Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Kaya pa Kahit na

Kung mamarapatin mang suriin


Alam kong ang daming pwede sabihin
Sumbat at daing sa pagkakaiba ng henerasyon
Sa noon at ngayon.

Oo at di ko maitatangging
Ang dati ay di tulad ngayon
At ang ngayon ay taliwas sa pilit na pinagsisiksikang
Ang kabataan, ang siyang pag asa ng bayan.

Tunay nga't maikukumpara ang tanikala nga kasalukuyan sa nakaraan,


Ang kabataan sa unang panahon,
Ibang iba na sa aming henerasyon.

Subalit, hindi pawang puro negatibo na lamang


iibahin ko ang imahe ng kinalakihang pundasyon,
Salungat sa sinasabi nilang banta sa bukas,
Kami ay magiging alamat sa iba't ibang larangang walang kupas.

Lumilipas ang pagpatak ng oras,


Bawat tagumpay, dugo't pawis ang katumbas,
May natitira pang "Kaya pa kahit na"
May isang ako na magpapatunay na
ang kabataan pa rin ang siyang susi
Sa pag usbong ng mas makabagong mundo.

Kilos, gawi, ugali, pananamit lumaon ay nagbago,


Subalit nanatiling magalang, mabait, masunurin,walang bisyo
May iilan pa rin sa aming pinanghahawakan ang responsibilidad at tinatahak ang akmang landas.

Lingid sa kaalaman ng publiko,


Isa lamang ako sa magpapatunay,
Na ang kabataan gagawin ang lahat,
Marating lang ang rurok ng tagumpay.

Lagi lagi, ay sinasambit ang salitang kakayanin,


Araw araw ay minumutawi sa sarili
Kailangan at lalaban,
Walang sandalan, walang urungan,
Kargado ng lakas at kompyansa lang.
Bahala na, iyang ang daing ko
Pero bagkus iyan lamang ang nagpapatunay na,
Kahit ano pa man ang hamon na ibigay sa
Musmos na tulad ko,
Ay wala akong susukuan.

Ipagsisigawan ko ang reyalidad


Marami parin naman ang mga natitirang
umaako sa responsibilidad,
Nagkukubli sa kawalan ng dunong,
Subalit kinakaya pa rin upang makatulong.

Naway ang natitirang matibay ay magsilbing inspirasyon


Na hindi maging pabaya sa mga bagay bagay,
Mga maling hinaharap ng nga kabataan ngayon
Ay maging tulong para sakanila upang matuto at magbago,
Ituwid ang kanilang kinagisnan
Para sa sarili para sa bayan,

Tayong kabataan ang pundasyon sa bagong bukas,


Lunas sa katiwalaang dapat isawata,
Susi sa pag unlad sa ekonomiya,
Sagot sa pagsalba ng ating bansa
Kabataan parin ang may kakayahang
ipagsigawan ang mga salitang
Kaya pa kahit na
Dahil ang henerasyon sa ngayon,
Napapagod pero hindi sumusuko,
Napapariwara pero nagbabago,
Nalilihis pero nagkakawang gawa,
Sinasalba lahat kahit andaming problema,
Kaya pa rin kahit andaming kahit na.
 

You might also like