Pangalawang Pagsusuri Ni Alries P. Pumaras

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

ISANG PASULAT NA ULAT

SINESOSYEDAD/PELIKULANG PANLIPUNAN
FILSOS 1115

PANUNURING PAMPELIKULA
GAMIT ANG MGA ELEMENTO NG ISANG PELIKULA

PAGSUSURI SA PELIKULANG

ANG BABAE SA SEPTIC TANK

NI

ALRIES P. PUMARAS
BSCE3-1

JACKSON A. PARCHAMENTO
GURO
GAWAING PANGKLASE Unang Semestre 2020-2021
NILALAMAN NG PAGSUSURI

I.PANIMULA
Ang Babae sa Septic Tank ay itinatampok nina Eugene Domingo, Kean Cipriano,
JM de Guzman, Kai Cortez sa Direction ni Marlon Rivera at Sa Panulat ni Chris Martinez.
Ang Babae sa Septic Tank ay pelikula kung saan inilalarawan o ikinukwento ang buhay
ng tatlong “filmmakers” na naghahangad ng tagumpay sa larangan ng paggawa ng
maipagmamalaking pelikula na makikilala sa buong mundo dahil nais nilang ipakita ang
galing ng mga Pilipino sa paggawa ng mga “worldclass” na pelikula.

Sina Kean Cipriano bilang Director Rainier, JM de Guzman bilang Producer


Bingbong and Kai Cortez bilang Production Assistant Jocelyn ay ilan sa mga
pangunahing tauhan sa pelikula. Naniniwala sila na ang kanilang istorya ang
magpapanalo sa kanila at makikita mo rin na sila ay nagsusumikap upang maging
maganda ang kalalabasan ng bawat hakbang na kanilang gagawin. Nais nilang
gumawa ng pelikula na tatalakay sa kahirapan at sa kalagayan ng isang ina na si Mila
na ang tagapagganap ay si Eugene Domingo.

Si Mila at ang kaniyang pitong anak ay nakatira sa “Payatas dumpsite” kung saan
damang dama ang kalunos-lunos na kalagayan ng kanyang pamilya. Upang makaraos
mula sa labis na kahirapan nagpasya si Mila na ibenta ang kaniyang isang anak sa
pedopilya Ang “Pedophilia” ay isang abnormal na kalagayan ng isang tao kung saan
nakararamdam ng sekswal na attraction mula sa mga bata.

Ang mga gumagawa ng pelikula na sina Rainier, Bingbong at Jocelyn ay pinag-


uusapan kung papaano nila maisasagawa ang pelikula. Ilan sa mga pinagpilian nila ay –
pangkaraniwang o simpleng pelikula, makatotohanang pagganap kung saan ang mga
tagapagganap ay mga totoong tao na galing sa lugar ng kahirapan, “musical” kung
saan may pagkanta at pagsayaw, mala-teleserye na damang dama ang emosyon ng
bawat eksena. Binisita rin nila ang “dumpsite” na sinasabing tagpuan at pagdarausan
ng kanilang pelikula. Dahil sa sobrang pagkatuwa nila dahil sa labis na kagalakan,
nakaligtaan na nila ang katotohanan at panganib na dala ng kanilang piniling paksa.

Ang aral na natutunan ko sa pelikulang ito ay “Sa gitna ng kahirapan may


pagsubok tayo na dapat harapin at lampasan dahil ang buhay ay hindi puro sarap at
kasaganahan, sa halip ang totoong buhay dito sa ating mundo ay puno ng pagsubok na
malalampasan natin kung tayo ay haharap ng matatag sa mga problemang ating
nararanasan dahil sa katagalan magtuturo ito sa atin ng leksyon at pangaral para sa
ikabubuti ng ating kapakanan.”

II.PAGBUBUOD
Ang unang pangyayari sa pelikulang Ang Babae sa Septic Tank ay isinalarawan
nila ang kwento ng nais nilang isapelikula na pinaniniwalaan nilang magpapanalo sa
kanila sa “Oscars”. Ang sumunod na pangyayari ay ng eksena sa isang coffee shop
kung saan pinag-uusapang nila ang director na si Arthur Poongbato na sa hindi
inaasahan ay nakatagpo rin nila sa mismong coffee shop kung saan ay naroroon rin
sila. Pinag-usapan ng mga filmmakers ang mga gusto nilang baguhin o ibahin para sa
ikabubuti ng kanilang pelikula, kumbaga nag “brainstorming” sila para mas mapaganda
ang pelikula dahil hindi sila pwedeng magkamali sa bawat proseso at hakbang ng
paggawa. Pumili rin sila ng “poster design” para sa kanilang pelikula na ang pamagat ay
“Walang-wala”.

Pinag-isipan nila maigi kung sino ang gaganap na Mila. Pinagpilian nila sina
Cherry Pie Picache at si Mercedes Cabral upang ipalit kay Eugene Domingo dahil nag
aalinlangan sila sa kakayahan nito sa pagganap ng karakter ni Mila. Pati narin ang
pagpili sa anak na ibebenta ni Mila. Ang unang plano ay batang babae ang ibebente
ngunit kinuwestiyon iyon ng producer na si Bingbong dahil para sa kanya mas
kontrobersiyal kung lalaki ang gaganap dahil mas may dating at mas pag-uusapan ng
mga manunuod. Nagka-roon din ng konting pagtatalo sa pagitan ni Rainier at Bingbong
dahil maraming gustong palitan si Rainier na ma ideya a pelikula kaya naisip ni
Bingbong na mas maganda kung bumalik sila sa orihinal na plano kung saan isa itong
“docu-drama” na susundan nila ang buhay ng isang ina mula sa payatas na may
kaparehong storya ng buhay kay Mila.

Naisipan din nilang gawing “musical” ang kanilang pelikulang “Walang-wala”


kaya ito’y isinalarawan sa pamamagitan ng imahinasyon ni Jocelyn habang sila ay nasa
biyahe. Nagkaroon ng mga kanta at sayaw imbis na diyalogo ang sinasabi ng mga
tauhan.

Ang sumunod na eksena pagkatapos ng “musical” ay ang pagbisita nila kay


Eugene Domingo na gaganap bilang Mila. Nakumpirma nila na gusto ni Ms. Eugene ang
karakter ni Mila at lalong lalo na ang istorya ng “Walang-wala”, tinawag rin niya itong
“brilliant” kaya’t hindi na nagdalawang isip ang aktres na gampanan ang karakter ni
Mila. Nagkaroon din ng suwestiyon si Ms.Eugene para sa ikagaganda ng pelikula. Naisip
niya na lagyan ito ng narration upang mas magkaroon ng damdamin ang
istorya.Nagpagtuunan ng pansin ni Ms. Eugene ang “Septic Tank scene” dahil hindi siya
papayag na lumusob sa isang totoong septic tank, kaya nagkaroon sila ng kaunting
problema ngunit nangako naman ang mga “filmmakers” na gagawan nila ng paraan ang
hiling ng aktres.

Matapos nilang mapabilang si Eugene Domingo sa pelikula, mayroon pa silang


huling pupuntahan sa araw na ito, walang iba kundi ang lokasyon na paggaganapan ng
kanilang pelikula. Sila ay nagtungo sa “Payatas dumpsite” kung saan narooon ang
realidad ng kahirapan sa lugar, kung saan madadama ang kaawa-awang situwasyon ng
bawat residente sa lugar. Hindi nila alintana ang panganib na maaaring nilang sapitin sa
lugar na iyon dahil masyado silang nagalak at natuwa sa kanilang nakita dahil naisip
nila na perpekto ang lugar sa bawat anggulo na kanilang kukuhanan para sa pelikula.

Palapit na nilang maisakatuparan ang mga plano para sa kanilang pelikula ng


may mangyaring hindi nila inaasahan. Nakita na lamang nila ang kotse ni Bingbong na
pinagtutulungan sirain ng mga walang pusong nilalang at hindi pa nakuntento sa
ginawang pagsira, sa halip tinangay rin ng mga ito ang mga gamit na nasa loob ng
kanilang kotse. Natapos ang buong araw na dapat sana ay matagumpay kung hindi
sana nangyari ang masamang bagay na iyon. Ipinakita ang tila na pagsuko ng mga
“filmmakers” dahil sa pagsubok na dumating sa araw na iyon.

Sa huling parte ng Ang Babae sa Septic Tank, ipinakita ang aktuwal na


pagkukuha ng isang eksena mula sa pelikulang “Walang-wala”, yun ay ang “septic tank
scene”. Halatang pinagdidirihan ng mga tagapamahala sa pelikula ang tindi ng hindi
kaaya-ayang amoy mula sa septic tank. Dahil sa labis na kagalakan ni Eugene Domingo
sa eksenang iyon at naging hindi maingat sa bawat galaw, aksidente siyang nalaglag sa
totoong “septic tank” na dapat sana ay gagawin ng kanyang kadobol. Doon na
nagtapos ang pelikula habang si Eugene Domingo ay umaarte habang lubog ang
kanyang katawan sa “septic tank”.

III.PAGSUSURI

 SENARYO

Malinaw ang pagbigkas ng diyalogo pati narin ang nilalaman nito. Naiparating
naman ng mga tauhan ang mga mensahe na nais nila iparating sa mga manunuod. May
pagkakataon nga lang na nagsasambit sila ng mga salitang masasama o hindi kaaya-
aya sa pandinig ng ibang tao. Siguro ginawa ito ng director upang mas gawing
makarealidad ang bawat situwasyon na kabilang sa eksena. Ang dating saakin ng
palabas na ito ay parang nanunuod ka ng paggawa ng pelikula ngunit isang pelikula na
ang pinapanuod mo. Ngayon, nalaman ko na kaya pala may mga ibang pelikula na
hindi nasusunod ang orihinal na diyalogo dahil habang ipinoproseso ang pelikula
nagbabago ang mga ideya at konsepto ng mga “filmmakers” kaya hindi maiiwasang
magbago ang diyalogo at ang orihinal na storya.
 PAGDIDIREHE

Naging maayos ang padidirehe ng director na si Marlon Rivera dahil kahit na


“indie film” ang pelikula nila hindi nila pinadama sa mga manunuod ang pagiging
simple ng kanilang pelikula, sa halip ipinadama nila ang galing sa pag-arte ng mga
tauhan lalong lalo na ung iniwan nilang pakiramdam para sa mga manunuod. Hindi
nila alintana ang kakulangan sa badyet dahil pag sinabing “indie film” maliit lamang
ang binibigay na pang gastos dahil baguhan lamang ang director at ang mga ibang
kasapi sa pelikula.Naging maparaan sila at ang mahalaga ay ipinamulat nila sa
kakaibang paraan ang kahirapan. Sa paraan kung saan mapapatawa at
mapapahalagahan ng bawat manunuod ang pelikula. Naging kakaiba itong Ang
Babae sa Septic Tank at bago para sa paningin ng mga manunuod, lalong lalo na sa
paningin ng pangkaraniwang Pilipino.

 PAG-ARTE

Si JM de Guzman bilang Producer Bingbong ay natural ang kanyang pagkakaganap


at malinis ang kaniyang pag-aarte. Malinaw siya kung magsalita pati ang paglalabas
niya ng emosyon sy natural na natural para sa kanyang role. Nakakatuwa dahil
magaling talaga siya at nahasa na ang kanyang talent a pag-arte. Sa eksenang sinisira
ang kaniyang kotse, damang dama ko ang tindi ng emosyon na nanggagaling sa kanya.
Para sa akin tamang-tama ang pagkakaganap niya kumbaga, walang labis walang
kulang kundi sakto lang.

Si Kean Cipriano as Director Rainier naman ay medyo nakulangan ako sa pagganap


niya. May mga pagkakataon na kulang sa emosyon ang kaniyang arte. Yun ay sa
pananaw ko lamang. Pero kung pagbabasehan sa pangkalahatan, maayos naman ang
kaniyang pagganap pero mas gusto ko yung karakter ni JM de Guzman kesa sa kanya.

Si Kai Cortez bilang Production Assistant Jocelyn ay may pagkamisteryoso ang


karakter dahil hindi siya nagsasalita ng kahit na ano sa buong pelikula. Ang tanging
narinig ko lamang sa kanya ay ang pagtawa at pag-iyak.Idinaan niya lang sa pag-arte
kahit wala siyang diyalogo.

Ang pinakanagningning sa pagkakaganap ay si Eugene Domingo. Napakapropesyonal at


napakagaling ng kanyang pag-arte. Isa siyang magaling na “versatile actress”. Kaya
niyang gampanan lahat ng klase ng pag-arte, mapa comedy, drama, normal etc.
Napabilib at napahanga talaga ako sa husay niya sa pag-arte. Hindi maipagkakaila ang
dami ng gantimpala niya sa larangan ng pelikula.

 PAGLALAPAT NG TUNOG AT MUSIKA


Ang musika na napansin ko sa pelikula maliban sa mga “sound effects” ay yung
mga orihinal na kanta galing sa “musical scene”. Isa na doon ay pinamagatang
“Walang mawawala sa taong Walang-wala” na tumatalakay sa hirap at gutom na
dinadanas ng mga residente na nakatira sa “Payatas Dumpsite”. Natuwa at
napasaya naman ako ng kantang “Sabaw” na tumatalakay sa sabaw ng “instant
noodles” na tanging maihahain ni Mila para sa kanyang pitong supling. Ang “Wag
mo akong tignan” ay kanta ni Mila para sa kanyang anak na kanyang ibebenta na
kung tumingin ito sa kaniyang mga mata ay tila alam nito ang gagawin ni Mila. Ang
mga sumunod na kanta ay naging sagutan at pag-uusap ni Mila at ni Mr.
Smithburger. Ang huling awitin naman ay “Sana’y malimutan” na kanta ni Mila para
sa kanyang anak dahil ayaw niyang maalala nito ang ginawa niya dahil alam niyang
hindi siya nito mapapatawad.

IV.KONKLUSYON
Ang Babae sa Septic Tank ay isang palabas na napanuod ko na nag turo sakin na
dapat ay hindi magbenta ng mga anak dahil madami namang paraan para makakuha
ng pera dahil sa huli ay mag sisisi ka. Ang ginawa na palabas ni Direk Marlon Rivera ay
isang napagandang palabas dahil ito ay nag papakita ng totoong nangyayari sa ating
bansa.

You might also like