307114@deped Gov PH

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Department of Education

Region III
Schools Division of Zambales
STA.CRUZ SOUTH HIGH SCHOOL
School ID: 307114
307114@deped.gov.ph

MASTERY TEST IN FILIPINO 7 (Ikatlong Markahan- Unang Linggo)

PANGALAN:__________________________________________________SEKSIYON:__________________________ISKOR:____________

I. Panuto: Tukuyin ang tamang salita o parirala na angkop sa talata. Bilugan ang tamang sagot.

Ang Mabuting Bata


ni Jaime G. Raguine EdD, Castillejos National High School

Si Jaime ay masipag na 1. (BAta, baTA). Kinagigiliwan siya ng matatanda dahil sa kanyang sipag at tiyaga. Ang nanay
niya ay naglalako at ang tatay niya ay nag-aalaga ng mga hayop. Paggising sa umaga ay tumutulong siya sa
pagpapastol ng 2. (BAka, baKA). Pag-uwi sa kanilang tahanan ay tutulong naman siya sa pagkayod ng 3. (buKO,
BUko) na inihahalo sa panindang kakanin ng kanyang ina. 4. (PItong, piTONG) taong gulang lamang si Jaime ng
mamulat sa gawaing bahay. Ngayon ay nasa baitang 5. (piTO, PIto) ng na siya at hindi pa rin nawawala ang pagiging
masipag at matulunging 6. (baTA, BAta). 7. “( Hindi, palakaibigan, hindi palakaibigan) si Jaime,” „yan ang madalas na
sinasabi ng mga tao sa kanya. Sa dami niyang kaibigan ay hindi pa rin niya nalilimutan ang pagtulong sa kanyang
magulang. Mahilig sa gulay si Jaime lalo na sa 8. ( GAbi, gaBI) na hinaluan ng dilis. Pagkatapos kumain ililigpit niya ang
pinagkainan at hindi niya nalilimutang pakainin ang alagang 9. ( aSo, Aso). 10. (kaYA, KAya) bago siya matulog ay
nananalangin kalakip ang pasasalamat sa maghapon.

II. Panuto: Piliin ang letra na makapagbibigay ng denotasyon, konotasyon at kontekstuwal na kahulugan ng mga
salitang nakasalungguhit. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Naging usad-pagong ang pagdinig sa kasong inihain ng pamilyang Dela Cruz.


A. mabagal B. mabilis C. madali D. malakas

2. Nanggaling siya sa mabuting puno kaya angat ang kaniyang pagiging mabuti.
A. angkan B. pinuno C. umaapaw D. malaking halaman

3. Mahalaga sa kaniya ang mga alaalang naiwan ng kaniyang nasirang asawa.


A. namatay B. naglakbay C. umalis D. nangibang bansa

4. Mahigpit ang pagkakatali ng tanikala sa kanyang mga kamay.


A. kadena B. lubid C. sintas D. sinturon

5. Mapanganib! Kamakailan lamang ang may nakitang buwaya sa bahaging iyan.


A. manloloko B. multo C. taksil D. hayop na reptilya

6. Tunay na walang kapantay ang pagmamahal ng isang ilaw ng tahanan.


A. ama B. anak C. ina D. kapatid

7. Magsunog ng kilay ang laging habilin ni inay.


A. mag-ahit ng kilay B. mag-aral nang mabuti C. sunugin ang kilay D. tumulong sa gawaing-bahay

8. Halos isang taon na rin nang sila ay nagkadaupang-palad.


A. nagkaayos B. nagkakilala C. nag-usap D. nagsulatan

9. Nalumpo ang maliliit na negosyo sa bansa dahil sa pandemya.


A. nagpatuloy B. nagsara C. nalugi D. nalungkot

10. Pagkakapit-bisig at pagkakaisa ang susi sa maunlad na bayan.


A. pag-ibig B. paggalang C. pagkakapantay D. pagtutulungan

You might also like