Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
STA. CRUZ SOUTH HIGH SCHOOL
Lipay, Sta. Cruz, Zambales

SAGUTANG PAPEL (ANSWER SHEET)- FILIPINO 7


Ikaapat na Markahan- Ikaanim na Linggo

PANGALAN: _________________________________________ BAITANG AT SEKSIYON: ____________________________ ISKOR: ________

WRITTEN WORK SA FILIPINO 7

Pinatnubayang Pagsasanay 2. Panuto: Suriin ang damdaming namayani sa mga tauhan sa dulang pampelikula ayon sa kanilang mga pahayag o diyalogo. Piilin mula
sa loob ng kahon ang sagot.

takot tuwa lungkot inggit galit

pananabik pagmamalasakit tapang pagsusumamo pag-aalala

TAUHAN PAHAYAG DAMDAMIN


Haring Fernando 1. “Bagama’t mahirap sa kalooban kong kayo’y mawalay sa aking mga mata ay nais kong kayong mga anak
ko ang siyang pumunta sa bundok ng Tabor.”

Don Diego 2. “Bakit mo pinatay ang ating kapatid?”

Don Pedro 3. “Sapagkat ako ang dapat na magmana ng setro’t korona at hindi siya!”

Matandang Ermitanyo 4. “Ang ibong sinasabi mo ay engkantada at maaaring ikaw ay masawi sa paghuli sa kaniya.”

Don Juan 5. “Ituro po ninyo sa akin ang punong hinahapunan at sisikapin kong ito’y mahuli kahit aking ikamatay.”

Matandang Ermitanyo 6. “Pag narinig mo ang kanta ay sapilitang aantukin ka ngunit tuturuan kita ng paraan upang ikaw ay huwag
mag-antok.”

Haring Fernando 7. “Ang ibon ay ilagay na sa mesa at nang kumanta na! Ibig ko nang mapakinggan ang kawili-wili niyang
awit!”
Haring Fernando 8. “Si Prinsipe Pedro ay palayasin sa kaharian ko sa lalong madaling panahon!”

Don Juan 9. “Mahal na hari kong ama, tiklop-tuhod kong isinasamo na inyong patawarin ang kapatid ko.”
Haring Fernando 10. “Magaling na magaling na ako. Wala na akong sakit!”

PERFORMACE TASK

Pagsusulit. Panuto: Basahing muli ang isa sa mga tagpo mula sa dulang pampelikula na Ibong Adarna. Bumuo ng iyong sariling diyalogo na nagpapakita ng
damdaming namayani sa mga tauhan mula sa tagpong ibinigay. Gawing gabay ang pamantayan sa pagbuo ng diyalogo. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Pamantayan sa Pagbuo at Pagmamarka sa Diyalogo

1. Naipakita ang damdaming namayani sa mga tauhan. - 5 puntos

2. Malinaw ang usapan o diyalogo ng mga tauhan. - 5 puntos

3. Angkop ang mga salitang ginamit. - 4 puntos

4. Kakikitaan ng orihinalidad ang diyalogo. - 3 puntos

5. Malinis ang gawain. - 3 puntos

Kabuoan: 20 puntos

STA. CRUZ SOUTH HIGH SCHOOL


Address: Lipay, Sta. Cruz, Zambales
School ID: 307114
Email: 307114@deped.gov.ph

You might also like