Professional Documents
Culture Documents
Reading Materials For The 4th Round of Monitoring District
Reading Materials For The 4th Round of Monitoring District
Department of Education
REGION X
SCHOOLS DIVISION OF MISAMIS OCCIDENTAL
_________________________________________________________________________
PAPASOK NA SI NILO
No. of words: 61
No. of words: 83
EID-UL-FITR
Islam ang relihiyon ng mga Muslim. Hango sa mga salitang “pagsuko
sa Diyos” ang Islam. Itinuturing nila na sumuko sila sa kapangyarihan ng
Diyos. Si Allah ang kinikilala nilang panginoon. Ang banal na aklat ng Koran
ang gabay nila sa pamumuhay. Ginugunita nila sa Koran ang rebelasyon
POPULASYON
Ang usapin ng populasyon ay mahalaga para sa pag-unlad ng isang bansa. Ang
mabilis na paglaki ng populasyon ay kritikal sa madaling pagkaubos ng likas na
yaman. Kung ang likas na yaman ay isa sa pangunahing batayan ng pag-unlad ng
isang bansa, ang malaking populasyon ay nangangahulugang maramihang paggamit
sa likas ng yaman. Nangangahulugan ito ng mabagal na pag-unlad. Marami ang
naniniwalang ang malaking populasyon ng Piipinas ang sanhi kung bakit karamihan
sa Pilipino ay naghihirap.
Dahil sa malaking populasyon, hindi na matugunan ng pamahalaan ang
pagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan. Kabilang dito ang
pagkain, tirahan, pananamit, edukasyon at kalusugan.
Marami rin ang walang hanapbuhay kung kaya’t nangingibang-bansa sila kung
saan mas malaki ang kita. Bagamat malaki ang naitutulong ng Pilipinong nagtatrabaho
sa ibang bansa dahil sa kanilang dollar remittance, napakalaking pagtitiis ang
mawalay sa pamilya para lamang matugunan ang pangangailangan nito.
Ang iba naman ay nakikisangkot sa iligal na gawain tulad ng pagnanakaw,
pagbebenta ng iligal na droga at iba pang krimen. Ang krimen na dulot ng matinding
kahirapan ay hadlang din sa pag-unlad ng ekonomiya dahil sa kawalan ng seguridad
sa lipunan. Nagiging dahilan din ito upang mabigong mahikayat ang mga dayuhan na
mamuhunan sa ating bansa.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION X
SCHOOLS DIVISION OF MISAMIS OCCIDENTAL
_________________________________________________________________________