Performance Task: 307114@deped - Gov.ph

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Department of Education

Region III
Schools Division of Zambales
STA.CRUZ SOUTH HIGH SCHOOL
School ID: 307114
307114@deped.gov.ph

PERFORMANCE TASK
(Ikatlong Markahan- Ikalawang Linggo)

Panuto: Panuto: Sumulat ng isang talata na nagsasalaysay ng iyong sariling karanasang may kaugnayan sa
pagbibigay o pagbabahagi sa kapwa tulad ng iyong nabasa sa kuwentong ‘Recess Time’. Gumamit ng mga
panandang anaporik at kataporik ng pangngalan at salungguhitan ang mga ito. Isulat ang talata sa iyong hiwalay na
papel.

Pamantayan sa Pagsulat at Pagmamarka sa Talata

10 puntos
1. Wasto ang gamit ng mga panandang anaporik at kataporik ng pangngalan.

4 puntos
2. May simula, gitna at wakas.

4 puntos
3. May kaugnayan sa paksa ang nilalaman.

2 puntos
4. Malinis ang gawain.

Kabuoan: 20 puntos

MASTERY TEST
(Ikatlong Markahan- Ikalawang Linggo)

Panuto: Piliin sa kahon ang angkop na pahayag upang mabuo ang akda. Isulat ito sa sagutang papel.

walang ano-ano’y sa huli kasunod noong una

sa simula palang pagkatapos sa wakas Sinundan

karagdagan pagtatapos

Pagsubok sa Buhay
ni Regene M. Baysa, Lipay National High School

(1)____________kumalat ang bali-balita tungkol sa isang pandemya na (2)__________nakakatakot na talaga ang virus na
sinasabing kumakalat na COVID-19. Sapagkat hindi ito nakikita sabi nga nila kalabang hindi namamalayan ng sinuman
na nararanasan na ito.(3)_______nito ang pag-alala ng lahat ng tao sa buong mundo at (4)__________ pa nito ang
panganib na dulot ng virus na kayang kumitil sa buhay ng isang tao (5)___________ng maraming pangangalap ng mga
eksperto para sa gamot sa virus na ito. (6)________ ay naka diskubre sila ng panlunas na gamot sa kumakalat na
pandemya. (7)__________ito ng maraming pagsusuri upang lubusang malaman kung gaano ito ka epektibo.

(8)__________ sa lahat ng pagsubok na dulot ng pandemya tayo rin mismo ang makakapagligtas ng ating sarili. Huwag
nating katakutan bagkus labanan natin ito at sumunod tayo sa mga pamamaraan upang ito’y maiwasan. (9)_________
malalampasan din natin ang lahat ng ito. Sa (10) _______ ng pandemyang ito tiyak na tayo ay may natutuhan tungkol
sa buhay na dapat nating pahalagahan.

You might also like