Kabanata 29

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Kabanata 29: Mga Huling Salita Ukol kay Kapitan Tiago

Mga Karakter
Bago tayo magtungo sa pag-aaral ng kabanata, atin munang siyasatin ang
mga karakter na gumanap sa kabanatang ito.
 Kapitan Tiago

 Isa sa pinakamayamang sa binundok na nagmamay-ari ng


iba’t ibang negosyo at ari-arian.
 Siya ay malakas sa mga taong nasa gobyerno at halos
kaibigan nya lahat ng mga prayle.  Ang turing niya sa sarili
ay isang tunay na Kastila at hindi Pilipino.  Itinuturing na
kasundo nya ang Diyos dahil nagagawa niyang bilhin ang
kabalanan sa pagpapamisa at pagpapadasal tungkol sa
kanyang sarili.
 Sinisibolo ni Kapitan Tiago ang mga makapangyarihan at
maimpluwensyang tao na dahil sa karangyaan ay
nagkakaroon ng koneksyon sa ga taong nasa gobyerno.

 Padre Irene
 Ipinamahala kay Padre Irene ang kayamanan ni Kapitan Tiago
bago ito namatay. Sa kaniyarin iniwan ang responsibilidad na
ipamahagi ito batay sa kagustuhan ng yumao.
 Sa katauhan ni Padre Irene mababakas ang mga
katangian ng mga ganid na pari sa nilumang panahon –
korap at gahaman sa kayamanan.
 Sa paghimay-himay natin sa kabata 29 ay matutunghayan natin
kung paanong ipinakita ni Padre Irene ang pagiging ganid nito sa
kayamanan.

 Donya Patrocinio –
 Kilala si Donta Patrocinio bilang mortal na
katunggali at kaagaw ni Kapitan Tiyago sa
pagpapataasan ng ihi sa pagkabanal.
 Maikli lamang ang naging partisipasyon ng Donya
sa kabanatang ito ngunit sinasalamin niya ang mga
hipokrito katoliko sa panahong iyon.

Buod
Ang pagpanaw ni Kapitan Tiago ay naging kontrobersyal at naging
tampulan ng debate.

 Kinikilala ng simbahang katoliko ang pitong banal na sakramento


at napapabilang sa pitong ito ang sakramento ng kumpil. Batay sa
akda, hindi nararapat na bigyan ng libing ang sinumang hindi
nakapangumpisal bago ito namatay. Sa pakikipagtalastasan ni
Padre Irene kay Padre Salvi ay naituloy ang pagpapalibing kay
Kapitan Tiago sa kabila ng hindi nito pangungumpisal bago ito
yumao. Dahil mayaman ang kapitan ay ipinaglaban ni Padre irene
na mabigyan ito ng libing sabi pa nga ng pari ay maaring isantabi
ang batas na ito kung may pera ang namatay.

Si Padre Irene rin ang namahala sa testamente at sa distribusyon ng


mga ipinamana ng namatay.

  Sa paghahati-hati ng kayaman ni Kapitan Tiago, malaking parte


ng kayamanan ng kapitan ang napunta sa Sta. Clara, sa Papa, sa
Arsobispo, at sa mga orden. Dalawampung piso lamang ang
itinira sa pangmatrikula ng mga mag-aaral. Ibinalik din naman ni
padre irene ang dalawampung pisong binawing pamana para kay
basilio ngunit pinalabas na mayroong utang na loob si basilio sa
pari.

Kinaumagahan, sa burol ng kapitan, ay dumating ang mga kaibigan at


kakilala ni Kapitan Tiago at napag-usapan ang isang himalang nagpakita sa
mga mongha ang kaluluwa ni Kapitan Tiago na nakasuot ng frak, may hawak
na pipa at panabong na tandang.
 Hindi na nagdalawang isip ang mga nakikinig at tila
pinaniniwalaan nila lahat ng mga sabi-sabi. Naging hudyat din
para sa kanila ang pagtango-tango ng sacristan mayor upang
maniwala at hindi na alamin ang buong katotohanan.

Sa grupo ng mga sabungero, pinagtatalunan naman kung sino ang


mananalo sa pagitan ni Kaptian Tiago at ni San Pedro. 
 Natapos ang pagtatalo ng mga sabungero na walang mananalo sa
pagitan ng dalawa kung magsasabong ito.
Sa kabilang grupo ay pinag-usapan kung ano ang isusuot ng namatay.
Nagbigay ng suhestyon si Kapitan Tinong na suotan ito ng abito upang mas
magmukhang banal. Nagmungkahi naman ang mga sastre na bigyan ng apat
na pisong diskwento para sa tinahi nilang frak dahil ito ang soot noong di
umanoy nagpakita ang kaluluwa nito sa mga monghe ngunit tinanggihan ito
ni Padre Irene at siya pa rin ang nasunod na ang isusuot ng Kapitan ay ang
dati at luma nitong kasuotan. Ayon sa pari ay hindi naman daw mahalaga ang
kasuotan sa langit.

Sa libing ng Kapitan, Tatlong prayle ang dapit,


maraming kamanyang nang sinunog at gayundin ang iwinisik
na agua bendita o holy water. Maituturing na naging pinakamataas
na uri ang libing ni Kapitan Tiago sa kadahilanang dinagdagan ang mga
seremonya at maging si Padre Irene ay kumanta na siyang kinainggitan ng
matalik nakatunggalina si Donya Patrocinio. Dahil sa inggit ay ninais niyang
yumao na kinabukas upang malamangan ang libing ni kapitan tiago.
Interpretasyon
 Ang pagpapalibing kay Kapitan Tiago ay nagpapakita kung paanong
ang makapangyarihan, mayaman at maimpluwensyang tao
nagkakaroon ng pribelehiyong baliktarin at makalusot sa batas.
 Sa kabila nga ng hindi pangungumpisal ni Kapitan Tiago ay naituloy pa
rin ang kaniyang pagpapalibing dahil sa taglay nitong kayamanan.
 Ipinapakita sa tagpong pag-uusap tungkol sa ‘di umanong himalang
pagpapakita ng kaluluwa ni Kapitan Tiago kung gaano kabilis imanipula
ang utak ng ilang Pilipino.
 Sa pag-uusap na iyon ay makikita kung paanong hindi na pinili
pang magtanong, humanap ng sagot at katotohanan at sa halip
ay maniwala na lamang sa kung ano ang sinasabi ng nakararami.
Ang pagtango-tango ng sacristan mayor ang nagsilbing hudyat
para sa nga tao na paniwalaan agad ang mga sabi-sabi at hindi
na piniling saliksikin ang katotohanan.
 Laganap pa rin sa mga mayaman at makapangyarihang Pilipino ang
paggamit ng pera at impluwensya upang makalusot sa batas.
 Hindi maikakaila na marami pa rin ang Kapitan Tiago sa panahon
ngayon at kung ihahambing, makikita natin na laganap pa rin ang
paggamit ng pera at koneksyon upang makalusot sa batas kahit
sa gitna ng pandemya. Kamakailan lamang ay nabalitaan ang
isang Pilipinang nakalusot sa Kautusan ng Pampublikong
Pangkalusugan dahil sa karangyaan at impluwensya nito. Hindi
rin naiiba rito ang isang may katungkulan sa gobyernong
nagsagawa ng selebrasyon ng kaniyang kaarawan sa kabila ng
mahigpit na pagpapatupad ng health protocols.
 Tinutuligsa pa rin ang simbahang kalotiko kaugnay sa isyu ng
korapsyon gayundin sa hindi nito pagbabayad ng buwis.
 Marami pa ring Pilipino ang biktima ng mga mapagmanipulang
makapangyarihang tao na naglalason ng utak ng ilang Pilipino upang
paniwalaan nito ang mga impormasyong taliwas sa katotohanan at
sinusubukang baguhin ang kasaysayan.
 Sa panahon ngayon ay laganap pa rin ang ganitong katangian ng
ilan sa mga Pilipino. Dahil sa mga mapagmanipulang taong
nagsasaksak ng maling impormasyon sa utak ng mga Pilipino,
libo-libo ang nalalason ang utak. Isa pang rason ng paglaganp ng
maling impormasyon ay ang pagbunsad ng teknolohiya at ang
paggamit ng social media platforms kung saan madaling
napapakalat ang may mga bidyong ineedit, pinaghahati-hati at
pinagdudugtong dugtong upang maghatid ng maling
impormasyon

Sa paghahati-hati ng kayaman ni Kapitan Tiago, makikita kung paanong


naipamalas ni Padre Irene ang pagiging ganid nito sa kayamanan. Parte ng
kayamanan ng kapitan ay napunta sa Sta. Clara, sa Papa, sa
Arsobispo, at sa mga orden. Dalawampung piso lamang ang
itinira sa pangmatrikula ng mga mag-aaral. Isinauli man ni nito
ang dalawampu’t limang pamana kay Basilio ay
Buod
Marangal ang libing ni Kapitan Tiyago. Si Padre irene ang
hinirang na tagapamahala at tagapagpatupad ng testamento
ng kapitan. Paghahati-hatiin ang kanyang kayaman sa
P20.00 ay itinira para pangmatrikulang mga estudyante
mahihirap. Iminungkahi ito ni Padre Irene para masabing
tagatangkilik siya ng mga estudyante. Inalis ni kapitan
Tiyago ang P25.00 pamana kay basilio dahil sa kawalang-
utang na loob ngunit isinauli ni paddre Irene at siya raw ang
magpapaluwal sa sariling bulsa.
Nang nakaburol si Kapitan Tiyago ay marami ang usap-
usapan ukol sa kanya. Nakita raw ng mga mongha ang
nagliliwag na kaluluwa ni Kapitan Tiyago. Iyon daw ang
utang sa maraming pamisang nagawa ni Kapitan.

Naisip ng sakristan na ipanabing ang kaluluwa ni Kapitan


Tiyago ay may hawak pang mangkok ng taho. May
nangaghaka namang hamunin ni Kapitan Tiyago ng sabong si
San Pedro. Pero paano magkakamatayan o magkakatalo mag
manok na kaluluwa? Ayon kay Pilosopo Primotivo, di
magkakatalo sagka’t ang pagkatalo’y kaugnay ng sama ng
loob ay walang puwang sa langit.

Hinandugan ni Quiroga ng isang tabako si Don Primotivo.


Saka nagtanong nang malumanay: Sigulo puede de contalata
aliedo galela con kilisto, a? Cuando muele, mia contalista, ja?
May nagtalo sa damit na isusuot kay KapitanTiyago. Abito?
Mayroon nito si kapitan tinong. Lumang-luma at binayaran
niya ng P36.00. Ipagkakaloob niya ito sa mahal na kaibigan.
Tumutol ang sastre.Prak daw ang kailangan nakaprak ang
kaluluwang nakita ng mga mongha. May yari na ang sastre
na P32.00 ang halaga, dahil suki niya ang namatay. Lumang
damit ang ipinasuot ni Padre Irene. Hindi raw mahalaga sa
langit ang damit. 

Tatlong prayle ang dapit sa libing ni Kapitan. Maraming


kamanyang nang sinunog at gayundin ang iwinisik na agua
bendita.

Si Donya Patrocinio na matandang kaagaw ni Kapitan Tiyago


sa pagpapataasan ng ihi sa pagkabanal ay nagnais mamatay
na kinabukasan upang malibing siya ng lalong dakila at
kahanga-hanga.

You might also like