao
kaya’t kahit mayroon siyang kilos-loob, pumipigil ito sa kaniya sa
pagkamit at paggamit ng tunay na diwa ng kalayaan. Kailangang
maging Malaya ang tao mula sa makasariling interes,
pagmamataas, katamaran, kapritso, at iba pang nagiging hadlang
upang magawa niya ang ikalawang uri ng kalayaan.

▪ Kalayaan para sa (freedom for). Ang tunay na kalayaan ayon


kay Johann ay ang makita ang kapuwa at mailagay siyang una
bago ang sarili. Kung malaya ang tao mula sa pagiging makasarili
at maiwasang gawing sentro ng kaniyang buhay ang kaniyang
sarili lamang, magkakaroon ng puwang ang kaniyang kapuwa sa
buhay niya. Gagamitin niya ang kaniyang kalayaan para tumugon
sa hinihingi ng sitwasyon at pagkakataon. Ito ang diwa ng

12
pagmamahal sa kapuwa. Samakatuwid, kailangang maging
malaya ang tao mula sa mga pansariling hadlang upang maging
malaya siya para sa pagtugon sa pangangailangan ng kaniyang
kapuwa- ang magmahal at maglingkod.

Isang halimbawa ng paliwanag tungkol sa dalawang aspekto


ng kalayaan:

Isang matanda ang nakatayo sa kanto at naghihintay ng


tutulong sa kaniya upang makatawid. Maari ko siyang tulungang
tumawid o kaya’y huwag pansinin. Ngunit mayroon siyang
pangangailangang nagsusumiksik sa aking kamalayan at
humihimok sa akin na siya’y tulungan. Hindi ko siya tinutulungan
para pasalamatan niya ako o kaya’y sa magandang pakiramdam
na nagmumula sa pagtulong sa kapuwa. Bagkus nakikita ko ang
kaniyang pangangailangan at kung hindi ko ito papansinin ay alam
kong hindi ako karapat-dapat bilang ako. Ngunit hindi ko rin
makikita ang kaniyang pangangailangan at hindi ako makatutugon
kung sarili ko lang ang iniintindi ko. Kung paiiralin ko ang aking
katamaran hindi ko nanaising gambalain ako ng iba.

Ang nasa kalooban kong pagpapakatao ang nagpapakilos sa


akin upang tumugon sa tawag na magmahal ng kapuwa. Sa
pagtugon ko ng “oo” rito, inakay ko at tinutulungang tumawid ang
matanda sa kalsada. Sa pagtulong sa kaniya, ipinakikita ko ang
aking pananagutan sa kaniya, lumalaya at naliligtas ako mula sa
aking makasariling mga interes, pagmamataas, katamaran at iba
pang hindi kaaya-ayang ugali. Binubuksan nito ang aking
kamalayan na gamitin ang aking kalayaan para maglingkod sa
kapuwa at palalimin ang aking pagkatao. (Lipio, F, 2004 p.14)

13
Pagyamanin

Naunawaan mo ba ang iyong binasa?


Upang masubok ang lalim ng iyong
pang-unawa, sagutan mo ang mga
sumusunod na tanong sa iyong
kuwaderno.

Gawain 2

Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno.

1. Ano ang responsibilidad o pananagutan?


2. Paano nauugnay ang kalayaan sa pananagutan?
3. Ano ang tinatawag na tunay na kalayaan?
4. Ipaliwanag ang dalawang aspekto ng kalayaan

Isaisip

77

Dahil lubos mo ng naunawaan ang


konsepto ng kalayaan, ikaw ay
inaanyayahang sagutin ang Gawain sa
ibaba. Sundin lamang ang mga panuto.

Gawain 3
14
Panuto: Ibuod ang iyong ideya tungkol sa kalayaan sa pamamagitan ng pagkompleto
sa kahon. Sundin ang porma ng kahon sa ibaba at isulat ang iyong sagot sa bawat
hilera.

Ako ay Malaya dahil… Bilang malayang tao, ako ay dapat…

Isagawa

Sa puntong ito, ikaw ay inaatasan


na isuulat ang mga katangiang
iyong naipamalasna maaring
nagging hadlang sa paggamit mo
ng tunay na kalayaan.

Gawain 4

Panuto: Balikan at suriin mo naman ang iyong mga nagging pasiya at kilos nitong mga
nagdaang araw. Isa-isahin moa ng mga negatibong katangiang naipamalas mo na maaring
15
naging hadlang sa inyong paggamit ng tunay na kalayaan. Sundin ang porma sa ibaba.
Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Mga Negatibing Katangian Mga sitwasyon na Ano ang Naging epekto sa


na nagging Hadlang sa Naipakita Ko ito Akin at sa Aking Kapuwa
aking Paggamit sa Tunay
na kalayaan

Halimbawa: pagiging Nagkatampuhan kami ng Isang taon kaming hindi


mapagmataas (pride) kaibigan ko, hindi ko siya magkabati, nag-iiwasan, at
binabati at hindi ako hihingi hindi komportable sa
ng paumanhin kasi para sa presensya ng isa’t isa.
akin, siya ang may Nabagabag ako, kaya
kasalanan kaya siya ang naapektuhan ang aking pag-
dapat maunang gumawa ng aaral.
hakbang para magbati kami.

1.
2.
3.
4.

Malugod kitang binabati


sapagkat natapos mong basahin at
gawin ang mga gawain sa modyul na
ito. Sana ay naintindihan mo ang
tunay na kahulugan ng tunay na
kalayaan.

Karagdagang Gawain

Gawain 5

Isulat sa iyong kuwaderno ang mahahalagang repleksiyong nakuha mo mula sa aralin


sa pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod na mga tanong:

16
a. Ano ang iyong nararamdaman nang balikan at suriin mo ang pagpapasiya at
pagkilos
na isinagawa mo ng mga nagdaang araw?
b. Ano-ano ang iyong natuklasan sa pagtala mo ng iyong mga pasiya at kilos na
nagpapakita ng mga negatibong katangian?
c. Ano ang nakahadlang sa paggamit mo ng iyong kalayaan sa mapanagutang
paraan?
d. Bilang isang kabataan, paano mo magagamit nang mapanagutan ang kalayaan na
ipinagkaloob sa iyo?

Huling Pagtataya

Basahing mabuti ang bawat


pahayag at unawain ang tanong. Piliin
ang pinakaangkop na sagot at isulat
ang titik ng iyong napiling sagot sa
iyong kuwaderno sa asignaturang
Edukasyon sa Pagpapakatao 10 (EsP
10).
.

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag at unawain ang tanong. Piliin ang
pinakaangkop na sagot at isulat ang titik ng iyong napiling sagot sa iyong kuwaderno
sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 (EsP 10).

1. Ano ang tinuturing na kakambal ng kalayaan?


a. Kilos-loob
b. Konsensiya
c. pagmamahal
d. responsibilidad

2. Ang pinakamalaking hadlang sa kalayaan ay hindi ang nagmumula sa labas ng tao kundi
ang
nagmumula mismo sa loob ng tao. Ano ang nais ipakahulugan nito?

a. Ang kalayaan ay matatagpuan sa sarili.


b. Nakahahadlang ang kapuwa sa pagkamit ng kalayaan.
c. Niloob ng tao ang antas ng kaniyang pagiging malaya.
17
d. Ang hadlang sa pagiging Malaya ay ang sarili niyang pag-uugali.

3. Bakit may kakayahan ang taong kumilos ayon sa sariling kagustuhan at ayon sa
pagdidesisyon kung ano ang gagawin?

a. Dahil ang tao ay may malayang kilos-loob.


b. May likas na batas moral na gumagabay sa kaniya.
c. May kakayahan ang taong gamitin ang kaniyang konsensya.
d. Sapagkat ang tao ay may kakayahnag pag-iisipan ang mga ito.

4. Ang responsibilidad ay ang kakayahang tumugon sa tawag ng pangangailang ayon sa


sitwasyon. Ang pahayag ay:

a. Tama, dahil ang tunay na responsableng kalayaan ay ang pagtulong sa kapuwa.


b. Tama, dahil may kakayahan ang taong magbigay paliwanang sa kilos na ginawa.
c. Mali, dahil ang responsibilidad ay palaging kakambal ng kalayaan na ginagamit ng
tao.
d. Mali, dahil ang responsibilidad ay ang pagtanggap sa kahihinatnan ng kilos na
ginawa.

5. Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na kalayaan?


a. Nagagawa ni Erika ang mamasyal anomang oras niya gustuhin.
b. Inamin ni ana ang kanyang pagkakamali at humingi ng paumanhin sa ginawa.
c. Hindi mahiyain si Anton kaya nasasabi niya ang gusto niyang sabihin sa isang tao.
d. Kahit pagod na galling sa trabaho, sinasamahan pa rin ni Jake ang kapitbahay na
isinugod sa ospital.

“Higit na nagiging Malaya ang tao kapag ginagawa niya ang mabuti.
Walang tunay na kalayan kundi pagmamahal at paglilingkod.”

5. Ano ang mensahe nito?

A. Ang kalayaan ay ang paggawa ng mabuti.


b. Ang pagiging malaya ay nakabatay sa kilos ng tao.
c. Makabubuti sa bawat tao ang pagkamit ng kalayaan.
d. Ikaw ay malaya kapag naipakita ang pagmamahal at paglilingkod.

6. Ano ang tinutukoy na mabuti?


a. Ang pagkakaroon ng kalayaan.
b. Ang pagmamahal at paglilingkod sa kapuwa.
c. ang kakayahang ng taong pumili ng mabuti.
d. Ang magamit ang kalayaan sa tama at ayon sa inaasahan.

7. Bakit kailangang lumaya ang tao mula sa makasariling interes, pagmamataas,


katamaran, at iba pang negatibong pag-uugali?
a. Nakasentro lamang siya sa kaniyang sarili kaya hindi makakamit ang kalayaan.
b. magkakaroon ng kabuluhan ang buhay kung walang ganitong katangian.

18
c. Nag-iiwan ito ng hindi magandang imahe sa pagkatao ng tao.
d. Nilalayuan ng ibang tao ang may ganitong mga pag-uugali.

8. Para saan ang pagkakaronn ng kalayaan ng tao?


a. Dahil kailangang malinang ang pagkato ng tao sa pamamagitan nito upang
matamo
ang layunin ng kaniyang buhay sa mundo.
b. Para maging Malaya ang tao sa pansariling kahinaan at maging malayang
tumugon
sa pangangailangan ng sitwasyon.
c. para maging masaya ang tao sa buhay niya dahil nagagawa niya ang kaniyang
nais
na walang nakahahadlang ditto.
d. Mahalaga ito upang malinang ang kakayahn ng taong piliin ang mabuti kaya
ibinigay
sa kanya ang kalayaan.

9. Hindi mo maunawaan ang leksiyon ng iyong guro at nakababagot sa pakiramdam


kaya
nawalan ka ng intere na making sa kaniya. Dahil dito wala kang natutuhan sa itinuro
niya
sinisi mo ang ang iyong guro. Sang-ayon ka ba sa kanya?
a. Sang-ayon dahil responsibilidad ng guro ang maipaunawa sa mga mag-aaral ang
leksiyon.
b. Sang-ayon, dahil kailangang mapaganda ang leksiyon para hindi nakababagot sa
mag-aaral.
c. Di sang-ayon, dahil may pananagutan ang tao sa kaniyang kilos.
d. Di-sang-ayon dahil may kakayhan kang piliin ang iyong kilos.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Sagutin ng TAMA kung ang
ipinapahayag ay tama at sagutin ng MALI kung ang ipinapahayag ay mali.

__________11. Ang pagsasabing ang malayang kilos ay kilos na “mananagot ako.”


__________12. Hindi tunay na malaya ang tao kapag hindi niya Makita ang lampas sa
kaniyang sarili.
__________13. Ang pagiging Malaya ay nangangahulugang mayroon akong kakayahang
kumilos nang rasyonal o naayon sa katuwiran.
__________14. Ang kalayan para sa (freedom for) ay ang Makita na inuuna ang sarili bago
ang
kapuwa.
__________15. Kalayan mula sa (freedom from) ay isang aspekto na nagpapalaya sa
negatibong katangian ng isang tao.

Susi sa Pagwawasto

19
Ops!!! Sa bahaging ito ay masusubok mo ang iyong pagiging tapat hindi lang sa iyong guro,
sa iyong sarili, kundi lalo’t higit sa ating Panginoong Diyos na hindi nalulugod na makita ang
bawat isa sa atin na lumalabag sa batas na magbibigay sa atin ng pagkakataon o
oportunidad na maging tunay na makatao at maka-Diyos. Dagdag pa nito ay ang
kaligayahang dulot na iyong mararamdaman dahil sa iyong katapatan at dahil diyan kami na
mga tagapag-padaloy ng karunungan ay lubos din na masisiyahan at makakaramdam ng
tunay na tagumpay.

Mali
Mali
Tama
Tama
ay depende sa guro Tama
Ang pagmamarka D
Gawain 4 A
Mali
Isagawa B
Mali
D
Tama
D
Tama
D
Tama
ay depende sa guro. B
D
Ang pagmamarka A
A
Gawain 3 D
B
Isaisip A
D
ay depende sa guro. Huling Pgtataya
D
Ang pagmamarka pagmamarka
D
Gawain 2 Nakadepende sa guro ang
B
A Pagyamanin Karagdagang Gawain
D depende sa guro. depende sa guro
A Ang pagmamarka ay Ang pagmamarka ay
Gawain 1 Gawain 4
Subukin/Tayahin Tuklasin Isagawa

20
Sanggunian

“Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul Para sa Mag-aaral” Kagawaran ng Edukasyon,


Republika ng Pilipinas, Unang Edisyon 2015

“Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Gabay sa Pagtuturo” Kagawaran ng Edkuasyon,


Republika
ng Pilipinas, Unang Edisyon 2015

Mula sa Internet

https://www.google.com/search?
q=teacher+clipart&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=7KUCpIwIcNIT2M
%252CXK2aYogK8ja98M%252C_&vet=1&usg=AI4_-kTXOxRxVy29ksy2WpF3_EU6-
_xpxA&sa=X&ved=2ahUKEwjGh5SMkJ7qAhXGFIgKHQbtA_cQ9QEwCHoECAwQQA&biw=
1280&bih=640#imgrc=7KUCpIwIcNIT2M

21
22
Para sa mga Tanong at Puna, maaari na sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon X, Kawanihan ng mga Kaalaman


Office Address: Fortich Street, Sumpong, Malaybalay City
Telefax: (088) 813- 3634
E-mail Address: Bukidnon@deped.gov.ph
Website: www.Depedbukidnon.net.ph

You might also like