TML7 - Lathalain 2

You might also like

Download as rtf, pdf, or txt
Download as rtf, pdf, or txt
You are on page 1of 5

TAMBULI 7, TOMO 26 BLG.

3, SY 2022–2023│LATHALAIN 2

Sumpa ng Tatlong Maria


ni Mary Grace H. Manipon

Lakas ng kababaihan ang simbolo ng “Tres Marias” para sa mga Pilipinong makaririnig nito.
Ang ganitong katawagan ay representasyon ng pagtutulungan at kapatiran ng tatlong
babae na nagpamalas ng pambihirang lakas na naging sanhi ng pagbabagong panlipunan.
Isang lakas na nagkaroon ng positibong epekto para sa lahat. Ngunit paano na lamang kung
ang lakas na ito ng mga kababaihan ay nabahiran ng kakaibang takot at nagiging sanhi ng
kamatayan?

Lulan ng mga hindi maipaliwanag na aksidente sa mga sasakyan at motorista ang Gil Puyat
Avenue sa Clark Freeport Zone Mabalacat Gate, Pampanga o mas kilala ang lugar sa “Tres
Marias” dahil sa bungad ng lugar matatagpuan ang naglalakihang puno ng aguso (mala-pine
trees ang hugis) bilang palatandaan sa lugar.

Hindi na bago sa mga residente ng mga taga-Mabalacat, Pampanga ang pagkakaroon ng


aksidente na isa lang halos ang itinuturong dahilan. Ang mga kadalasang aksidente ay sa
kalapit lamang na lugar o kung minsan sa tapat mismo ng tatlong puno na ito na kung
tawagin ng mga tao sa Mabalacat ay Tres Marias. Ang mga aksidente raw na ito ay
nangyayari dahil hindi pinahihintulutan dumaan ng Tres Marias o ang tatlong puno ng aguso
ang mga sasakyan sa kalsada.

Hindi na rin bago sa mga motorista ng mga karatig bayan na dumadaan dito sa kwento ng
tatlong puno na ito na tinatawag na ngang “mapanikwang dalan” na ang ibig sabihin ay
kalsadang nagunguha ng buhay. Pero ano nga ba ang kwento sa likod ng mga aksidenteng
ito? Nagkataon lamang ba na iisang lugar lang ang pinangyarihan ng mga malagim na
aksidente? O totoo ba ang sumpa ng tatlong maria?

Ayon sa ulat ng Bayan ng Mabalacat mula Hulyo 2010 hanggang 2015, nakapagtala na sila ng
ng 298 na aksidente sa mismong lugar ng Tres Marias. Makalipas ang pitong taon ay marami
pa ring ulat ng aksidente sa naturang lugar at itinuturing na itong “hindi na normal” na
bilang ng mga aksidente lalo na’t eksaktong lugar din ang pinangyayarihan.

May ilang nagsasabi na kaya lamang din madalas na mangyari ang aksidente rito ay dahil sa
paliko ang daan sa katapat na kalsada ng Tres Marias. May kadiliman din noon ang lugar
kung kaya hindi agad napapansin ng mga bumabyahe ang liko ng daan. Tila ba ito ay
nagiging “blind spot” na kung hindi maingat sa pagmamaneho ay tiyak na aksidente ang
aabutin.

Ngunit para sa paniniwala ng karamihan, ang sanhi ng bawat aksidente ay dahil sa tatlong
maria. Ito raw ang sumpa ng tatlong Maria para sa taong lumapastangan sa kanila noong
silang nabubuhay pa. Itinuturing na ito bilang isa sa mga “Haunted” na lugar sa Clark at
kasama sa sinasabing “Ghost Tourism” ng naturang bayan.

Ang kwento sa likod ng tatlong punong ay naiuugnay sa naging karanasan ng tatlong


babaeng magkakapatid na ayon sa kwento ng mga nakakatanda sa lugar ay nagahasa at
pinaslang ilang taon na ang nakalilipas. Ang kanilang labi na natagpuan ay sinunog at ikinalat
sa naturang lugar at makalipas ang ilang taon ay umusbong ang mga punong ito ng aguso.
Bago napaslang ang tatlong magkapatid ay mayroon silang pangako sa isa’t isa na hindi
maghihiwalay kahit anong mangyari. Kung kaya naman hanggang sa kanilang kamatayan ay
dala nila ang pangakong ito.

May ilang kwento rin ang ilang mga taong nakakakita sa puno at sinasabing tirahan din ito
ng mga hayop na di-pangkaraniwan ang laki. Mga higanteng baka, aso, at lobo.
Pinaniniwalaang kasamang nakatira ng tatlong magkakapatid ang mga hayop na ito na may
pambihirang laki. Walang nagtangkang pumutol sa mga punong ito ng Tres Marias. Batay pa
sa lokal na alamat ang sinumang magtangkang paghiwalayin sila ay haharapin ang sumpa ng
tatlong maria.

Bilang tanda ng paggalang at paraan ng paghingi ng pahintulot na dumaan sa kanilang


teritoryo ay bumubusina ang dumadaang sasakyan. Para sa mga katoliko, sign of the cross
ang kanilang ginagawa na simbolo na rin ng kanilang mataimtim na panalangin para sa Tres
Marias.

May pagkakapareho ang ganitong kwento sa babae sa Balete Drive ng Quezon. Ang
paniniwala ng mga Pilipino na may nakatirang nilalang sa mga matatandang puno ay bahagi
na ng ating kultura. Hanggang sa kasalukuyan ay buhay pa rin ang kwentong ito ng Tres
Marias. Naipasa na ito sa ibang motoristang napapadaan dito. “Wala namang masama kung
maniniwala” ika nga nila dahil marami na rin ang naging saksi sa magkakasunod na aksidente
sa naturang lugar. Hindi rin mabigyan ng konkretong paliwanag ang “nagkakataong”
aksidenteng ito dahil sa mas nananaig ang paniniwala ng karamihan na ito ang paghihiganti
o ang sumpa ng tatlong Mariang magkakapatid.
Sanggunian:

Castro, Alex “Trees of Tragedy: Tres Marias of Clark” The Dark Side of The Philippines ||
Philippine Urban Legend, 2022

https://truyen2u.net/chapter/the-dark-side-of-the-philippines-philippine-urban-legend-
completed-trees-of-tragedy-tres-marias-of-clark-932077540.html

Ortiz, Kurt “Tres Marias of Mabalacat” Mabalacat City, 26 August 2016

https://www.facebook.com/MabalacatPampanga/photos/a.373159359414631/126296
8540433704/?type=3

Gawain: PALIWANAGAN
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong batay sa nabasang akda.

1. Paano nagsimula ang Sumpa ng Tatlong Maria ng Mabalacat, Pampanga? Ano kwento
sa likod ng sumpang ito?

2. Sa paniniwala ng mga katoliko, bakit kailangan na “sign of the cross” ang gagawin sa
tuwing mapapadaan sa Tres Marias?

3. Sa iyong palagay kapani-paniwala ba ang ganitong lokal na alamat ng bawat lungsod?


Bakit?

Pagsusulit: PAMIMILIAN
Panuto: Piliian ang titik ng tamang sagot na akma sa bawat tanong.

1. Saan ang lugar na madalas maganap ang mga aksidente at pinaniniwalaang tahanan
ng Tres Marias?
a. Sign of the cross
b. Pagbusina ng saksakyan
c. Clark Freeport Zone Mabalacat Gate, Pampanga
d. Ang babae sa Balete Drive
e. Ghost tourism
2. Sa anong paniniwalang Pilipino naiugnay ang Tres Marias, na mayroong nakatirang
nilalang sa mga matatandang puno?
a. Sign of the cross
b. Pagbusina ng saksakyan
c. Clark Freeport Zone Mabalacat Gate, Pampanga
d. Ang babae sa Balete Drive
e. Ghost tourism

3. Sa paniniwalang katoliko, ano ang kanilang ginagawa sa tuwing mapapadaan sa Tres


Marias na bilang tanda na rin ng kanilang mataitim na panalangin para sat along
magkakapatid?
a. Sign of the cross
b. Pagbusina ng sasakyan
c. Clark Freeport Zone Mabalacat Gate, Pampanga
d. Ang babae sa Balete Drive
e. Ghost tourism

4. Ano naman ang ginagawa ng mga motorista bilang tanda ng paghingi ng pahintulot
na dumaan sa kalsada ng Tres Marias?
a. Sign of the cross
b. Pagbusina ng sasakyan
c. Clark Freeport Zone Mabalacat Gate, Pampanga
d. Ang babae sa Balete Drive
e. Ghost tourism

5. Itinuturing bilang isa sa mga “haunted” na lugar sa Clark ang Tres Marias. Napabilang
na rin ito sa . ng naturang bayan.
a. Sign of the cross
b. Pagbusina ng saksakyan
c. Clark Freeport Zone Mabalacat Gate, Pampanga
d. Ang babae sa Balete Drive
e. Ghost tourism

6. May ilang kwento ang puno ng aguso na tirahan ng Tres Marias na may nakakakita
raw ng ng mga hayop na di-pangkaraniwan ang laki. Mga higanteng baka, aso, at
lobo. Pinaniniwalaang kasamang nakatira ng tatlong magkakapatid ang mga hayop
na ito na may pambihirang laki.
a. Tama ang pahayag
b. May mali sa pahayag

7. Ang mga aksidente raw na nagaganap sa tapat sa kalsada ng Tres Marias ay


nangyayari dahil galit ang magkakapatid na ito sa mga sasakyang napapadaan sa
daananan at naiistorbo nito ang kanilang pananahimik sa puno ng aguso.
a. Tama ang pahayag
b. May mali sa pahayag

8. Ayon sa ulat ng Bayan ng Mabalacat mula Hulyo 2010 hanggang 2015, nakapagtala na
sila ng ng 298 na aksidente sa mismong lugar ng Tres Marias. Sa nakalipas na taon ay
kaunting bilang na lamang ang naitalang aksidente sa lugar dahil sa pagbibigay
galang na ginagawa ng motorista kapag nagmamaneho sa kalsada ng Tres Marias.
a. Tama ang pahayag
b. May mali sa pahayag

9. Ang labi ng mga namatay na magkakapatid na natagpuan ay sinunog at ikinalat sa


naturang lugar at makalipas ang ilang taon ay umusbong ang mga punong ito ng
aguso.
a. Tama ang pahayag
b. May mali sa pahayag

10. Bago pinaslang ang tatlong magkapatid na ito ay mayroon silang pangako sa isa’t isa
na hindi maghihiwalay kahit anong mangyari. Kung kaya naman hanggang sa kanilang
kamatayan ay dala nila ang pangakong ito.
a. Tama ang pahayag
b. May mali sa pahayag

You might also like