Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII
DIVISION OF SOUTH COTABATO
TUPI NATIONAL HIGH SCHOOL
Tupi, South Cotabato

SUMMATIVE TEST
KWARTER 4- LAS WEEK 1 & 2
FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

Pangalan: Taon at Baitang:


Guro: Petsa: Iskor:

I. Panuto: Basahin ang sumusunod na mga pahayag. Isulat ang salitang T kung ito ay tama at M naman
kung mali. Isulat ang sagot sa patlang.

______1. Bago ang pulong, hindi mo na kailangan tiyakin kung ang gagamitin mong kasangkapan ay nasa
maayos na kondisyon.
______2. Habang isinasagawa ang pulong hindi mo na kailangan kilalanin kung sino ang bawat isa dahil
sayang lang ito sa oras.
______3. Sikaping makilala kung sino ang bawat isa upang maging madali para sa iyo kung sino ang
nagsasalita.
______4. Nararapat lang na basahing muli ang katitikan ng pulong bago tuluyang ipasa sa kauukulan para
sa huling pagwawasto nito.
______5. Talakayin sa unang bahagi ng pulong ang higit na mahahalagang paksa
______6. Ihanda ang mga kakailanganing dokumento kasama ng adyenda.
______7. Ang katitikan ng Pulong ay kadalasang isinisagawa nang pormal.
______8. Ang katitikan ng pulong ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong.
______9. Ulat ng katitikan dIto ang uri o estilo ng pagsulat ng katitikan ng pulong kung saan isinasalaysay
lamang ang mahahalagang detalye ng pulong.
______10. Katitikan ng pulong isang desisyon ng pulong na hindi na ito kailangang banggitin pa dahil ito
ay pinal na.

II. Basahin ang sumusunod na mga pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa patlang.

A. ULAT NG KATITIKAN B. SALAYSAY NG KATITIKAN C. RESOLUSYON NG KATITIKAN

______1. Ito ang uri ng katitikan na kasama ang lahat ng mga detalyeng tinatakay sa panahon ng
pagpupulong.
______2. Itinatala rito kung sino sino ang mga nagsasalita at nagbibigay ng mga presentasyon ng
pagpupulong.
______3. Mga mahalagang detalye lamang ng pagpupulong ang itinatala nito.
______4. Ang ganitong uri ng dokumento ay maaaring maituring na isang ligal.
______5. Nakalakip lamang sa mga talaang ito ang isyung naaprubahan ng inyong samahan.
______6. Hindi na itinatala pangalan ng taong kinakausap o sinasang-ayunan sa pagpupulong.
______7. Ang mga salitang ito ay tinutukoy din bilang "napagkasunduan na.." o "napagtibay na..."
III. Basahin ang sumusunod na mga pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa patlang.

D. BAGO ANG PULONG E. HABANG NAGPUPULONG F. MATAPOS ANG PAGPUPULONG

______1. Ihanda ang iyong sarili bilang tagatala.


______2. Lumikha ng isang template upang mapadali ang pagsusulat.
______3. Basahin ang handa na agenda upang gawing mas madali ang pagsunod sa daloy ng mismong
pagpupulong.
______4. Maaaring gumamit ng lapis o panulat at papel, laptop o tape recorder.
______5. Ituon ang pansin sa pag-unawa sa isyu at sa pagtatala ng mga desisyon o rekomendasyon.
______6. Itala ang mga pagkilos nang mangyari ito, hindi pagkatapos.
______7. Suriin kung ano ang nakasulat at kung may mga hindi pagkakaunawaan, lumapit at magtanong
kaagad pagkatapos ng pagpupulong sa tagapagpadaloy o sa iba pang mga dadalo.

IV. Ibigay ang hinihingi

3 URI O ESTILO NG PAGSULAT NG KATITIKAN NG PULONG


1.__________________________________________________
2.__________________________________________________
3.__________________________________________________

3 HAKBANG SA PAGSULAT NG KATITIKAN NG PULONG


1.__________________________________________________
2.__________________________________________________
3.__________________________________________________

Inihanda ni: Natunghayan ni:

SUNSHINE C. IÑIGO ROMEL V. MAT-AN


Guro sa Asignatura Master Teacher II
Republic of the Philippines
Department of Education
Region XII
DIVISION OF SOUTH COTABATO
TUPI NATIONAL HIGH SCHOOL
Tupi, South Cotabato

SUMMATIVE TEST
KWARTER 4- LAS WEEK 3 & 4
FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

Pangalan: Taon at Baitang:


Guro: Petsa: Iskor:

I. Panuto: Basahin ang sumusunod na mga pahayag at ibigay ang hinihingi nito. Isulat ang sagot sa
patlang. (10 puntos)
Hakbang sa Pagsusulat ng Agenda

Narito ang mga hakbang sa pagsusulat ng Agenda:

I. Detalye ng Pagpupulong
 Lokasyon – (1)_________________________________
 (2)________ - Kailan idaraos ang pagpupulong.
 Oras –(3)_________________________________________
 (4)________________- Tagapagdaloy ng pagpupulong
II. Introduksiyon
 Pagtala ng bilang ng dumalo – (5)______________________________________________________
 (6)_______________________________– Sa bahaging ito, babasahin ng tagapagdaloy ang mga Agenda
na pag-uusapan.
III. Pormal na talakayan (7-8)
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
IV. Karagdagang impormasyon (9)
_______________________________________________________________________________________
V. Pangwakas na salita (10)
_______________________________________________________________________________________

II. Panuto: Basahin ang sumusunod na mga pahayag. Isulat ang ϴ kung ito ay tama at Δ naman kung
mali. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

_____1. Ang larawang sanaysay ay laging kinapalooban ng mga konsepto na sanaysay , sanay at lakbay.
_____2. Ang larawang sanaysay ay isang sulatin kung saan higit ng nakararami ang larawan kaysa sa
salita o panulat.
_____3. Marami ang paksang nais bigyang-diin sa mga larawan kaya’t hindi maaaring maglagay ng mga
larawang may ibang kaisipan o lihis sa paksang nais bigyang-diin.
_____4. Ang mga nakatalang sulat o katitikan sa bawat larawan ay suporta lang sa mga larawan kaya’t
hindi ito kinakailangang napakahaba o napakaikli.
_____5. Isipin ang mga manonood o titingin sa iyong Larawang-Sanaysay upang maibatay sa kanilang
kaisipan at interes ang mga larawang ilalagay gayundin ang mga salitang gagamitin sa pagsulat ng
kapsyon.
_____6. Layunin ng Lakbay-Sanaysay ang maitaguyod ang isang lugar na karaniwang lugar na pinuntahan
ng manlalakbay.
_____7. Ang lakbay-sanaysay ay maituturing na akademikong sulatin.
_____8. Mahalagang mapuntahan mismo ng manunulat ang lugar na kanyang isusulat.
_____9. Maging kapanipaniwala lamang ang sanaysay kung ito mismo ay nasubukang puntahan ng
manunulat.
____10. Isang sulatin na gumagamit ng mga larawan bilang pantulong sa paksa.
____11. Ang larawang sanaysay ay maituturing isa sa pinakamahalang paksa na dapat matalakay sa iba’t
ibang larang.
____12. Kinakailangan na nakalahad sa kronolohikal na ayos ang larawang sanaysay.
____13. Dapat lamang na isaalang alang ang mga gabay sa pagsulat ng sanaysay.
____14. May dalawang uri ng larawang sanaysay ito ay ang pormal at di-pormal.
____15. Sariling opinyon lamang ang larawang sanaysay.

IV. Ibigay ang hinihingi.

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG LARAWANG-SANAYSAY


1._________________________________________________________________
2._________________________________________________________________
3._________________________________________________________________
4._________________________________________________________________
5._________________________________________________________________

Inihanda ni: Natunghayan ni:

SUNSHINE C. IÑIGO ROMEL V. MAT-AN


Guro sa Asignatura Master Teacher II
Republic of the Philippines
Department of Education
Region XII
DIVISION OF SOUTH COTABATO
TUPI NATIONAL HIGH SCHOOL
Tupi, South Cotabato

SUMMATIVE TEST
KWARTER 4- LAS WEEK 5 & 6
FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

Pangalan: Taon at Baitang:


Guro: Petsa: Iskor:

I. Basahin ang sumusunod na mga pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa patlang.

A. PORMAL B. DI-PORMAL
______1. Ang ganitong uri ng talakayan ay isang seryosong paksa na nangangailangan ng malawak na
pagsasaliksik at pagsusuri ng mismong may-akda.
______2. Karaniwan itong naglalaman ng impormasyon tungkol sa isang tao, hayop, bagay, lugar, o
kaganapan.
______3. Ang isang halimbawa ay isang artikulo ng pahayagan.
______4. May kasama itong karaniwan, personal, at pang-araw-araw na mga paksa na maaaring
masiyahan o hindi masiyahan ang mga mambabasa.
______5. Pinupukaw nito ang karanasan ng manunulat sa isang paksa na maaaring ipahayag ang sariling
katangian na para bang nakikipag-usap sa isang kaibigan.

II. Panuto:Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay nagsasaad ng katotohan at MALI naman kung Hindi.
_____________6. Naglalahad ng sariling opinyon ang Replektibong Sanaysay.
_____________7. Maaring gawing malikhain o masining ang pagtatalakay ng sulating tinalakay.
_____________8. Ayon kina Arrogante, Golla, et. Al. (1997), ang Replektibong Sanaysay ay
nangangatwiran, nanunuri at nagapapaliwanag.
_____________9. Pumapaksa ang tinalakay na sulatin sa mga pangkaraniwang usapin o paksa.
_____________10. Sa kabuoan, ang replektibong sanaysay ay nagpapahayag ng sariling hinuha hinggil sa
napakinggan, napanood at nasaksihang karanasan.

III.Panuto: Tukuyin ang mga bahagi ng replektibong sanaysay batay sa mga sumusunod na pahayag.
_________________11. Dito inilalatag ang paksang tatalakayin sa Replektibong Sanaysay.
_________________12. Ang bahaging ito ay nagbibigay-diin sa hinuha at pananaw ng manunulat hinggil
sa isang usapin.
_________________13. Naipapakita ang kahalagahan ng usapin at nagbibigay ng kakintalan sa mga
mambabasa.
_________________14. Malayang naipapahayag ng manunulat ang kanyang sariling karanasan at mga
nasaksihan.
_________________15. Nagbibigay ideya hinggil sa tatalakayin.

IV. Ibigay ang hinihingi


MGA BAHAGI NG REPLEKTIBONG SANAYSAY
1._____________________________________________
2._____________________________________________
3._____________________________________________

MGA DAPAT TANDAAN O HAKBANG SA PAGSUSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY


4._____________________________________________________________________________________
5._____________________________________________________________________________________
6._____________________________________________________________________________________
V. Panuto: Paghahambing sa dalawang uri ng sanaysay. Paghambingin ang lakbay-sanaysay at
larawang-sanaysay ayon sa katangian, kahulugan, layunin at gamit sa pamamagitan ng Venn diagram.
(10 puntos).

(Pagkakaiba) (Pagkakaiba)
LAKBAY-SANAYSAY LARAWANG-SANAYSAY
(Pagkakatulad)

Inihanda ni: Natunghayan ni:

SUNSHINE C. IÑIGO ROMEL V. MAT-AN


Guro sa Asignatura Master Teacher II
Republic of the Philippines
Department of Education
Region XII
DIVISION OF SOUTH COTABATO
TUPI NATIONAL HIGH SCHOOL
Tupi, South Cotabato

SUMMATIVE TEST
KWARTER 4- LAS WEEK 7 & 8
FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

Pangalan: Taon at Baitang:


Guro: Petsa: Iskor:

I. Panuto: Ang sumusunod ay mga halimbawa ng mga batayang pananaliksik. Isulat ang PAA kung ito ay
sulating kinakailangan sa pang-araw-araw na gawain, PK kung pang-kalakal o bisnes, PA kung pang-
akademiko o ibang gawainng pang-institusyong, at PG kung pang- gobyerno. Ilagay ang iyong sagot sa
patlang bago ang bawat bilang.

_______________1. Paghahalaman sa Likod-Bahay


_______________2. Pagluluto ni Inang Maria
_______________3. Ang Pag-aaral patungkol sa Wikang Filipino
_______________4. Lakbay-Sanaysay sa Taal
_______________5. Ang Pananaliksik patungkol sa Pandemiyang COVID 19
_______________6. Feasibility Study ng Pag-aangkat ng Bigas
_______________7. Ang Pananaliksik sa Pagbuo ng Merkado sa Pilipinas
_______________8. Pagtatanim sa mga Bote ng Softdrinks
_______________9. Pagtuklas ng Bakuna sa Virus
_______________10. Mga Suliraning Pang -negosyo at ang Solusyon Nito

II. Panuto: Ang sumusunod ay mga pahayag na may kaugnayan sa etika at pagpapahalaga. Isulat sa
patlang ang malaking = kung ang pahayag ay wasto at malaking ≠ naman kung hindi.
_____1.Tumutukoy sa karakter at moralidad ng isang tao ang etika.
_____2.Ang respeto sa kapwa ay isang halimbawa ng gawain o praktis na kaugnay ng etika.
_____3.May sari-sariling etikang sinusunod at pagpapahalagang gumagabay sa isang komunidad o bansa.
_____4.Walang kaugnayan ang etika sa pagpapahalagang Pilipino.
_____5.Ang etika at pagpapahalaga ay kapwa gumagabay kung paaano ihaharap ang sarili sa kapwa.
_____6.May iisang etika at pagpapahalaga ang komunidad at institusyon.
_____7.Wika ang pangunahing batayan ng mga pagpapahalaga ng mga Pilipino.
_____8.Sa pagdating ng makabagong teknolohiya iba’t ibang etika at pagpapahalaga ang nangingibabaw.
_____9.Nababago, nagbabago, at napapalitan ang mga umiiral na pagpapahalagang Pilipino.
_____10.Kaugnay ng etika at pagpapahalaga ang mga tradisyon at paniniwala ng isang pangkat.

III. Ibigay ang hinihingi


PROSESO NG PAGSULAT NG BATAYANG PANANALIKSIK
1.________________________________________________
2.________________________________________________
3.________________________________________________
4.________________________________________________
5.________________________________________________
6.________________________________________________
7.________________________________________________
8.________________________________________________
ISYU O PAGLABAG KAUGNAY NG ETIKA AT PAGPAPAHALAGA SA PAGSULAT
9.________________________________________________
10._______________________________________________

MGA PAGPAPAHALAGANG MORAL AT INTELEKTWAL SA AKADEMYA


1.________________________________________________
2.________________________________________________
3.________________________________________________
4.________________________________________________
5.________________________________________________
6.________________________________________________
7.________________________________________________
8.________________________________________________
9.________________________________________________
10._______________________________________________

Inihanda ni: Natunghayan ni:

SUNSHINE C. IÑIGO ROMEL V. MAT-AN


Guro sa Asignatura Master Teacher II

You might also like