Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Community Program A&E

Learning Center
Learning Facilitator Literacy Level MT
ALTERNATIVE
LEARNING SYSTEM Month and Learning Strand LS 1
DAILY LESSON LOG Quarter Communication
Skills (Filipino)
Pakikinig

I. OBJECTIVES
A. Content Standards Pakikinig (PK) Napagtutuunan ng pansin ang mga aralin at impormasyong
naririnig mula sa iba’t ibang anyo ng midya upang mapaunlad ang kakayahan
sa mabisa at epektibong pakikinig.

B. Performance Standards Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pang-unawa sa


napakinggan.

C. Learning Competencies/ Objectives  Naibibigay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa napakinggang:
Write the LC code for each.  teksto  ulat
LS1CS/FIL-PK-PPA-MT-23

 Nakakagawa ng dayagram ng ugnayang sanhi at bunga ng mga


pangyayari / problema- solusyon mula sa tekstong napakinggan.
LS1CS/FIL-PK-PPA-MT-24

II. CONTENT(Subject Matter)  Sanhi at Bunga

III. LEARNING RESOURCES


A. References
1. Session Guides pages

2. Module pages

B. Other Learning Resources Pictures, Laptop, Activity cards, manila paper,

* Enhanced ALS K to 12 Basic Curriculum LS 1 Filipino (BL-JHS). pp. 46


IV. PROCEDURES
A. Springboard/Motivation (Establishing a purpose Ano ang Bunga?
for the lesson)
Pagganyak (Paghahabi ng isang layunin  Gamit ang larawan sa ibaba, hayaan ang mga mag-aaral na sumulat
para sa aralin) ng kanilang sariling kuroro sa kung ano ang maaaring bunga ng
bawat ipinapahayag na aksyon sa larawan.

____________________ ___________________

_ _______________
_________________

B. Activity (Review of previous lesson/s or Pre-Test


Presenting the new lesson)
(Balik –aral sa nakaraang aralin/o  Bigyang ng worksheets ang mga mag-aaral at hayaan silang
pagsisimula ng bagong aralin) sagutin ang mga tanong na nasa worksheets.
JHS: Panuto: Isulat sa patlang ang titik S kung ang may salungguhit ay
tumutukoy ng sanhi. Isulat ang titik B kung ito ay tumutukoy ng
bunga.
___________1. Hindi naplantsa ni Janet ang kanyang uniporme dahil
nawalan sila ng kuryente.
___________2. Tulog ang sanggol kaya huwag kayong maingay.
___________3. Pagka't malakas ang sikat ng araw, agad natuyo ang mga
damit sa sampayan.
___________4. Dahil nakalimutan ni Roselle ang kanyang I.D., bumalik siya
sa bahay.
___________5. Sapagka't nagmamadali siyang lumabas ng bahay, hindi naka-
pagsuklay si Carla.
___________6. Pumutok ang gulong ng bisikleta ni Justin kaya napatigil
siya sa daan.
___________7. Naunawaan ni Gabby ang aralin kung kaya't tama lahat ang
sagot niya sa pagsasanay.
___________8. Hindi pumasok sa opisina si Manuel pagka't mataas ang
kanyang lagnat.
___________9. Dahil basa ang sahig, nadulas at nasaktan ang isang mag-aaral.
___________10. Nakalabas ang tuta kasi naiwan na nakabukas ang gate.
C. Analysis (Presenting examples/instances of the Basahin mabuti ang pangungusap. Markahan ng S kung ito ay Sanhi at
new lesson) B kung ito ay bunga.
(Paguugnay ng mga halimbawa sa
bagong aralin) 1. _______ Nahulog ako sa hagdan
_______ Nagmamadali akong bumaba ng hagdan.

2. _______ Araw-araw akong nagdidilig ng halaman.

_______ Malaki ang aking halaman.

3. _______ Madali ang pagsusulit sa Filipino

_______ Nagaaral ako ng mabuti sa Filipino.

4. _______ Hindi kami natuloy magbisikleta.

_______ Umulan ng malakas.

5. _______ Marami na akong laruan.

_______ Hindi na ako bumibili ng laruan.

6. _______ Nagsuot ako ng sombrero

_______ Napakainit sa labas ngayong tag-init.

7. _______ Konti ang tubig sa Angat Dam.

_______ Hindi umulan ng matagal at napakainit.

8. _______ Malusog ang aking nanay.

_______ Mahilig kumain ang aking nanay.

D. Discussing new concepts and practicing new


skills (sub-activity #1) Paglalahad ng Aralin
(Pagtalakay ng bagong konsepto at
paglalahad ng bagong kasanayan #1)
 Hayaang basahin ng mga mag-aaral ang modyul upang maiintindihan
ang aralin at masagot ang mga tanong sa susunod na mga gawain.

SANHI AT BUNGA

Ginagamit sa pakikipagtalastasan ang pagbibigay ng sanhi at bunga ng mga


pangyayari.Ang sanhi ay isang ideya o pangyayari na maaaring humantong
sa isang bunga.

Sa pagbibigay ng sanhi at bunga,ginagamit ang mga panandang dahil


sa,dahil kay,at sanhi at upang mailahad nang malinaw at maayos ang
dahilan ng pangyayari.

Ang sanhi ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari. Ito ay


nagsasabi ng mga kadahilanan ng mga pangyayari.

Ang bunga naman ay ang resulta o kinalabasan o dulot ng pangyayari. Ito ang
epekto ng kadalinanan ng pangyayari.

Mahalaga ang paggamit ng pang-ugnay sa pagbibigay ng sanhi at bunga


dahil ang mga salitang ito ay nagbibigay ng pahiwatig kung alin sa dalawa
and sanhi o bunga. Ito rin ay ginagamit upang malaman ang simula ng
isang pangyayari at kalalabasan into.

Ang sanhi ay nagsasaad ng kadahilanan ng mga pangyayaring naganap at ang


epekto ng pangyayaring ito ay tinatawag na resulta. Sa madaling sabi, may
pinagugatan ang pangyayari at dahil dito ay nagkakaroon ng kasunod.

Halimbawa:
Sanhi: Uminom ng silver cleaner ang binata.
Bunga: Nalason siya.

Sanhi: Ang mga tao ay palaging nag tatapon ng basura sa kalsada.


Bunga: Kaya ngayon ating sari-sariling lugar ay binabaha na.

Sanhi: Illegal na pagpuputol ng mga puno sa kagubatan


Bunga: Baha sa mababang lupain at landslide at pagkamatay ng maraming
tao.

Maari ding magkaroon ng isang sanhi ngunit maraming bunga na maidudulot


ng isang pangyayari. Halimbawa nito ay ipinapakita ng dayagram sa ibaba.

Katamaran(sanhi), ito ang pangunahing dahilan bakit mahirap ang Pilipinas.


Kung mag-iisip tayo, ang tubong prinsipal dito ay ang katamaran ng mga
Pilipino.
E. Abstraction (Making generalizations about the Itanong:
lesson)
(Paglalahat sa aralin)  Ano ang ibig sabihin ng sanhi at bunga?
 Mag bigay mg dalawang halimbawa ng sanhi at bunga?
 Bakit kailangan nating malaman kung ano ang ibig sabihin ng sanhi at
bunga?

F. Application (Developing mastery) Class Participation


(Paglinang sa kabihasnan)
Gawain 1: A. Salungguhitan ang sanhi sa bawat pangungusap.
1. Nakamit ni C.J. ang unang gantimpala sa paligsahan dahil napakahusay at
taos puso ang kanyang pag-awit.
2. Unti-unting nawawalan ng matitirhan ang mga hayop sa gubat kaya nasa
panganib ang buhay nila.
3. Tumaas hanggang tuhod ang tubig baha kung kaya't lumikas na ang mga
tao mula sa kanilang mga bahay.
4. Nagluto ng espesyal na almusal ang magkakapatid pagka't nais nilang ma-
sorpresa si Nanay sa kanyang kaarawan.
5. Dahil paulit-ulit na sinabi ni Anita ang numero ng cellphone ng kanyang
kaibigan, nasaulo niya ito.
6. Pinahintulutan ni Aling Tessie na maligo ang mga bata sa ulan kasi wala
naman kulog at kidlat.
B. Salungguhitan ang bunga sa bawat pangungusap.
1. Parating na ang trak ng mga basurero kung kaya't inilabas na ni Noel ang
mga bag ng basura.
2. Tiniis niya ang kahirapan ng trabaho dahil nais niyang bigyan ng
magandang
kinabukasan ang kanyang mga anak.

3. Malaki ang nabago sa hitsura at laki ng kanyang katawan kaya hindi ko siya
agad namukhaan.
4. Lumubog ang malaking barko sapagka't ang bilang ng mga pasahero roon
ay labis sa kapasidad nito.
5. Bumili ng mga bagong kagamitan para sa eskuwela sina Jun at Erica kasi
malapit na ang pasukan.
6. Nag-ipon ng pera ang pamilyang Santos kaya nakapagpalista ang mga bata
sa pribadong paaralan.
Gawain 2: Pagtambalin ang sanhi sa kaliwa sa angkop na bunga sa kanan.
Isulat ang titik ng tamang bunga sa patlang ng sanhi.

Gawain 3. Gumawa ng isang dayagram na mayroong isang sanhi at maraming


bunga. Maari kang mamili sa mga napapanohong issue ngayon sa ng ating
bansa o sa ibang lugar.Gamitin ang dayagram sa ibaba.

G. Valuing (Finding practical application


of concepts and skills in daily living) Itanong:
(Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw
na buhay)  Bakit mahalaga na malaman natin ang mga kaakibat na sanhi at bunga
na ating gawain sa bawat araw?

H. Evaluation (Assessing learning)


(Pagtataya sa Aralin) JHS: Sagutan nang wasto ang sumusunod na porma.

A. Salungguhitan ang sanhi sa bawat pangungusap.

1. Dahil nalasing si David sa alak, hindi na siya pinayagan mag-


maneho pauwi.
2. Tahimik at madilim na ang bahay dahil tulog na ang lahat.

3. Tinaas ni Tricia ang kanyang kamay kasi alam niya ang tamang
sagot sa tanong ng guro.
4. Masikip na ang lumang sapatos ni Mabel kaya bumili ng bagong
sapatos si Tatay.
5. Sapagka't hindi marunong lumangoy si Terry, ginamit niya ang
salbabida.
6. Dahil sa labis na paninigarilyo, nagkaroon ng sakit sa baga ang
tito ni Atoy.

B. Salungguhitan ang bunga sa bawat pangungusap.

1. Pumunta sila sa hapag kainan kasi nakahain na ang pagkain.


2. Uhaw na uhaw si Gilbert kung kaya't uminom siya ng maraming
tubig.
3. Pinakain ko ang alagang aso mo dahil kanina pa ito tumatahol.
4. Itinakbo sa ospital ang babae sapagka't nahimatay siya sa pagod.
5. Nawalan ng preno ang dyip kaya bumangga ito sa poste.
6. Dahil sinundan niya ang mga babala sa kalsada, nakaiwas siya sa
sakuna.

C. Gumawa ng isang dayagram na mayroong isang sanhi at maraming bunga.


Maari kang mamili sa mga napapanohong issue ngayon sa ng ating bana o sa
ibang lugar.

I. Agreement (Additional activities for application or  Laging isaisip na dapat alam moa ng sanhi at bunga na katumbas ng
remediation) bawat desisyon mo sa buhay para ito ay maging gabay sa iyong pang-
(Takdang Aralin) araw-araw na layunin sa buhay.
V. REMARKS
VI. REFLECTION
A. No. of learners who earned 80% in the
evaluation
B. No. of learners who require additional
activities for remediation
C. Did the remedial lessons work? No. of
learners who have caught up with the
lesson
D. No. of learners who continue to require
remediation
E. Which of my teaching strategies worked
well? Why did these work?
F. What difficulties did I encounter which my
principal or supervisor can help me solve?
G. What innovation or localized materials did
I use/discover which I wish to share with
other teachers?

Prepared by:
_____________________________
DALSC

Process Observers:

_________________________
Education Program Specialist II

_________________
Education Program Supervisor

You might also like