Lakbay Salaysay

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

People’s Park: Lundayan ng Kahapon

Jarsey Krim A. Taub

Bakas pa sa naiwang ala-ala ang parang


kailan kong kahapon. Bagkus sa murang edad
ay una kong nasilayan ang pook na lubos akong
pinamangha. Sa tuwina’y akin itong naririnig na
ang dulot ay labis na pagkasabik. Pagtapak ng
mga paa sa larawang naroon ako ay saya ng
isang musmos na wari ay nakalayo sa
katotohanan ng mundo.

Tila ay gumagalaw ako kasama ang


musikang sadyang galing sa kalikasan. Tunog ng
tubig na bumabagsak, pagaspas ng hanging
dumadampi sa balat, statwang lulan ay ang katutubong kinagisnan, at tanawin na
talagang nakakahalina kung pagmamasdan.

People’s Park—ang unang lugar na


nasaksihan kong taliwas sa nakagisnan kong
mundo. Para sa kaalaman ng maari, ang nasabing
lugar ay saklaw ng katimugang isla ng Mindanao.
Natatampok rito ang statwa ng mga katutubo at
Durian Dome sapagkat kilala ang Davao bilang
sagana sa isang uri ng prutas na matinik subalit ay
bawing bawi naman sa sarap na pinangalanang
Durian. Ang nasabing parke ay pinapalooban ng
apat na hektaryang lupain. Bukod pa rito ay isa rin
ito sa mga tinagurian bilang "one of the cleanest
and greenest public parks" na matatagpuan sa
Pilipinas.

Sa pagpunta ko rito, ay may isang bagay


akong napagtanto. Ang mundo ay isang malaking
destinasyon, subalit sa bawat pag-ikot nito, dala
ay isang bagong paroroonan, bagong dahilan, at
bagong rason na paglalaanan. Hindi
kinakailangang lumipad sa alapalap upang
marating mo ang paraisong minimithi ng
karamihan, may mga bagay na ang tanging
rekomendasyon ay ang pagpapanitiling nakatapak
ang paa at ang hindi paglayo sa nakagawiang
takbo ng ating mundo.
Sangkap ng Buhay
Jarsey Krim A. Taub

Ang sinag ng araw ay siyang senyales


ng bagong umaga, bagong buhay, at bagong
pag-asa. Sa bawat pagtatapos ay isang
panibagong simula ang sa bawat isa ay
pinagpalang nakalaan. May iilan na nawalan
ng panglaw, may iilang hindi na rin naabotan
ng sikat, at may iilang pilit na
nagpapakatatag upang kahit papaano ay
matamasa ang hatid ng sikat na nagmumula
sa araw.

Dalawang tibok ng pusong pinag-isa,


dulot ay isang panibagong buhay ng isang
musmos at panibagong yugto sa dalawang
nilalang na nagmamay-ari ng sanggol na
pinagkaloob ng itaas. Pamilyang pinagbuklod
ng pag-ibig, tahanan na kung saan ang
pundasyon ay mismong miyembro na
nakapaloob sa apat na sulok ng haligi, at nilalang na may kanya-kanyang silbi. Maari
kang isang ama, pwede kang maging ina, kilala ka bilang anak… iyan ang isang
pamilya.

Hindi tayo lumaki agad, bagkus ay


nasubukan rin nating maging isang musmos.
Isang musmos na walang hangad kundi ang
kaligayahan ng kasalukuyan. Minsan lang
maging bata. Minsan lang ang sandaling iyan dahil sa kalaunan tayo’y yayapak sa
panibago na naming kabanatang minsan lang rin.

Sa paglipas ng panahon, may kusang nawawala, may nawawala rin parang bula,
at may nagbabago sa hindi masabing dahilan na sa pagkakaalam ng pangkalahatan ay
isang bagay na naging natural na lamang.
Ang nakaraan ay marunong ring lumimot,
sa kabilang dako nama’y ang kasalukuyan
ay mahilig umungkat ng mga ala-alang
nagdaan. Ang paglagas ng dahon ay tulad
ng tuluyang pagbitaw sa kinapitang
sumpaan ng nakaraan.

Huwag igapos ang sarili sa nagdaang panahon. Hayaang makawala sa taling


nagsisilbing hadlang upang maging
maligaya sa kasulukuyan. Huwag maging
alipin ng sariling salita at tiwala.
Matutong bitawan ang bagay na
nararapat nang ibaon. Makisabay sa agos
ng buhay, kumalawa sa tali, at palayain
ang sarili.

You might also like