Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

10

Araling Panlipunan
Unang Kwarter – Unang Linggo
Pag-aaral ng mga Kontemporaryong Isyu!
Araling Panlipunan – Grade 10
Most Essential Learning Competency (MELC) – Based Exemplar
Unang Kwarter – Unang Linggo: Pag-aaral ng mga Kontemporaryong Isyu!
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda
ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
exemplar na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa exemplar na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Development and Quality Assurance Teams

Writer: Chynthia May L. Acosta


Content Evaluator: Fatima D. Notarte, Sarah Rosario M. Tupas
Management Team: Aileen Glorina B. Abunda
Analiza G. Doloricon

1
Rationale

Ang proyektong PPE (Portfolio Predicated on Exemplar) ay angkop na tugon ng


Sangay ng mga Paaralan ng Surigao del Sur sa paghahatid ng mga pampagkatutong
pangangailangan ng mga mag-aaral na kahanay sa pagsusumikap ng mga nakatataas
na tanggapan sa Kagawaran. Ang gamit nitong lesson exemplar ay may kaaya-ayang
format para sa guro at mag-aaral na pinaigsi bilang bagong pamamaraan sa gitna ng
pangkalusugang krisis dulot ng COVID-19. Ang mga exemplar na ito ay sasamahan ng
portfolio na tugma sa pansariling kakayahan ng mga mag-aaral.

Bilang koleksiyon ng mga gawain, ang isang portfolio ay nagbibigay diin sa


pagsisikap ng isang mag-aaral. Nagpapakita ito ng kaniyang pag-unlad, kakayahang
mapagnilayan ang sariling gawa, at kakayahang makabuo ng mga mithiin para sa
hinaharap na pagkatuto.

Pambungad na Mensahe

Para sa Guro:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan – Grade 10 -Quarter
1 Exemplar para sa araling Pag-aaral ng mga Kontemporaryong Isyu!
Ang exemplar na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilikha at sinuri ng mga
edukador mula sa iba’t ibang paaralan ng Division upang tulungan ang mga mag-aaral
na makamit ang mga inaasahang layunin na nakaangkla sa Most Essential Learning
Competencies (MELC) na itinakda ng Kagawaran habang patuloy na nilulutas ang mga
suliranin sa pag-aaral na dulot ng pandemikong COVID-19.
Bilang isang kagamitang pampagkatuto, nais nitong dalhin ang mga mag-aaral sa
mga gawain kung saan sila ay ginagabayan at hinahayaang tapusin ang mga gawain
nang naaayon sa sariling bilis at oras. Dagdag pa rito, layunin din nitong matulungan ang
mga mag-aaral na mapaunlad ang kanilang pang-21 siglong kakayahan habang
isinasaalang-alang ang kanilang pangangailangan at kapakanan.
Bilang guro, inaasahan mula sa iyo ang paggabay sa mga mag-aaral kung paano
gamitin ang exemplar na ito. Kailangan mo ring subaybayan ang kanilang pag-unlad
habang hinahayaan silang pangasiwaan ang sariling pagkatuto sa pamamagitan ng
pagtatasa ng portfolio.

Para sa Mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan – Grade 10 -Quarter 1 Exemplar
para sa araling Pag-aaral ng mga Kontemporaryong Isyu!

Ang exemplar na ito ay dinisenyo upang bigyan ka ng nakatutuwa at


makabuluhang oportunidad sa pagkatuto kung saan ikaw ay ginagabayan at
hinahayaang tapusin ang mga gawain nang naaayon sa iyong sariling bilis at oras.
2
Bilang aktibong mag-aaral, ipoproseso mo ang mga nilalaman nitong pampagkatutong
kagamitan, maging ikaw ay nasa tahanan o nasa paaralan. Upang tulungan kang
maisagawa ito, ang exemplar na ito ay may Lingguhang Pagtatasa ng Portfolio.
Ibibigay ng iyong guro ang template nito upang mabigyan ka ng pagkakataong
makagawa ng portfolio ayon sa iyong malikhaing pamamaraan.
Ang exemplar na ito ay naglalaman ng mga bahagi at kaukulang icon:

Ito ay magbibigay sa iyo ng ideya kung anong


Alamin
kompetensi ang inaasahan mong matutuhan sa
exemplar na ito at ang mga layuning dapat mong
matamo.
Nakapaloob sa bahaging ito ang isang gawain na
Nalalaman
susubok sa iyong kaalaman sa araling iyong
tatahakin.
Ang seksyong ito ay magbibigay ng maikling
Suriin
diskusyon sa aralin. Tutulungan ka nitong
matuklasan at lubos na maunawaan ang mga
bagong konsepto at kasanayan.
Sa seksyong ito nakapaloob ang mga gawain na
Isagawa
(1,2 & 3) tutulong sa iyo upang mailipat ang iyong bagong
kaalaman at kasanayan tungo sa panibagong
sitwasyon o hamon ng buhay.
Layunin ng gawaing ito ang tayain ang iyong antas
Isaisip
ng kasanayan sa pagkamit ng mga
pampagkatutong layunin.
Naglalaman ito ng mga sagot sa lahat ng gawaing
Susi sa
Pagwawasto nakapaloob sa exemplar na ito.

Dito ay mayroong instruksyon tungkol sa pagtatala


Pagtatakda ng
Mithiin sa ng iyong positibo at makatotohanang mithiin bago
Portfolio ipagtuloy ang paggamit ng exemplar.
Mayroon itong mga instruksyon tungkol sa
Pagsagawa ng
Portfolio – pagsasagawa ng mga bahagi ng portfolio. Mayroon
Pahiwatig ng din itong rubric na gagabay sa iyo kung paano
Pag-unlad! tatayain ang iyong portfolio.

Makikita mo rin sa huling bahagi ng exemplar ang:

Sanggunian Ito ay tala ng mga pinagkukunang konsepto


o impormasyon na ginamit sa paglikha ng
exemplar na ito.

3
Alamin

Sa modyul na ito matutunan mo ang konsepto ng kontemporaryong isyu at kung


papaano maituturing na isang kontemporaryo ang isang usapin. Saklaw nito ang mga
gawain na magpapamalas sa iyong pagiging mulat sa mga kontemporaryong isyu na
nangyayari sa lipunan at sa daigdig. Ang mga gawain ay inayos upang iyong masundan
ang wastong pagkakasunod-sunod ng kursong ito.

Most Essential Learning Competency:


*Nasusuri ang kahalagahan ng pag-aaral ng kontemporaryong isyu.

Sub-Competency
*Naipamamalas ang pagiging mulat sa mga kontemporaryong isyu sa lipunan at daigdig.

Layunin
Pagkatapos mong maisagawa ang mga gawaing nakapaloob sa exemplar na ito, ikaw ay
inaasahang:

A. Kaalaman: Nakapagtutukoy ng mga kontemporaryong isyu na


nakaaapekto sa lipunan

B. Kasanayan: Nakasusulat nang maikling sanaysay tungkol sa isang


kontemporaryong isyu; at

C. Pandamdamin: Naipapahayag ang pagpapahalaga sa pagiging mulat sa


mga kontemporaryong isyu sa lipunan at daigdig.

Tagal: Tatlong(3) araw

Pagtatakda ng Mithiin sa Portfolio

Gamit ang Portfolio Assessment Template na ibinigay sa iyo ng iyong guro


kasama ng exemplar na ito, tatapusin mo ang lingguhang pagtatakda ng mithiin. Gawing
patnubay ang mga layunin sa itaas. Mag-isip ng mga positibo at makatotohanang mithiin
na maari mong makamit sa exemplar na ito. Itala ang mga ito bilang iyong mga plano.
Tandaan: Huwag ipagpatuloy ang pagsagot sa exemplar na ito kung hindi mo pa
naisagawa ang pagtatakda ng mga mithiin.

4
Nalalaman

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang napiling letra sa
sagutang papel.

1. Ang salitang nangangahulugang kasalukuyan o nabubuhay ay __________.


A. balita C. kontemporaryo
B. isyu D. nakaraan

2. Anong salita ang nangangahulugang paksa, tema, o suliraning nakaaapekto sa


lipunan?
A. balita C. problema
B. isyu D. tsismis

3. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng kontemporaryong isyu maliban sa


A. pagkalat ng sakit na COVID 19
B. pagdami ng OFW na walang trabaho
C. pagbabago ng klima sa buong mundo
D. pagtatapos sa pag-aaral ng isang bata

4. Maituturing na kontemporaryong isyu ang isang pangyayari o suliranin kung ito ay


__________.
A. nagaganap sa kasalukuyang panahon lamang
B. mahalaga at makabuluhan sa lipunang ginagalawan
C. walang negatibong epekto sa lipunan o sa mga mamamayan
D. may positibong impluwensiya lamang sa lipunan o sa mga mamamayan

5. Ang pagkalat ng sakit na COVID-19 na dulot ng coronavirus ay maituturing na


isang kontemporaryong isyung
A. pangkalusugan C. pangkalakalan
B. panlipunan D. pangkapaligiran

Suriin

Sa ngayon, may mga suliranin at isyung kinakaharap ang ating bansa at lipunang
global na lubhang nakaaapekto sa ating pamumuhay. Ang pagbibigay pansin sa mga
suliranin at isyung ito ay mahalaga sa pagnanais nating makapamuhay nang maunlad at
matiwasay. Ilan sa mga mahahalagang desisyon na maaari nating gawin ay nakasalalay
sa masusing pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu.

Ang kontemporaryong isyu ay nagmula sa dalawang mahahalagang salitang:


kontemporaryo at isyu.

5
Ang salitang “kontemporaryo” ay nangangahulugang “kasalukuyan o
nabubuhay”. Ito rin ay naglalarawan sa panahon mula ika-20 dantaon hanggang sa
kasalukuyan. Ang mga pangyayari sa panahong ito ay sinasabing naaalala pa ng tao
hanggang sa kasalukuyan. Samakatuwid, ang pangyayaring naganap sa mga nakalipas
na dekada na nakaaapekto sa kasalukuyang henerasyon ay bahagi ng kontemporaryong
isyu. Gayundin, ang mga pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan ay sadyang
maituturing na kontemporaryo.

Ang salitang “isyu” ay nangangahulugang paksa, tema, o suliraning nakaaapekto


sa lipunan. Ito ay napag-uusapan, nagiging batayan ng debate, at may malaking epekto
sa pamumuhay ng mga tao sa lipunan.

Para maituring ang isang pangyayari o suliranin na kontemporaryong isyu, ito ay:
• mahalaga at makabuluhan sa lipunang ginagalawan;
• may malinaw na epekto o impluwensiya sa lipunan o sa mga mamamayan;
• nagaganap sa kasalukuyang panahon o may matinding epekto o
impluwensiya sa takbo ng kasalukuyang panahon; at
• mga temang napag-uusapan at maaaring may maganda o positibong
impluwensiya o epekto sa lipunan.

Ang pagiging mulat sa mga kontemporaryong isyu ay nakatutulong hindi lamang


sa pagpapayabong ng kaalaman at katalinuhan ng mag-aaral, kundi maging sa
paghubog ng pagkatao bilang isang responsableng mamamayan ng bansa. Dahil dito ay
mas lalo tayong nakaaambag sa paglutas ng mga suliranin at nakatutulong sa
pagkakaroon ng makabuluhang pagbabago sa sariling pamayanan, bansa, at lipunang
ginagalawan.

Isagawa 1 – A

Four Pics One Word: Pamilyar ka ba sa larong “Four Pics One Word?”
Kung gayon, tiyak na magiging madali sa iyo ang susunod na gawain.

Panuto: Suriing mabuti ang apat na larawan sa kahon. Tukuyin ang mga isyu na
tumutugon sa bawat kahon ng mga larawan. May ibinigay na clue sa bawat bilang upang
mapadali ang iyong pagsagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1.

6
2.

3.

4.

5.

7
Isagawa 1 – B

Share Mo Lang!

Panuto: Pumili ng isang isyu mula sa mga ipinakitang larawan sa Isagawa 1 - A.


Gumawa ng isang maikling sanaysay tungkol dito. Gawing gabay sa iyong sanaysay ang
sumusunod na mga tanong:
1. Alin sa mga isyung ipinakita sa unang gawain ang lubhang nakabagabag sa iyo?
Bakit?
2. Maituturing ba itong isang kontemporaryong isyu? Bakit?
3. Bilang isang mag-aaral, may magagawa ka ba para makatulong sa isyung ito?

(Pamagat)
________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Rubrik

Krayterya 5 4-3 2-1


Nilalaman/ Organisado, Organisado, Hindi masyadong
organisasyon komprehensibo at komprehensibo ngunit organisado at
malinaw na nailahad hindi masyadong komprehensibo, at
ang saloobin ng mag- malinaw na nailahad hindi malinaw na
aaral ukol sa paksa. ang saloobin ng mag- nailahad ang
aaral ukol sa paksa. saloobin ng mag-
aaral ukol sa
paksa.
Teknikalidad Maayos, malinis ang Maayos, ngunit hindi Hindi maayos,
at kalinisan pagkakasulat at masyadong malinis ang hindi masyadong
sumusunod sa pagkakasulat pero malinis at merong
pamantayan ng sumusunod sa hindi nasunod sa
pagsulat. pamantayan ng mga pamantayan.
pagsulat.

8
Isagawa 2

Panuto: Gamit ang graphic organizer, ipaliwanag ang konsepto ng


kontemporaryong isyu na iyong natutunan mula sa mga gawain.

Kontemporaryong Isyu

Ang kontemporaryong isyu ay…

__________________________________
______________________________________
______________________________________
_____________.

Isagawa 3

Kahon ng Ideya

Panuto: Sa iyong sagutang papel, ipaliwanag kung bakit mahalaga ang


pagiging mulat sa mga kontemporaryong isyu sa lipunan at sa daigdig.

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
____________________________________________________________.

9
Isaisip

Test I - Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang napiling
letra sa sagutang papel.

1. Ano ang kahulugan ng salitang kontemporaryo?


A. kasalukuyan C. nakaraan
B. nakalipas D. hinaharap

2. Anong salita ang tumutukoy sa paksa, tema, o suliraning nakaaapekto sa


lipunan?
A. balita C. isyu
B. debate D. tsismis

3. Alin sa sumusunod ang hindi nagsasaad ng tamang konsepto ng


kontemporaryong isyu?
A. Ito ay tumutukoy sa mga napapanahong isyu sa lipunan.
B. Ito ay tumutukoy sa mga isyu na nangyayari sa kasalukuyan.
C. Ito ay pinag-uusapan at pinagdedebatehan sa ating lipunan ngayon.
D. Ito ay tumutukoy sa mga pangyayari sa kasaysayan na hindi na pinag-
uusapan sa kasalukuyan.

4. Kailan maituturing na kontemporaryong isyu ang isang pangyayari o suliranin?


A. kung ito ay nagaganap sa kasalukuyang panahon lamang
B. kung ito ay mahalaga at makabuluhan sa lipunang ginagalawan
C. kung wala itong negatibong epekto sa lipunan o sa mga mamamayan
D. kung ito ay may positibong impluwensiya lamang sa lipunan o sa mga
mamamayan

5. Ang sumusunod ay nagpapahayag kung bakit mahalaga ang pag-aaral ng


kontemporaryong isyu maliban sa:
A. Nakatutulong ito upang magkaroon ng bilib at mataas na pagtingin sa sarili.
B. Nakatutulong ito sa pagpapayabong ng kaalaman at katalinuhan ng mag-
aaral.
C. Nahuhubog ang pagkatao bilang isang responsableng mamamayan ng
bansa.
D. Nakatutulong ito upang makapag-ambag ng solusyon sa paglutas ng
suliranin sa lipunang ginagalawan.

10
Test II- Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang TAMA kung wasto ang
binabanggit sa pangungusap at MALI naman kung hindi.

_____ 6. Dahil sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu, natututo tayong


magpahayag ng opinyon tungkol sa mga usapin sa lipunan.

_____ 7. Ang bawat isa ay dapat na mulat sa mga pangyayari sa ating


kapaligiran.

_____ 8. Ang isang isyu ay hindi maituturing na kontemporaryo kung negatibo ang
impluwensiya o epekto nito sa lipunan.

_____ 9. Tumataas ang presyo ng mga serbisyong pampubliko dahil sa


nakahahawang sakit na COVID-19.

_____ 10. Ang kontemporaryong isyu ay nagmula sa dalawang salitang –


kontempo at isyu.

Test III- Panuto: Basahin ang bawat pangyayari. Lagyan ng tsek (/) kung maituturing
itong kontemporaryong isyu. Lagyan ng ekis (x) kung hindi.

____ 11. pagsakop ng mga Espanyol sa Pilipinas

____ 12. paglaganap ng sakit sa buong mundo

____ 13. pagtatapos sa pag-aaral ng isang kapitbahay

____ 14. problema ng mag-anak

____ 15. kawalan ng trabaho ng maraming Pilipino

11
Susi sa Pagwawasto

Isaisip
Nalalaman Isagawa 1 - A 1. a
2. c
1. c
1. PANDEMYA 3. d
2. a
2. BLENDED 4. b
3. d
LEARNING 5. a
4. b
3. KAWALAN 6. TAMA
5. b
NG TRABAHO 7. TAMA
4. TERORISMO 8. MALI
5. PRANGKISA 9. TAMA
10. MALI
11. X
12. /
13. X
14. X
15. /

Pagsagawa ng Portfolio – Pahiwatig ng Pag-unlad!

Balikan mo ang iyong portfolio at gawin ang mga bahagi na sumusunod sa iyong
itinakdang mithiin. Tandaan na ang iyong portfolio ay koleksiyon ng iyong gawa sa
tulong ng exemplar. Binibigyang diin nito ang iyong kakayahang makita at mapagnilayan
ang iyong pag-unlad, saka sa natamo mong kakayahang maisagawa ang mga mithiin.
Bilang pagtatapos nitong portfolio, gawing patnubay ang rubric sa ibaba.

Rubric para sa Pagtatasa ng Portfolio

Magaling
Napaka-husay Pagbutihin pa Kabuu-an
Krayterya din
10pts.
5 pts. 3 pts. 2 pts.

Katapatan at
12
kawastuhan ng
sagot

Pagkamalikha-in sa
paggawa

Kalinisan at
kaayusan ng
awtput

Kabuuan

Sanggunian

Antonio, E. et. al., 2017, KAYAMANAN: Mga Kontemporaryong Isyu. Aralin 1: Pag-aaral
ng mga Kontemporaryong Isyu. Rex Bookstore. Batayan at Sanayang Aklat sa Araling
Panlipunan, pp. 1-7

https://www.slideshare.net/mojellojurich/1-konsepto-ng-kontemporaryong-isyu
https://www.youtube.com/watch?v=_neGRMkFAX0

13
14

You might also like