Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 9

The Used (One-Shot Horror)

by Kuya_Soju

Gaano katatag ang iyong pananampalataya? Nandiyan lang "sila"...naghihintay ng


pagkakataon para GAMITIN ka!

=================

The Used (One-Shot Horror)

The Used

written by Soju

All Rights Reserved.

WATCH THE TRAILER------------------------>>>>>>>>>

"When you lost your faith in God, EVIL will gets inside you and will USE you." -
Unknown

"Huwag mong babasahin ang hindi mo naiintindihan." -Bob Ong (Ang Mga Kaibigan ni
Mama Susan)

----------------------------------------------------------------------

"FINALLY, we're here!"

Iyon agad ang nasabi ni Soju pagkatapos niyang patayin ang makina ng van na
sinakyan nila papunta sa masukal na kakahuyang iyon. Napagkatuwaan kasi nilang apat
na magkakaibigan na mag-camping for one week. Bonding na rin na kakaiba para sa
kanila iyon dahil sabay-sabay silang nag- end of contract sa pinapasukang opisina.

Isa-isa silang bumaba sa van at pinagmasdan ang kanilang kapaligiran.

"Dating simbahan ang cabin na iyan. Siguro sa sobrang kalumaan na ay ginawa na


alamang cabin." turan ni Soju habang minamasdan ang malaking cabin na nasa kanilang
harapan.

"Bakit? May nagtatanong ba?" Humahagikhik na turan ni Sheena.

Nagkatawanan ang grupo pero natigilan silang lahat ng biglang may malakas na
kumalabog sa loob ng bahay.
"Ano iyon? May tao ba sa loob ng cabin?" Tanong ni Sed kay Soju.

"Wala. Ang alam ko ay walang masyadong nakakaalam ng cabin na ito. At wala rin ng
tao na nagpupunta dito." Nagtataka ring sagot ni Soju.

"Anong wala? Ano iyong ingay na narinig natin sa loob?" Giit ni Glaiza.

"OK. OK. Papasok na ako sa loob para matigil na kayo!" Pumasok na nga si SOju sa
loob pero wala naman siyang nakita. Pumasok na rin sina Sheena, Glaiza at Sed.
"See? Walang tao. And besides, pumunta na rin ako dito kahapon to check this cabin.
Naglinis na rin ako kasi nahihiya ako sa inyo." Turan ni Soju.

"Nangonsensiya ka pa pre!" Natatawang sagot ni Sed.

"Hindi naman pre."

At maya-maya ay inayos na nila ang kanilang mga gamit. Matapos iyon ay naglakad-
lakad ang apat sa kakahuyan at labis silang namangha ng makakita sila ng isang sapa
sa gitna ng kakahuyan.

"This is paradise!" Amaze na bulalas ni Sheena. "Ang galing talagang pumili ng


lugar ni Soju!"

"I told you!" Nagmamalaking tugon nito.

"Ano kaya kung mag-barbecue and swimming tayo dito mamayang gabi?" suhestiyon ni
Sed.

"Good idea!"

-------------------------------------------------

GANOON na nga ang nangyari. Kinagabihan ay masayang-masaya ang apat na nagtungo sa


sapa. Nagbarbecue sila at may konting inuman. Naglangoy din sila sa malamig at
malinis na tubig sa sapa. Enjoy na enjoy sila.

"Shit! Nakalimutan ko iyong towel sa cabin!" ani Sheena. "I have to go back there."

Mag-isang bumalik sa cabin si Sheena. Wala siyang takot na nararamdaman dahil


malapit lang naman ang cabin. Pumasok siya roon at binuksan ang ilaw.
Naghahalungkat siya sa kanyang bag ng bigla siyang makarinig ng tila taong
humihingal...
"May tao ba diyan?" tanong niya.

Walang sumagot.

Pinagpatuloy niya ang pagahahanap ng tuwalya nang marinig na naman niya ang
mahinang paghingal. Tila nanggagaling iyon sa nag-iisang kwarto sa itaas ng cabin.
Hindi niya alam pero naisipan niyang umakyat sa itaas. Pinasok ni Sheena ang nag-
iisang kwarto roon. Wala siyang nakitang tao. Lalabas na sana siya ng naturang
kwarto ng may napansin siyang baul na nakapatong sa maliit na lamesa. Nilapitan
niya iyon at binuksan ang baul.

Tanging isang maliit na papel lamang ang nakita niya. Halos kulay brown na iyon sa
sobrang luma.

"Ano ito?" tanong niya sa kanyang sarili.

May nakasulat roon at hindi niya napigilan ang sarili na basahin iyon...

Concupitio mala, tu nequamquam dilige Christum;

Daemona secteris, nec pete salvifcum;

Despicias, rogo te, Christum: nec tempore toto

Conspice praesentem te fore judicio;

Veridicos preme, nec laudes, sed carpere gesta

Quaerito cujusvis, non tua respicias.

Dispereas male, ne quaeras tu coelica, verum

Crimine frangaris, ne fuge delicias.

Iyon ang mga katagang nabasa ni Sheena sa kapirasong papel na iyon. Nangunit ang
kanyang noo dahil hindi naman niya naintindihan ang kanyang binasa. Ibinalik na
lang niya iyon sa baul. Papalabas na sana siya sa kwartong iyon ng may tila malakas
na hangin na humampas sa kanyang mukha. Napaatras siya...

--------------------------------------------------

"BAKIT ang tagal naman yatang bumalik ni Sheena?" Tanong ni Soju sa dalawa pa
niyang kasama.
Nagkibit-balikat lang si Glaiza. "I don't know. Ang alam ko ay kukuha lang siya ng
towel..."

Dahil sa nag-aalala sa kaibigan ay napagdesisyunan na lang ng tatlo na tignan ito


sa cabin.

"S-sheena..." halos sabay-sabay na nagulat ang tatlo pagkakita sa hitsura ni Sheena


sa loob ng cabin. Magulong-magulo ang buhok nito habang nakasalampak sa sahig.
Humahagikhik ito na akala mo ay sang bata, Nangingitim na ang balat nito at
naglalaway ng kulay berde. Ga-tuldok na lang din ang itim nito sa mata.

Agad na nilapitan ito ni Glaiza at hinwakan sa magkabilang balikat ang kaibigan.


"Anong nangyari sa iyo Sheena?!"

Tinignan lang nito si Glaiza at nakaramdam ng kilabot si Glaiza sa paraan ng


pagkakatingin na iyon ni Sheena. Partang may ibang tao sa katawan nito.
Parang..Hindi na ito ang kanilang kaibigan!

"Glaiza, lumayo ka sa kanya!" utos ni Sed na parang nakatunog sa nangyayari sa


kaibigan.

Pero huli na ang lahat dahil tatayo pa lamang sana si Glaiza ng bigla siyang
sunggaban ni Sheena sa leeg at kagatin iyon. "Ahhhhhhh!!!" Malakas na sigaw ni
Glaiza ng mapuknat ang kanyang balat sa leeg.

Tila sarap na sarap na nginuya pa ni Sheena ang laman na nakuha sa kaibigan.

Hindi na nag-isip pa sina Soju at Sed. Hinila na nila si Glaiza at nagtatakbo sila
palabas ng cabin. Umiiyak sa sakit si Glaiza. Nang makalayo na sila ay pinunit ni
soju ang kanyang damit at itinali sa leeg ng nasugatang si Glaiza upang kahit
papaano ay maampat ang pagdurugo noon.

"Anong nagyari kay Sheena? Bakit siya nagkaganon?" Umiiyak pa rin na tanong ni
Glaiza.

"P-para siyang nasapian ng demonyo!" Kapwa napatingin sina Glaiza at Sed kay Soju
sa sinabi nito.

"Demonyo? Pero bakit? Papaano?"

Napatingin muna sa malayo si Soju bago ito sumagot. "Dating ispiritista ang lola ko
na nakatira sa cabin na iyon. Dinadayo siya ng mga tao dahil sa angkin niyang
galing sa pagpapaalis ng masasamang espiritu sa katawan ng isang tao. Hanggang sa
isang pasyente ang halos sukuan ng lola ko noon...Masyadong malakas ang demonyong
sumapi sa batang iyon at ang buong akala ng lola ko ay hindi na niya mapapalayas
ang demonyo. Napalayas niya ang demonyo sa katawan ng bata pero nanatili ito sa
cabin. Kaya ang ginawa ng lola ko ay ikinulong niya doon sa basement ang demonyo!"

"Pero kung ikinulong na ng lola mo ang demonyo sa basement, bakit nakawala ito at
sumapi pa kay Sheena?" tanong ni Sed.

"Pinakawalan siya ni Sheena!" Nakita ni Soju ang pagtataka sa mukha ng dalawa.


"Isang latin na dasal ang ginawa ng aking lola para hindi makalabas ang demonyo sa
basement at ang dasal din na iyon ang magpapakawala dito. Marahil ay binasa iyon ni
Sheena..."

Natigilan ang tatlo ng biglang umalingawngaw ang paghagikhik ni Sheena na parang


isang bata. Nagpalinga-linga sila ngunit wala silang makita. "Babalik tayo ng
cabin!" ani Soju.

"Ayoko!" mabilis na tutol ni Glaiza. "Aalis na tayo dito ngayon!"

"Ngayon? Sa tingin mo makakaalis tayo ngayon? Mahirap magdrive kapag gabi. Sa cabin
mas ligtas tayo! At hindi ako papayag na hindi natin maikulong ang demonyong iyon."

Sumabat na si Sed. "Tama si Soju, Glaiza. Saka matitiis ba nating iwanan si Sheena
sa ganoong kalagayan? Ano na lang ang sasabihin natin sa family niya?"

Natigilan saglit si Glaiza. "S-sige na. Pero papaano kung nandoon pa rin si
Sheena?"

"That'll be good kasi maaari nating mapaalis kay Sheena ang demonyo."

-------------------------------------------------------

NAGULAT silang tatlo ng pagbukas nila ng cabin ay agad na sumugod sa kanila si


Sheena. Nag-aapoy sa galit ang mukha nito. Mabuti na lamang at naging maagap sina
Soju at Sed dahil nahawakan nila agad ito sa kamay.

"Raaaawwwwrrr!!! Haaaarrrrgghhh!" Pagwawala ni Sheena.

"Kumuha ka ng tali! Bilis!" pasigaw na utos ni Soju kay Glaiza. Hindi malaman ni
Glaiza kung saan kukuha ng tali kaya ang ginawa niya ay hinugot na lang niya sa
saksakan ang isang extension cord at iyon ang itinali nila kay Sheena.

Sa isang matibay na bangko nila ito itinali.

Napansin ni Soju na parang nanghihina si Glaiza. Nang damhin niya ang noo at leeg
nito ay nagulat siya dahil sobrang init nito. "Ang mabuti pa kaya ay samahan na
kita sa itaas para makapagpahinga ka Glaiza," ani Soju.
"Mabuti pa nga," pagsang-ayon ni Sed. "Dito muna ako sa ibaba para bantayan si
Sheena."

Ilang oras pa ang lumipas at biglang tinamaan na ng antok si Sed. Pero naisip niya
na hindi siya pwedeng matulog dahil kailangan niyang bantayan si Sheena. Ganunpaman
ay napapikit pa rin siya at pag mulat niya ay nakita niyang bumalik na sa dati
nitong hitsura si Sheena. Normal na ulit ito.

Napatayo siya at nilapitan ito. "Sheena?! OK ka na?"

"Oo Sed. Pakawalan mo na ako please..." nagmamakaawa nitong turan.

"Oo Sheena. Papakawalan na kita! Salamat naman at nilisan na ng demonyo ang katawan
mo..."

Pumwesto si Sed sa likuran ni Sheena upang alisin ang pagkakatali nito. May katapat
na salamin na nasa dingding si Sheena at di-sinasadyang napatingin doon si Sed.
Kitang-kita niya kung paano naging nakakatakot muli ang hitsura ni Sheena! May
malapad itong ngiti sa labi nito.

Napailing siya. Imbes na tanggalin ang tali ay mas lalo pa niya iyong hinigpitan.

Hinarap niya si Sheena. "B-bakit di mo pa ako pinapakawalan?"

"Demonyo ka! Niloloko mo ako!" sigaw ni Sed at bumalik siyang muli sa kanyang
kinauupuan.

Malakas na humalakhak si Sheena at bumalik na ulit ito sa nakakatakot nitong anyo.


Malaki na panglalaki na ang boses na inilalabas nito. "Hahahaha! Lahat kayo ay
isasama ko sa impyerno! Masusunog kayong lahaaat!!!" Pagkasabi noon ni Sheena ay
bigla itong sumuka ng mga insekto. Ipis, langaw at kung anu-ano pa!

Labis ang takot na naramdaman ni Sed. Gumapang palabas ng kabahayan ang mga ipis
habang ang iba ay lumipad papalabas ng bintana. Ilang sandali pa ay nawalan na ng
malay si Sheena...

-----------------------------------------------------

"NILALAMIG ka pa ba?" nag-aalalang tanong ni Soju kay Glaiza. Kitang-kita niya ang
panginginig ng katawan nito.

Tumango na lamang ang namamaluktot na si Glaiza. Tinanggal ni Soju ang telang


nakalagay sa sugat sa leeg ni Glaiza. Umalingasaw ang nakakasulasok na amoy ng
sugat. Muntik pa siyang masuka ng may nana na umaagos mula roon. Parang nabubulok
na ang hitsura ng sugat niyon.

Mukhang nanghihina na rin si Glaiza.

"Kukuha lang ako ng kumot sa kabilang kwarto," at nagmamadali siyang pumunta sa


kabilang kwarto.

Sa paglabas ni Soju sa kwartong kinaroroonan ni Glaiza ay siya ring pagtigil ng


paghinga at pagtibok ng puso nito.

-----------------------------------------------------------

NAPAPITLAG si Sed ng biglang gumalaw ang ulo ni Sheena. Dahan-dahan itong tumingin
sa kanya. "S-sed..." tawag nito sa kanya.

Tinignan ito ng masama ni Sed. Hindi siya umiimik.

"Sed...Tulungan mo ako..." samo ni Sheena.

Mabilis na nilapitan ni Sed si Sheena at mariing pinisil ang mukha nito. "Hindi mo
na ako malolokong demonyo ka! Lumabas ka sa katawan ng kaibigan ko!"

---------------------------------------------------

"SED..." nanginginig na sabi ni Sheena. "W-wala na ang demonyo sa katawan ko."

"Tss! Ulol mo!" at napapikit siya ng duraan siya sa mukha ni Sed.

Paano ba niya ipapaliwanag dito na wala na talaga sa kanya ang demonyo? Biglang
nanlaki ang mga mata ni Sheena ng mula sa likod ni Sed ay nakita niya si Glaiza na
papalapit. Nakakatakot ang hitsura nito na parang isang demonyo! Maputla na ang
balat nito at nanlilisik ang mga mata. Nagnanaknak na rin ang sugat nito sa leeg.
May hawak din itong matalim na kutsilyo.

"Sed sa likod mo!!!" sigaw ni Sheena.

Paglingon ni Sed ay saktong sinaksak ni Glaiza si Sed sa kaliwang mata nito.


Pumulandit mula roon ang malapot na dugo. Baon na baon ang kutsilyo. Mukhang kay
Glaiza naman lumipat ang demonyo!

Pagkahugot ni Glaiza ng kutsilyo sa mata ni Sed ay dinilaan nito ang kumapit na


dugo sa kutsilyo. Pati ang talim ng kutsilyo ay dinilaan nito. Diniinan pa ni
Glaiza ng sobra ang pagdila sa talim. Tila hindi ito nasasaktan kahit na nagkahiwa-
hiwa na ang dila nito.
Wala ng buhay na bumagsak sa sahig si Sed.

Napailing naman si Sheena ng papalapit na sa kanya si Glaiza. "G-


glaiza...Please...Maawa ka..."

"Hindi ako si Glaiza!" sigaw nito sabay saksak ng kutsilyo sa kanyang leeg. "Ako
ang demonyo!" Makailang ulit na pinagsasaksak ni Glaiza si Sheena hanggang sa
mapatay na niya ito...

----------------------------------------------------------

BANG!

Sapol sa ulo si Glaiza ng barilin ito ni Soju. Sumabog ang utak nito sa sahig sa
lakas ng tama ng baril. Dilat ang mga mata at hindi na humihinga si Glaiza ng
bumagsak ito sa sahig.

Napangisi si Soju.

Mula sa basement ay kumuha siya ng pala at naghukay sa likod ng cabin. Halos


dalawang oras din siyang naghukay bago tumigil.

Ibinaon niya ang bangkay nina Sed, Sheena at Glaiza doon.

Matapos makapaglinis ng katawan ay sumakay na siya sa van at pinaandar iyon. Habang


nagdadrive ay naalala niya ang mga nangyari halos isang taon na ang nakakaraan.
Namatay sa aksidente ang kanyang girlfriend at sabay-sabay naman na tinupok ng
sunog ang buo niyang pamilya. Halos mabaliw na siya. Wala siyang ibang sinisi sa
lahat kundi ang Diyos! Hindi na siya nagsisimba o nagdarasal man lamang.

Kahapon ay pinuntahan niya ang cabin at may nakita siyang sulat...Binasa niya iyon
at napakawalan niya ang dalawang demonyong nakakulong sa basement. Sumapi ang isa
sa kanya dahil sa wala na siyang pananampalataya sa Panginoon.

Kailangan niya ng katawan ng labingtatlong tao para mapalaya lahat ng demonyo na


nakakulong sa cabin. Iyon ang utos at laging ibinubulong sa kanya ng sumapi sa
kanya.

"Magdala ka ng tao dito at patayin!"

Wala ng lakas si Soju na tumutol dahil hindi na siya ang gumagamit ng kanyang
katawan.
Dahil isang demonyo na ang nakapasok sa kanya. Demonyo na ang gumagamit nito!

-------------------------------------------------------

MAKALIPAS ang tatlong araw...

Bumaba na sina Tinay, Sam, Kei, Rima at Soju sa van na sinakyan nila papunta sa
cabin na iyon.

"Wow! Ang ganda naman dito!" bulalas ni Tinay.

"Yeah...I really love nature." dugtong pa ni Sam.

"I am sure, mag-eenjoy kayo dito..." at sumilay ang isang mala-demonyong ngiti kay
Soju.

WAKAS!

You might also like