Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Learning Activity Sheets (LAS)

Araling Panlipunan 6
Pangalan_______________________________ Petsa: _______________ Iskor_____________

Pangunahing Suliranin at Hamong Kinaharap ng mga Pilipino Mula 1986


Hanggang sa Kasalukuyan
Gawain 1:Bilugan mo!
Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Sa ilalim ng panunungkulan ng mga nakalipas na mga pangulo mula 1986 ,May ilang suliranin
tayong nararanasan hanggang sa kasalukuyan,anong suliranin ang patuloy na nararamdaman ng
karamihan ng mga Pilipino?

A. Laganap na kahirapan at bagsak na ekonomiya


B. Suliranin sa rebelyon grupo at rebeldeng sundalo
C. Pag-agaw ng kapangyarihan sa pamamagitan ng coup d’ etat
D. Pagpapahinto sa mga programa ng radio at telebisyon

2. May mga nararanasang suliranin at hamon ang bawat mamamayang Pilipino taon-taon.
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa nito .

A. Pagputok ng bulkang Taal at Mayon


B. Pagtaas ng presyo ng karneng baboy at manok
C. Ang pagkakaroon ng mga usapin at isyu sa pulitika.
D. Pagkasira ng mga ari-arian gawa ng iba’t ibang natural na kalamidad

3. Malaking hamon sa pamamahala sa ating bansa ang mawakasan ang matagal ng suliranin ang
paghingi ng suhol, paggastos ng labis na pera ng bayan at paghingi ng “kick back” sa paggawa
ng proyekto ng pamahalaan.

A. Korapsyon C. Palakasan System


B. Ningas Kugon D. Pamumulitika

4. Ito ay kasalulukyang namiminsala at nagdudulot ng takot, kahirapan, pagbagsak ng ekonomiya at


pagkawala ng trabaho ng maraming tao sa ating bansa at sa buong daigdig

A. Covid-19 Pandemic C. SARS


B. Polio Virus D. Zika Virus

5. Ang suliraning ito ay isa sa mga nagiging balakid sa pagpapanatili ng katahimikan at kapayapaan
ng bansa na ang kadalasang dahilan ay kahirapan at kawalan ng opurtunidad ng mamamayan.

A. Korapsyon C. Paglaki ng populasyon


B. Kriminalidad D. Terorismo

Markhahan: 4 Linggo Blg.: 7-8


MELCs : Natatalakay ang mga programang ipinatupad ng iba’t ibang administrasyon sa
pagtugon sa mga suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino mula 1986 hanggang sa
kasalukuyan
Tala sa Guro (Pagmamay-ari ng Pamahalaan. Hindi Ipinagbibili.)
Learning Activity Sheets (LAS)
Araling Panlipunan 6

Gawain 2: Pagtapatin mo!

Panuto: Hanapin sa Hanay B ang naging suliranin na kinaharap ng bawat pangulo na nakatala sa
Hanay A. Isulat lamang ang letra ng tamang sagot.

HANAY A HANAY B
A. Pagharap sa mga taong nais na
agawin ang kapangyarihan sa
______ 1. Benigno Simeon Aquino III pamahalaan sa paraang coup de eta’t.

B. Diumano’y pagkawala ng tiwala ng


mga mamamayan dahil sa kalikaliwang
______ 2. Corazon C. Aquino pagbatay o Extra Judicial Killing.

C. Pagkawala ng tiwala ng mga


mamamayan sa kanyang
______ 3. Gloria M. Arroyo katapatan bilang pangulo .

D. Pagpanig sa mga taong nagsasagawa


ng mga illegal na sugalan.
______ 4. Joseph Estrada

E. Suliranin ang pag-angkin ng China


Spratly Islands at usapin sa
______ 5. Rodrigo R. Duterte Scarborough Shoal.

Markhahan: 4 Linggo Blg.: 7-8


MELCs : Natatalakay ang mga programang ipinatupad ng iba’t ibang administrasyon sa
pagtugon sa mga suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino mula 1986 hanggang sa
kasalukuyan
Tala sa Guro (Pagmamay-ari ng Pamahalaan. Hindi Ipinagbibili.)
Learning Activity Sheets (LAS)
Araling Panlipunan 6
Programang Ipinatupad ng Iba’t Ibang Administrasyon
Gawain 3 Bilugan mo !
Panuto: Basahing mabuti ang tanong/pahayag at isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

_____ 1. Sa kanyang administrasyon naipatupad ang Generic Act noong 1988, na nagtakda ng
mas abot-kaya ngunit kasinbisa ng branded na gamot para sa mga mamamayan
Pilipino.

A. Corazon C. Aquino C. Joseph Estrada


B. Fidel V. Ramos D. Rodrigo Duterte

_____ 2. Tinaguriang “PILIPINAS 2000” ang pangkalahatang programang pangkaunlaran na may


layuning paunlarin ang ekonomiya at antas ng pamumuhay sa bansa.

A. Benigno Aquino III C. Gloria M. Arroyo


B. Fidel V. Ramos D. Joseph Estrada

_____ 3. Binigyan-diin niya ang pinag-isang sistema ng mga lansangan at daungan na nag-uugnay
sa Luzon, Visayas at Mindanao sa pamamagitan ng tinaguriang Highways of the Sea o
Roll-on Roll-off (RORO)

A. Corazon C. Aquino C. Gloria M. Arroyo


B. Fidel V. Ramos D. Rodrigo Duterte

____ 4. Isa sa tatak ng administrasyong ito ang patuloy na paggiit sa soberanya ng bansa gamit ang
diplomasya. Naghain ng kaso sa International Arbitration Court upang pigilan ang patuloy na
paglabag ng China sa mga pandaigdigang kasunduan sa mga karapatan ng mga bansa sa
katubigan at kalupaan sa loob ng kanilang teritoryo.

A. Benigno Aquino III C. Gloria M. Arroyo


B. Fidel V. Ramos D. Rodrigo Duterte

_____ 5. Tinugunan ang suliranin sa enerhiya sa pamamagitan ng pagpapatibay sa Kongreso ng


Electric Power Crisis Act na nagbigay-kapangyarihan sa kanya upang makipagkasundo sa
mga prodyuser na punan ang kakulangan sa suplay ng enerhiya.

A. Benigno Aquino III C. Fidel V. Ramos


B. Corazon C. Aquino D. Rodrigo Duterte

Markhahan: 4 Linggo Blg.: 7-8


MELCs : Natatalakay ang mga programang ipinatupad ng iba’t ibang administrasyon sa
pagtugon sa mga suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino mula 1986 hanggang sa
kasalukuyan
Tala sa Guro (Pagmamay-ari ng Pamahalaan. Hindi Ipinagbibili.)
Learning Activity Sheets (LAS)
Araling Panlipunan 6

Gawain 4 Tukuyin mo!

Panuto: Tukuyin kung sino ang naglunsad ng mga sumusunod na programa sa panahon ng
kanilang panunungkulan. Piliin ang tamang sagot mula sa loob kahon at isulat ang letra
sa patlang sa bago ang bilang.

A. Corazon C. Aquino D. Gloria M. Arroyo

B. Fidel V. Ramos E. Benigno Simeon Aquino

C. Joseph Estrada F. Rodrigo R. Duterte

______ 1. Philippines 2000

______ 2. Build, Build, Build

______ 3. Moral Recovery Program

______ 4. Enhanced Retail Access for the Poor

______ 5. Free Public Secondary Education Act of 1986

______ 6. Batas Republika Blg. 6675 o Batas Generics ng 1988

______ 7. Pag-aalis ng Countrywide Development Fund o pork barrel

______ 8. Pagsasagawa ng “Lifestyle Check” sa mga opisyal ng pamahalaan

______ 9. Unang paglulunsad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4P’s

______ 10. Republic Act No. 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for
Public Officials and Employees

Markhahan: 4 Linggo Blg.: 7-8


MELCs : Natatalakay ang mga programang ipinatupad ng iba’t ibang administrasyon sa
pagtugon sa mga suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino mula 1986 hanggang sa
kasalukuyan
Tala sa Guro (Pagmamay-ari ng Pamahalaan. Hindi Ipinagbibili.)
Learning Activity Sheets (LAS)
Araling Panlipunan 6

(Pagmamay-ari ng Pamahalaan. Hindi Ipinagbibili.)

You might also like