Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Kurso (SEF30143) ay tatalakay sa mga

batayang teoretikal, nilalaman, katangian at panuntunan sa pagpapatupad ng nireestrakturang


kurikulum sa Filipino. Iniaangkop ang kurikulum sa mga kondisyon at sitwasyong lokal.
Sinasaklaw din ng kursong ito ang pag-aaral sa mga layunin, teorya, simulain, mga batas,
kalakaran ng pagtuturo at pagkatuto ng wikang Filipino batay sa kahingian ng kurikulum ng
batayang edukasyon sa elementary, sekondarya, at kolehiyo.
Layunin din ng pag-aaral na ihanda ang mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa
Filipino na maging mulat at maalam sa mga bagong kalakaran sa pagtuturo at pagkatuto ng
Filipino. Isinama rin sa kurso ang pagtalakay sa mga kahalagahan ng kagamitang panturo na
maaaring magamit nila at maiangkop ang mga ito sa tiyak na paksa.

Aralin 1: Kahulugan at kahalagahan ng Kurso

Kritikal na maituturing ang basikong edukasyon dahil bahagi ito sa pagpapatatag ng


pundasyon ng/sa pagkatuto ng mag-aaral na nasa ganitong antas. Ang basikong edukasyon ay
binalangkas upang makatugon sa pangunahing pangangailangang pampagkatuto (basic learning
needs). Ayon sa United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization na hinalaw
naman mula sa World Conference on Education for All (EFA): Meeting Basic Learning Needs
na ginanap sa Jomtien, Thailand noong 1990, binigyang kahulugan niya ang Basikong
Edukasyon (Basic Education) ay isang buong sangay ng mga gawaing pang-edukasyon na
nagaganap sa iba’t ibang daluyan, na may hangaring makatugon sa pangangailangan ng basikong
pagkatuto. Ayon naman sa pamantayan ng International Standard Classification of Education
(ISCED) ang basikong edukasyon ay binubuo ng edukasyong primarya (unang baitang ng
basikong edukasyon) at lower secondary education (pangalawang estado). Dagdag pa ng ISCED,
sumasaklaw rin ito sa malawak na anyo ng non-formal at impormal na pampubliko at pribadong
mga gawain/aktibidad na naglalayong tumugon sa pangangailangan ng basikong pagkatuto ng
mga tao (anuman ang kanilang edad). Sa gayon, sumasaklaw ito sa mga antas na Kindergarten,
Elementarya at Sekondarya gayundin sa Alternative Learning System para naman sa hindi
pumapasok sa paaralan (out-of-school) at sa iba pang may espesyal na pangangailangan.

Dahil nga rito patuloy itong pinalalakas ng Kagawaran ng Edukasyon (Department of


Edukasyon o DepEd) katuwang ang pamahalaan upang umagapay sa mabilis na pagbabago ng
institusyong pang-akademiko sa buong mundo. Katibayan nito ang Batas Republika Blg. 10533
(Republic Act 10533) o ang An Act Enhancing the Philippine Basic Education System by
Strengthening Its Curriculum and Increasing the Number of Years for Basic Education,
Appropriating Funds Therefor and for Other Purposes. Nilayon ng batas na ito na maitatag,
mapanatili at magsuportahan sa kabuoan nang sapat ang hanay ng edukasyon at magtiyak sa
pagtugon upang maging ganap ang isang integratibong sistema ng edukasyon na nakabatay sa
pangangailangan nang tao, lipunan at bansa sa kabuoan. (malayang salin ng may-akda sa
Seksyon 2 ng Batas).

Alinsunod sa Seksiyon 3 ng Batas, nilalayon ng batayang edukasyon na tugunan ang mga


pangangailangan sa batayang pagkatuto na nagkakaloob ng mga pundasyon na siyang
pagbabatayan ng mga kasunod na pagkatuto. Binubuo ito ng kindergarten, elementarya, at
mataas na paaralan gayundin ang mga sistema ng alternatibong pagkatuto para sa mga nag-aaral
na out-of-school at sa mga may espesyal na pangangailanga.

Upang tumugon din sa kautusang ito, patuloy ring pinauunlad ng mga


pamantasan/unibersidad/kolehiyo ang mga programang pang-edukasyon (sa bahagi ng batayang
edukasyon) salig naman sa pamatayang ibinababa ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon
(Commission on Higher Educatio o CHEd).

Malaking gamapanin ng batayang edukasyon bilang tungtungan tungo sa holistikong


pagkatuto ng mag-aaral. Nililinang nito ang mga basikong karanasan at kaaalaman bilang
paghahanda sa higit na masalimuot (complex) na mga paksain sa panahong panagunahing
(major) mga kurso na ang kinukuha ng mag-aaral. Sa pangkalahatan, mahalagang nakatutugon
ang batayang edukasyon ng bansa , pababa sa mga tiyak na sektor at/o institusyong pang-
akademiko sa paghubog ng mga produktibo at responsableng mamamayan na nagtataglay ng
mga esensyal na kasanayan, kakayahan at mga halagahang kapwa kailangan sa habambuhay na
pagkatuto (life-long learning) at pangkabuhayan. Upang maging ganap naman ang hangaring ito,
marapat na pagtuunang pansin ang sumusunod: (a). bigyang pagkakataon ang bawat mag-aaral
nang pagkakataong magtamo ng dekalidad na edukasyon na natutugon sa pamantayang global na
nakabatay naman sa pedagohikal na nilalaman ng kurikulum na naglalapit naman sa international
na pamatayan; (b). mapalawak ang hangarin ng/sa edukasyong pansekondarya bilang
paghahanda sa mga oportunidad sa kolehiyo, bokasyonal at teknikal gayundin sa sining,
palakasan at paghahanapbuhay na nakatutugon sa mabilis na pagbabagong pangglobal; at, (c).
gawing learner-oriented ang edukasyon at nakatutugon sa mga pangangailangan, kognitbo at
kutural na kapasidad, sa isang diverse na learning environment gamit ang angkop na wikang
panturo at wikang pampagkatuto kabilang ang unang wika.

Ang Epektibong Guro at Malikhaing Pagtuturo

Sa pagtakalay sa unang aralin makikita ang pangangailangan sa pagbalangkas ng isang


maunlad na Batayang Edukasyon (mula primarya, sekondarya at maging sa kolehiyo).
Binalangkas ang bawat batayang edukasyon mula sa primarya patungong higit na kompleksidad
nito. Ibinatay rin sa mga pangunahing pangangailangan ng tao, lipunan at bansa sa kabuuan.
Higit pa rito nakita sa naunang talakay ang kahalagahan ng kurso upang maging tungtungan at/o
lunsaran upang higit pang mapaunlad ang pagkatuto. Sa ganitong gana, higit na mabibigyang
kaganapan ang mga hangaring ito sa pamamagitan ng isang mahusay at epektibong at
malikhaing pamamaraan ng pagtuturo. Gayundin, natatangi rin ang pangangailangan sa mataas
na kalidad ng mga dalubguro (dalubhasang guro) na siyang tuwirang magpapadaloy ng kaalaman
sa lahat ng mag-aaral. Sa gayon, kritikal din ang gampanin ng guro dahil sa kanyang gampanin
sa proseso ng pagkatuto. Nakasalalay ang lahat nang ito sa kanyang natamong karanasan bilang
guro at mga inobatibong at malikhaing dulog sa pagtuturo.
Ayon sa Philippine Standards for Teachers na inilabas ng Kagawaran ng Edukasyon,
krusyal ang ginagamapanan ng mga guro sa pagbubuo ng lipunan at ng bansa sa kabuuan. Sa
pamamagitan ng dekalidad na mga guro, ang Pilipinas ay maaaring makahubog ng isnag
holistikong indibidwal na nagtataglay ng mabuting kaasalan, mga kasanayang sa ika-21 siglo, at
kayang pangunahan ang bansa tungo sa pautloy nitong pagyabong at pag-unlad. Umaayon din ito
sa hangarin ng DepEd sa pagsasabing, “Filipinos who passionately love their country and whose
values and competencies enable them to realize their full potential and contribute meaningfully
to building the nation” (DepED Order No. 36, s. 2013).

Mga Katangian ng Guro

Ang guro bilang propesyon ay kinikilalang isa sa pinakamatandang propesyon sa


sibilisasyon. Maihahanay ito sa iba pang propesyon gaya ng pag-aaral sa mga batas (law),
medisina at iba pa kung ang pag-uusapan ay tagal nang pag-iral sa mundo. Malaki ang kanyang
tungkulin upang malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral. At sa gawaing ito, marapat lamang
na taglay ng isang guro ang mga katangiang kinakailangan upang higit na na maging epektibong
tagapagdaloy rin ng kaalaman at/o karunungan di lamang sa loob ng silid-aralan gayundin sa
kanyang pakikilahok sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa loob at labas ng lipunan sa
kabuuan. Kaugnay sa mga katangiang nabanggit, nagkaroon ng pagsasalin si Dr. Patrocino
Villafuerte sa pagsusuri nina Wayne at Youngs noong 2003 sa labindalawang (12) katangiang
dapat taglayin upang maging epektibong guro. Lumabas din ito sa pag-aaral ni Robert J. Walker
noong 2008 na may paksang Twelve Characteristics of an Effective Teacher: A Longitudinal,
Qualitative, Quasi-Research Study of In-service and Pre-service Teachers’ Opinions.

1. Walang itinatangi.
2. May positibong ugali.
3. Laging handa sa lahat ng oras.
4. May haplos-personal.
5. Masayahin.
6. Malikhain.
7. Marunong tumanggap ng kamalian.
8. Mapagpatawad.
9. May respeto.
10. May mataas na ekspektasyon.
11. Mapagmahal.
12. Ipinadaramang kabilang ang bawat mag-aaral.

Ayon naman sa Philippine Professional Standards for Teachers na binuo at inilunsad ng


Department Education – Teacher Education Council noong 2007 sa pakikipagtulungan ng
Research Center for Teacher Quality (RCTQ) at Australian Government, may pitong (7) domeyn
ang kinakailangan sa mga guro upang maging epektibo sa ika-21 siglo. Kinakailangan nilang
taglayin ang sumusunod na katangian:

Domeyn 1. Natutukoy ang kahalagahan ng mastery of content knowledge at kung paano ito
maiuugnay sa iba pang nilalaman ng kurikulum, na ginagabayan ng kabatiran at kritikal na pag-
unawa sa paglalapat ng mga teorya at tuntunin sa pagtuturo at pagkatuto.
Domeyn 2. Nakapaglalaan ng kapaligirang ligtas, sigurado, makatarungan at matulungin upang
mataguyod ang responsibilidad at pagtatamo sa mga mag-aaral.
Domeyn 3. Nakapagtatag ng kapaligiran sa pagkatuto na tumutugon sa pagkakaiba-iba ng mga
mag-aaral.
Domey 4. Nakatutugon sa pambansa at lokal na mga pangangailangan ng kurikulum.
Domeyn 5. Gumagamit ng iba’t ibang pagtataya at estratehiya sa pagmomonitor, pagtatasa,
dokumentasyon at pag-uulat ng mga pangangailangan, pag-unlad at mga natamo ng mag-aaral.
Domeyn 6. Nabubuo ang ugnayan ng paaralan at komunidad na may hangaring higit na
mapagyaman ang kapaligiran para sa pagkatuto gayundin ang gampanin ng Komunidad sa
prosesong pang-edukatibo.
Domeyn 7. May pagpapahalaga sa pansarili at propesyonal na pag-unlad at nakapagpapakita ng
mataas na pagpapahalaga sa propesyon sa pamamagitan ng pagpapanatili ng/sa dignidad ng
pagtuturo gaya ng mapangalaga, marespeto at may integridad.

Upang mapanatili at higit na magabayan ang mga guro sa kanilang gampanin bilang mahalagang
sektor ng lipunan, sa bisa ng probisyon ng Artikulo 11 ng Batas Pangrepublika Blg. 7836 o mas
kilala bilang Philippines Professionalization Act of 1994, sa seksyon 6, P.D. 223 inilalahad ang
Code of Ethics for Professional Teachers. Saklaw ng kodang ito ang lahat ng pampubliko at
pribadong mga guro sa lahat ng institusyong pang-akademiko kabilang ang mga antas na
preschool, primarya, elementarya, at sekondarya ito man ay nabibilang sa akademiko,
bokasyonal, special, teknikal o non-pormal.
Batay naman sa tuntunin III ng Mga Tuntunin at mga Regulasyong Pampatupad ng Batas
sa Pinabuting Batayang Edukasyon ng 2013 inilahad ang sumusunod na mga kwalipikasyon,
pagsasanay, at patúloy na pag-unlad na propesyonal ng mga guro. Upang matiyak na
natutugunan ng programa sa pinabuting batayang edukasyon ang mga kahingian para sa
mahuhusay na guro at pinunong pampaaralan, magsasagawa ang DepEd at CHED ng mga
programa para sa pagtuturo at pagsasanay sa mga guro, sa pakikipagtulungan ng mga kaugnay na
katuwang sa pamahalaan, akademya, industriya, at mga samahang di-pampamahalaan. Ang mga
naturang programa sa pag-unlad na propesyonal ay pasisimulan, isasagawa, at tatayain nang
regular sa buong taon upang matiyak ang palagiang pagpapataas sa mga kasanayan ng guro. Ang
mga programa sa pagtuturo at pagsasanay sa mga guro ay kabibilangan ng mga sumusunod,
bagaman hindi limitado sa mga ito: (1) Pagsasanay sa Nilalaman at Pedagohiya na In-service.
Ang mga guro ng DepEd na magpapatupad ng kurikulum ng pinabuting batayang edukasyon
subalit hindi sumailalim sa edukasyong bago-ang-paglilingkod na naaayon sa kurikulum ng
pinabuting batayang edukasyon ay sasanayin upang matugunan ang mga pamantayan sa
nilalaman at pagsasakatuparan ng kurikulum ng pinabuting batayang edukasyon; (2) Pagsasanay
ng mga Bagong Guro. Ang mga bagong nagsipagtapos sa kurikulum ng Edukasyong Pangguro
na hindi naaayon sa kurikulum ng pinabuting batayang edukasyon ay sasailalim sa dagdag na
pagsasanay, kapag natanggap na sila sa trabaho, upang maingat ang kanilang mga kasanayan sa
mga pamantayang pangnilalaman ng bagong kurikulum. Maliban dito, titiyakin ng CHED, sa
pakikipag-ugnayan sa DepEd at mga may-kaugnayang stakeholder, na ang mga kurikulum ng
Edukasyong Pangguro na ibinibigay sa mga TEI na ito ay makatutugon sa kinakailangang
kalidad ng mga pamantayan para sa mga bagong guro. Ang mga samahang may kaukulang
pagkilala na gumaganap bilang mga TEI, sa pakikipag-ugnayan sa DepEd, CHED, at iba pang
mga may-kaugnayang stakeholder, ang titiyak na ang kurikulum ng mga organisasyong ito ay
nakatutugon sa kinakailangang kalidad ng mga pamantayan para sa mga gurong sinanay. Para sa
mga layunin ng subtalatang ito, tumutukoy ang terminong “mga samahang may kaukulang
pagkilala na gumaganap bilang mga TEI” sa mga organisasyon, maliban sa mga paaralan o mga
HEI, na kinontrata sa labas ng DepEd sa panahon ng transisyon at para sa isang tiyak na yugto,
upang magsagawa ng pagsasanay sa mga guro para sa mga layunin ng muling-paghasa sa mga
nagsipagtapos sa kurikulum ng Edukasyong Pangguro, at sa mga paksa lamang na may
kakulangan sa mga gurong sinamay; (3) Pagsasanay sa Pamumunong Pampaaralan. Ang mga
superintendénte, mga prinsipal, mga tagapag-ugnay ng aralin, at iba pang mga pinuno ng mga
paaralang pampagtuturo ay sasailalim din sa mga palihan at pagsasanay upang mas mapabuti ang
kanilang mga kasanayan sa kanilang mga papel bilang mga pinunong akademiko, administratibo,
at pangkomunidad; at (4) Pagsasanay sa mga Tagapag-ugnay ng Sistema ng Pagkatutong
Alternatibo (ALS), mga Tagapamahala sa Pagtuturo, mga Gurong Mobile, at mga
Tagapagpadaloy ng Pagkatuto. Sasailalim din sa mga palihan at pagsasanay ang mga tagapag-
ugnay ng ALS, mga tagapamahala sa pagtuturo, mga gurong mobile, at mga tagapagpadaloy ng
pagkatuto upang mas mapabuti ang kanilang mga kasanayan sa kanilang mga papel bilang
mga pinunong akademiko, administratibo, at pangkomunidad

You might also like