Professional Documents
Culture Documents
COT ESP7 4th Quarter
COT ESP7 4th Quarter
COT ESP7 4th Quarter
I. Pamantayang Pangnilalaman
Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kahalagahan ng personal na pahayag ng misyon sa
buhay.
II.Pamantayan sa Pagganap
Nakabubuo ang mga mag-aaral ng personal na pahayag ng misyon sa buhay.
III.Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. makakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng personal na pahayag ng misyon sa buhay;
b. mahihinuha na ang kanyang personal na pahayag ng misyon sa buhay ay dapat na nagsasailalim ng
kanyang pagiging natatanging nilalang na nagpapasya at kumikilos nang mapanagutan tungo sa
kabutihang panlahat; at
c. makabuo ng mga hakbang sa personal na pahayag ng misyon sa buhay
IV. PAKSANG ARALIN
A. Paksa: Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay.
B. Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao 7, Ikaapat na Markahan Modyul 2 “Ang Pahayag ng
Personal na Misyon sa Buhay o Personal Mission Statement “
Curriculum Guide Code: EsP7PB-IVd-14.4
C. Kagamitan sa Pagtuturo: Sipi ng aralin, batayang aklat, PowerPoint presentation, Video clip,
Monitor, Laptop
V. PAMAMARAAN
Gawaing Guro Gawaing Mag- aaral
A. Panimulang Gawain
Pambungad na Panalangin
Pagbati sa Guro
1. Balik- aral
Patungkol sa ano ang itinalakay natin noong Ang aralin noong nakaraang talakayan ay tungkol
nakaraang talakayan? sa kahalagahan ng makabuluhang pagpapasiya sa
uri ng buhay upang maging isang ganap ang iyong
pagkatao
2. Pagganyak
Gamit ang mind map, isulat ang mahahalagang
konsepto tungkol sa paksa o salitang nasa loob ng
bilog. Magdagdag ng bilog kung kinakailangan.
Gawin ito sa kwaderno.
Ano ang kahalagahan ng pagbuo ng mabuting Mahalaga ang prosesong ito sa ating pagpili dahil
pagpapasya? sa pagsasagawa nito, hindi maiiwasan na tayo ay
magdalawang isip sa ating gagawing pasya.
Magaling! Paano naman makatutulong ang Ang mga pagpapasyang isasagawa natin
mabuting pagpapasya sa pagtatamo ng buhay na hanggang sa pagtanda ang siyang magdidikta
ninanais mo sa hinaharap? kung anong uri ng buhay mayroon tayo sa
hinaharap at kung anong landas ang ating pipiliing
tahakin.
Tama! Ngayong kayo ay nasa yugto na ng
pagbibinata o pagdadalaga, mahalaga na
mabigyan na ng kakayahan na magpasiya para sa
iyong sarili ngunit lagging tandan na may mga
pagkakataon na kinakailangan pa rin ng patnubay
ng iyong magulang o nakatatanda.
B. Paglinang ng Gawain
1. Paglalahad
Isang mabuting gabay sa ating mga pagpapasiya
ang pagkakaroon ng personal na pahayag ng
misyon sa buhay o personal mission statement.
Ang pahayag ng personal na misyon sa buhay ay
maihahalintulad sa isang personal o pansariling
motto o kredo na nagpapahayag kung ano ang
kabuluhan ng iyong buhay. Para itong balangkas
ng iyong buhay.
2. Pagtatalakay
May sariling paniniwala si Sean Covey na isang “Begin with the end in mind”.Kung sa simula pa
Amerikanong guro sa kaniyang iniakdang aklat na lang ay alam na natin ang gusto nating mithin para
The Seven Habits of Highly Effective Teens? ating buhay, hindi na magiging mahirap para sa
Pakibasa sa monitor, Jessa. atin ang mga mahahalagang pagpapasya sa
buhay.
Ano ang ibig sabihin nito? Roselle Ito ay matatag at hindi mawawala, ngunit ito ay
buhay at patuloy na lumalago. Kailangan natin ang
matibay na makakapitan upang malampasan ang
anomang unos na dumarating sa ating buhay.
Walang permanenteng bagay sa mundo. Lahat ay Halimbawa, maaaring ngayon ay mayaman kayo,
nagbabago at maraming bagay ang hindi natin bukas naman ay naghihirap; malakas ang iyong
mapipigil o kontrol. Pakibasa ang halimbawa sa pangangatawan maaaring sa susunod ay hindi.
monitor, Maria.
Makikita sa monitor ang ilang mga paraan na 1. Mangolekta ng mga kasabihan o motto.
iminungkahi ni Sean Covey sa kaniyang aklat. 2. Gamitin ang paraang tinawag na “Brain Dump”.
Pakibasa, Aires. 3. Magpahinga o maglaan ng oras sa pag-iisip.
4. Huwag labis na alalahanin ang pagsulat nito.
Pumili ng ilang mga kasabihan na may halaga sa
Ano ang mga batayan na kinakailangan mo sa iyo at tunay na pinaniniwalaan mo.
pagpili ng mga kasabihan o motto?
Sa loob ng labinlimanng minuto ay isulat mo ang
Maaaring ang mga ito na ang gamitin mong anomang nais mong isulat tungkol sa iyong
pahayag ng iyong personal na misyon sa buhay. misyon. Huwag kang mag-abalang magsala ng
Paano naman gamitin ang paraang tinatawag na mga ideya o itama ang mga pagkakamali dito.
“Brain Dump”? Matapos ang labinlimang minuto ay maaari mo na
itong salain at itama ang mga pagkakamali sa
bararila o gramatika. Sa loob lamang ng 30 minuto
ay nakapagsulat ka na ng iyong pahayag ng
misyon sa buhay.
IV.PAGTATAYA
Panuto: Sumulat ng Pahayag ng Personal na Misyon sa Buhay bilang isang kabataan na magagamit
mo sa pagbuo mabuting pagpapasya. Suriin ito gamit ang mga gabay na tanong sa loob ng kahon sa ibaba.
Gawin ito sa isang buong papel.
.
V. TAKDANG ARALIN
Upang mas maging makabuluhan ang iyong pag-aaral sa modyul na ito, sa iyong kwaderno, kopyahin
ang matrix sa ibaba at itala ang iyong misyon sa iyong sarili, pamilya, kapwa, at bansa.
MISYON
Sarili
Pamilya
Kapwa
Bansa
Prepared by:
SUSAN A, PENDON
Head Teacher III- ESP
Noted by: