Subconscious Love

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 175

Subconscious Love

Napier and Green

P anaginip, isang pagsasama-sama ng mga larawan,


ideya, emosyon at mga pakiramdam na nangyayari
sa tuwing ikaw ay natutulog.
Isang lugar na animo'y totoo. 
Hindi maipaliwanag na pantasya. 
Mas masaya kung maari mong makontrol. 
Isang lugar na masaya o pwedeng maging 
delubyo. 
Nakadepende sa iyo iyan.
Ako si Napier Dela Cruz. Isa akong engineer, kaga-
graduate ko lang noong nakaraang taon. I am twenty-three
years old. Lisensyado na akong Engineer at nagtatrabaho
bilang isang Structural Engineer sa pinapasukan kong
kumpanya.
Isa lang akong simpleng taong mahilig magmuni-
muni sa mga bagay-bagay. Mahilig akong mag-isip lalo na
sa mga bagay na may kaugnayan sa panaginip. Lucid
dreams, nightmares at marami pang iba.
Single ako ngayon, may gf na rin ako dati pero
nagbreak kami at simula no'n, hindi na ako nagkaroon ng
karelasyon pa. Hindi pa ako naging interisado sa mga
bagay na may kaugnayan sa pag-ibig. Wala akong oras
para sa mga bagay na iyan. Sige, tawagin mo na akong
bitter pero, marami pang mga bagay na mas mahalaga
diyan. Nagdesisyon na rin akong unahin ang sarili ko at
ang pamilya ko. Sapat na sa akin ang best friend ko at ang
mga pamilya ko. 

1
Akosik3n

Tatlo kaming magkakapatid at technically ako ang


panganay. Namatay kasi ang kuya ko, which is ang
panganay, at ako ang pangalawa. Ang isa ko pang kapatid
ay kasalukuyan pang nag-aaral sa kursong doktor at
nakatira pa kina mama at papa
Nakahiga lang ako sa sofa sa bahay ko. Hindi naman
ako masyadong mayaman, walang second floor ang bahay
ko at hindi ito masyadong kalakihan. Nakatira akong mag-
isa sa bahay ko. Ayaw ko nang maging pabigat sa mga
magulang ko. Tutal ay nakapagtapos na ako ay maaalagaan
ko na rin ang sarili ko, at sa huli ang mga magulang ko na
rin.
Habang nagbabasa ako ay may biglang tumawag sa
telepono ko. Tinignan ko kung sino, at si Green pala iyon.
Ang best friend ko. Sinagot ko ang telepono.
“Hello.” Ang sabi ko.
“Uy, Nape, may gagawin ka ba ngayon?” Ang tanong
niya sa akin. Mukhang may balak na namang siyang
maglakwatsa kasama ako.
“Wala naman, nagbabasa lang ako ng libro dito.”
“Ayos iyon! Gusto mo bang magmeryenda
mamaya?” Ang pag-aaya sa akin ni Green.
“O sige ba, saan mo ba gusto?” Ang tanong ko sa
kaniya.
“Doon na lang tayo sa restaurant malapit sa inyo.
Alam ko masarap doon.” Ang sabi naman ni Green.
Sumang-ayon naman ako sa kaniya.
“Okay, magkita tayo doon nang alas dos.”
“Sige, ingat ka Napier.” Binaba na ni Green ang
telepono at hinanda ko na ang mga gamit ko.
Matagal na kaming magkaibigan ni Green. Mula pa
nang elementarya ay magkaibigan na kami. Kaya alam na
namin ang kahinaan at kalakasan ng isa't-isa.

2
Subconscious Love

Si Green ay nakapagtapos ng kursong Arkitektura,


kaya bagay na bagay ang tandem namin dalawa.
Lisensyado na rin siya. Talagang napakagaling niya sa
pagdidisenyo. Isa siyang Junior Architect sa kumpanyang
pinapasukan niya. At isa pa, marami siyang naging ex. May
hitsura siya pero hindi siya mapalad pagdating sa pag-ibig.
Kinuha ko na ang wallet ko at nilagay ko na sa
shoulder bag ko. Pati ang binabasa ko ay nilagay ko na rin.
Para kung sakaling dumalaw ang pagkabagot ko,
magbabasa na lang ako nito.
Lumabas na ako sa bahay ko at kinandado na ang
pinto. Maglalakad na lang ako dahil walking distance lang
naman ang layo ng bahay ko papunta sa restaurant kung
saan kami kakain.
Habang naglalakad ay marami akong iniisip. Ano
kaya ang pakiramdam na nakokontrol mo ang panaginip
mo? Hindi pa ako nakakaranas ng lucid dreaming.
Base naman sa nababasa ko masaya ang ganitong
klase ng panaginip. Pwede mong gawin lahat ang hindi mo
pa nagagawa sa totoong buhay. Kung may problema ka,
pwede mo rin doong lutasin. Isa akong inhinyero pero
labis ang paghanga ko sa mga ganitong bagay.
Matapos ang ilang minuto ay narating ko na rin ang
restaurant kung saan kami magkikita at kakain. Malamig
ang lugar na ito at 'di masyadong kalakihan.
Two fifteen p.m. na at wala pa rin si Green, umalis
ako ng alas dos sarado para hindi na ako mag-aantay pero
mali ang akala ko. Ano pa bang aasahan ko, eh laging late
si Green, mula pa noong elementarya kami.
Nagsimula na akong tamaan ng pagkabagot.
Binuksan ko muna ang telepono ko. Pero ilang sandali ay
binitawan ko rin dahil walang wi-fi ang restaurant.
Kaya kinuha ko na lang ang librong dinala ko at
nagbasa. Pagdating sa mga nobela, hindi ako masyadong

3
Akosik3n

nagbabasa ng mga kwentong Romance ang genre. Mahilig


ako sa science fiction at slice of life genre.
Matapos ang ilang minuto ay dumating na si Green.
Hindi ko siya napansin kaagad dahil abala ako sa
pagbabasa ng libro.
“Napier, mukhang babad na babad ka diyan ah.”
Nilapag ko ang libro at tumitig na rin sa kaniya.
“Antagal mo eh, alam mo naman na madali akong
mabagot. Kaya nagbasa na lang ako.”
“Pasensiya na, hindi ko namalayan na alas dos na.”
“Sus, ganyan ka naman lagi.” Ang sabi ko sa kaniya.
Hinanda niya ang pera niya pero pinigilan ko siya. “Huwag
na Green, ako nang bahala sa bayad.”
Kinuha ko ang menu at nag-isip ng kakainin. Ilang
sandali ay lumapit na sa akin ang waiter. Tinanong niya
ang order naming dalawa. Pinili ko ang garlic rice na
buttered chicken ang ulam. Si Green naman ay egg rice at
buttered vegetables
Habang naghihintay ay nag-usap muna kaming
dalawa.
“Kumusta na ang love life mo.” Ang tanong sa akin
ni Green. Tumingin ako sa kaniya nang walang reaksyon.
Plain lang.
“Green, alam mo naman na hindi ako interisado sa
love life-love life na iyan. Gusto kong unahin ang pamilya
ko at ang mga pangarap ko.”
“Sus, por que ba hindi ka lagi kina-crushback ng
nagiging crush mo e ganyan ka na?”
“Hindi ah…” Pero may punto si Green, “Well oo
ganoon na nga pero... Haysss, bayaan mo na.” Hindi na ako
nagsalita pa dahil ayaw ko nang pag-usapan pa iyon.
Dumating na ang order naming dalawa at
nagsimula nang kumain. Habang kumakain ako ay bigla na

4
Subconscious Love

lang may tinidor na lumitaw at kinuha ang isa sa mga


manok ko.
“Pambihira ka naman Green! Wala ka bang
pagkain?” Ang sabi ko. Tumawa lang si Green at binigay
ang gulay niya.
“Makikipagkalakalan lang naman ako sa iyo eh,
hehe.” Ang palusot niya.
Matapos ang ilang minuto ay nakita ko siyang
nakatitig sa binabasa kong libro.
“Lucid dreaming, so iyan pala ang
pinagkakaabalahan mo kanina.”
“Oo, bakit?” Ang tanong ko sa kaniya.
“Buti at naeenjoy mo magbasa ng mga ganiyan.”
“Oo, mahilig ako sa mga bagay na may kaugnayan
sa mga ganiyan. Alam mo na, madami akong gustong
malaman.”
“Pero hindi ba ang weird, engineering ang kinuha
mong kurso pero napakahilig mo diyan.” Ang sabi niya.
“Wala namang masama 'di ba?” Ang patanong kong
sabi.
Andami naming pagkakaiba ni Green; sa ugali, sa
hobby, at sa love life. Pero ganunpaman, tanggap namin
ang isa't isa at iyon ang pinakamahalaga sa pagkakaibigan.
“Nasubukan mo na bang magkaroon ng lucid
dreams.” Ang tanong ko sa kaniya.
“Lucid dreams? Wala eh, kung wet dreams marami
na.”
“Gago!”
“Nagbibiro lang, ikaw ba? Nakaranas ka na ba?”
“Hindi pa eh, pero sabi nila sobrang saya daw no'n.
Kaya nga ako nagbabasa ng mga tungkol do’n eh.”
“Hmm...” Reaksyon niya. Mukhang  may iniisip siya.
Ilang sandali ay bigla siyang nagsalita. “Tama! May gusto
akong sabihin sa'yo Napier.”

5
Akosik3n

“Ano iyon?”
“May kaibigan ako. Medyo hindi lang kami
masyadong nag-uusap. Meron siyang makina para sa lucid
dreaming.”
“Ha? Seryoso ka ba diyan? Ikaw Green, tigil-tigilan
mo ako sa mga kalokohan mo ah.” Hindi ko muna
pinaniwalaan dahil imposible namang magkaroon ng
ganiyang mga bagay.
“Oo, sinabi na niya sa akin ito dati. Sinubukan ko
nga eh, ang astig! Hindi ko nga alam kung bakit bigla na
lang nawala sa isipan ko iyon.”
“Ewan ko sa iyo. Kung ano na namang kabaliwan
iyang naiisip mo?” Ang tanong ko.
“Totoo nga! Kung gusto mo puntahan pa natin
siya.” Kahit na may pagdududa ay may kaunting
pananabik akong nadarama.
“Hays, sige na. Naniniwala na ako. Pero kapag isa
na naman iyang prank, malilintikan ka sa akin.” Ang sabi
ko.
“Tara na! Ano pang hinihintay natin?” Ang sabi niya
“Malay ko, may hinihintay ba tayo?”

•==•

Umalis na kami sa restaurant at pinuntahan ang sinasabi


niyang kaibigan niya. Ako naman, nananabik na, pero sa
kabilang banda ay nagtataka pa rin.
“Green, seryoso ka ba sa sinasabi mo?”
“Hay naku, sumunod ka na lang. Maniwala ka, hindi
ka magsisisi.”
Sumunod na lang ako sa kaniya, wala namang
mawawala kung gagawin ko ito. Ilang sandali ay muli na
namang nagsalita si Green.
“Oo nga pala, Napier, may irereto ako sa'yo.”

6
Subconscious Love

“Green, alam mo namang hindi nga ako interisado


diyan.” Ang sabi ko naman
“Oo alam ko, pero kung sakaling biglang magbago
isip mo, may katrabaho ako sa kumpanya namin. Hindi ko
siya close dahil bago lang siya sa trabaho pero maganda
siya. Narinig ko lang 'yung pangalan niya kung saan...si
ano.... si J- J-”
“Hays itigil mo na nga iyan. Hinding-hindi
magbabago ang isip ko pagdating diyan. Marami pa akong
gustong abutin sa buhay.”
“Bahala ka.” Ang sabi niya.
Nabalot na naman kami ng katahimikan habang
naglalakad. Kaya kinuha ko muna ang phone at earphone
ko at nakinig sa music. Pinakinggan ko ang paborito kong
kanta, Atin ang Mundo by The Juans.
Ano kayang pakiramdam ng may sarili kang
mundo? 'Yung tipong lahat ay pwede mong gawin dahil
walang pumipigil sa'yo.

•==•

Narating na namin ang pupuntahan namin. Isang simpleng


bahay. Hindi ko inaasahan 'to dahil ang akala ko, isang
kung anong warehouse o building ang pupuntahan namin.
Pinindot ni Green ang doorbell. Ilang sandali ay
may bumungad sa aming isang lalaki.
“Green?” Ang tanong niya.
“Bryan! Tagal na nating hindi nagkikita, kumusta
ka.” Ang bati naman ni Green.
Kita ko sa lalaki ang pagkagulat niya nang makita
niya kami.
“Ah, oo nga eh. Sige pasok kayo.” Ang sabi niya.
Tumuloy na kami sa bahay niya. Pagkapasok ay
pinakilala ako ni Green sa kaniya.

7
Akosik3n

“Oo nga pala, Bryan, ito si Napier. Napier, si Bryan.”


“Kumusta.” Ang bati ko. Inaya ako ni Bryan na
maupo sa sofa niya kaya umupo ako. Samantala sina Bryan
at Green ay nag-usap malayo sa akin.
Kinuha ko muna ang librong binabasa ko kanina.
Nagfocus ako sa pagbabasa pero hindi ako maiwasan na
marinig ang usapan nilang dalawa.
“Pambihira ka Green, 'di ba sa'tin-sa'tin lang 'to?”
Ang wika ni Bryan.
“Pasensiya na, bigla na lang kasi pumasok sa isipan
ko eh.”
“Hay naku, dapat pala ginamit ko 'yung mas
matapang na Dream Oblivion Sedative nang hindi mo na
maalala ito. Paano kung ipagkalat niya?”
“Hindi iyan, huwag kang mag-alala. Tignan mo
'yung binabasa niya. Sobrang interisado siya sa mga
panaginip. Pagbigyan na natin.”
“Hay, sige na. Sige na.” Ang nasabi na lang niya.
Pagkatapos no'n ay lumapit na sila sa akin.
“Pasensiya na kung nakaistorbo pa ako sa inyong
dalawa ah.” Ang sabi ko.
“Naku, wala iyon Napier, basta sa'ting tatlo lang ito,
naiintindihan mo?” Ang sabi naman ni Green.
“Oo.”
“Sige, ililibot na kita.” Ang sabi ni Bryan. Malalim
ang boses niya. Pakiramdam ko seryoso siya sa buhay.
Pumunta si Bryan sa isang pader. Tumindig siya
doon at biglang umikot ang pader. Hindi ko inaasahan na
may sikretong lugar ang bahay na ito. Napunta kami sa
isang mala-headquarters na kwarto.
May nakita akong makina na nakaligpit sa secret
room na iyon.
“Ito ang makina para sa panaginip. Ang mga taong
nakakonekta dito ay masasama sa iisang panaginip.” Ang

8
Subconscious Love

paliwanag ni Bryan. Tinignan ko ang makina, para siyang


briefcase. Pamilyar sa akin ito, parang may napanood na
akong kagaya nito eh. Binuksan niya ang makina at
bumungad ang mga wires, at kung anu-ano pang
makinarya.
“May limang role sa machine na ito. Dreamer,
Architect, Subject, Populator at Company. Ang Dreamer
ang nagpapanatili sa state at integrity ng panaginip. Kung
walang nakaassign na Architect, siya rin ang gagawa ng
disenyo ng mundo sa panaginip. At kung walang Populator
o Subject, siya rin ang magpopopulate ng panaginip. Kapag
namatay ang Dreamer sa panaginip, mawawasak ito.” Ang
paliwanag niya.
“Ang Architect ang magdidisenyo ng panaginip.
Depende sa kung ano ang laman ng subconscious niya,
iyon ang magiging theme at atmosphere ng panaginip.
Kahit mamatay ang Architect, hindi na iyon bale dahil nasa
Dreamer naman nakasalalay ang integrity nito. 
“Ang populator naman ang nagpopopulate sa mga
Subconscious; ‘yung mga tao sa panaginip. Kung ano ang
ugali niya at kung paano mag-isip ang subconscious niya,
ay siyang magiging karakter ng Subconscious. Lahat ng tao
doon ay totoo at nakita na ng Populator, ng Subject, o ng
Dreamer sa totong buhay, depende sa kung sino ang
nagpopopulate. Kapag namatay ang populator, magiging
hostile ang mga subcoscious niya sa iyo.
“Ang Subject ay ang kasama sa panaginip. Katulad
din siya ng Populator pero hindi niya alam na nananaginip
siya.” Ang pagpapatuloy pa niya
“Bakit may subject?” Ang tanong ko.
“Sa tuwing may hinahakot kaming sikreto sa isang
tao, ginagawa namin siyang subject, para sa panaginip
namin malalaman ang sikreto niya. Pwede namin siyang

9
Akosik3n

isapilitan pero hindi kami mahuhuli kasi sa panaginip lang


iyon nangyayari.” Ang sagot niya.
“May operasyon na ba kayong ginawa?” Ang tanong
ko
“Oo, sinama ko sa panaginip 'yung crush ko para
malaman kung sino 'yung crush niya. At nalaman kong
best friend ko 'yung crush niya.” Ang sabi niya.
“Kawawa ka naman. Sige ituloy mo na yung
paliwanag mo.”
“'Yung Company naman ay ang mga taong aware na
nananaginip sila pero walang effect ang panaginip sa
presence nila. Para silang naninirahan sa panaginip, no
powers.” Ang sabi rin niya.
“Pwede ko na bang subukang managinip?” Ang
nananabik kong sabi.
“Kung iyan ang gusto mo. Sasamahan kita, para
mapaliwanag na rin sa'yo ang iba pang mga bagay. Pero
babalik din tayo sa reyalidad para ipaliwanag sa'yo ang
sedatives.”
“Ayos!” Ang reaction ko. Kinuha niya ang wire na
may parang relo sa dulo at sinuot iyon sa braso ko.
Ilang sandali lang ay nawalan na ako ng malay.

~••~

II

BRYAN
DREAM

10
Subconscious Love

N asa gilid kami ng kalye at naglalakad-lakad. Kasama


ko si Bryan ngayon.
“Alam mo naman 'di ba na sa panaginip, nagsisimula ka na
agad sa gitna. Mawawalan ka ng malay at mapupunta ka
na sa panaginip mo.” Ang paliwanag ni Bryan.
“Oo.” Sagot ko.
“Oo nga pala, paano tayo napunta rito?” Ang tanong
niya. Nagulat rin ako sa tanong niya. Hindi ko alam kung
paano ako napunta dito. Naguguluhan na ako, nasaan na
ako.
Mas lalo akong kinabahan nang lumalapit na sa
amin ang mga tao. Masama ang tingin nila, pero hindi sa
akin—kay Bryan.
“Bryan? Anong nangyayari?” Ang kabado kong
tanong. Nagtataka lang ako na hindi siya kinakabahan.
“Bryan, sabihin mo kung anong nangyayari?!!!”
Hindi nagtagal ay bigla na lang siyang pinagsasaksak ng
mga tao. Duguan siya.
Maya-maya ay nagsimulang yumanig. At nagsimula
na ring gumuho 'yung mga gusali. Hindi na ako makagalaw
sa sobrang takot. Walang anu-ano't nahulugan na lang ako
ng isang malaking bato.

REAL WORLD

Bigla akong nagising. Panaginip lang pala. Pero grabe ang


kaba ko. Pinagpapawisan na ako no'n. Nilapitan ako ni
Green para pakalmahin ako.
“Akala ko ay mamamatay na talaga ako. Bakit
naman nagkaganoon?” Ang tanong ko.

11
Akosik3n

“Ganoon ang nangyayari kapag may gumugulo sa


Subject o sa Populator. Natitrigger ang Subconscious na
maging hostile sa Dreamer. Kaya nila ako inatake.” Ang
paliwanag niya.
“At kapag namatay ang dreamer, masisira ang
buong panaginip. Ibig sabihin, lahat ng nananaginip ng
panaginip na iyon ay magigising.” Ang patuloy pa niya.
“Siya nga pala, oras na maging hostile ang isang
Subconscious, malalaman nila na nasa panaginip siya. At
pwede pa rin siyang makapagsalita ayon sa kung anong
nangyari sa panaginip dahil nasesave ng makina ang data.”
Ang isa pa niyang paliwanag
“Teka, anong oras na ba?” Ang tanong ko.
“Three twenty-one p.m.” Ang sagot ni Green.
“Three twenty-one? Three sixteen kami natulog.
Halos isang oras na kaming nag-uusap ni Bryan ah.” Ang
pagtataka kong tanong.
“Ang limang minuto dito sa real life ay isang oras sa
panaginip, which is one to twelve ratio. Kaya pakiramdam
mo, mahaba na ang oras na nagugugol mo sa panaginip.
Pero pwede mong lagyan ng Time Ratio Sedative ang
panaginip mo para maging one to twenty ang ratio ng real
at dream time mo.” Ang paliwanag pa niya.
“Ano Napier, gusto mo pa ba?” Ang tanong ni Green.
“Teka lang, mamaya na. Hindi ko pa malimutan
'yung pagkakasaksak kay Bryan.”

•==•
DREAM

Nasa isang tulay kami ngayon. Kasama ko ulit si Bryan,


pero this time, alam ko na nananaginip na ako.
“Isa ka nang Architect ngayon. Kaya alam mong
nasa panaginip ka na. Kapag Subject ka, hindi mo alam na

12
Subconscious Love

nananaginip ka. Kapag nalaman ng subject na nananaginip


siya, magiging hostile ang subconscious sa dreamer.” Ang
paliwanag na naman niya.
“Pwede mo na bang ituro kung paano magkaroon
ng pagbabago sa panaginip.” Ang sabi ko.
“Oo naman. Tutal Architect ka na, pwede mong
gamitin ang isip mo para kontrolin ang mga bagay.” Ang
wika ni Bryan.
Sinusubukan ko nang magkaroon ng pagbabago.
Pumunta ako sa isang kotse, iniisip na magtatransform
ang kotseng ito bilang isang kotseng lumilipad. Hinawakan
ko ang kotseng iyon at walang anu-anong bigla na lang
nag-iba ng anyo ang kotse. Bukas din ang kotse kaya
nakasakay na kaming dalawa.
Pinaandar na namin ito at ilang sandali ay lumipad
na kami
“Ayos!” Ang sabi ko. “Hindi naman siguro
carnapping 'to 'no?”
“Hindi ko alam.” Ang sabi naman niya.
Ilang sandali ay bumaba na kami. At muling
nagpaliwanag si Bryan.
“Hindi ka pwedeng gumawa ng mahigit sa tatlong
pagbabago. Malalaman ng mga Subconscious mo na nasa
panaginip lang sila. Papatayin nila ang Dreamer kapag
nagkaganoon.”
“Hindi ka rin pwedeng gumawa ng pagbabago sa
tao.” Ang pagpapatuloy niya. “Imposibleng...” Napahinto na
lang siya bigla.
“Imposibleng ano? Huy!” ang tanong ko. Nakita
kong nakatitig siya sa isang babae.
“Girlfriend mo?” Ang tanong ko ulit.
“Hindi, ex ko.” Niyugyog niya ang ulo niya. At
bumalik na ulit sa pagpapaliwanag.
“Bakit nandoon siya?” Ang tanong ko.

13
Akosik3n

“Subconcious ko ito eh. Kung anong trait ko, iyon


din ang nagiging trait ng mga Subconscious ko. Pwede rin
namang masama sa panaginip ang mga kilala ko o nakita
ko na sa totoong buhay..” Napabuntong hininga na lang
siya. “Buti at dreamer ako, kung populator o subject lang
iyon, malalagot na.”
“Oo nga. Dahil kapag gumulo ang isip nilang
dalawa, magiging hostile ang mga Subconscious.”
“Yan! Nakukuha mo na.”
Habang nagsasalita siya ay kumuha ako ng bakal.
Inisip ko na makakain ko ito at voila, makakain ko na nga.
Nagulat na lang sa akin si Bryan. “Anong ginagawa
mo?”
“Kumakain ng bakal. Bakit?” Ang sabi ko. Kumuha
rin ako ng bato at inisip na makakain ko ito na parang
keso.
Hindi pa ako nagsawa at maya-maya ay gumawa
ako ng isa pang pagbabago. Naaaliw ako sa nangyayari sa
mundo ko ngayon.
“Basta ang tatandaan mo, limitado... Napier, anong
ginawa mo?” Pagkatapos niyang masabi iyon ay bigla na
lang sumabog ang ulo niya, binaril siya ng shotgun.
Tumalsik ang dugo niya sa akin. At as usual, guguho na ang
panaginip. Nagkaroon ng malaking tsunami sa panaginip
at bigla na lang akong nagising.

REAL WORLD

“Isa pa.” Ang sabi ni Bryan.

•==•
DREAM

14
Subconscious Love

“Siguro ito na ang huling practice natin. Mukhang


masasanay ka na sa machine na ito.” Ang sabi niya habang
naglalakad kami sa gilid ng highway. At alam ko na
nananaginip ako.
“Oo nga pala, ako ang populator at ikaw naman ang
dreamer. Ipapakita ko sa iyo ang huling rule.” Ang
pagpapatuloy ni Bryan.
“Barilin mo ako.” Ang sabi ni Bryan na ikinagulat
ko.
“Ha? Bakit?” Ang tanong ko.
“Basta gawin mo na lang.” Ang sabi niya naman.
“Eh, saan ako kukuha ng baril?”
“Dreamer ka diba? Isipin mong may AK47 ka diyan
o 'di naman kaya MP5.” Gunawa na ako ng isang
pagbabago. Pagtalikod ko ay may shotgun na sa likod ko.
Remington Model 887 kasi ang nasa isip ko eh.
Nagulat si Bryan sa nakita niyang shot gun. “Teka,
teka, teka! Bakit ka may hawak na shotgun? Barilin mo ako
gamit lang ng pist—” Sumabog ang ulo niya nang kalabitin
ko ang gatilyo ng hawak kong shotgun. Halos masuka ako
sa nakita ko.
Ilang sandali ay may lumapit sa akin at may hawak
na balisong. Pinagsasaksak ako ng lalaki sa tiyan. Hindi
ako makagalaw sa sobrang sakit kaya binilang ko na lang
'yung saksak niya. Mga apatnapu’t lima iyon, at tuluyan na
akong nawalan ng malay at nagising.

REAL WORLD

“Kapag pinatay mo ang Populator o ang Subject, magiging


hostile sa'yo ang mga tao sa panaginip. Papatayin ka nila.”

15
Akosik3n

Ang sabi ni Bryan habang inaasikaso ang mga vials na may


lamang mga likido.
“Ano iyan?” Ang tanong ko.
“Sedatives.” Ang sagot naman niya. “Iyon ang
gagamitin kung gusto mong magkaroon ng attributives
ang mga panaginip mo. Parang customization. May mga
sedatives para sa malalim na panaginip, extended number
ng mga pagbabago, o 'di naman kaya ay pagkalimot sa
panaginip.”
“Pamilyar talaga ito. Napanood ko na ito eh.” Ang
sabi ko.
“Inception.” Ang sabi ni Green.
“Tama! Parehas na parehas nga.” Ang sabi ko.
“Akala ko nga hindi na mangyayari iyon dahil sci-fi, pero
nandito ako, nakatingin sa makina.”
“Gusto mo na bang managinip ngayon?” Ang tanong
ni Bryan.
“Ewan, ayos lang ba sa'yo iyon?” Ang sabi ko
naman.
“Sa akin, ayos lang. Papayag ka ba Green?”
“Oo. Isa pa hindi ko pa nasusubukang managinip
ngayon kasama si Napier.”
“Tara na.” Ang sabi ko.
“Hindi na ako sasama, kailangan natin ng bantay sa
makina. Baka kasi may kung anong mangyari.” Ang sabi ni
Bryan habang inaayos ang wire.
“Gusto ko maging dreamer.” Ang sabi ko. Kinuha ni
Bryan ang wire para sa dreamer at kinabit sa akin.
“Populator na lang ako.” Ang sabi naman ni Green.
Kinabit na rin ni Bryan ang wire sa kaniya.
“May gusto ba kayong ilagay na sedatives?”
“Time Ratio Sedative lang.” Ang sabi ko naman.
Nilagay na ni Bryan ang sedative sa makina. Unti-
unti ay nawalan na ako ng malay.

16
Subconscious Love

•==•
DREAM
Day 1

Nasa condo kami. Siguro doon na ako naninirahan. Alam


kong nananaginip na ako. Hinanap ko si Green.
Bumaba ako sa main floor at lumabas ng condo.
Pagkalabas ko ay nakita ko ang mga magaganda at
nagtatatasang mga condo. At ang kalsada ay six-laned
highway na may monorail sa taas. Kapag natyempohan ka
nga naman ng magandang disenyont panaginip. Salamat sa
akin at nagdisenyo ako ng magandang panaginip.

•==•

Habang nakatitig sa daan ay may tumawag sa akin—si


Green. Galing siya sa condo.
“Nandiyan ka lang pala Nape. Ano nang gusto mong
gawin ngayong nasa panaginip ka na?” Ang tanong niya
“Hindi ko alam, marami akong gustong gawin kaysa
magkwentuhan lang dito.” Ang sabi ko naman
“Kunsabagay, tama ka.”
“Siya nga pala, pamilyar ka ba sa lugar na ito?” Ang
tanong ko.
“Hindi eh, pero mas mainam na siguro kung libutin
na natin yung lugar.”
“Halika na.” Ang aya ko. Lumabas na kami ng condo
ni Green at nagtungo na sa highway.
Habang nasa highway ay tinitignan namin ang nga
nagtataasang mga building. Kasabay pa ng mga sasakyang
dumadaan nang mabilis dahil mababa lang ang traffic sa
highway. Nakita rin namin ang monorail na dumaan.
Napakabilis ng monorail na iyon.

17
Akosik3n

Naghanap kami ng restaurant upang doon kumain.


Ilang sandali ay may nakita kaming building na binubuo
lamang ng mga restaurant. Makikita mo ang mga
kumakain dahil mga malalaking bintana ang dingding nito.
At sa bawat floor namam ay may isang restaurant.
Jollibee sa first floor, Mc Donalds sa pangalawa,
hanggang sa umabot sa fifteenth floor kung saan
nakapwesto ang KFC. Ang weird at sobrang kakaiba ng
mga nakikita ko sa panaginip ko
“Saang floor mo gustong kumain?” Ang tanong ko
“Sa rooftop.” Ang sabi niya.
“Sige, ako na lang pala kakain.”
“Baka may dala kang pera.”
“Pwede naman akong magparami ng pera, tandaan
mo may tatlo akong pagbabagong pwedeng gawin kada
araw.”
“Oo na sige na, sa KFC na tayo kakain para may
unlimited gravy. Isa pa, maganda ang view sa taas.
Makikita natin kung anong hitsura ng buong syudad.” Ang
sabi ni Green.
Pumasok na kami sa building at pumunta sa
elevator. Ilang segundo ay nakarating na rin kami sa KFC.
“Andaming tao dito.” Ang sabi ni Green. “Kilala mo
ba lahat ng ito?”
“Hindi ko alam, subconscious mo ito. Ibig sabihin,
lahat ng mga tao dito, nakasalamuha mo na.”
“Pero bakit parang hindi naman sila pamilyar?”
“Nakakalimutan mo kasi ang mga hitsura nila. Pero
ang utak mo, napa-process nila iyon. Pero wala kang alam
dahil subconscious mind mo iyon. Kaya siguro tinatawag
na Subconscious ‘yung mga tao rito.” Ang paliwanag ko sa
kaniya.
Nag-order na kami ng pagkain at pumwesto sa gilid
ng building. Inobserbahan ko ang view sa bintana,

18
Subconscious Love

magagara ang mga building dito. Pero sa 'di kalayuan ay


may bulubundukin.
Habang kumakain ay may natanong na naman sa
akin si Green. “Ano nang plano mo? Gusto mo bang
maghanap ng nga chicks?”
“Ano ka ba? Hindi ako interisado diyan. Saka may
plano akong gumawa ng kanta sa isang recording studio.”
Ang sabi ko.
“Ano ba iyan. Ang boring mo naman.” Ang sabi niya.
“Subukan mo naman, malay mo magustuhan mo.”
“Hays... Ikaw ba, anong plano mo rito.”
“Ewan ko, sa'yo naman itong panaginip na ito eh.
Ano bang magagawa ko rito? Hindi naman ako malayang
makagawa ng pagbabago rito.”
“Pwede mo namang sabihin sa akin na may gusto
kang baguhin. Tatlo naman ang pwede kong baguhin sa
isang araw. Isa sa iyo, dalawa sa akin.”
“Siguro, maglakbay lang kung saan saan. Bahala na,
malalaman naman natin kung ano eh.” Ang sabi niya. Ilang
minuto ang lumipas at natapos na kami sa pagkain.
Bumaba na kami.
Nag-uusap lang kami sa bangketa, iniisip kung
anong sunod naming gagawin. “Ano nang gusto mong
gawin ngayon?” Ang tanong ko.
“Wala eh, ikaw ba? Kung anong gusto mong gawin,
sasakyan na lang kita.”
“Hayyy ikaw naman, syempre--” Napahinto ako
nang may mabangga akong isang babae. Nalaglag ang mga
hawak-hawak niyang papeles.
“Ay! Naku! Sorry!” Ang sabi ko. Napaluhod ako para
tulungan siyang pulutin ang mga nalaglag niyang gamit sa
bangketa. “Pasensiya na, tulungan na lang kita sa
pagpulot.” Pagkadampot ko ng folder ay may nakita akong
papeles na may pangalan niya.

19
Akosik3n

“Jessie Mae Arellano?” Ang sabi ko.


“Yes, ako nga. Bakit?”

~••~

20
Subconscious Love

III

Jessie
DREAM

“Jessie Mae Arellano?” Ang sabi ko.


“Yes, ako nga. Bakit?” Ang sabi niya.
“Ah, eh... Wala. Nakita ko lang.” Ang sabi ko habang sabay
labas ng aking awkward smile. Pinulot ko na ang mga
gamit niya at ibinigay sa kaniya.
“Thank you.” Ang sabi niya sa akin sabay ngiti.
Napatitig lang kaming dalawa sa kaniya habang
papalayo siya.
“Ang ganda niya.” Ang sabi ni Green.
“Kilala mo ba iyon?” Ang tanong ko sa kaniya.
“Well, sabi mo nga kanina, nakasalamuha ko na
iyan eh. Pero hindi ko alam kung kailan at saan.” Ang sabi
niya. “Pre, chicks na sana iyon pre!” Ang pagpapatuloy pa
niya.
“'Yan ka na naman. Bakit hindi na lang kaya ikaw?
Ligawan mo kung gusto mo.”
“O, bakit ganiyan sagot mo. Nagseselos ka 'no kasi
may kaagaw ka?” Ang pang-aasar niya.
“Hindi ah! Tumigil ka nga.” Nagpatuloy na ako sa
paglalakad pauwi sa condo namin. Oo, nakakita ako ng
isang magandang dilag pero walang namumuong interes
ang damdamin ko sa kaniya.
Oo tama si Green, hindi ako kinacrushback palagi
ng mga crush ko. Pero isang beses ay umibig ako.

21
Akosik3n

Sa babaeng iniibig ko, binuhos ko ang buong


pagmamahal ko. Nabaliw ako sa kaniya. Siya lang ang
tanging laman ng utak ko.
Sobra akong napalapit sa kaniya. Para bang hindi
na iikot ang mundo nang wala siya. Lahat ay ginawa ko
maging masaya lang siya. Hindi ko hahayaan na mawala
siya sa akin.
Pero mukhang ako lang ang nasasaktan sa
ginagawa ko. Bago kami magtapos, naramdaman ko na
nais na niyang bumitaw sa akin. Para bang andali lang sa
kaniya na mawalay sa akin, na iwanan ako.
Ayaw ko siyang mawala. Ilang beses akong
nakiusap pero hindi niya naiintindihan na masakit sa akin
na iwanan niya ako dahil mahal ko siya. Pinilit kong
kumapit pero wala na.
Hindi ko maipaliwanag ang sakit. Ganoon lang ba
kadali na bumitaw sa taong mahal mo? Ayoko nang
mangyari sa akin iyon; na mababalewala na naman ang
pagmamahal na binigay ko sa kaniya.
Sa sobra kong pagmumuni-muni, hindi ko
namalayan na nahiwalay na pala ako kay Green. Hindi ko
alam kung saan siya nagsuot kaya bumalik na lang ako sa
condominium namin.

•==•

Nang makapasok ako sa condominium ay hinanap ko ang


kwarto ni Green. Kumatok ako sa pinto dahil baka
nandoon na siya. Bumukas ang pinto; nasa bahay na nga si
Green.
“Oh, ikaw pala.” Ang sabi niya.
“Saan ka nagpunta, bigla kang nawala?” Ang sabi ko
naman.

22
Subconscious Love

“Nauna ka nang maglakad eh. Bigla mong binilisan


lakad mo.”
“Akala ko naman eh hahabulin mo ako.” Ang wika
ko naman.
“Napatingin lang ako sandali sa poster eh, tapos
paglingon ko nawala ka na.”
“Edi, sorry na.”
Tumawa siya. “Ayos lang. Nga pala, ito 'yung nakita
kong poster.” Inabot niya sa akin 'yung poster na nakita
niya.
“Basketball Audition. Kailan ito?” Ang tanong ko.
“Bukas na ang audition. Sa Guillermo Ave. daw ang
address ng Sports Complex. Doon gaganapin ‘yung
audition.”
“Saan naman banda iyon?” Ang tanong ko.
“Malay. No'ng nagtanong ako kung nasaan iyon, ang
sabi eh nasa tabi daw ng ConstelCafé.”
“Ano naman 'yung ConstelCafé?”
Napabuntong-hininga si Green. “Wala ka bang
google maps?”
“Tingin mo ba nag-eexist ‘tong lugar na ‘to sa
Google Maps?”
“Aba, malay ko. Bakit ‘di mo tignan?” Napailing ako.
Binuksan ko ang Google Maps ngunit walang internet
connection.
“Pambihira, wala akong net. Bumili na lang tayo ng
mapa ng syudad?”
“Saan tayo makakahanp ng nagtitinda ng mapa?”
“Tara, lumabas tayo. Maghanap na lang tayo.” Ang
aya ni Green.
Lumabas na kami ng condominium at naghanap ng
tindahan. Naglakad kami kung saan-saan. Ilang sandali ay
may nakita kaming nagbebenta ng mapa sa bangketa.

23
Akosik3n

Lumapit kami at nagtanong. “May mapa po ba kayo


ng syudad na ito?”
“Meron hijo, bibili ba kayo?” Ang tanong ng tindero
“Opo, hinahanap po bamin kasi 'yung Sports
Complex, katabi daw po siya ng ConstelCafé.”
“Mga baliw ba kayo?” Nagulat kami sa sagot ng
tindero.
“Kuya nagtatanong lang naman po kami, bakit niyo
po kami sasabihan ng ganiyan?”
“Tumingin kayo sa taas.” Sinunod namin ang sinabi
niya at may nakita kami.
“ConstelCafé.” What? Nandito na kami!
“Hahahah, Green! Nandito na tayo. Hanapin na
natin 'yung Sports Complex. Salamat kuya!”

•==•
Day 2

Lumabas ako ng kuwarto. Kagigising ko lang. Nakita ko si


Green na bihis na. Nakasuot siya ng pambasketball na
hindi ko alam kung saan niya kinuha.
“Saan galing yang suot mo?”
“Mayroon tayo niyan sa aparador.”
“Ganoon ba? Tara samahan na kita papunta sa
Sports Complex.” Naghanda na rin ako para samahan siya.
Naglakad kami papunta ng sports complex. Bakas
sa mukha ni Green ang pananabik niya kahit na panaginip
lang ito. Ang alam ko kasi ay hindi pa niya nasusubukang
sumali sa isang basketball league.
“O sige, papasok na ako. Kita na lang tayo mamaya.
Paalam.” Ang sabi niya. Nagpaalam na rin ako. Uuwi na
sana ako nang maalala kong café pala ang katabi ng
complex na iyon. Kaya naman nagdesisyon akong
magkape muna.

24
Subconscious Love

Pumasok ako sa ConstelCafé. Dama ko ang lamig ng


aircon sa katawan ko. Inisip ko muna kung paano
umorder. Pero pansin ko na walang nakapila kaya in-
assume ko na lalapit ang waiter sa customer.
Naupo na ako sa upuan na sobrang lambot. Habang
naghihintay ay kinuha ko ang phone ko at nagfacebook.
Maya-maya ay may lumapit sa akin. Hindi ako
nakatingin sa mukha. Sa halip ay sa legs ako napatingin
kaya naman nalaman ko na babae iyon, at siya ay isang
waitress. “Ano pong order niyo sir?” Napalingon ako at
nagulat ako sa nakita ko. Pamilyar ang mukha niya.
“Teka, mukhang nakita ko na kayo.” Ang sabi ng
babae. Tama, siya ‘yung babaeng nakasalubong ko
kahapon.
“Ikaw ba 'yung nakabunggo ko kahapon?”
“Oo, ako nga. Ikaw pala iyon.”
“Hindi ko inaasahan na magkikita ulit tayo. Teka,
gusto ko ng isang cappuccino.” Ang sabi ko.
“Oh sige, babalik ako.” Naghintay ako ng ilang
sandali. Matapos ang ilang minuto ay bumalik din siya dala
ang dalawang kape.
“Cappucino para sa iyo at mocha para sa akin.” Ang
sabi niya. Umupo siya sa harap ko. Nahihiya lang ako nu'ng
una dahil hindi ako madalas na nakikipag-usap sa babae.
At isa pa, subconcious lang ang kinakausap ko.
“Alam mo, hindi ko talaga inaasahan na... magkikita
tayong muli. Biruin mo?” Ang sabi niya sa akin.
“Oo nga eh, nagtatrabaho ka ba rito?” Ang tanong
ko sa kaniya.
“Well, family business kasi ito. Sa ate ko ito.
Nagtatrabaho ako sa...” Nakatulala na lang ako sa kaniya.
Pinagmasdan ko ang kaniyang mukha.
Kulay itim ang buhok niya. Sa ngayon ay naka
ponytail ang buhok niya. Kulay itim lang din ang mga mata

25
Akosik3n

niya. Pula ang mga labi. Pero ang pinakanagustuhan ko sa


kaniya ay ang kilay niya. May hugis ang kilay niya, na... na...
Basta, kakaiba talaga.
Hindi ko napansin na kumakaway na sa harap ko si
Jessie. “Hello? Nakikinig ka ba? Malayo ang tingin mo ah.”
“Pasensiya na, may naalala lang.”
“Oo nga pala, hindi ko pa pala natatanong ang
pangalan mo.” Humigop siya ng kape.
“Napier Dela Cruz.” Ang sabi ko. Hinigop ko na rin
ang cappuccino ko.
“Saan ka nakatira?”
“Sa Railside Condominium. Malapit lang dito.”
“Ahh ganoon ba? Uhm... Alam kong medyo personal
ito, pero may girlfriend ka na ba?” Muntikan na akong
mabilaukan sa sinabi niya. That was unexpected.
“Ah, wala. At saka... wala akong balak?”
“Bakit naman?”
“Sayang sa oras. Hindi ko pa naman kailangang
magkaroon agad. Marami pa akong mga pangarap na balak
tuparin.”
“Nagka-gf ka na ba?” Napahinto ako sandali.
Sasabihin ko ba sa kaniya na nagkagirlfriend na ako? Parang
hindi ko pa feel na mag-open up sa kaniya tungkol sa personal
kong buhay.
“Ano... hindi pa. Saka, sayang lang talaga sa oras.
Basta, ayoko.”
“Sa una lang iyan. May mga bagay na sa una ayaw
mo pero kapag nasubukan mo, magugustuhan mo rin.”
Malalim.
“Wow. Anlalim no’n ah.” Ang sabi ko sa kaniya. Nag-
usap pa kami nang ilang minuto. Ngayon ay naubos ko na
ang kape ko. Kinailangan ko na ring umalis dahil babalik
na ako sa condominium ko.

26
Subconscious Love

“Well, it’s nice to meet you. At sana mapadalas ang


pagpunta mo rito ah.” Ang sabi niya.
“It’s nice to meet you too. Dito na ako pupunta sa
tuwing magkakape ako. Paalam!” Ang sabi ko. Naglakad na
ako pabalik sa condominium namin.

•==•

Nagbabasa ako sa sala ko nang biglang pumasok si Green.


Nakasimangot siya.
“Nakakainis naman! Natalo kami.” Ang sabi niya.
“Ngayon ano na?” Ang tanong ko sa kaniya.
“May round two naman bukas. Best of three naman
ang labanan. Pero nag-aalala ako na matatalo ulit kami.
Bobo mga kakampi eh.”
“Ikaw naman, ambilis mong magpunta sa
konklusyon. Hindi mo muna subukan ulit. Ang iniisip mo
eh magiging negative na naman ang kalalabasan. Malay mo
sa sunod niyong laban manalo kayo.” Ang sabi ko sa
kaniya. Napabuntong hininga na lang si Green.

•==•
Day 3

Palabas ako ng building. Sa 'di inaasahan ay nakita ko si


Jessie na may dalang kape.
“Jessie ikaw pala. Bakit ka nandito?”
“Wala lang, alas nueve na kasi. Iniisip ko na baka
nalate ka ng gising dahil hindi ka pumunta sa shop. Kaya
heto, dinalhan kita ng kape.”
“Ahh, salamat.” Ang sabi ko sabay kuha ng kape.
“Oo nga pala... may gusto akong sabihin sa iyo.”
Napatingin ako sa kaniya, pero siya nakayuko lang.

27
Akosik3n

“Sige lang.” Hinigop ko na ang kape ko saka siya


nagsalita.
“Ano... uhhh... kasi... may gusto ako sa iyo eh.”
Muntik ko nang maduwal ang kape ko sa narinig ko. “A-
alam kong nakakagulat iyon dahil hindi pa tayo
masyadong nagkakakilala. Pero na love at first sight ako at
hindi ko kayang itago ang nararadaman ko.” Ang patuloy
niyang sabi. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Alam naman
niya na hindi ako interisado sa pag-ibig.
“Eh kasi—” Pinutol niya ang pagsasalita ko.
“Oo, alam kong wala kang interes sa mga ganitong
bagay. Pero, kung sakaling magbago ang isip at pananaw
mo, nandito lang ako.” Ang sabi niya. “Sige, kailangan ko
nang umalis. Babalik na ako sa café.” Kumaway kami sa
isa't-isa saka siya umalis.
Maya-maya ay dumating si Green. “Sino iyon?” Ang
tanong niya.
“Si Jessie.” Sagot ko
“Ha? Anong ginawa niya rito?”
“Binigyan niya lang ako ng kape.”
“Ha? Paano niya nalaman 'yung address natin?”
“Nagkita kami sa ConstelCafé, sa ate niya iyon at
doon siya nagtatrabaho.” Ang paliwanag ko. “Halika na,
pumasok na tayo sa loob.”
“Bakit ka namumula?” Ang tanong niya sa akin.
“Ha? Ewan ko.” Ang sagot ko. Ayaw kong paasahin
at pagmukhaing tanga si Jessie, pero nadala na ako sa una
kong pag-ibig.
Hindi ko alam kung bakit inamin pa niya sa aking
may gusto siya. Sinasaktan niya lang yata ang sarili niya.
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya na wala
akong balak na magkaroon ng kasintahan.
“...may mga bagay na sa una ayaw mo pero kapag
nasubukan mo, magugustuhan mo rin.” Iyan ang sinabi sa

28
Subconscious Love

akin ni Jessie. May punto siya, pero nasubukan ko na ang


magmahal. Masaya at masarap sa pakiramdam. Pero
matindi ang sakit na pinadama sa akin sa huli.
“Ikaw naman, ambilis mong magpunta sa
konklusyon. Hindi mo muna subukan ulit. Ang iniisip mo eh
magiging negative na naman ang kalalabasan.” Ito ang
sinabi ko kay Green noong nainis siya dahil natalo siya
kahapon. Natamaan ako sa sinabi ko mismo. Natatakot ako
na baka masaktan muli ako. Natatakot ako na ako na
naman ang masasaktan dahil mahigpit akong kumapit
noon. Pero sa kabilang banda, hindi sa lahat ng
pagkakataon ay ganoon ang kahahantungan.
Pero nasa isang panaginip lang ako.
At kapag nahulog ako, posibleng kahit anong oras
ay pwede akong magising kapag may mangyari sa labas ng
panaginip. Kahit anong oras ay mawawalay ako sa kaniya.
Mawawalay ako sa kaniya at hindi ko na siya makikitang
muli dahil hindi siya kilala ni Green.
Hindi ko naman basta-basta malimutan ang mukha
niya paggising ko. Sana nga lang ay malimutan ko siya oras
na naging kami at nagising ako. Hindi ako manghihinayang
na nagising ako sa panaginip ko dahil wala na akong
maaalala.
Ano ba? Bakit ba ako nag-iisip ng ganito. Bakit ko
iniisip ang hinaharap? Sa tuwing nag-iisip ako ng
hinaharap ko, ang kasalukuyan ay nagiging isang
nakaraan. Dapat ngayon ay may ginagawa na ako.
Four thirty p.m., umalis na si Green para sa audition
niya. Ako na lang ang mag-isa sa sala. Nagpalitaw na ako
ng bulaklak. Nagamit ko na ang una kong pagbabago.
Pumunta na ako sa café. Pumasok ako sa pintuan at
pumunta sa counter.
“Miss, nandito po ba si Jessie Mae?”

29
Akosik3n

“Naku, wala siya rito. Nasa primary job niya siya


ngayon. Tuwing weekends lang siya nagtatrabaho rito.”
Ang sabi ng waitress.
“Ah ganoon ba?” Ang sabi ko, nakarinig ako ng
bukas ng pinto. Pagtalikod ko ay siya iyon.
“Napier!” Ang tawag niya. Binigay ko na sa kaniya
ang bulaklak. Ang weird nga eh, magbibigay ako ng
flowers pero wala naman akong balak ibigin siya.
“Para sa iyo ito. Ayaw ko kasing isipin mo na
naghihintay ka lang sa wala.” Ang sabi ko sa kaniya.
“Salamat. Hindi ko inasahan na pupunta ka sa café
ngayon.” Kita ko ang matamis niyang ngiti.
“Oo nga pala, kailangan ko nang umalis. May
kailangan pa akong gawin.”
“Hindi ka ba magkakape ngayon.”
“Nagkape na ako kanina, baka mamaya
magpulpitate ako kapag nagkape ulit ako. Siya nga pala,
pwede ba tayong magkita dito bukas? Sabay tayong
magkape?” What the hell? Anong tanong iyon?
“Teka, isipin ko muna kung libre ako.” Matapos ang
ilang seguno, “Okay naman, maaga naman ang uwi ko
bukas. Sige.”
“Okay, ayos. Salamat. Kita tayo bukas. Bye.”
“Bye.”
Strange. Hindi ko alam ang pakiramdam. Nalilito
ako. Gusto ako ni Jessie pero ayaw ko pang magmahal,
pero nagbibigay ako ng rosas. Normal pa ba ang ginagawa
ko? At kaya ako nakipagkita bukas ay para sabihin ko ang
desisyon ko—na ife-friendzone ko lang siya. ‘Di ba?
Parang gago lang.

•==•
Day 4

30
Subconscious Love

Hindi ko alam, gusto ko lang ituring na kaibigan si


Jessie. Hindi pa talaga ako handang umibig. Umalis na si
Green sa condo para sa last round ng audition. Nanalo kasi
sila sa second round.
Bumili ako ng tsokolate dahil magbibigay ako ng
tsokolate sa kaniya.
Nagtungo na ako sa ConstelCafé mga kinahapunan.
Pagpasok ko ay wala pa doon si Jessie kaya naupo muna
ako at naghintay.
Hindi nagtagal ay dumating na siya. Napatingin siya
sa akin at napatitig din ako sa kaniya. Abot langit ang ngiti
niya nang makita niya ako, at ganoon din ako.
Umorder kami ng kape at umupo na. Binigay ko na
sa kaniya ang rosas at tsokolate. Paano ko kaya ito
sasabihin sa kaniya,? First time akong mangfe-friendzone
ng isang babae. Hindi ko alam ang magiging pakiramdam
niya, bibigyan ko siya ng rosas at tsokolate then, ifefriend
zone ko siya.
“Alam mo. Nagsinungaling ako nu’ng tinanong mo
ako kung nagkaroon na ba ako ng girlfriend.”
“So nagmahal ka na pala?”
“Oo. Nagmahal na ako dati nang sobra, pero sobra
rin akong nasaktan. Kaya heto, pinangako ko sa sarili ko
na hindi na ako magmamahal. Hindi ko alam kung paano
ko sasabihin ito sa iyo. Pero, hindi ko alam kung handa na
ba akong magmahal. Hindi pa yata ako handa.”
Seryoso ang mukha niya. Hindi siya umimik.
Napatingin lang siya sa iniinom niyang kape. Alam kong
nasaktan ko ang damdamin niya. Hindi ko alam ang sunod
na mangyayari.
Nagsalita siya. “Ayos lang, Napier. Pero lagi mong
tatandaan na nandito lang ako. Baka sakaling magbago ang
isip mo, nandito lang ako, lagi kang mamahalin.”

31
Akosik3n

•~~•

32
Subconscious Love

IV

AURIA
DREAM

S alamat Jessie. Siya nga pala, kailangan ko nang


umalis.” Ang sabi ko. Lumabas na kaming dalawa.
“Pasensiya na talaga at nasabi ko sa iyo iyon.” Ang
sabi ko sa kaniya.
“Napier, alam kong hindi mo pa kaya. At kaya kong
maghintay, hanggang sa mapagtanto mong handa ka nang
umibig muli.” Ang sabi niya sabay halik sa aking pisngi.
“Napier!” Si Green! Nakita niya ba akong hinalikan
sa pisngi? Naku.
“Aehhh.... Green, k-kumusta?” Ang bati ko sa kaniya.
Agad ko namang kinausap si Jessie. “Sige Jes, magkita na
lang tayo bukas. Dito ulit sa café.”
Umalis na si Jessie. Agad ko namang pinuntahan si
Green.
“Wala ka naman sigurong Nakita, ano?” Ang tanong
ko sa kaniya.
“Bakit ka niya hinalikan sa pisngi? May gusto ba
siya sa iyo?” Ang sabi niya.
“Oo, tama ka. Pero kaibigan lang ang turing ko sa
kaniya. At sinabi ko na iyon.”
“Gago ka!” Ang sabi niya. “Bakit mo ginawa iyon?!
Jackpot ka na sa babaeng iyon oh! Napakaganda!”
“Hindi pa nga ako handa eh. Ayoko pang
magmahal.” Ang wika ko.
“Hays, bahala ka. Pero may good news ako sa iyo.”
“Wait, nanalo ka?!”

33
Akosik3n

“Oo! Nakapasok na ako sa liga!” Napatalon kami at


napahiyaw. Napayakap rin kami sa isa't-isa.
“Sabi na't magagawa mo eh! Congrats!”
“Salamat. Tara, punta tayo sa Food Sky ta’s kain
tayo sa fifteenth floor.” Ang aya niya. Food Sky ang
pangalan ng building na may restaurant sa bawat floor.
“Halika na, pumara na tayo ng bus.” Ang aya ko sa
kaniya.
Ilang sandali ay nakahanap na kami ng bus.
Sumakay na kami doon at umupo malapit sa dulo.
Saktong nagpapatugtog ang drayber ng bus. Kaya
nakinig na lang ako. Maya-maya ay may kantang biglang
pumukaw ng atensyon ko.

I never thought that I could love


Someone as much as I love you
I know it's crazy but it's true

Maganda ang chord progression ng kanta, isa pa, mahilig


ako sa classics. Pinakinggan ko ang buong kanta nang
nakapikit.
“Oy! Matutulog ka ba?” Ang tanong sa akin ni Green.
“Ah hinde, nakikinig lang ako ng kanta, ang ganda
kasi.” Ang sabi ko.
“Hays, nakakapanghinayang lang na finrendzone
mo si Jessie.”
Napabuntong-hininga ako. “Mamahalin pa rin
naman niya ako eh, hanggang sa handa na ako magmahal.”
“Ang tanong, hanggang kailan siya maghihintay at
magpapakatanga sa iyo? Sa tingin mo ba, hindi siya
magsasawa?”
Hindi ako napaimik at bumuntong-hininga na lang
ulit.

34
Subconscious Love

Pagkarating namin sa Food Sky ay umakyat na


kami sa fifteenth floor at doon kumain. Ilang saglit ay
kinausap ako ni Green.
“Nape, lahat ba ng nakakausap mo rito, talagang
nakakausap mo?”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Kasi 'di ba sabi mo ako ang Populator, at
Subconcious ko ang lahat ng mga tao rito. Ibig sabihin,
lahat ng sinasabi nila galing din sa isip ko iyon.” Napaisip
ako sa sinabi niya. “Kapag nananaginip ka, at nagsasalita
ang mga nasa panaginip mo, may ilusyon ka na iniisip nila
ang mga sinasabi nila. Pero kapag aware ka na panaginip
lang iyon, malalaman mo na ikaw lang din ang nag-iisip ng
sasabihin nila, subconciously.” Ang paliwanag pa niya.
“Naks... Genius! Ba't bigla na lang pumasok sa isip
mo iyan?” Ang sabi ko sa kaniya.
“Ewan, bigla ko na lang naisip iyon.”
“Hah, sige. Kumain na lang muna tayo.” Ang sabi ko
sa kaniya.
Solve na kaming dalawa kaya napagdesisyunan na
naming umuwi. Patawid na kami ng kalsada nang biglang
may naramdaman akong kakaiba.
Lahat ng tao ay nakatitig sa amin. Masama ang titig
nila na parang may gagawin silang masama. May mali kay
Green. Nang tignan ko siya ay nalaman kong nakatitig siya
sa isang babae.
“Green! Umayos ka!” Niyugyog ko si Green at
bumalik din siya mula sa pagkakatulala.
“Nandito siya... N-n-nandito siya.” Ang sabi niya.
“Sino?”
“Ang ex ko.”
“Huwag kang tumitig sa kaniya, magugulo ang isip
mo.” Ang sabi ko sa kaniya habang pinapatalikod ko siya.

35
Akosik3n

“Huwag mo siyang isipin, please. Masisira 'tong


panaginip natin.” Ang sabi ko pa sa kaniya.
“Kailangan ko siyang makausap. Kailangan kong
malaman kung bakit niya ako iniwan.” Biglang naging
emosyonal si Green kaya napagdesisyunan naming na
bumalik na lang sa condo.
Inalalayan ko na siya papunta sa bus stop. Maya-
maya ay may dumating na ring bus at sumakay na roon.
Si Green ay bigo rin sa pag-ibig.  Malas pero minsan,
malakas sa babae si Green at halos sampung babae ang
nagkaka-crush sa kaniya.
Pero isa sa kanila ang nagpatibok ng puso ni Green,
si Auria—na ngayon ay ang latest ex niya. Nanligaw si
Green kay Auria, kahit na surebol nang magiging
magkasintahan sila.
Minahal niya si Auria nang lubusan. Lahat ay handa
rin niyang ibigay para sa mahal niya. Naging masaya silang
dalawa. Pero dumating ang isang araw na nagbago ang
lahat.
Nawalan ng koneksyon si Green sa kaniya. Nang
isang beses ay sinubukan niyang lapitan si Auria pero
nilayuan na lang siya nito.
Isang buwan silang hindi nag-usap hanggang sa
malaman ni Green na may iba nang kasintahan si Auria.
Halos isang taon siyang hindi nakamove on dahil
araw-araw niyang nakikita si Auria. Si Green kasi 'yung
tipo ng tao na hindi makakamove on hangga't nakikita
niya ang ex niya. Pero matapos siyang makapagtapos ay
nakamove on na siya. Hindi na niya nakita si Auria simula
noon.
Pero nakapagtataka na bigla na lang siyang
pumasok sa panaginip. At ngayon ay nagunita na naman
niya ang masasaya nilang ala-alang dalawa.

36
Subconscious Love

•==•
“Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto kong
malaman kung bakit niya ako iniwan.” Ang sabi niya, nasa
condo na kami ngayon.
“Diyos ko, isang taon na iyon Green. Hindi mo na
nga nakikita si Auria ngayon eh.”
“Hindi, kailangan ko siyang kausapin. Kailangan
kong malaman!” Ang sabi niya.
“Oo na, pwede ba kumalma ka muna?” Huminga
nang malalim si Green at kumalma na rin.
“Alam mo ba kung saan siya nakatira?”
“Anong gagawin mo?” Ang tanong ko sa kaniya.
“Pupuntahan ko siya at kakausapin ko.” Ang sabi
niya.
“Seryoso ka Green?”
“Basta alamin mo na lang, kaya mo naman iyon 'di
ba?” Ang sabi niya. Hindi na ako umangal, tutal ay
bestfriend ko naman siya.
Kinuha ko ang mapa ng Dreamstate na binili namin
sa bangketa. Dreamstate ang pangalan ng syudad na ito.
Gumawa ako ng pagbabago, inalam ko kung saan nakatira
si Auria.
“Nandito siya, sa 134 10th Highway.” Ang sabi ko sa
kaniya.

•==•
Day 5

Pinuntahan namin ang bahay ni Auria. Nakita namin ang


bahay niya, puti ang kulay at may dalawang palapag at
rooftop. May balcony pa.
Pinindot na namin ang doorbell. 'Di nagtagal ay
lumabas siya at binuksan ang gate.
“Sino kayo.” Ang tanong niya sa aming dalawa.

37
Akosik3n

“Kumusta Auria, ako ito, si Green. Dati mong boy--”


Palihim ko siyang kinurot. “Ahh… dati mong kaklase sa
college.”
“Ah! Naalala ko na, ikaw pala iyan! Halika pasok.”
Ang aya niya.
Pumasok kami sa bahay niya. Napakaganda ng
bahay niya. May piano, malaking TV, at sofa.
“Maupo muna kayo sa sofa. Ipaghahanda ko lang
kayo ng meryenda.” Ang sabi niya. Naupo na kami sa
malambot na sofa. At habang wala siya ay nag-usap
kaming dalawa.
“Maghinay-hinay ka lang, hintayin mong siya ang
mag-initiate ng topic.” Ang paalala ko sa kaniya.
“Kung pwede Napier, baguhin mo ang isip ni Auria.
Subukan mo siyang paaminin.”
“Teka, parang ang selfish naman no'n kung
dadayain natin ang sasabihin niya. Isa pa, ikaw lang naman
ang gagawa ng--” Hindi na ako pinatapos ni Green.
“Gawin mo na lang Nape, please.”
“Hays, hindi ako sigurado dito.” Dumating si Auria
na may dalang dalawang pitsel at isang plato ng cookies.
“Anong gusto niyo, tsaa o kape.”
“Kape lang akin, ikaw Nape?”
“Tsaa na lang.”
Maya-maya ay nagsimula na kaming mag-usap.
Hinayaan lang namin na mapunta kami sa usapang pag-
ibig.
At ito na nga, nagsisimula na.
“Naalala mo pa ba noong tayo pang dalawa.” Ang
sabi ni Auria.
“Oo, ilang beses tayong nagpunta sa mall doon.”
“Pero ang hindi ko malilimutang ala-ala ay noong
hindi ka pa nagbabayad sa jeep, nagtanong ka na agad

38
Subconscious Love

kung nasaan ang sukli. Para kang tanga noon.”


Nagtawanan silang dalawa.
“Sayang lang at hindi mo na ako kinausap.” Nabalot
ng katahimikan ang buong paligid. “Sabihin mo nga, bakit
mo ako biglang hindi kinausap?”
“Ewan, naguguluhan ako noon. Basta.” Ang sabi ni
Auria. Nadismaya ako sa sagot niya kaya sinubukan kong
ibahin ang isip niya.
“'Yun lang?” Ang sabi niya.
“Anong iyon lang?” Naku! Hindi ito ang naiisip ko.
Bakit hindi gumagana? “Linawin mo sa akin, bakit?”
“Ano pang lilinawin ko?” Ang sabi ni Auria.
“Lintik!” Ang bulong ni Green. habang umiiling.
Mukhang hindi ako makakagawa ng pagbabago kapag tao
ang subject.
“Sige, mauuna na ako.” Ang sabi ni Green.
“Ngayon na?” Ang sabi ni Auria.
“Oo! May kailangan pa akong gawin!”
“Naku Auria, pagpasensiyahan mo na kami at
naabala pa kita.” Palabas na ako ng pinto pero natigilan
ako. Binalikan ko ang tsaa ko at inubos ko. Kumuha na rin
ako ng tatlong cookies. Nakakahiya naman kung bibigyan
ka ng meryenda tapos hindi mo uubusin.

•==•

“Bwisit! Nagsayang lang ako ng oras!” Ang sabi ni Green.


“Bakit naman ganoon ka kumilos? Sa bahay pa
niya?”
“Eh ikaw?! Bakit ganoon ang ginawa mo?”
“Ha? Eh hindi ko nga nabago eh. Hindi ko
makontrol. Hindi yata ako nakakapagpabago pagdating sa
tao.”
“Kalokohan!” Ang sigaw niya at sabay alis.

39
Akosik3n

“Green! Sandali!” Dismayado siya. Hindi ko naman


kasalanan na ganoon ang sagot ni Auria sa kaniya.

•==•

Pumunta muna ako sa café para magkape. Pagpasok ay


hindi ko inasahan na nandoon si Jessie.
“Jessie!” Ang tawag ko sa kaniya. Napalingon siya sa
akin nang may ngiti.
“Sabi na't darating ka eh!” Ang sabi naman niya
habang hinahawakan niya ako sa balikat. Naupo na kami
sa sofa at umorder na ng kape. May binigay si Jessie sa
akin maya-maya.
“Ito nga pala, may regalo ako sa iyo.” Ang sabi niya.
Isang tasa na may nakaukit na bituin. Sa kabilang
gilid naman ay may nakaukit na zodiac sign, Libra!
“Ayos! Alam mo pala ang zodiac sign ko.”
“Oo, 'di ba October ten ang birthday mo? Bale, ang
sign mo ay Libra.” Sinabi namin kasi sa isa't-isa ang
birthday namin nu'ng pangalawang beses kaming magkita,
September twelve siya pinanganak.
“Oo nga pala, tignan mo 'yung ilalim ng tasa.”
Sinunod ko ang utos niya, may nakita akong letter N sa
ilalim.
“Salamat dito ah, naappreciate ko ito. Ah oo, siya
nga pala, gusto ko sana ng advice mo.”
“Bakit?”
“Kasi, 'yung kaibigan ko, si Green. Nakita 'yung ex
niya. Matagal na kasi siyang nakamove on sa kaniya dahil
matagal na rin niyang hindi nakikita at nagkakausap. Pero
ngayon, nu'ng natagpuan niya, heto na naman siya.” Ang
sabi ko sa kaniya.
“So, anong nangyari? Anong ginawa niyo ngayon?”

40
Subconscious Love

“Ayun, gusto kasing malaman ni Green ang dahilan


kung bakit bigla na lang siyang hindi kinausap. Kaya
pinuntahan namin siya sa bahay niya. Pero wala namang
maayos na sagot na natanggap si Green kaya nadismaya
siya.”
“Ganoon ba? Alam mo, may mga tanong na hindi
talaga natin nasasagot at mahahanapanan ng sagot.
Kailangan tanggapin ng kaibigan mo iyon. And besides, it's
unimportant anymore. Para saan pa't tatanungin niya
iyon? Kapag ba nasagot niya what'll he do?
Magmumukmok siya lalo dahil hindi niya natugunan 'yung
bagay na ikinasira nilang dalawa. Kaya Napier, tell your
friend, it's better to move on than keep staying on the past
kasi hindi na niya iyan mababago.”

•==•

Nasa condominium kami, at alam kong nagtatampo pa rin


sa akin si Green. Nilapitan ko at kinausap ko si Green.
“Green, pasensiya ka na ah. Alam kong dismayado
ka ngayon.”
“Pabayaan mo na iyon, hindi mo kasalanan na hindi
mo nakontrol ang isip niya. Isa pa, ako na mismo ang
nagsabi na ako lang ang nag-iisip ng sasabihin nila sa akin.
Subconcious ko lang siya at hindi totoong tao. Kahit na
sabihin niya ang dahilan, hindi ko masisiguro na iyon
talaga ang dahilan.” Ang sabi ni Green.
“Siguro hindi ako nakakagawa ng pagbabago sa
mga tao. Kung hindi ko kayang gumawa ng pagbabago, edi
ako na lang mismo ang gagawa ng pagbabago!” Kita ko sa
mukha ni Green na bakas ang pagkalito niya.
“Ha? Ang gulo.”

41
Akosik3n

“Hindi ako makakagawa ng pagbabago sa tao nang


nag-iisip lang. Bale ang gagawin na lang natin ay tayo
mismo ang kakausap ulit sa kaniya.”
“Tapos?”
“Gusto mo siyang makasama muli 'di ba.
Pagkakataon mo na ito. Magiging magkaibigan kayo at
least. Tara na! Puntahan na natin si Auria!”

•==•

Pumunta na kami sa bahay ni Auria. Pinindot


namin ang doorbell at bumukas ang gate.
“Oh, naparito kayo ulit?” Ang sabi niya.
“Ah, Auria, gusto ko lang humingi ng tawad sa
ginawa ko kanina. Hindi ko dapat ginawa iyon. Gusto kong
makipag-ayos sa iyo at maging magkaibigan ulit. Gusto ko
sanang kalimutan na natin ang nangyari sa atin dati.
Pwede ba?” Ang sabi ni Green
“Syempre naman! Pwedeng-pwede!” Napasigaw ng
“yes” si Green sa sobrang saya. Niyakap niya bigla si Auria
nang mahigpit.
Umalis naman si Green sa pagkakayakap. “Oh, hindi
ko dapat ginawa iyon.”
“Haha, ayos lang. Tara, tuloy na kayo, ipaghahanda
ko na kayo ng tanghalian, baka hindi pa kayo kumakain.”
Ang aya sa amin ni Auria.
Pumasok na kami sa loob ng bahay nila at naupo na
sa sofa.

•~~•

42
Subconscious Love

Napier and Jessie


M ag-aalas seis na at palubog na ang araw.
Nagpaalam na kami kay Auria at umuwi sa
condominium namin.
Pumara na kami ng bus at bumyahe pauwi. Nakita
ko si Green na matamlay lang at nakatitig sa bintana.
Nakapagtataka. Nakapag-ayos naman na silang
dalawa. Siguro hanggang ngayon ay dismayado pa rin siya.
“Anong meron Green? Bakit antamlay mo?” Ang
sabi ko sa kaniya.
“Masaya naman ako na nakausap ko na siya. Pero
hindi ako panatag kasi panaginip lang ito. Alam ko na
paggising ko, hindi ko talaga siya makikita at
makakausap.” Ang sabi niya sa akin.
Napaisip ako sa sinabi niya. Mukhang ganoon din
ang mangyayari sa akin oras na mapamahal ako kay Jessie.
Hindi ko na siya kayang pakawalan pa kung mangyari
iyon. Pero hindi ko kayang iwanan si Jessie na umaasa pa
rin sa akin. Hays, ilang beses ko nang iniisip 'to.
“I feel you. Pero hayaan mo na, ang mahalaga
kasama mo siya ngayon.” Ang sabi ko sa kaniya.
Umuwi na kami sa condominium. At habang nasa
kwarto ko, nagseselpon lang ako. Binuksan ko ang
facebook ko para mag-update.
May notif tungkol sa friend list ko. May nag-add
friend sa akin, 'Jessie Eissej'. Nang tignan ko ang profile
niya, anime ang picture. Alam ko naman na si Jessie iyon.
Wow, anjeje naman niya?

43
Akosik3n

Anyways, inaccept ko na siya. Alas nueve na no'n at


wala na masyado akong nagawa. Kaya nanood na lang ako
sa TV. Ano rin naman kaya ang mapapanood ko do'n?
Pagkabukas ko ng TV, nagulat ako.
Ending na ng 'Ang Probinsyano'. Natawa na lang
ako dahil alam kong hindi matatapos ang palabas na iyon
hangga't 'di namamatay si Cardo. Ang alam ko ay
Wednesday pa lang ngayon, dapat sa Friday pa matatapos
ang mga palabas. Hayaan mo na, nasa panaginip lang
naman ako.

•==•
Day 6

Kinabukasan, nagpasya kaming lumabas muna at


maglibang. Nagpunta muna kami ng Sports Complex para
doon ay maglaro ng basketball. Alas seis pa lang ngayon,
maaga na rin kami nag-agahan.
Nag-uunat na ako para makapagsimula na kaming
maglaro, maya-maya ay nagring ang phone ko. Si Jessie
iyon, tumatawag mula sa messenger. Sinagot ko ang tawag
niya.
“Hello Jessie.”
“Hi Napier nasaan ka?” Ang tanong niya.
“Nasa sports complex lang. Ikaw ba nasaan?”
“Weh? Nandiyan ka lang pala, nasa café ako. Gusto
mo puntahan na kita diyan?”
“Sige, that would be great.” Ang sabi ko.
“Dalhan na rin kita ng kape. Baka kasi hindi ka pa
umiinom.”
“Ah, nagkape na ako. Pero sige, dalhan mo na rin
ako.”

44
Subconscious Love

Ilang sandali ay may pumasok na sa sports


complex. Si Jessie na iyon, at may dala siyang kape. As
usual ang favorite kong coffee, cappuccino, ang dala niya.
“Ano bang balak n'yong gawin ngayon?” Ang
tanong niya sa akin.
“Wala naman, magtatanghalian lang kami sa food
sky at mamamasyal pagkatapos no'n.” Ang sagot ko.
“Ganoon ba? So magiging busy ka pala ngayon.”
“Pero kung may gusto kang gawin kasama ako,
ipapaaalam ko naman kay Green.”
“Hindi, huwag na. Ayaw kong masira ang schedule
ninyong dalawa. By the way, ang angas ng sando mo ah,
ang ganda ng combination ng colors.” Ang sabi niya. Black
and green ang kulay ng sando ko. Iyon kasi ang favorie
kong color combination.
“Aayain sana kitang manood ng laro namin kaso
naalala ko na may pasok ka nga pala.”
“Hindi, ayos lang, alas nueve pa naman ang pasok
ko.” Ang sabi niya.
Maya-maya ay inaya na ako ni Green na
magbasketball, naupo naman si Jessie sa gilid ng
basketball court.
Sa tuwing nakakashoot ako ay humihiyaw si Jessie.
Grabe ang energy niya, mukhang epekto iyan ng araw-
araw na pag-inom ng kape.
Pagkatapos ng first quarter ay nagpasub muna ako
para makausap ko si Jessie. Pagkatapos ng second quarter
ay inaya akong makipagsub kay Green pero tumaggi ako at
sinabi kong sa katabi kong teammate na lang siya
makipagsub.
Ganoon na din ang nangyari hanggang sa mag
fourth quarter kaya medyo nagtampo sa akin si Green.
Pagkatapos ng laro, panalo ang team nila. Kinailangan

45
Akosik3n

nang pumasok sa trabaho si Jessie kaya umalis na siya.


Samantala, lumapit sa akin si Green.
“Bakit hindi ka na naglaro? Sayang naman.” Ang
sabi niya.
“Pasensiya na kung hindi na ako nakapaglaro, hindi
naman ako magaling magbasketball eh. Baka matalo lang
kayo.”
“Hindi marunong o gusto mo lang makausap si
Jessie?”
“Ano ba? Hindi nga ako marunong. Hays, hayaan
mo na. Mamasyal na tayo sa ibang lugar bago tayo kumain
sa food sky.” Ang sabi ko.
Pumunta kami sa isang parke na nakita namin.
Habang naglalakad-lakad ay kinausap ako ni Green.
“Napapansin ko lang ha, sa tuwing nagkikita kayo
ni Jessie, abot langit ang ngiti mo. Sabihin mo nga,
hanggang ngayon pa rin ba, wala kang nararamdaman sa
kaniya?” Hmm, hindi ko pansin iyon ah.
“Anong abot langit ang ngiti?”
“Hays, nagdedeny ka pa. Hindi ba't sobrang saya
mo sa tuwing nakikita't nakakasama mo siya?” Hindi na
ako nakaimik pa. Tama naman lahat ng sinabi niya.
Pagkatapos ng paglalakad, bumyahe na kami papunta sa
food sky.

•==•

Nasa labas na kami ng building, papasok na kami nang


may tumawag ulit sa phone ko. Pagtingin ko ay si Jessie
you. Sinagot ko ang tawag.
“Hello?”
“Uy Napier, anong ginagawa mo ngayon?” Ang
tanong sa akin ni Jessie.
“Kakain na kami ng lunch sa Food Sky.”

46
Subconscious Love

“Ay, oo nga pala. Ayoko sanang sirain ang schedule


mo pero pwede bang pumunta ka rito sa bahay. Urgent
kasi eh.” Nagtaka ako, bakit siya nasa bahay.
“Sa bahay? Hindi ba may trabaho ka?”
“Basta. Sa 54 Pilar Road ang bahay ko, sakay kang
jeep papuntang intersection ng Pilar Road at 10th
Highway tas sakay ka ng tricycle at sabihin mo 'yung
address ko. Ok bye.”
“Tek--” Hindi pa ako nakakapagsalita ay binaba na
niya ang telepono.
“Si Jessie iyan ano?” Ang tanong ni Green.
“Oo, pinapapunta niya ako sa bahay niya.”
“Ha? Ano ba yan? Bakit naman, kakain na tayo eh.
Saka nasabi mo ba na may schedule tayo ngayon?”
“Oo, nagtataka nga ako sabi niya ayaw niyang
distorbohin ang araw natin pero pinapapunta niya ako sa
bahay niya, urgent daw.”
“Tapos, pupunta ka?” Hindi ako nakakibo sa tanong
niya. Ilang segundo ay napabuntong-hininga siya.
“Silence means yes. Sige na, puntahan mo na. Basta
kitain mo ako sa mall bago mag-alas seis para
makapamasyal pa tayo.”
“Sige!” Ang sabi ko sabay kaway at umalis. Nga pala,
wala akong dalang mapa. Kaya inisip ko na nagkakaroon
ng mapa sa kamay ko at nakalagay doon ang bahay ni
Jessie.
Sumakay ako ng jeep papunta sa bahay nila. At
bumaba sa intersection ng 10th Highway at Pilar Road
Pagkatapos ay sumakay ako ng traysikel papunta sa bahay
niya.
Bumaba ako mismo sa tapat ng bahay niya. Simple
lang ang bahay niya. Isang dalawang palapag na gusali na
may terrace. May gate sa harap na mga tatlong hakbang
lang ang layo sa pinto.

47
Akosik3n

Kumatok ako gamit ang latch ng gate. Ilang sandali


ay lumabas si Jessie, at syempre labis ang tuwa niya nang
makita niya ako.
Pinapasok niya ako sa loob at nakita ko ang
maganda niyang bahay. May sofa at mesa na may flat
screen forty-nine inch tv sa sala. At pinto papuntang
kusina at dining room.
Pinapunta niya rin ako sa kusina at nagulat ako
dahil may pagkain nang nakahanda. Giniling at Lumpia,
parehas pang mga paborito kong ulam. Nakapagtataka?
Anong meron?
Nalungkot lang ako dahil mukhang nagtatampo na
talaga si Green dahil nasira ang schedule namin.
“Hayy, alam kong galit ka dahil talagang nasira ko
ang schedule niyong magkaibigan. Kung gusto mo, pwede
ka nang bumalik. Baka kasi isipin mo na pinipilit kita.”
“Ah eh, hindi. Ayos lang. Nagpaalam na ako sa
kaniya, sinabi niya na bumalik ako bago mag alas seis.”
“Ganoon ba? Okay, tara na kumain na tayo.” Ang
sabi niya. Pumunta na kami sa dining room saka kumain.
“Siya nga pala, bakit mo ako pinapunta rito?”
“Alam mo ba na binigyan ako ng boss ko ng salary
increase! Mula sa sixty thousand pesos, naging seventy-
five thousand na!” Ang sabi niya.
“Wow! That's great!”
“Sinabi mo pa. Isipin mo, isa iyon sa kailangang
trabaho ng bansa, dream job ko ang landscape architect.
Magaling ako doon at mataas pa ang sweldo ko. Isa iyong
ikigai!”
“Ikigai?” Ang tanong ko.
“Japanese word siya ng “a reason for being”. Parang
kapag ang nagagawa mo ay ang kailangan ng buong
mundo, nababayaran ka, kung saan ka magaling, at kung

48
Subconscious Love

anong gusto mong gawin, nahanap mo na ang rason mo


kung bakit ka nabubuhay.” Ang sabi niya.
Natapos na rin kaming kumain, naka tatlo akong
sandok ng kanin. Maging ang lumpia ay ubos din. Mas
marami pa yata akong nakain kaysa kay Jessie.
Nanood na rin kami ng palabas. Hindi ko nga lang
alam kung meron ba nito sa totoong buhay. At pagkatapos
ay naglaro kami ng PS4.
Pagkatapos ay pumunta muli sa kusina si Jessie
habang ako, pinagpatuloy ko ang paglalaro. Pagkalabas ni
Jessie galing kusina ay may dala-dala siyang tequila.
“Syempre, hindi nawawala sa celebration ang
liqour.” Ang sabi niya habang pinapakita sa akin ang
tequila.
“Anong oras na ba?” Ang tanong ko.
“Alas-singko pa lang.” Ang sabi niya. “Tara, let's
drink.” Hindi ako masyadong umiinom ng hard drinks.
Pero gusto ko ring tikman ang lasa ng tequilla, 'di pa kasi
ako nakakatikim no'n.
Uminom na kami at nagkwento ng kung anu-ano.
Hindi ko namalayan na mag-iisang oras na kaming
umiinom. Mag-aalas seis na at may usapan kami ni Green.
“Ah, Jessie, mag-aalas seis na. Kailangan ko nang
punmunta sa mall kasi naghihintay na sa'kin si Green.”
“Ano ka ba, kaunti na lang ito oh. Ubusin na lang
natin 'to.” Ang sabi niya. Sinunod ko ang hiling niya at
nanatili pa sa bahay.
Nagkwento pa kami tungkol sa kung anu-ano. At sa
laman ng tequila, mas marami pa yata akong nainom.
Hindi ko namalayan na nagdadrama na pala ako.
“Pag-Ibig? P*t*! Hindi na ako papasok diyan! Lahat
naman ng tao iiwanan ka tapos walang matitira sa iyo!
Madali lang naman iwanan ang isang tao kasi 'di sila
kumapit nang mahigpit. Hindi na ako maggpapakatanga

49
Akosik3n

pa! Lintik na 'yan!” Pilit akong hinihimas sa likod ni Jessie


para pakalmahin ako.
“Uuwi na ako, inaantay pa ako ng Green na iyon!”
Ang sabi ko sabay tayo. Halos matumba na ako dahil
nawawalan na ako ng balanse.
“Napier lasing ka na! Hindi ka pwedeng umuwi
mag-isa dahil delikado 'yun. Baka kung mapaano ka pa.”
“Edi lalaklak na lang ako ng alak dito, p*ny*t*!
Hindi rin naman ako makakauwi. May tequila ka pa ba?!”
Ang tanong ko sabay punta ng kusina. Binuksan ko ang ref
at may nakita pa akong dalawang bote. Kinuha ko ang
bote, binuksan ko at nilaklak ko.
Pilit akong pinipigilan ni Jessie. Hinawakan niya
ang bote at inalis sa bunganga ko. Tumapon ang tequila sa
mukha ko.
“Ay lintik!”
“Pambihira Napier, itigil mo na iyan! Hay nako! Da't
pala hinayaan na lang kitang umalis. Hindi ko naman alam
na ganito ang gagawin mo 'pag nalasing ka.” Ang sabi niya.
Inakay ako ni Jessie papunta sa secnd floor. Hindi na ako
makadilat nang maayos pero tingin ko ay papunta kami sa
kuwarto niya ngayon.
“Dito ka muna matulog. Sigurado paggising mo
sobrang sakit ng ulo mo.” Ang sabi niya.
“Wala akong pake!” Pumasok na kami at sinara ang
pinto.

•==•
Day 7

Nagising ako, nanibago ako dahil hindi ito ang


condo ko. Bakit may hello kitty akong unan? Bumangon
ako at nagulat dahil baligtad ang shorts ko. Anong meron?
May kumatok sa kwarto at binuksan ang pinto.

50
Subconscious Love

“Uy Napier! Gising ka na pala.” Ang sabi ni Jessie na


nakabihis pantrabahi. Tama, nasa bahay ako ni Jessie.
Anong nangyari kagabi? Ang huli kong naalala eh hindi pa
ako pinapauwi ni Jessie.
“Oo nga pala!” Ang sabi ko sa sarili ko. “Si Green!”

~••~

51
Akosik3n

vi

Nypyr and Jessie II


A gad akong napatayo pero hindi ako makakilos nang
maayos dahil sobrang sakit ng ulo ko.
“Pambihira, kailangan kong pumunta kay Green.”
Tumingin ako kay Jessie na suot-suot ang sunglasses niya.
“Ayusin mo muna 'yang shorts mo, baligtad.” Ang
sabi niya.
“Oo na, isara mo muna 'yang pinto.”
Inayos ko ang shorts ko, binuksan ko ang pinto
pagkatapos. Lumabas ako sa kwarto at bumaba sa first
floor.
Pagkababa ko ay inabot sa akin ni Jessie ang
sunglasses.
“Suotin mo iyan, para hindi niya makita iyang mga
mata mo.” Ang sabi niya.
“Punta muna tayo sa café para makainom ng kape.
Ayokong pumunta kay Green nang pagod.”
Sumakay na kami ng traysikel palabas ng Pilar
Road At sumakay na rin ng Jeep papuntang café.
Bumili kami ng kape at umupo sa sofa. Nabalot
kami ng katahimikan dahil hindi ako makapagsalita. Maya-
maya ay kinausap ako ni Jessie.
“Napier, tungkol sa nangyari kagabi...”
“Ano bang nangyari?” Wala akong maalala kagabi.
Siguro nagkaroon ako ng alcohol black-out...
“Wala ka bang naalala? Ano bang huli mong
naalala?”
“Ewan, basta pinaupo mo ako kasi pinigilan mo
akong pumunta kay Green.”

52
Subconscious Love

“Ah gano'n ba? Okay.” Ang sabi niya. Weird, ano


kayang nangyari?
Pagkatapos ng tatlumpung minuto ay naghiwalay
na kami. Siya ay papasok na samantalang ako ay uuwi sa
condo.

•==•

Pagkadating ko sa condo namin ay dumiretso na ako sa


room ko. Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko si Green sa
sala na nanonood.
“Kumusta sa bahay ni Jessie?” Ang tanong niya sa
akin.
“Ano ba? Huwag ka na nga munang panimula.
Masakit ang ulo ko.”
“Kung sumunod ka sana sa usapan, edi sana hindi
ka magkakaganiyan.” Napatingin ako sa kaniya.
“Eh, pinilit ako ni Jessie na manatili sa kanila.”
“Hindi ka ba pwedeng tumanggi?”
“Eh, baka kasi magtampo siya...”
“Eh ano ngayon kung magtampo siya? Napier, wala
kayong relasyon. Wala kayong label. Siya, umaasa siya
sa'yo na baka mamahalin ka niya kahit mas maliit pa sa
alikabok ang pag-asa niya sa'yo.” Ang sabi niya. “Hindi ko
alam kung bakit ganoon na lang ang concern mo sa kaniya.
Eh hindi mo naman siya makikita paggising mo. Hindi mo
siya kilala, hindi ko siya kilala. Samantalang ako,
nabubuhay ako. Kilala mo na ako simula pa noong grade
two tayo. Pero hindi mo ako naisip habang nandoon ka sa
bahay niya.” Ang dagdag pa niya.
“Ay nako! Andrama mo, bahala ka diyan.” Ang
nasambit ko bago ako pumunta sa kuwarto.
Doon ay nagmuni-muni ako kahit masakit ang ulo
ko. Dapat talaga, tumanggi na lang ako. May punto si

53
Akosik3n

Green, ano naman kung masasaktan siya? Kung sakali


mang makita niya ako sa totoong buhay hindi naman niya
ako sasampalin.
Pero kung ganoon, hindi na dapat siya nadismaya
nang sabihin ni Auria na magkaibigan sila. Kahit naman
tumaas pa ang antas ng relasyon nila, hindi pa din
magiging sila paggising.
Pero sa tuwing gumigising tayo at nangyayari sa
panaginip ang gusto nating mangyari na hindi mangyayari,
iyon ang lagi nating iisipin. Gising pero ang isip ay nasa
panaginip. Napakarealistic nito na akala mo nangyayari na
talaga. At nadidismaya ka dahil nagising ka na lang mula
sa panaginip na ayaw mo nang iwan pa.
Naisip ko na kailangan kong bumawi kay Green.
Nasira ang schedule namin at hindi nangyari ang pinlano
namin. Kumuha ako ng painkiller sa drawer para mawala
ang sakit ng ulo ko.
Lumabas ako ng kwarto at pumunta kay Green.
Nakaupo pa rin siya sa sofa at nanonood.
“Green, sorry sa inasta ko kanina.” Tumango lang
siya at nagpatuloy sa panonood. “Naisip ko na gawin natin
'yung hindi natin nagawa kahapon.”
“Hmm, tapos kapag tumawag ulit si Jessie pupunta
ka ulit sa kanila.” Humarap siya sa akin at sinabi niya iyon.
“Promise, wala munang Jessie ngayon. Mag-enjoy
lang tayong dalawa.” Ang sabi niya. Napatango naman siya.

•==•

Nasa food sky na kami nang alas dose. At umakyat


kami sa fifteenth floor, ang paborito naming kainan.
Umakyat na kami sa taas at nag-order na kami ng pagkain.
Nagsimula na kaming kumain. At sa kalagitnaan
no'n ay tumawag bigla si Jessie. Nagulat ako at napatingin

54
Subconscious Love

kay Green. Si Green naman ay umiling, sumesenyas na


huwag kong sagutin. Ayaw ko man, hindi ko sinagot ang
tawag niya. Sinilent ko ang phone ko para walang distorbo.
Habang kumakain ay kinausap ko si Green.
“Nababagot ka ba rito?”
“Ha? Hindi, bakit mo naman natanong?”
“Wala, baka kasi ako lang ang nag-eenjoy sa
panaginip na ito.” Ang sagot ko.
“Hmm, kahit naman hindi ako mag-enjoy dito,
sinamahan pa rin kita na managinip. Kaya ko ginawa iyon
kasi kaibigan kita. Kung anong gusto ng isa't-isa, sasakyan
natin iyon.” Ang sabi naman niya.
Napatango ako at napangiti, kahit kailan ay
maasahan ko si Green.
Pagkatapos namin kumain ay nagpunta kami sa
mall para manood at mamasyal.
Naglalakad-lakad lang kami sa mall, habang ako,
malalim ang iniisip ko. Kanina pa kasi tumatawag si Jessie
at nagmemessage sa akin.
“Napier, anlalim ng iniisip mo ah. Hulaan ko,
tungkol kay Jessie iyan ano?” Ang sabi niya.
“Yup, naisip ko lang kasi 'yung sinabi mo kanina.
Wala kaming label.”
“Mhmm?”
“Naisip ko, wala akong nararamdaman sa kaniya, I
am not ready. And hindi ako pwedeng magpakampante na
maghihintay siya.”
“You know what? You need to tell her.” Ang sabi ni
Green. “Napier, kung hindi mo rin kasi siya mamahalin,
then don't let her waste her time kakaasa sa wala. Tell her
na hindi mo pa kayang magmahal or whatsoever. Either
way masasaktan naman siya, pero huwag mo nang
patagalin pa.”

55
Akosik3n

Hindi na naman ako nakakibo. I can't hurt her


feelings. Alam ko ang pakiramdam ng masaktan, and I
don't wanna do it to her.

•==•
Day 8

Marami akong missed calls galing kay Jessie


kahapon. At ngayon siguro ay nagtatampo na si Jessie sa
akin. Weekend ngayon at sigurado ako na nasa cafe si
Jessie, kaya ngayon ay pinuntahan ko siya.
Pumasok na ako sa ConstelCafé at naupo na kung
saan lagi kaming umuupong dalawa. Umorder na ako ng
cappuccino.
Maya-maya ay nakita kong dumating si Jessie na
dala-dala ang dalawamg kape. Pero hindi siya nakangiti.
Mukhang tama nga ang hula ko.
“Good morning.” Ang sabi ko sa kaniya.
“Good morning din, Napier.” Ang sabi niya, diertso
ang kaniyang boses. “Kumusta naman kahapon?
Nagkausap ba kayo ni Green?”
“Oo, sa una nga nagalit siya kasi hindi ako sumipot
nang alas seis noong isang araw.”
“Pasensiya na talaga ah.”
“Hindi, ako dapat ang humingi ng sorry. Gumala
kasi kami ni Green kahapon din. At ang kundisyon niya ay
hindi muna kita iisipin para mabawi namin 'yung schedule
namin.”
“Ahh, kaya pala hindi ka sumasagot sa mga tawag
ko.” Ang sabi niya. Nabalot na naman kami ng
katahimikan. Gusto ko sanang pag-usapan ang
nararamdaman niya sa akin. Hindi kasi mawala sa isip ko
ang sinabi sa akin ni Green kahapon.

56
Subconscious Love

“Ah, Jessie. Alam kong hindi magandang tanong 'to


at alam kong mawiwirduhan ka kapag sinabi ko ito, pero,
hanggang ngayon ba may gusto ka pa rin sa akin?”
Napatingin siya sa akin. Pero kalaunan ay sumagot rin siya
agad.
“Oo Napier, matagal ko nang sinabi iyan. Kaya kong
maghintay; alam kong hindi mo pa kayang magmahal.”
“Pero hanggang kailan ka maghihintay?” Medyo
kumunot ang noo ni Jessie sa sinabi ko.
“So... ibig sabihin, wala ka talagang balak
magmahal?”
“Hindi sa ganoon, ayaw ko kasing magmukha kang
tanga kahihintay na mamahalin kita. What if, hindi ko
talaga kaya?” Parehas kaming napatahimik at
napabuntong-hininga.
“Huwag mong sabihing hindi mo kaya. Darating din
sa punto na magmamahal ka rin. Kailangan mo lang ng
taong tutulong sa iyong magmahal ulit. At ako ang taong
iyon, Napier.” Hindi na ako nakapagsalita pa. Handa niya
akong tulungan, she's making the effort. At
nakokonsensiya ako dahil para akong may kapansanan.
Hindi makayanang umibig. Hindi ko alam kung bakit ba
nangyari iyon sa akin.
Uminom lang ako ng kape habang malalim ang
iniisip. Naiisip ko na walang saysay ang lahat ng ito. Nasa
panaginip lang ako. Pero nadadala ako ng emosyon ko.
Inaalala ko na masasaktan ko siya pero ano naman
ngayon? Subconcious lang siya ni Green. Pero bakit parang
hindi ko magawang sabihin sa kaniya na hindi ko siya
iibigin?
Pumunta ako kina Bryan para subukang maglucid
dream at gumawa ng mga bagay na imposibleng magawa.
Pero nandirito ako ngayon, nakikipag-usap nang normal

57
Akosik3n

sa isang babaeng nagkakagusto sa akin na hindi ko naman


alam kung talagang nag-eexist sa totoong mundo.
Hindi ko nga alam baka patay na siya sa totoong
buhay. O kung nabubuhay man siya, napakababa ng tsansa
na magkikita kaming muli.
Napatingin ako kay Jessie at nakatitig lang siya sa
akin.
Lumabas na kami pagkatapos naming magkape.
Dala-dala pa rin ang iniisip ko. Gusto ko itong sabihin kay
Jessie.
“You know, natatakot lang ako.” Napatingin si Jessie
sa akin.
“Natatakot saan?”
“Nakwento ko sa iyo 'di ba. I am easily attached to
people I love and I care about.”
“Oo.”
“And it happens to my ex. Sinabi ko na ito dati na
sobra akong naatach sa kaniya. Para akong linta. At dahil
doon, ako lang ang nasaktan. Bumibitaw na siya habang
ako pilit pa rin akong kumakapit.” Ang sabi ko. “Natatakot
akong mawala ang mga mahal ko. That's why I can't love
you.” Ang patuloy kong sabi.
“What?” Ang sabi niya.
“I can't love you because anytime soon you'll be
gone.”
“Anong pinagsasasabi mo Napier?” I can't tell her.
Sinabi sa akin ni Bryan na magiging hostile sa akin ang
subconcious kapag sinabi ko sa kanila na nasa panaginip
sila.
“Basta, naguguluhan na ako.” Napailing ako at
napapikit. At nang dumilat ako, natigilan ako sa nakita ko.
“Si kuya?”

~••~

58
Subconscious Love

VII

Ron
“Si kuya?” Ang sabi ko.
“Ha?” Ang reaksyon naman ni Jessie.
Tumawid ako sa kalsada para makita si kuya. “Kuya!” Ang
tawag ko.
Napalingon sa akin si kuya. Tinawag niya ang
pangalan ko. Makakasama ko na ang kapatid kong matagal
nang wala.
“Kuya!” Ang tawag ko saka ako yumakap sa kaniya.
Naluha ako nang kaunti. Napansin ko sa kaniya na
pumayat siya.
“Napier, kumusta ka na?”
“Ayos lang kuya. Pumayat ka yata kuya ah, kumusta
ka?”
“Hindi kasi ako masyadong kumakain kaya ganiyan.
Hmm, sino iyang kasama mo, nobya mo?”
“Ahhh, hindi hehe. Kaibigan ko lang.” Napalingon
ako kay Jessie at ngumiti siya, ‘yung tipong pilit. “Si Jessie
po. Jessie, siya si kuya Ron.”
“Hi po.” Ang bati ni Jessie. Nagkausap pa kami ng
kuya ko. Ilang sandali lang ay nagpaalam na sa akin si
Jessie na umuwi. Naisip ko ang pagpapakilala ko kay Jessie
kanina. Sinabi ko pa mismo sa harap niya na magkaibigan
lang kami. Isang katangahan. Binaling ko muna ang isip ko
sa kuya ko. Talagang isang himala ang makasama siya
ngayon.
“Kuya hindi ako makapaniwalang buhay ka.” Ang
sabi ko s kaniya.

59
Akosik3n

“Anong sinasabi mo?” Hindi ko alam ang gagawin


ko. Nakasama ko sa panaginip ang kuya kong matagal
nang namayapa.
“Wala kuya. Masaya lang akong nagkita tayo.” Ang
sabi ko.
“Saan ka pala nakatira ngayon?” Ang tanong niya.
“Sa Railside Condominium. Kasama ko doon ang
bestfriend ko. Ikaw ba kuya?”
“Malapit lang sa Circle. Lumabas lang ako kasi
gusto kong gumala.”
“Ganoon ba kuya? Ano bang balak mong gawin
ngayon?”
“Nag-agahan ka na ba?”
“Nagkape na ako. Kasama ko si Jessie kanina.”
“Hoy Napier, sigurado kang hindi mo jowa iyon?”
“Hindi kuya, alam mo naman na hindi ko pa kayang
magmahal hindi ba?” Alam ni kuya na matindi ang
heartbreak na naramdaman ko sa ex ko. Buhay pa kasi
siya no'n. Siya pa nga ang nag-aadvice sa akin lagi eh.
Everytime na may problema ako, sa kaniya ako lumalapit.
“Ang ganda-ganda no'n. Bakit 'di mo pa ligawan?”
“Umamin na nga siya sa akin na may gusto siya eh.”
“Weh?! Bakit mo sinabing friend mo lang siya?”
“Ayokong ireciproctate ‘yung nararamdaman niya
sa akin, kuya. Natatakot pa rin ako eh. Hindi ko pa kaya. At
nakokonsensiya ako dahil sabi niya maghihintay siya
hanggang kaya ko na magmahal.”
“Napier, hindi ko alam bakit ka natatakot. Iba siya
sa ex mo. Kung natatakot kang saktan ka niya, hindi ka
talaga mapapamahal sa kaniya.”
“Hays, tama na nga muna ang pag-ibig-pag-ibig na
iyan. Halika na kuya, saan mo ba gustong magpunta?”

60
Subconscious Love

“Doon muna tayo sa condominium mo. Para naman


makita ko si Green. Angas ah, hanggang ngayon ay mag-
best friends pa rin kayo.”
“Oo naman kuya, stay strong kami.” Kilala na ni
kuya si Green simula pa noong elementary kami.

•==•

“Nandito na tayo kuya.” Ang sabi ko. Nasa labas na kami ng


condo. Pumasok na rin kami at pumunta sa room ko.
Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Green na
nanonood ng TV. Nang mapasulyap siya sa amin, nagulat
siya dahil nakita niya ang kuya ko.
“Teka... kuya mo iyan 'di ba? Akala ko ba p--” Hindi
ko na siya pinatapos dahil tinalunan ko siya sa sala at
tinakpan ang bibig niya.
“Shhh... Huwag kang maingay, nasa panaginip lang
tayo kaya lahat ng patay na, makikita mo ulit.” Ang bulong
ko sa kaniya.
“Ahhh, sige sige. Kumusta kuya Ron. Kumain na ba
kayo ng agahan?” Ang sabi niya.
“Hindi pa eh.”
“Hmm! Nice, pumunta tayo sa food sky.”
“Food Sky?”
“’Yung building na may restaurant kada floor.”
“Ah... doon! Ayos iyon! Ikaw, Napier? Sasama ka?”
“Kung kayong dalawa ang kasama ko, bakit hindi?”
Ang sabi ko.

•==•

Nasa food sky na kami. Hinayaan na naming si kuya ang


pumili. Kaya naman pinili niya ang eighth floor. Nandoon

61
Akosik3n

kasi ang favorite niyang kainan. At iyon din ang lagi


naming kinakainan tuwing lalabas kami nina mama't papa.
Restaurant iyon kaya may menu kami. Pinili namin
ang “FamPack no. 5” na may lumpia, pancit, fried rice,
bulalo at buttered chicken. Iyon rin kasi ang pinipili namin
sa tuwing kumakain kami rito sa totoong buhay.
“Teka lang muna ha, iihi lang ako sa banyo.” Ang
sabi ni kuya sabay tayo sa sofa.
Nakasimangot lang ako no'n habang tumitingin sa
menu. Dinadalaw na naman ako ng pangamba ko.
“Oh, anong meron sa'yo? Nakasimangot ka na
naman. Hindi ba dapat masaya ka kasi nagkita na kayo ng
kuya niyo after two years.”
“Oo, pero, hindi ko kasi maalis na panaginip lang 'to
eh. Hindi ko naman siya makikita paggising ko.”
“Ano ka ba, hindi ka magigising ngayon. Isa pa,
huwag mong sayangin ang oras niyong dalawa sa pag-iisip
mo nang ganiyan. Just, enjoy the moment. Ienjoy mo na
magkasama kayong dalawa. Kahit sa panaginip lang.”
“I guess you're right.” Ang sabi ko.
Hindi nagtagal ay bumalik na rin si kuya. Nagsimula
na kaming kumain at nagkwentuhan. Nakita ko na hindi na
kinain ni kuya 'yung pagkain niya kaya hiningi ko na lang.
Pagkatapos ng isang oras, natapos kaming kumain at
lumabas na ng Food Sky.
“Ah, Green, may balak kaming mamasyal. Sasama
ka ba?”
“Hindi na muna, Napier, makikipagkita ako kay
Denver.”
“Ha? Nakita mo rin pala si Denver? Kailan mo siya
nakita?” Si Denver ang isa sa mga naging kaibigan namin
noong college. Naging sobrang close kaming tatlo. Pero
pagkatapos niyang mag tapos ay lumipat siya sa ibang

62
Subconscious Love

lugar para doon magtrabaho kaya bihira na lang kaming


mag-usap.
“Ah, nakasalubong ko lang siya. Sige, mauuna na
ako. Mag-enjoy kayong dalawa ah.” Ang sabi niya.
“Sige, ikaw rin.” Ang sabi naman ni kuya Ron.
Naghiwalay na kami ng tutunguhin ni Green at ni
kuya Ron. Siguro nga dapat kong sulitin ang oras na ito.
Bago siya mamatay, hindi kami nagkita nang ilang taon
dahil hindi na siya umuuwi sa bahay namin. Mga apat na
taon siyang hindi umuwi sa amin at nakakausap lang
namin siya sa phone. Wala naman siyang dinadaing na
problema sa amin kaya ang alam namin ay okay lang lagi
siya.
Nagtungo kami sa parke. 'Yung parke na iyon ay
ang lugar kung saan kami namasyal ni Green. Mahangin sa
lugar na iyon. At hanggang ngayon ay malalim pa rin ang
iniisip ko.
“Nape, nasa parke ka na pero 'yung utak mo kung
saan-saan napapadpad. Ano na naman bang iniisip mo?”
“Ah, wala ito kuya.”
“Hays, iyan ka na naman eh. Dati ka pang ganiyan,
lagi kang 'di nagsasabi. Kung may nararamdaman ka at
may bumabagabag diyan sa isip mo, sabihin mo sa akin.”
“Hindi ko talaga pwede sabihin kuya. Sorry.”
Binaling ko na lang ang atensiyon ni kuya para hindi na
masayang ang oras namin. “Tara, maglaro muna tayo.
Tignan mo oh, higanteng chess. Magchess tayo.”
Naglaro lang kami ni kuya hanggang sumapit ang
tanghali. Pagkatapos ay nagtungo kami ng mall para doon
na mananghalian.
Nagkwentuhan lang kami, pero minsan ay
lumalalim na naman ang iniisip ko. Hindi ko gustong
ganito na lang ang mangyayari sa amin lagi.

63
Akosik3n

Matapos ang tanghalian, namasyal muna kami sa


loob ng mall. Napagpasyahan namin na mag-arcade muna
para naman makapaglibang kami. Makakasama ko na ang
kuya ko. Kahit sa panaginip lang ay nakakasama ko ulit
siya. Kahit na alam kong... limitado ang oras ko na kasama
ko siya.
Pagkatapos no'n ay nanood kami ng sine. Hindi ako
nauubusan ng pera. Nanood kami ng love story na palabas.
Gustong-gusto ni kuya 'yung mga love story. Kabaligtaran
ng akin, wala akong hilig diyan. Sci-Fi ang type kong genre
eh.
Pero kahit na hindi ko gusto iyon, naantig ako sa
istorya. Spoilers na lang kahit walang title at nasa
panaginip lang ako. Tungkol ito sa lalaking hindi alam ang
tamang tyempo para magmahal. Habang 'yung girl naman,
handang-handa na. Tapos dumating 'yung oras na kung
kailan handa na si boy, saka naman nakahanap ng iba si
girl.
“Kaya kong maghintay, pero Jay hindi ako
maghihintay hanggang maging kalansay ako. Sana
maintindihan mo iyon.” Ang sabi ng babae sa palabas.
Lintik, ba't ako tinamaan sa istorya. Hindi ko alam
kung iyon ba ang nararamdaman ni Jessie ngayon. Lalo na
nang umuwi siyang malungkot at mukhang nagtatampo.
“Kaya dapat sinasabi mo kung ano na ang gusto
mong sabihin sa kaniya. Baka mamaya magsisi ka pa sa
huli.” Ang sabi ni kuya. Sa tuwing nakakapanood siya ng
mga palabas na related sa mga nangyayari dati sa pamilya
namin, lagi siyang nagpaparinig.

•==•

64
Subconscious Love

Dalawang beses kaming nanood ng movie. Kaya inabot na


kami ng gabi. Naglakad na kami papunta sa bus stop para
makasakay na siya pauwi.

Nabalot kami ng katahimikan habang naglalakad.


Napansin ko kanina na nangayayat talaga siya. Bigla na
lang akong kinutuban. Ewan ko pero nakakaramdam ako
ng deja vu.
Papalapit na kami sa bus stop. Kaunting hakbang
na lang. Pero isang sandali, bigla na lang napaungol si kuya
sa sakit. Hawak-hawak ang kaniyang tiyan. Sa sobrang
sakit ay napalapag na lang siya sa semento at napahiga.
“Tulong! Tulungan ninyo kami!” Sumigaw na ako
nang pagkalakas-lakas. Hindi ko na mawari ang
nangyayari. Isa lang ang gusto kong mangyari ngayon, ang
madala siya sa ospital.
Nasa Dreamstate General Hospital kami ngayon.
Nasa tabi ko ang kapatid kong walang malay na nakahiga
sa higaan niya.
Dumating ang doktor sa kuwarto namin. Agad
akong tumayo at lumapit.
“Dok, ano pong lagay ng kapatid ko.”
“Kapatid ka po ba niya?” Ang tanong ng doktor.
“Opo, bakit po?”
“Hindi pa niya nasasabi sa inyo. Ako po ang naging
doktor niya, matagal na siyang may Stage Three
Pancreatic Cancer.” Hindi. Nangyayari ulit. Nangyayari
ulit!
Nangyayari na naman ang nangyari na dalawang
taon ang nakararaan. Bumisita si kuya sa amin nang
umaga dahil ilang taon din siyang umalis sa bahay namin.
Masayang-masaya kami dahil makakasama namin ulit
siya.

65
Akosik3n

Kumain kami ng tanghalian sa bahay. Masaya ang


kwentuhan namin. Napansin ko na kaunti lang ang nakain
ni kuya, nangangayayat na nga siya no'n eh dahil hindi siya
kumakain nang marami.
Namasyal kami sa parke pero sa tuwing inaaya ko
siyang maglaro, pumapayag siya pero sandali lang. Mas
pinipili niya na maglaro lang ng chess.
Pauwi na sana na kami no'n pero habang pauwi ay
bigla na lang sumakit nang todo ang tiyan ni kuya. Sa
sobrang tindi ng sakit ay tinakbo namin siya sa ospital.
Doon namin nalaman na may Pancreatic Cancer siya, at
nasa stage three na.
Kaya niya hindi sinabi ay dahil ayaw niya kaming
mag-alala, ni hindi na nga siya nagagamot dahil ayaw
niyang gumastos kami para sa kaniya. Ang tanga-tanga ng
paliwanag niya. Gusto ko siyang murahin nang ilang beses.
Pero naiyak na lang ako. At heto, nangyayari na naman.
Nangyayari na naman ang nangyari na sa akin dati.
P*t*ng inang panaginip ito.
Litong lito ako. Hindi ko alam ang gagawin. Sobrang
gulo ng isip ko. Ayaw ko pa siyang mawala pero paano?
Tinawagan ko si Green para pumunta dito at
samahan ako. Napaiyak na lang ako sa tabi ni kuya. Gusto
kong magalit pero nangibabaw lang ang lungkot.
“Bakit hindi mo sinabi sa akin!? Bakit ka naglihim?!
Ikaw ang nagsabi na kung may gusto akong sabihin,
sabihin ko na! Pero ikaw itong naglilihim sa akin. Sabi na,
hindi na dapat kita nakita! Sana hindi na lang tayo
nagkasalubong! Para hindi na ako nag-alala na mawawala
ka!” Ang sabi ko.
“Ba't mo naman nasabi iyan?” Ang matamlay na
sabi ng kapatid ko. Nagising ang kapatid ko mula sa
pagkakatulog. Tumingin ako sa kaniya. “Bakit... mo... sinabi
iyon?”

66
Subconscious Love

“Kuya alam mo ba kung bakit hindi ko kayang


magkaroon ng relasyon kay Jessie? Kasi ayokong ma-
attach sa kaniya. Alam mo ako ‘di ba kapag nangyari iyon?
Natatakot ako dahil masasaktan na naman ako dahil
mawawala siya. Darating din ang panahon na mawawala
siya at mangyayari ulit ang nangyari na sa akin dati! Na...
na napakapit ako parang linta tapos sa huli ako rin ang
nasaktan dahil wala na siya. Hindi ko kaya kuya! Katulad
ngayon, hindi ko alam pero mukhang mawawala ka na. At
hindi ko kayang tanggapin iyon.”
“Napier, lahat tayo... mawawala. Walang...
permanente sa mundo. Hindi natin iyon... mapi... pigilan.”
Hinawakan niya ang braso ko.
“Huwag mong... sayangin ang oras mo... sa pag-
aalala na... mawawala ang mahal mo... sa buhay. Huwag
mong katakutan... ang mga bagay na hindi mo mapipigilan.
Sulitin mo ang mga natitirang sandali... kasama ng mga
mahal mo. Mawawala ka rin naman... mas mabuting may
gawin ka nang maganda... kaysa mag-alala.” Hinahabol na
niya ang hininga niya. Alam kong nahihirapan na siya.
“Kaya Napier, huwag kang matakot... na mahalin rin si
Jessie... sinasayang mo lang ang oras sa pangangamba... na
dapat ay sinusulit niyo nang dalawa. Napier... huwag
mong... kalilimutan... ang mga bilin... ko...” Dumaloy ang
luha ko na parang ilog nang marinig ko ang ingay na hindi
ko dapat marinig. At ang linyang hindi ko dapat nakita ay
nakita ko.
“Kuya! Kuya! Gumising ka! Doktor! Doktor!” Ang
sigaw ko.
Pumasok ang mga doktor at pinalabas ako. Sinara
nila ang pinto at nirevive ang kapatid ko.
“Napier!” Narinig ko ang sigaw ni Green, napalingin
ako sa kinaroroonan niya at nakita ko na kasama niya si
Jessie.

67
Akosik3n

“Lumaban ka kuya! Lumaban ka!” Ang pilit kong


binubulong. Tumayo na lang ang balahibo ko nang itaas ng
isang doktor ang braso niya upang tignan ang relo sabay
sabi ng “time of death: eleven thirty-four p.m.”
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.
Pakiramdam ko ay nanghina ako. Napakapit na lang ako sa
upuan at napaupo. Halu-halo ang emosyon ko at hindi
alam kung anong gagawin. Wala akong masalita, hindi
makasigaw, hindi makaiyak. I was just, in shock.
“Napier! Anong nangyari.” Nakalapit na sa akin
silang dalawa.
“P-patay na si k-kuya!” It pains me to say this,
again. I feel like wala akong gustong gawin. Dapat ay
tanggap ko na... na wala na siya dati pa pero heto ako
ngayon. Para pa rin akong isang taong unang beses
namatayan ng mahal sa buhay.
“I'm sorry for your loss, Napier.” Ang sabi ni Jessie.
“HINDI NANGYAYARI ITO!!!”

~••~

68
Subconscious Love

viii

Hailey
“Time of death: eleven thirty-four p.m.”
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Pakiramdam ko ay
nanghina ako. Napakapit na lang ako sa upuan at napaupo.
Halu-halo ang emosyon ko at hindi alam kung anong
gagawin. Wala akong masalita, hindi makasigaw, hindi
makaiyak. I was just, in shock.
“Napier! Anong nangyari.” Nakalapit na sa akin
silang dalawa.
“P-patay na si k-kuya!” It pains me to say this. I feel
like wala akong gustong gawin. Dapat ay tanggap ko na
wala siya pero heto ako ngayon. Para akong isang taong
unang beses namatayan ng mahal sa buhay.
“I'm sorry for your loss, Napier.” Ang sabi ni Napier.
“HINDI NANGYAYARI ITO!!!” Ang sabi ko sabay
takbo palabas ng gusali.
“Napier!” Ang sigaw sa akin ni Jessie. Gusto ko nang
magising sa panaginip na ito dahil para na akong nasa
bangungot. Pero ayaw ko rin iwan ang panaginip na ito.
Napahinto ako nang tawagin ako ni Jessie. Nilapitan
niya ako at kinausap. Kasabay ng aking pagluha ang
pagbuhos ng ulan. Parehas kaming walang payong nang
lumabas kaya para kaming mga basang sisiw.
“Sabihin mo, anong nangyari?”
“Hindi ko alam. Hindi niya sinabi sa akin na matagal
na siyang may sakit. Wala akong kamalay-malay. Buong
araw kaming magkasama pero hindi ko alam na may sakit
nang dinadala ang kapatid ko. Saka ko lang nalaman nang

69
Akosik3n

bigla na lang sumakit ang tiyan niya.” Patuloy ako sa


paghikbi, kahit na nangyari na ito dati.

“Nakikiramay ako Napier. I'm sorry for your loss.”


Ang sabi niya sabay himas sa likod ko.
“Lahat ng mahal ko... sa buhay ay nawawala. Lahat
ng minamahal ko... iniiwan ako. Hindi ko alam baka
mawala na rin sa’kin... lahat.” Ganoon na lang talaga kadali
para sa lahat na iwanan ako.
“Huwag mong isipin iyan. Oo, lahat tayo rito may
hangganan pero... hindi naman iyon ang mahalaga ngayon.
Ang mahalaga ay ang mga alaalang nabuo ninyo.
Naiintindihan ko ang sakit na nararamdaman mo. Lalo na
kapag isang beses magugunita mo na lang ang alaala niya
at maisip mo na hindi na madaragdagan paang mga alala
na iyon.” Lalo akong nalungkot sa sinabi nia. Natanggap ko
na ang bagay na iyon no’n. Pero minsan mapanakit ang
mga panaginip.
Magpapakita sa iyo ang isang taong matagal nang
wala para lang mapagtanto mo sa paggising mo na hindi
mo na talaga siya makikita at panaginip lang ang lahat.
Bwisit talaga.
Patuloy na nagsalita si Jessie. “Huwag tayong
magpaulan dito. Pumasok na tayo sa loob.”
Umiling ako. “Iwanan mo akong mag-isa!” Ang sabi
ko sabay takbo.
“Napier!” Hindi na ako lumingon nang tawagin niya
ako.
Hindi ko alan kung tama ba ang nararamdaman ko.
Kahit nasa panaginip, sobrang sakit na mamatayan ng
mahal mo sa buhay. Kahit na nasaksihan mo na siyang
mamatay. Tanggap ko na, pero naramdaman ko na naman
muli. Bumalik na naman ang sakit. Bumalik lahat ng mga

70
Subconscious Love

hinanakit na matagal nang nawala. Nagbukas muli ang


mga sugat na matagal nang naghilom.

•==•
Day 9

Kailangan kong asikasuhin ang nga papeles para


maihanda ang cremation ng kapatid ko. Buti na lang at
tinulungan ako ni Green na ayusin ang burial ni kuya.
Hindi ako nagpunta ng cafe. Wala akong ganang
kausapin ngayon si Jessie. Noong namatay si kuya sa
totoong buhay, hindi ko kinausap halos lahat. Ang pamilya
ko, at si Green lang ang kausap ko. Syempre kinausap ko
rin 'yung nag-aasikaso ng burol pero mabilis lang.
Nagpunta ako sa isang cremation center para
masimulan na rin ang process ng pagkecremate. Medyo
nagtagal ako doon dahil inalam ko kung paano 'yung
tamang proseso. Noong namatay kasi si kuya, ang mga
magulang ko ang nag-asikaso no'n. Isa pa, libing ang
ginawa namin kay kuya no'n.
Inabot ako ng tanghali, tinanghali na rin kasi ako ng
gising. Nagugutom na ako pero imbes na sa restaurant ako
nagpunta, sa bar ako nagtungo.
Naupo ako sa counter at umorder ng tequila.
Habang umiinom ay kung anu-ano na namang pumapasok
sa isipan ko. Kagaya nang nasa panaginip ako pero hindi
ako nakakagawa ng mga kakaibang mga bagay.
Naubos ko ang unang shot kaya umorder pa ako ng
isa. Ewan ko kung ilang lagok ang aabutin para mawala
ang hinanakit ko. Umorder ako ng pangatlong shot.
Pagkaabot ng baso, nakatulala lang ako sa mesa. Man,
gusto kong iwanan itong panaginip na ito pero hindi ko
kaya. This is just like what happened to me and my ex.

71
Akosik3n

Nanatili pa rin akong nakakapit kahit na nasasaktan ako.


At hindi ako makabitaw dahil hindi ko kaya.

“Hey.” May narinig akong boses ng babae. Malapit


at malakas ang boses na iyon kaya nalaman kong katabi ko
lang siya. Napatingin ako sa kaliwa ko.
“Seems like something is bothering you.” Ang sabi
niya. Tumango lang ako. Ayoko nang gumawa pa ng
usapan dahil wala talaga akong gana.
“You know, maganda kung habang umiinom ka ng
tequila ay may kausap ka para marelease iyang, kung ano
mang dinadala mo.”
“Sorry, I don't feel like talking right now.” I don't
know if that is true. Madalang akong uminom. Pero ang
hirap din ng hindi mo sinasabi ang nararamdaman mo.
“I know you have a problem. I'm a therapist at base
on my experience, sa galaw mo kanina, may problema ka.”
“Wait, kung therapist ka, bakit ka nandito at
umiinom ng beer? Hindi ba't parang unethical iyon?”
“I'm not in duty and you're not my client. Besides,
nandito lang ako para uminom ng one shot kada araw.
Hindi naman ako nandito para magpakalasing.” Hindi ko
alam kung totoo ba iyon. Wala akong alam sa mga
therapist eh. “By the way, I am Hailey.”
“I'm Napier.” Naghesitate pa ako kung
magkekwento ba ako o hindi. Pero talagang mabigat sa
pakiramdam ito. Sa huli ay nagsalita rin ako. “Ganito kasi, I
just want to leave a place. Kasi, parang, nahihirapan na
akong manirahan at manatili doon. Pero, gustuhin ko man,
hindi ko kaya.”
“Why?” Ang sabi niya.
“I don't know. Basta, parang hindi ko kaya.”
“You know, there is a reason why. Maybe you loved
that place at may sentimental value ang lugar na iyon sa

72
Subconscious Love

iyo. O, baka, you love someone kaya hindi mo siya kayang


iwanan? Or maybe, you are agoraphobic, kasi feeling mo
safe ang lugar na iyon at ayaw mong umalis doon. Pero
dahil sabi mo nahihirapan ka na sa lugar na iyon, hindi ko
icoconsider na may ganoon kang phobia.” Hindi ako
nakapagsalita. I'm still confused bakit hindi ko kaya.
“Well, I had to go now. Maybe magkita na lang tayo,
bukas. If you wanna talk about something more.”
“May pasok ka ba bukas?”
“Twelve o’clock ang duty ko bukas.”
“Pwede ba tayo magkita nang alas otso?”
“Sige.”

•==•

Sumakay ako ng bus pauwi. You know, pwede na


lang naman akong lumipad pauwi ng bahay o magteleport
pero mas pinili ko pang sumakay ng bus pauwi. Siguro
bukod na rin sa limitado ang bilang ng pagbabago na dapat
kong gawin, mas masaya kung ieenjoy mo ang panaginip
na ito nang normal.
Kapag kasi lahat ng bagay ay kontrol mo,
makukuha mo ang lahat ng gusto mo. Oo, masaya dahil
lahat ng gusto mo ay matutupad na. Pero mas masarap
makamit ang isang bagay 'pag pinaghihirapan.
Isa pa, hindi rin maganda kapag kontrolado mo ang
isang tao. Mawawalan ng thrill ang mga bagay-bagay.
Ansarap rin pala sa pakiramdam kapag nailalabas
mo sa ibang tao 'yung hinanakit mo. Lalo na kapag
nakikinig sila kahit strangers kayo. Hindi kasi ganito ang
ginagawa ko kaya kakaiba sa pakiramdam.
Nakauwi na ako sa bahay. Nakita ko si Green na
inaayos ang papeles para mai-cremate na si kuya.

73
Akosik3n

“Nandito na 'yung papeles. Kapag naipakita mo na


ito sa crematorium, ma-crecremate na nila ang kuya mo.”
Ang sabi niya sabay bigay sa akin ng papeles.
“Salamat.” Ang sabi ko.
“Siya nga pala, Napier. May trabaho na ako dito. Sa
isang Architectural Company.” Napangiti ako sa sinabi
niya.
“Ha? Talaga? Saan?”
“Sa tabi ng monorail depot. Naghahanap sila ng
papalit sa chairman ng kumpanya. Nagresign na kasi siya
eh. Tapos nag-apply ako. Eh, nalaman nilang kwalipikado
ako kaya natanggap ako.”
“Wow, napakastrange naman niyan. Sinong naghire
sa iyo?”
“'Yung CEO. Weird nga eh. Sana ganoon na lang
kadali maging Chairman sa totoong buhay.” Ang sabi niya
pagkatapos ay tumawa.
“Ah, oo nga pala. May ikukuwento rin ako. May
nakausap akong therapist sa bar.”
“Oh, tapos?”
“Wala lang, nagkausap kami. Para naman gumaan
'yung loob ko. Magkikita nga kami sa Food Sky nang alas
otso eh.”
“Hindi ka pupunta kay Jessie?”
“Ewan, hindi na muna siguro.” Ang sabi ko.
Lumabas siya sandali ng condominium. Habang ako,
inaayos ang lahat ng papeles para bukas ay macremate na
si kuya.
Pagkatapos no'n, lumabas ako sandali ng condo
para magpahangin saglit. Nakita ko si Green na may
kausap sa telepono. At kalaunan, binaba niya rin iyon.
Lumapit siya sa akin.
“Ah, Nape, pwedeng humingi ng pabor?”
“Ano iyon?”

74
Subconscious Love

“Hihingi sana ako ng five million pesos. Para sa


proyekto ng kumpanya namin.”
“Wow, anlaking pera no'n ah.” Nakapagtataka, bakit
naman kakailanganin ng kumpanya nila ang limang
milyon? At galing pa kay Green na katatanggap lang sa
trabaho?
“Nga pala, kahit iwan mo lang 'yung four million.
Isang milyon lang dadalhin ko bukas. On cash.”
“On cash? Five million on cash? Wala tayong space
na paglalagyan no'n.” Nakakapagtaka, nanghihingi siya ng
ganoon kalaking pera at imbes na sa tseke, on cash pa ang
gusto niya.”
“Basta, kailangan. Humanap ka na lang ng
paglalagyan.”
“Ugh! Sige na, ako nang bahala.” Ang sabi ko. Tutal
kaibigan ko rin naman siya, at marami na rin siyang
nagawa sa akin.
Doon ko naalala na may storage room pala kami.
Iniignore ko lang iyon dahil wala naman kaming ilalagay
doon.

•==•
Day 10

Naghanda na ako dahil magkikita kami sa Food Sky


ng isang therapist na nakilala ko sa bar. Sa totoo lang,
bihira akong makakita ng ganitong klase ng tao na
tumutulong at ginagawa ang trabaho niya ng libre sa isang
estranghero.
Pumasok na ako sa building at nakitang
naghihintay si Hailey. Nilapitan ko siya.
“Saan mo gustong kumain?” Ang sabi ko.

75
Akosik3n

“Sa first floor na lang. Ayoko nang umakyat pa sa


taas.” Napasabi na lang ako ng “okay” at pumasok na sa
restaurant.
“Now, what do you wanna talk about?” Ang sabi
niya pagkatapos naming maupo sa tabi ng salamin.
“Naalala mo 'yung mga posibleng dahilan kung
bakit ayaw kong umalis sa isang lugar kahit na nasasaktan
na ako?”
“Yes, why?”
“Honestly, mayroon talaga akong dahilan. At friend
ko 'yung reason.”
“Yeah, and it's normal.”
“Pero everytime na umaalis ako marami din naman
akong naiiwan na mga kaibigan. Pero this time, para akong
hinihila pabalik. Hindi ko kayang umalis.”
“I see. Anong gender ng sinasabi mong friend mo?”
“Babae siya.”
“Hmm. Are you sure na 'yung dahilan na iyon is just
a friend or bestfriend?” Hindi ako nakapagsalita nang ilang
segundo.
“Well, may gusto kasi siya sa akin. Pero hindi ko pa
siya sinasagot. Parang... friend lang ang turing ko sa
kaniya. Pero umaasa pa rin siya sa akin.”
“Well, that's haroad Sigurado ka bang wala ka nang
nararamdaman.” Ang sabi niya.
“Ewan, kaibigan lang talaga ang turing ko sa kaniya.
Isa pa, I'm not ready. I promise wala akong feelings.”
“Be honest with me, ano-ano 'yung mga
nararamdaman mo habang kasama mo siya.”
“Masaya.”
“What else?”
“Ah eh, I-I don't know, sumasaya a-ang araw ko.
Araw-araw nga akong bumibisita sa café niya palagi para

76
Subconscious Love

makita siya eh.” Hindi ko namamalayan na ngumingiti na


pala ako.
“Alam mo Napier, those are signs na nahuhulog ka
sa sinasabi mong “friend”. Pero sinasabi mo na wala kang
feelings sa kaniya. Baka you're in love “subconsciously”.”
“In love subconsciously?”
“I mean, sinasabi mo na wala kang nararamdaman
pero nagpapakita ka ng mga senyales na in love ka. Either
dinedeny mo talaga na in love ka, o hindi mo lang
namamalayan na mahal mo na siya.” Nawiwindang na ako.
Posible ba talagang magmahal nang hindi namamalayan.
Maybe dinedeny ko lang sa kaniya at kay Green na mahal
ko siya.
“Anong pinagkaiba no'n sa “unconsciously”?” Ang
tanong ko.
“Ang subconsciously, galing sa salitang
subconscious. At ang subconscious na iyon ay ang parte ng
utak mo na nagpaprocess ng feelings mo at ng mga actions
mo. Pinaprocess ng subconscious mo ang feelings mo sa
girl. At hindi mo iyon malalaman hangga't hindi mo iniisip.
“Ang unconscious kasi ay ang mga nagso-store ng
repressed feelings at thoughts. Talagang hindi mo iyon
maiisip hangga't walang nagtritrigger. In your case,
sinasabi mo na wala kang feelings pero deep inside meron.
And until you admit it, until you accept na may feelings ka,
doon mo marerealize na may feelings ka para sa kaniya.
“I cannot say it's unconscious love because it is not
repressed at naeexpress mo naman siya. Pero dahil hindi
mo namamalayan na naeexpress mo siya, it's subconscious
love.” Wow. Anlalim. Dumating na ang order naming
pagkain at nagsimula nang kumain.
“Well, back on track. Mayroon pa akong sasabihin
kung bakit ayaw kong iwan 'yung certain na lugar na
iyon.”

77
Akosik3n

“Bakit?”
“Kasi, hindi ko na siya makakausap. Hindi ko na
siya makikita pa ulit. It's like she's dead pero hindi pa siya
patay.”
“Ha? What do you mean?”
“I can't interact with her anymore oras na umalis
na ako.”
“How?” Hindi ko maipapaliwanag 'to nang maayos
sa kaniya. Hindi ko nga alam bakit ko pa nasabi na hindi ko
na siya makakausap pa.
“I can't explain it now. Sorry.”
“Are you sure, I'm willing to help.” Ang sabi niya.
“Hindi ko talaga kaya. I'm sorry.”
“It's okay, just take your time.” Ang sabi niya sabay
hawak sa kamay ko. “Alam kong mahirap para sa iyo na
umalis. Ngayon ay nasa dilemma ka kung aalis ko ba o
hindi. Because sabi mo kapag umalis ka, hindi mo na siya
makakausap kailanman. So take your time.”
Napayuko na lang ako at napatingin sa bintana.
Nagulat ako nang makita ko si Jessie na nakatitig sa amin.
Naloko na! Baka mamisinterpret niya kami. Lalo akong
nag-alala nang bigla siyang umalis. Lintik!
“Jessie!” Ang sabi ko. Tinaggal ni Hailey ang kamay
niya sa kamay ko. Napatayo ako sa inuupuan ko at
lumabas.
“Jessie! Sandali! Magpapaliwanag ako.” Hindi niya
ako pinakinggan at nagpatuloy pa rin sa paglalakad.
Napatitig ako sa bintana ng isang building at nagulat ako
dahil may sniper na nakapuwesto doon.
“HINDI!!!” Gumawa ako ng pagbabago at ginamit
ang telekinesis ko para alisin ang sniper sa kamay niya.
Hinampas ko ito sa ulo niya.

78
Subconscious Love

Pero sa hindi inaasahan ay may narinig pa rin


akong putok ng baril. Pagtingin ko kay Jessie, nakita ko na
may dugo na sa balikat niya. Bumagsak siya sa semento.

~••~

79
Akosik3n

IX

Jessie II
M ay dugo ang balikat ni Jessie. Hindi ko na
inintindi kung saan iyon nanggaling. Bumagsak si
Jessie sa bangketa. “Hindi! Hindi! Hindi! HINDI!!!
JESSIE!!!” Lumapit ako sa kaniya at hinawakan siya.
“Jessie, Jessie gumising ka.” Binuhat ko si Jessie at
gumawa ulit ng pagbabago. Tumakbo ako nang sobrang
bilis at pumunta sa ospital.
“Tulong, tulong. Nabaril siya sa balikat!” Hindi ko
alam ang gagawin ko. Nasa bingit ng kamatayan si Jessie
ngayon.
Dinala na siya ng mga doktor sa Emergency Room.
Bakit 'to nangyayari?
Nakakalito.
Nakakabigla.
Hindi ko ‘to inaasahan.
Balisa ako ngayon at palakad-lakad sa hallway.
Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit siya nabaril. Hindi ko
alam na may dalawang babaril sa kaniya noon. Bakit ba
ngayon pa siya nagpunta doon?!
Sising-sisi ako. Sana hindi ko na lang kinausap si
Hailey sa bar. Sana hindi na lang ako sumipot. Hindi ko
matanggap. Masama na nga ang loob niya sa akin,
mababaril pa siya. Alam kong labis ang sakit na
nararamdaman niya ngayon.
“Nakakainis, bakit?” Hindi ko alam pero napaisip na
lang akong pahintuin ang oras. At sa hindi sinasadya ay
nakagawa ako ng pagbabago.

80
Subconscious Love

Hindi gumagalaw ang lahat ng tao. Nilapitan ko ang


isa sa kanila at kaya ko namang baguhin ang posisyon nila.
Hindi!!! Bakit hindi ko 'to naisip kanina?! Bakit hindi ko ito
ginawa?! Sising-sisi na ako.
Antanga-tanga ko!
Antanga-tanga ko!
Pinagalaw ko na ang lahat ng tao. Ngayon ay
naubos ko na ang mga pagbabagong pwede kong baguhin.
Kahit na umaga pa lang. Wala akong magawa kun'di
umiyak.
Maya-maya ay dumating si Green. “Napier!” Ang
tawag niya sa akin. Napatingin ako sa kaniya pero yumuko
agad ako.
Tumabi sa akin si Green sa upuan at tinapik ang
likuran ko.
“Paano ka nakapunta rito?” Napatingin ako kay
Green. Hindi siya nakasagot agad. “Anong mayro'n,
nagtatanong lang ako.”
“Ah, pupuntahan sana kita sa Food Sky, pero nakita
ko na may nagkukumpulang tao do'n. Tapos nang tignan
ko, wala namang naaksidente o kung ano. Bale hinanap ko
'yung kausap mong therapist at tinanong ko kung nasaan
ka. Doon ko nalaman na may bumaril kay Jessie. Alam ko
na susugurin mo siya sa ospital kaya naisip ko na pumunta
rito. Tapos dito na nga kita natunton.”
“Buti na lang nahanap mo ako kaagad. Hindi ko
alam ang gagawin ko. Nababalisa na ako.”
Lumabas na ang doktor na nag-asikaso kay Jessie.
Tumayo kaming dalawa at lumapit sa doktor.
“Doc, ano na pong balita sa kaniya? Ligtas po ba
siya?”
“Natanggal na namin ang bala sa balikat niya.
Thankfully nakaligtas siya. Pero hindi pa maayos ang lagay
niya sa ngayon so we will still observe her.”

81
Akosik3n

“May kailangan po ba kayong iinject na kung ano sa


kaniya?” Ang tanong ni Green.
“Well, kailangan lang namin siyang bigyan ng
antibiotic upang hindi magkaimpeksyon ang sugat niya.
Kailangan din naming salinan siya ng dugo dahil
maraming dugo ang nawala sa kaniya.”
“Maraming salamat po doc.” Ang sabi ko. Tumango
siya at umalis.
Pumasok kami sa room ni Jessie at naupo malapit
sa dingding. Nabalot lang sa katahimikan ang kuwarto.
“Kasalanan ko ito.” Ang sabi ko.
“Paano mo naman nasabi?”
“Sana hindi na lang ako sumipot kay Hailey. Hindi
na namin sana pinag-usapan ang problema ko.”
“Nakakalungkot lang na hindi na kita natulungan.
No'ng sinabi mo sa akin na may nakilala kang therapist at
sinabi mong magkikita kayo, alam kong may problema ka
na no'n. Sana kinausap na kita no'n.”
“Ayos lang. Gusto mo pag-usapan na natin ngayon.”
Ang sabi ko. Pumayag naman siya. “Gusto ko nang umalis
dito. Kaya lang naman ako nandito, para maranasan ko
kung ano ang pakiramdam ng lucid dreaming. Kung
masaya ba talaga kapag nakokontrol mo ang panaginip
mo. Pero ngayong gusto ko nang lumisan; hindi ko na
kaya.”
“At ang dahilan ay si Jessie hindi ba?”
“Oo, sayang naman. Hindi ko na makikita si Jessie
ulit. Kung oo, maliit na lang ang tsansa.”
“Bakit ka nag-aalala? Na hindi mo na siya makikita?
Panaginip lang naman ito Napier.” Paulit-ulit na tanong sa
tuwing sinasabi ko na ayaw ko siyang mawala. “Huwag
mong sabihing mahal mo na rin si Jessie. Nahihibang ka na
kung gano'n. Nahulog ka sa isang taong hindi mo alam
kung matatagpuan mo o hindi sa paggising mo.”

82
Subconscious Love

“Hindi ko siya mahal Green. Isa pa, hindi ka rin ba


nakakaramdam ng nararamdaman ko kapag nananaginip
ka? Hindi ba't naiinis ka din sa tuwing nagigising ka sa
magandang panaginip? Walang mali kung naaapektuhan
ng isang taong hindi tiyak ang existence ang damdamin
mo.”
“Sorry Napier. Ayaw ko kasing sa paggising mo,
makakaramdam ka ng tulad ng nangyari sa break up ng ex
mo eh.”
“Iba ang nagising sa panaginip at sa break up. Iba si
Jessie sa ex ko.” Tumayo ako at lumabas ng room.
Kailangan ko muna magpalamig ng ulo.
Hindi ko alam kung bakit may bumaril kay Jessie.
Wala naman akong alam kung may nakakaaway ba si
Jessie sa kumpanya niya.
Planado ang pagbaril dahil may nakapuwestong
sniper. Minanmanan nila ang lugar na daraanan niya. Pero
ang nakakapagtaka, bakit may dalawang sniper na
nakapuwesto kung iisang tao lang ang babarilin nila.
May bigla na lang tumawag sa pangalan ko.
Pagkakita ko ay si Hailey iyon.
“Kumusta na si Jessie?”
“Mabuti na ang lagay niya.” Ang sabi ko.
“Umm, Napier, pasensiya na kanina ha.”
“Bakit naman?”
“Kasi, hinawakan ko 'yung kamay mo. Alam kong
hindi ko dapat ginawa iyon. Nakita tuloy ni Jessie,
mukhang namisinterpret niya.”
“Mamisunderstand man niya o hindi, hindi ko pa
rin maintindihan kung bakit siya magkakaganoon.” Ang
sabi ko, nasabi ko na lang ang mga salitang iyon dahil
sobrang gulo na ng isip ko.
“Seryoso ka ba Napier?”

83
Akosik3n

“Nakakainis lang kasi, bakit kailangan pa niyang


makita. Bakit ganoon pa ang kinilos niya?” Ang sabi ko
habang sinasabunutan ang sarili ko. Palakad-lakad lang
ako sa pasilyo ng ospital.
“Napier, huminahon ka muna. You need to
understand someone's feelings. Let's say na ikaw si Jessie
at umaasa ka sa taong mahal mo. And then nakita mong
may kasama siyang other girl na kasama. Hindi ba kung
anu-ano na lang ang pumapasok sa isip mo?”
“Yeah.”
“Dagdagan mo pa ng hawak pa niya ang kamay ng
gusto mo. What do you think?”
“Hindi naman ako agad na mag-iisip ng ganoong
mga bagay.”
“Siguro ikaw hindi. Pero don't forget, iba-iba kung
mag-isip ang mga tao. Maybe sa iyo, wala lang iyon pero
big deal na sa iba iyon.” Heto na naman ako, hindi
nakapagsalita dahil may napagtanto na naman ako. Well,
sh*t happens. At ngayon hindi pa rin nagigising si Jessie.
Natatakot ako ngayon dahil may banta sa amin.
Pero hindi naman maganda ang dahilan ng takot ko. Hindi
naman ako mamamatay. Gusto kong umalis pero natatakot
akong magising. Hindi ba? Nankakahibang?
Nagcocontradict na ang mga thoughts ko.
Oo nga pala, anytime soon, lilisanin ko rin ang
panaginip na ito. Ayoko nang magpalamon sa pangamba.
Masasayang lang ang oras ko, sinabi na nga ni kuya ito sa
akin sa panaginip mismo.
Susulitin ko na ang mga sandaling ito oras na
magising si Jessie. Hindi ko na sasayangin ito. Limitado
ang oras ko at alam kong malapit na akong magising.
Tatanggapin kong may dulo ang lahat. At walang saysay
ang matakot sa katapusang hindi mapipigilan.

84
Subconscious Love

Maybe, kailangan ko na sigurong sabihin sa kaniya.


Pero... anong aaminin ko kung wala akong aaminin?
Posible ba ang maging masaya sa tuwing nandiyan siya
pero hindi ako nahuhulog sa kaniya? O baka tama lang
talaga si Hailey, tinatanggi ko lang ang lahat?
'Hindi ko alam.' Iyan lang ang nasasabi ko sa
tuwing magulo ang isipan ko.
Pumasok ako sa kuwarto niya. Nakita ko si Green
na nakaupo. Lumapit siya sa akin.
“Napier, aalis na muna ako. May kailangan kasi
akong gawin. Paalam.”
“Sige, ingat ka.” Ang paalam ko din sa kaniya.
Napaupo lang ako rito at nakatingin sa kaniya.
Kung totoong buhay lang 'to, malamang sasapakin ko na
ang sarili ko at sisisihin ko ang sarili ko. Pero kahit na
panaginip lang ito ganoon pa rin ang gagawin ko.
“Oh, pasensiya na Jessie, kung hindi dahil sa akin,
hindi ka sana magkakaganito.”
Gusto ko sanang umuwi ng bahay para kumain
kaso hindi pwede. Hindi ko pwedeng iwan si Jessie nang
mag-isa. Dapat pala sinabihan ko si Green na dalhan ako
ng pagkain pagbalik niya rito.
Naisip ko na baka may kainan malapit sa labas ng
ospital, hindi naman siguro masama kung lalabas lang ako
para kumain saglit. Ang inaalala ko lang kasi ay baka
sakali, magising si Jessie.
Kumain ako saglit at bumalik na din sa ospital
pagkatapos ng forty-five minutes. Pumasok ako sa ospital
at pumunta sa room ni Jessie, nakita ko na may pumasok
na doktor sa room niya. Tuturukan na si Jessie ng
antibiotics.
Ilang minuto ang lumipas, may mga bumisita kay
Jessie. Ilan doon ay ang mga katrabaho sa Architectural

85
Akosik3n

Company at sa ConstelCafé. Dumalaw din ang mga


kapamilya niya.
Nagkausap kami ng mga katrabaho niya.
Kinuwento ko sa kaniya ang buong nangyari. Buti naman
at hindi nila ako sinisisi sa pagkabaril ni Jessie. Although, I
still blame myself.
Ilang sandali ay nakausap ko ang kapatid niya.
“Ikaw ba si Napier?” Ang tanong niya sa akin.
“Oo, ako nga.” Ang sagot ko naman.
“I am Clementine, nakababatang kapatid ni Ate Jes.
Lagi kang nakukuwento sa akin ng ate ko.”
Nakipagkamayan kami sa isa’t-isa.
“Talaga?” Ang nasabi ko.
“Yes, everytime na tumatawag siya sa amin,
bukambibig ka niya lagi. But, sa tuwing nakukuwento ka
niya, nalulungkot siya pagkatapos.” Hindi ako nagsalita.
Heto na naman ako.
“Lagi niyang nasasabi sa amin, “kailan kaya?”. Isang
beses sinabihan ko siya na tigilan na niya pero she
insisted. Kaya daw niya maghintay.” Napabuntong hininga
ako. Ineexpect kong sasabihin niya iyon pero still,
nalungkot pa rin ako sa sinabi niya.
“Ang dahilan mo daw kasi, hindi ka pa handa. Kaya
tinatanggap niya iyon lagi. Kahit na medyo masakit sa
kaniya.
“Napier. Kung 'di mo mamasamain, magtatanong
sana ako.”
“Sige lang.”
“Kailan mo ba siya balak mahalin pabalik?” Nanlaki
ang mga mata ko sa tinanong niya. Hindi ko alam ang
isasagot ko. “Ayaw ko kasing nakikitang nagkakaganoon
siya eh. Sabihin mo kung wala kang balak kasi, sasabihin
ko sa kaniya iyon para hindi na siya umasa sa iyo.”

86
Subconscious Love

“I don't know, I-I-I'm sorry. Hin-hindi ko pa


masasagot iyan.” Ang sabi ko sabay alis.
Nalulungkot na ako sa dinaranas ni Jessie ngayon. I
can't believe na madadala ako nang sobra ng panaginip na
'to.
•==•

Ilang minuto ang lumipas, ay nagpaalam na ang mga


kamag-anak ni Jessie. Nagbigay sila ng pera sa kapatid ni
Jessie bilang tulong pinansyal na rin.
“Clementine, kung gusto niyo, ako na lang ang
magbabayad sa hospital bill ni Jessie.”
“Naku, huwag na kuya. Kapatid ko si Jessie kaya
ako dapat ang magbabayad.”
“Basta. Tanggapin niyo na lang. Tulong ko na rin sa
inyo iyon.”
“Salamat, pero hindi mo na kailangan pang bayaran
ng buo 'yung bill. Kami na ang bahala doon.” Ang giit ni
Clementine.
“Sige. Bahala ka.” Iyon na lang ang nasabi ko.
Madali lang rin naman ako kausap. Sayang lang ‘yung
siyam na milyon sa storage room ko, walang
paggagamitan.
Umalis na rin kalaunan ang mga bisita ni Jessie.
Lumisan na rin sina Clementine at kasama niya dahil may
gagawin rin sila.
Ewan ko nga eh, ang weiroad Ako ang pinagbantay
nila sa ospital. Wala man lang naiwan na kamag-anak ni
Jessie. Minsan naiisip ko na lang na siguro ang kawirduhan
ng panaginip na ito ang dahilan kung bakit ayaw kong
kisanin 'to.
Nasa labas lang ako at naghanap ng
mapaglilibangan ko. Ilang oras din ang lumipas.

87
Akosik3n

Pagkatapos ay may pumuntang nurse. Dala-dala ang


lalagyan na may lamang injection.
Lumapit ako sa nurse dahil alam ko, naturukan na
siya kanina.
“Nurse, tuturukan niyo ulit po siya ng antibiotics?”
“Bakit sir? Naturukan na po ba siya?”
“Opo, nakita ko kanina na may pumasok na doktor
sa room niya para turukan siya.”
“Ah, ganoon ba? Sige, salamat sinabi mo agad.
Sasabihin ko na lang na naturukan na siya.”
Umalis na ang nurse at naupo ako sa tabi ni Jessie.
Pinagmamasdan ko lang siya nang mga oras na iyon. Pero
maya-maya ay bigla na lang tumunog ang makina.
“Nurse? Nurse!” Ang sigaw ko. Nakita ko na nag-
iiba ang kulay ng balat ni Jessie. Hindi maganda 'to.
Maya-maya ay dumating ang mga nurse at
inasikaso si Jessie.
“Mababa ang respiration niya! Pati ang oxygen
respiration mababa din. Kumuha ka ng oxygen tank.” Ang
sabi niya.
“Nurse, anong nangyayari sa kaniya?” Ang sabi ko.
“Mataas ang blood pressure niya pati ang heart
beat niya. Nakakaranas siya ngayon ng Hypoxia. Hindi siya
nakakareceive ng sapat na oxygen. Kailangan naming
bigyan siya ng oxygen mask para maagapan ito. Kung
hindi magkakaroon siya ng kumplikasyon. Or even worse,
mamamatay siya.” Kinabahan ako sa mga sinabi ng doktor.
Saan naman niya nakuha iyon?
“Paano naman niya nakuha iyon doc?”
“Posibleng may health problem na siya like asthma,
anemia o heart and lung problems.”
“Mukha naman siyang malusog eh. May kinalaman
ba 'yung antibiotic dito?”

88
Subconscious Love

“Walang kinalaman ang antibiotics dito. Hindi iyon


magko-cause ng hypoxia sa mga nakatanggap nito.”
Saan naman nanggaling ang hypoxia niya? Bakit
bigla siyang nagkaganoon? Natatakot na ako. Hindi na
maganda ang mga nangyayari kay Jessie ngayon.
Hindi nagtagal ay dumating na rin ang oxygen tank.
Nilagay na ng mga doktor at nurse ang oxygen mask kay
Jessie at sinubukan na pahingahin ito. Sa kabutihang palad
naman ay bumalik na sa normal ang paghinga niya.
“Salamat po nang sobra doc!” Ang sabi ko sa kanila.
Hindi ko na alam ang nangyayari. Bakit
nagkakaganoon si Jessie? Kailangang mas bantayan ko siya
lalo.
Nasa tabi ko lang siya buong magdamag. Hindi na
ako nakapaghapunan. Nag-aalala ako kay Jessie dahil baka
simula kanina, hindi pa siya nakakakain. Sana naman ay
bukas ay magising na siya.
Huwag na sanang lumala ang sitwasyon niya. Hindi
ko alam ang gagawin ko kapag nawala siya.

~••~

89
Akosik3n

Green
Day 11

Nagising ako. Nakatulog ako nang nakaupo sa tabi ni


Jessie. Hindi pa rin siya gising, pero hindi ako nag-alala.
Baka kasi nagising na siya kanina pero nakatulog lang siya
ulit. Tumayo ako sa upuan at lumabas sa hallway.
Napatingin ako sa kaniya. Pwede na ako ulit
makagawa ng pagbabago. Pero hindi pala pwede sa mga
tao ang mga pagbabagong iyon. Kung pwede ko lang
sanang pagisingin siya ngayon. O 'di naman kaya
pagalingin kaagad iyang sugat niya.
Ginamit ko ang pagbabago ko para makagawa ng
pagkain. Sumubo ako at ngumuya. Napahinto ako dahil
bigla kong naisip na hindi pa kumakain si Jessie.
“Kumakain na ako dito, habang ikaw. Natutulog ka,
isang araw ka nang hindi kumakain.” Ang nasabi ko.
“Kung hindi dahil sa akin, hindi ka
magkakaganiyan. Wala akong magawa. Naiinis ako sa
sarili ko kasi wala akong magawa. Nalilito na ako.”
Hinawakan ko ang kamay ni Jessie. “Pasensiya na kung
hindi pa rin kita minamahal pabalik hanggang ngayon.
Nasa... lugar tayo na, panandalian lang. Weird man pero
takot ako na mawala ka. At hindi ko alam ang gagawin ko
oras na matapos ang lahat ng ito. Naiisip ko na lang na
sana, huwag mo na akong mahalin pa.” Pagpapatuloy ko.
Nagulat ako nang maramdaman kong gumalaw ang
kamay ni Jessie. Ibig sabihin ay gising na siya. Tinignan ko

90
Subconscious Love

ang mga mata niya at nakita kong unti-unti na iyong


dumidilat.
“N-Napier.” Ang matamlay niyang sabi.
“Jessie!” Nabuhayan ako nang marinig ko ang boses
niya. “Jessie! Gising ka na!” Niyakap ko siya. Labis ang
tuwa ko, akala ko ay magtatagal pa ito.
Pero habang yakap ko siya ay mahina siyang
pumiglas. Inalis niya ang kamay ko.
“May problema ba Jessie?” Ang tanong ko.
“Naghintay... ako. T-tinanggap ko, na hindi mo pa...
kaya. Ayoko na.” Nanlumo ako sa mga sinabi niya.
“Araw-araw, humihiling ako na sana... makayanan
mo nang mahalin ako. Hindi ko alam kung kailan
mangyayari iyon. Alam mo ba, noong nakita kita kahapon,
na may kasama kang babae, hindi ko alam ang
mararamdaman ko. Gusto kong magalit pero... naalala ko,
sino ba ako? Hindi naman kita kasintahan. Wala naman
tayong relasyon. Nasaktan ako pero wala akong
karapatang magalit.” Nagsimula nang tumulo ang luha
niya. Ito ang unang beses na makita siyang umiyak.
“Nasaktan ako kasi, umasa ako. Nasasaktan ako
kasi wala akong magawa nang makita ko kayong dalawa.
Sana hindi na lang ako nagkagusto sa iyo. Sana hindi na
lang ako umasa sa iyo.”
“Jessie, 'yung nakita mo kahapon, wala lang--”
“Napier, hindi mo na kailangang magpaliwanag.
Gawin mo lahat ng gusto mo, makipagkita ka sa iba,
makipagdate ka sa iba. Hindi ako magagalit kasi hindi mo
ako kasintahan. Ikaw na ang nagsabi na hindi mo pa ako
kayang mahalin pero sinabi ko na kaya kong maghintay.
So it's all my fault. There’s no need to explain everything
Napier.”
Hindi ako makagalaw sa sinabi niya. I don't know
kung minamanipula niya ako pero may punto ang lahat ng

91
Akosik3n

sinabi niya. And now I feel bad. Tumayo ako at lumabas


muna sa room niya. Kahit hindi niya sabihin, alam ko na
she needs to be alone.
Lumabas muna ako at tinawagan si Green para
ipaalam sa kaniya na Gising na si Jessie.
“Hello, Green, Pwede mo ba akong puntahan dito?
Gising na si Jessie.”
Alam kong hindi pa kumakain si Jessie mula
kahapon kaya ginawan ko siya ng pagkain. Isa na lang ang
natitira kong pagkakataon para makagawa ng pagbabago.
Pumasok ako sa room niya para ihatid ang pagkain.
“Jessie, alam kong hindi ka pa kumakain. Heto,
kumain ka muna ng agahan.” Ang sabi ko. Walang imik si
Jessie sa akin kaya nilapag ko na lang ang pagkain sa mesa.
“Maiwan muna kita.”
Lumabas ako sa room niya, naupo lang ako nang
ilang minuto. Pagkatapos ay dumating na si Green.
“Napier.” Ang sabi niya sabay kaway. Lumapit siya
sa akin. Pagkalapit ay nagbigay siya sa akin ng biskwit.
“Nandito ka na pala.” Binuksan ko ang biskwit.
“Kumusta na si Jessie, maayos na ba siya?” Ang
tanong niya.
“Oo, gising na siya. Pero nagtatampo yata siya sa
akin.” Sagot ko naman.
“Bakit?”
“Sinasabi niya na dapat hindi na lang siya umasa sa
akin. Nagtampo siya nu'ng nakita niya kami ni Hailey sa
Food Sky. Pero sinisi niya ang sarili niya. Sabi niya, wala
siyang karapatang magalit at magselos kasi hindi naman
daw kami. Hindi ko alam kung paano ko kakausapin si
Jessie.”
“Nape, sinasabi ko na kasi eh. May hangganan din
ang paghihintay ni Jessie sa iyo. Sinabihan na kita na
sabihin mong wala kang balak na mahalin siya.”

92
Subconscious Love

“Siya na ang nagsabing aasa pa rin siya eh.”


“At naniwala ka naman? Sa tingin mo ba hindi
mapapagod si Jessie kakaasa sa iyo? Kahit pa siya na
nagsabi na willing siyang umasa pa rin? Napier, kung may
paki ka sa nararamdaman niya, uulit-ulitin mo siyang
kumbinsihin na huwag niya nang gawin iyon dahil
mapapagod at masasaktan lang siya. But instead, you take
it for granted.” Napabuntong hininga ako sa sinabi niya.
“Ang hirap kasing sabihin sa kaniya 'yung totoong
dahilan. Na kaya ayaw kong mahalin siya kasi nasa
panaginip lang tayo. Anytime magigising ako at chances
are hindi ko na siya makikita ulit. Sinabi ko sa kaniya na
nasa panaginip lang ako kanina noong tulog pa siya. Pero
hindi niya pwedeng malaman iyon dahil magiging hostile
ang Subconcious mo sa akin.” Ang sabi ko habang
ngumunguya. Nabalot kaming dalawa sa katahimikan.
Rational ba ang dahilan ko. Importante ba na maging
makatwiran ako sa isang panaginip?
Nagpatuloy ako. “Hindi ko alam na aabot sa ganito
ang panaginip natin. Ang inaasahan ko, mag-eenjoy tayo
dahil pwede na nating gawin ang lahat ng gusto nating
gawin pero nandito tayo ngayon. Nasa ospital dahil
binabantayan ang hindi ko naman kilala sa totoong
buhay.”
“Nag-eenjoy ka pa rin 'di ba?” Tumango ako.
“Hayaan mo na, hindi naman ito nangyayari sa totoong
buhay. Kapag may masamang mangyari sa'yo, magigising
ka rin naman.”
“Tama ka. Argh! Hindi pa rin ako napapanatag na
nagtatampo si Jessie. Kakausapin ko na siya.” Bago ako
pumasok ay naghanap muna ako ng basurahan para
itapon. Pero wala akong mahanap kaya nilagay ko muna sa
bulsa ko. Pumasok ulit ako sa room niya at naupo sa tabi
niya.

93
Akosik3n

“Jessie, alam kong ayaw mo ‘kong humingi ng


tawad sa'yo pero magso-sorry pa rin ako. Kahit na pinili
mo ang umasa, pinaasa pa rin kita. Ayaw kong makita kang
nasasaktan. Alam kong pinili mo na dati na maghihintay ka
sa akin. At kasalanan ko rin naman na hinayaan kitang
mahalin pa rin ako kahit na alam mong hindi ko pa kayang
magmahal din. Kaya nasasaktan ka ngayon. I'm sorry.”
“I forgive you. And it's my fault too. I'm sorry. Sorry
dahil ganoon ang inasta ko. Nadala lang ako sa bugso ng
damdamin ko.” Ang sabi niya sa akin.
“It's okay, Jessie. Naiintindihan ko ang
nararamdaman mo.” I felt relieved na nagkaayos na kami.
Nagpaalam muna ako kay Green at nagpasabi na
bantayan muna si Jessie. Babalik kasi ako ng condo para
maligo at mag-ayos.
Pagbalik ko sa condo ay nagpahinga muna ako.
Pagkatapos ay naligo na rin. Nagbihis na ako at lumabas sa
condominium. Hindi ko alam pero bigla na lang lumabas
sa isipan ko na puntahan ang likod ng condo. Nakita ko na
may ilog do'n. Anlinis ng ilog doon, sobrang linaw ng tubig.
Anywas, kailangan ko nang tumuloy sa ospital.

•==•

Pagbalik ko ay naabutan ko si Green na may kausap sa


telepono.
“Basta gawin mo na lang! P*taragis! Hindi naman
mahirap na gawin iyon 'di ba?” Ang sabi ni Green.
Napatingin siya sa akin. “Gawin niyo na, kailangan ko nang
umalis. Bye.”
“Anong meron?” Ang tanong ko. “Ba't mainit yata
ang ulo mo?”
“'Yung empleyado ko kasi sa kumpanya, nag-
aalinlangan pa sa pinapasabi ko. Siya nga pala, may sinabi

94
Subconscious Love

sa akin si Jessie kanina. Gusto niya na daw lumabas sa


ospital.”
“Ha?”
“Ewan, hinintay nga kita para kausapin siya. Kaya
naman na daw niya ang sarili niya. Isa pa daw, may mga
trabaho pa siyang kailangan gawin.”
“Teka, kakausapin ko siya.” Ang sabi ko. Pumasok
ako sa room niya at kinausap siya.
“Totoo bang gusto mo nang lumabas ng ospital?”
Tanong ko.
“Oo, Napier. Kaya ko naman nang gamutin 'yung
sugat ko. Ayokong matambakan ng trabaho.”
“Sigurado ka? Kakausapin ko muna 'yung doktor.”
Kinausap ko na 'yung doktor at nagpaalam na aalis na
kami sa ospital. Sinasabi nila na hindi recommended iyon,
pinipilit pa rin ni Jessie na umalis sa ospital. Kaya ang
ginawa ng doktor ay nagbigay ng mga reseta para
gumaling ang sugat niya.
Tuluyan na kaming lumabas ng ospital. Sa labas ay
nagpaalam na si Green para pumasok na sa trabaho.
“Sige, paalam.” Ang sabi namin.
“Sigurado ka na ha. Maayos na ang pakiramdam
mo.” Ang sabi ko.
“Oo, ayos na ito.” Ang sabi niya.
“Teka, ihahatid na kita sa bahay niyo. May gagawin
pa kasi ako pagkatapos.”
“Ano bang gagawin mo?”
“Kukuhanin ko na kasi 'yung abo ni kuya sa
crematorium. Sabi sa akin ni Green nacremate na daw si
kuya.”
“Bakit hindi na lang kita samahan sa crematorium
ngayon?”
“Hindi na, magpahinga ka. Iyon ang sabi ng doktor.
Baka lumala iyang sugat mo.”

95
Akosik3n

“Kaya ko ito. Isa pa, ayaw ko munang umuwi ng


bahay.”
“Ha? Bakit pa tayo lumabas ng ospital kung ayaw
mo ring umuwi ng bahay?”
“Basta, gusto ko munang gumala. Hayaan mo na
lang kasing samahan kita.”
“Argh! Oo na sige na.”
Nagpunta na kami ng crematorium para kunin na
ang abo ng kuya ko. Natanggap ko na ang jar na
pinaglalagyan ng abo. Masakit pa rin na mawala siya pero,
makakamove-on din naman ulit ako.
Sumakay na ulit kami ng bus pabalik ng condo. Ang
sabi niya, dadalhin ko 'yung abo sa condo ko at pagkatapos
ay ihahatid ko na siya sa bahay nila.
“We're here. Tara, pumasok na tayo sa loob.” Ang
sabi ko.
Pumasok na kami sa condo at pumunta sa room
namin ni Green. Dumiretso ako sa kwarto ko at nilagay
doon ang jar. Napatitig ako sa basong binigay ni Jessie na
katabi ng jar. Ito 'yung mga araw na sobrang may
paghanga sa akin si Jessie. Napangiti ako.
Lumabas na kami. Naalala ko bigla 'yung sobrang
linaw na ilog sa likod ng condo namin. Gusto ko lang
pumunta doon kasama siya.
“Jessie, halika. Doon tayo sa ilog sa likod ng condo.
Magpahangin lang tayo doon.”
“Sige, doon muna tayo bago ako umuwi.”
Nagpunta na kaming dalawa sa likod ng condo.
Paglapit namin ay napahinga kami nang malalim sa
ginhawa.
“Sana ganito na lang palagi, payapa.” Ang nasabi
niya.
“Oo nga, sana lagi na lang akong nandito.” Ang
nasabi ko naman.

96
Subconscious Love

“Ha? Hindi ka naman aalis dito hindi ba?” Hindi na


na ako napaimik sa sinabi niya. Nagsimula na naman
akong malungkot. “Nape, may problema ba?”
“Wala, hindi lang kasi ako sigurado. Alam mo na.
May mga bagay na bigla na lang magbabago.”
“Don't be sad. Normal lang ang pagbabago, it's
inevitable.” Naalala ko bigla ang sinabi ni kuya na...
“Huwag mong katakutan... ang mga bagay na hindi mo
mapipigilan.”
“Ah! Bakit ba ako nalulungkot? Dapat nagsasaya
tayo ngayon dahil maayos na ang lahat. Pero
nangangamba pa rin ako dahil pakiramdam ko ay 'di tayo
ligtas. May ideya ka ba kung sinong bumaril sa iyo?” She
didn't respond for a second.
“Wala eh. Natatakot rin ako. Lalo na't mag-isa lang
ako sa bahay.” Ang sabi niya.
“Let's hope na everything will be back to normal.”
Ang sabi ko sa kaniya.
Nang makapa ko ang pantalon ko ay naramdaman
ko 'yung wrapper na nilagay ko sa pantalon ko. Kaya
tinapon ko iyon sa basurahan malapit sa ilog. Pero habang
tinatapon ko iyon ay may naapakan akong kakaiba.
Kakaiba 'yung nararandaman ng paa ko. Sobrang strange.
Nang apakan ko ulit 'yung buong supot, kinutuban
na ako. Alam kong medyo weird pero binuksan ko 'yung
supot. Pinunit ko na lang 'yung supot at nagulat ako sa
nakita ko.
Bangkay!
“F*ck! Jessie halika rito!”
“Ha? Anong meron?”
“May bangkay dito Jessie!” Hindi ako mapakali
dahil sobra akong kinakabahan. Dahil sa sobra kong
magalaw, hindi ko sinasadyang maapakan 'yung isa pang

97
Akosik3n

supot. At napahinto ako nang maramdaman ko ulit 'yung


naramdaman ko kanina.
Hindi na maganda ang kutob ko rito.
Pinunit ko ang isang supot at muntikan nang
humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko. Isa ring
bangkay.
“Anak ng...” Lumapit si Jessie at pati siya ay
natigilan rin. Nasuka si Jessie sa nakita niya. Hindi niya
kinaya ang nakikita niya ngayon.
Katawan pa lang ang nakikita ko. Para malaman
kung sino iyon, pinunit ko hanggang sa makita ko na 'yung
ulo.
At nang makita ko ay napaatras na lang ako.
“Gago! Mama ni Green ito ah! Jessie! Tumawag ka
na ng pulis! Ito 'yung cellphone ko! Alertuhin mo na rin
'yung guard ng condo!”
Naiiyak na ako dahil sobra akong kinakabahan.
Nang punitin ko ulit ang supot para makita ang mukha ng
isa pang bangkay, nakita ko ang mukha ng tatay naman ni
Green.
“Diyos ko! Panaginip lang ito. Hindi ito totoo.” Ang
bulong ko sa sarili ko. Nakita ko si Jessie na kinakausap pa
ang pulis. Pumunta ako sa guard at sinabi ang tungkol sa
mga bangkay sa basurahan. Pinuntahan ng guard ang likod
ng condo at doon na nga naalerto ang guardia pati na ang
mga tao sa condominium.
Hindi nagtagal ay dumating ang mga pulis at
nilagyan ng baricade tape ang likod ng condominium. Sa
oras na iyon bigla kong naalala si Green.
“Jessie! Tawagan mo si Green.” Sinunod ni Jessie
ang sinabi ko at tinawagan nga si Napier.
“Napier hindi siya sumasagot.” Ang sabi ni Jessie.
Naloko na. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa

98
Subconscious Love

kaniya ang nangyari sa mga magulang niya. “Buwisit, saan


natin siya hahanapin ngayon?” Ang tanong ni Jessie.
“Teka, sinabi ni Napier na nasa trabaho siya
ngayon. Nasa tabi daw iyon ng monorail depot. Alam mo
ba kung nasaan iyon Jessie?”
“Oo, nasa labas lang iyon ng Pilar Road Sa 9th
Highway. Dalian na natin.” Ang sabi ko. “Halika rito Jessie,
bubuhatin kita.”
“Ha? Bakit?”
“Basta, magpabuhat ka na lang.” Binuhat ko si
Jessie. Ginamit ko na ang huling pagbabago ko para
mapabilis nang sobra ang takbo ko. Pumunta ako sa 9th
Highway at hinanap ang monorail depot. Buti na lang at
nahanap ko kaagad ang monorail. Ngayon sa tabi no'n ay
ang architectural company kung saan nagtatrabaho si
Green.”
“Nasa kaliwa yata ng monorail 'yung kumpanya.”
Ang sabi ni Jessie. Pumunta na kami sa gate, pero bigla
kaming hinarang ng guaroad
“Sino ang hanap niyo?” Ang sabi ng guaroad
“Green Madrigal. Nasaan siya, may emergency
kasi.”
“Nasa twelfth floor siya, hanapin niyo 'yung
Chairman's Office.” Ang sabi ng guaroad Tumakbo na kami
sa elevator at nagpunta sa twelfth floor patungo sa opisina
ni Napier. Pipihitin sana namin 'yung doorknob pero
nakakandado. Umatras ako nang kaunti para bumwelo ng
sipa sa pintuan. Bahala nang makasuhan ng vandalism.
Sinipa ko ang pintuan at bumukas naman ang pinto.
Tumambad sa akin si Green na may hawak na baril
na nakatutok sa ulo niya.

~••~

99
Akosik3n

100
Subconscious Love

XI

Auria II
“Green! Ibaba mo 'yang baril!” Lintik! Kapag natuloy ang
pagpihit niya sa gatilyo mawawala ang panaginip na ito.”
Hindi ko na pwedeng hayaan ang sarili kong sumigaw lang
sa kaniya. Kailangan ko na siyang pigilan. Tumakbo ako
papunta sa desk niya at tumalon sa kaniya. Sinubukan
kong kuhanin ang baril at pigilang iputok sa kung sino
man sa amin.
Parehas kaming bumagsak sa sahig, natumba si
Green mula sa kinauupuan niya. Iniwasan ko na pumutok
'yung baril dahil wala kaming Firearms License at Permit
to Carry. Kaya hinanap ko ang baril at tinanggal ang
magazine. Kaya kahit na makalabit namin 'yung gatilyo,
hindi puputok 'yung baril.
“Green, tumahan ka! Anong nangyayari sa iyo.” Ang
sabi ko sa kaniya habang nirerestrain ang katawan niya sa
paggalaw.
“Bitawan mo ko. Hindi ako makagalaw.”
“Hindi kita bibitawan hangga't 'di ka kumakalma.”
Ang sabi ko.
“Sige na, sige na. Kakalma ako.” Ang sabi niya.
Huminga siya nang malalim. Naramdaman ko namang
kalmado na siya kaya binitawan ko siya. Tinayo ko 'yung
upuan at pinaupo doon si Green.
Naupo siya sa upuan. Naupo na rin kami ni Green
sa harap niya.
“Alam ko ang nangyari. Patay ang mga magulang
ko. Tinawagan ako ni Denver at sinabi sa akin 'yung
balita.”

101
Akosik3n

Si Green ay thanatophobic. Takot siya sa


kamatayan at sa konsepto nito. Takot din siyang mawalan
ng mga mahal niya sa buhay.
“Bangungot 'to Ray! Bangungot 'to!” Ang sabi niya.
Alam ko na ang tinutukoy niya ay ang panaginip na ito.
“Kumalma ka Green.” Ang hirap na hindi sabihin na
nasa panaginip lang tayo dahil nandoon na si Jessie.
Maya-maya ay may tumawag kay Green.
“Hello. Bakit ka napatawag ulit?” Ilang sandali ay
nagulat siya at sumigaw.
“Ha? H-hindi pwede. P-paanong?” Ang sabi niya.
“Nasa General Hospital siya ngayon? Sige
pupuntahan ko siya.” Ang dagdag pa niya saka niya binaba
ang cellphone.
“Anong nangyari Green?” Ang tanong ko.
“Si Auria, nasa ospital. Nabaril din.” Nanlaki ang
mga mata ko sa sinabi niya.
“Ha? Bakit ganoon. Andaming nangyayari sa atin?”
Ang tinanong ko.
“Sino si Auria?” Ang tanong naman ni Jessie.
“Ex ni Green si Auria. Ngayon ay magkaibigan na
sila. Hindi na mahalaga iyon. Kailangan na naming
pumunta ng ospital.”
“Namin? Bakit kayo lang?” Ang tanong ni Jessie
“Kalalabas mo pa lang ng ospital Jessie. Kailangan
mo pang magpahinga. Baka lalong lumala iyang sugat mo.”
“Hindi ako kampante Napier. May nangyari na sa
akin. May nangyari na din kay Green pati sa kaibigan niya.
Ayokong umuwi nang hindi ko alam kung ano nang
nangyayari sa inyo.”
“Huwag kang mag-alala Jessie. Magiging ayos lang
din ako. Walang mangyayari sa amin.”
“I insist.” Ang pagpupumilit niya. Napabuntong-
hininga na lang ako.

102
Subconscious Love

“Sige na, sumama ka na. Huwag mo na akong


English-in.”

•==•

Pumunta na kami ng ospital. Same hospital kung saan


inadmit si Jessie. Nakakatatlong balik na ako dito. Una si
kuya, pangalawa si Jessie, ngayon naman si Auria.
Tinanong namin ang receptionist kung nasaan ang
room ni Auria. Sinabi naman nila na nasa second floor,
room two-oh-five.
Agad kaming pumunta sa room niya. Habang
tumatagal kami dito ay mas nagiging delikado ang
panaginip namin. Ewan ko kung anong inisip ni Green
bago siya matulog. Siya ang populator kaya siya ang
responsable sa mga tao na nasa panaginip. Hindi ko alam
kung may nakaaway na ba siya dati kaya nadadala niya
iyon hanggang sa panaginip.
Pumasok na kami sa kuwarto niya at nakita
naabutan namin siyang gising. Nilapitan namin siya.
“Auria, kumusta ka na?” Ang tanong ni Green.
“Oo Green, mabuti naman na ang pakiramdam ko.”
“Saan ka nabaril?” Ang tanong ko.
“Sa tagiliran. Buti at walang tinamaang vital organs.
Bumaon 'yung bala kaya kailangan akong operahan para
tanggalin.”
“I'm sorry, nangyari sa iyo iyan.” Ang sabi ko.
Tumango na lang si Auria.
“Oh, siya nga pala. Jessie, siya si Auria. Auria, siya si
Jessie.” Ang pagpapakilala ko sa kaniya. Binati naman nila
ang isa't-isa.
“Um, Napier. Pwede ba kami mag-usap ni Auria in
private?” Ang tanong ni Green.

103
Akosik3n

“Sige, tara Jessie. Let's wait outside.” Ang sabi ko.


Lumabas na kaming dalawa at naupo sa bench.
Pagkaupo namin ay nagsalita si Jessie.
“Hindi na yata tayo ligtas sa lugar na 'to.”
“Oo nga.” Ang tanong ko.
“Nabaril na ako. Pagkatapos, pinatay 'yung mga
magulang ni Jessie. Tapos si Auria. Kinakabahan ako baka
may mangyari sa 'yo.” Napabuntong-hininga ako. Hindi ko
alam ang sasabihin. “Parang nais ko nang lumipat ng lugar.
Anong masasabi mo Napier?” Lilipat? Saan?
“Saan ka titira kung lilipat ka?”
“Hindi ko alam. Siguro sa isang condo na lang.
Ibebenta ko na lang 'yung bahay ko.”
“Teka, sayang naman iyon. Sa'yo na 'yung bahay na
iyon tapos lilipat ka lang sa condo na babayaran mo pa
buwan-buwan?”
“Oo. Kung alam kong ligtas na ako doon.”
Panaginip lang ito. Lahat naman ng gagawin ko rito,
hindi naman makakaapekto sa totoong buhay. “Gusto mo
bang sumama?” Tanong pa niya.
“What?” Hindi ko inaasahan iyon. I am in shock.
“Tayo lang bang dalawa?”
“Ikaw ba, gusto mo bang isama si Green?”
“Ewan, tatanungin ko muna siya kung papayag siya.
Sobrang bilis kasi ng mga pangyayari ngayon. Araw-araw
ay may ganap. Kahit ako, gusto ko na rin magpahinga. I
mean, kahit isang araw lang na walang kaguluhang
nangyayari. Gusto ko lang maenjoy ang pana— ang buhay
ko.”
“Yeah, you're right. I just wanna spend a day with
you... With others. Maging masaya buong araw kahit isang
araw lang.” Ang sabi naman niya.

104
Subconscious Love

Maya-maya ay lumabas na si Green. Tapos na


siguro silang mag-usap ni Auria. Tutal may gusto rin akong
pag-usapan, nilapitan ko siya.
“Green. Pwede ba kita makausap?” Ang tanong ko.
“Sure.” Ang sabi naman niya. Pinapunta ko siya
malayo sa room ni Auria. Nagsimula na akong magsalita.
“Ano bang pumasok sa isip mo? Hindi mo ba alam
na oras na pumitik 'yung gatilyo ng baril magugunaw 'tong
panaginip?”
“Pasensiya na talaga Napier. Natatakot lang kasi
ako kasi hindi ko naman alam na aabot sa ganoon. Alam
mo naman na thanatophobic ako.”
“Ughh, this is just a dream Green! Buhay ang mga
magulang mo.” Ang sabi ko habang kinikiskis ang kamay
ko sa mukha ko. Lumayo ako sandali. “Kung hindi pa kita
naabutan sigurado gising na tayo! P*ny*t* ka.”
“Gaano ba kahalaga sa'yo 'tong panaginip na ito?!”
Natahimik ako sa sinabi niya. “Bakit nagagalit ka sa ginawa
ko? Dahil ba magigising tayo? This is just a dream Napier.
Ano bang mahalaga sa panaginip na ito? May mawawala
ba kapag nagising ka?”
Napabuntong-hininga na lang ako at nagsalita.
“Wala, Green! Wala akong dahilan kung bakit ayaw kong
nawala ang panaginip na 'to. Gusto ko lang maranasan 'to.
At kailangan kita para gumana itong panaginip na ito.”
“I doubt na walang dahilan kung bakit ayaw mong
magising.” Damn. Kilalang kilala niya talaga ako.
“I'm in a dilemma. Unti-unti na akong
nagkakafeelings sa kaniya pero hindi pwede kasi... it's just
a stupid dream. Napakagago ko naman kung mahuhulog
pa ako sa kaniya 'di ba? Hindi ko masabi iyon sa kaniya
kasi magiging hostile siya sa akin.”

105
Akosik3n

“Let's end this dream then. Ganoon din naman eh.


Wala ka nang choice. Nalilito ka na. Lalo ka lang
nahihirapan. Mas mabuti na siguro kung tigi—”
“No. Itutuloy ko pa rin ito. Pero pipigilan kong
mahulog sa kung kanino para hindi ako masaktan.”
“Hays, parang kahapon lang gusto mo nang lisanin
itong panaginip mo ngayon ayaw mo na?” Ang nasabi niya.
“Oo, alam ko. Magulo lang ang isip ko no'n.” I sigh.
“Kumusta na si Auria ngayon?”
“Ayos lang siya, mukhang matatagalan pa bago
gumaling ang sugat niya. Baka nga bago pa siya makalabas
ng ospital ay gising na tayo. Sige lalabas muna ako para
bumili ng pagkain natin.” Ang sabi niya, pumunta siya sa
elevator ng ospital at pumasok. Samantalang ako, naupo
lang ako sa tabi ni Jessie. Nag-usap kami ng kung ano-ano.
Maya-maya ay dumating na rin si Green na may
dala-dalang meryenda. Nag-usap lang kami tungkol sa
kung anu-ano.
“Bakit hindi ka kaya muna umuwi sa bahay mo?”
Ang tanong ko.
“Bakit?”
“Para naman makapagpahinga ka kahit papaano.
Magrelax ka lang sa bahay mo para mabilis maghilom
'yang sugat mo. Hatid na kita sa bahay niyo.”
“Sige, ngayon na tayo umalis para hindi na tayo
abutan ng gabi.” Tumayo na kami at nagpaalam kay Green.
“Green, mauuna na kami ah. Ingat ka.”
“Sige, ingat kayo pauwi.”
Lumabas na kami ng ospital at naghanap ng
masasakyan. Pumara kami ng jeep at doon na sumakay.
Parehas kaming pagod. Sa dami ng nangyari ngayon. At
ngayon ay may imbestigasyon pang magaganap dahil sa
mga magulang ni Napier.

106
Subconscious Love

Pero paggising ko, hindi naman ako mapapagod.


Lahat ng ito ay nasa isip ko lang. At nasa isip lang din ni
Green siyempre.
Nakarating na kami sa bahay ni Jessie. Nagpaalam
na ako sa kaniya. Pumasok na siya sa gate at binuksan ang
pinto ng bahay niya. Sumulyap pa siya sa akin bago
magsara ng pinto.
“Ok, ngayon ay sasakay ako pauwi.” Kinapa ko ang
pera ko. Nagulat ako dahil sampung piso na lang ang
natira sa akin.
“Hala!” Paano na ito, sakto lang itong pamasahe sa
tricycle. Wala na akong natitirang pagbabago. Hays,
magwa-one-two-three na lang ako.

•==•
Day 12

Nagising ako sa condo, nakapag-one-two-three naman ako


nang maayos sa jeep. Naghanda na ako para magpunta sa
cafe.
Naligo ako at nagdala ng sandamakmak na pera
para just in case may mangyari. Nagpunta na ako ng
ConstelCafé para doon na mag-almusal.
Nag-order ako ng favorite kong cappuccino.
Habang umiinom ng kape ay gumamit ako ng phone ko.
Maya-maya habang hinihigop ko ang kape ko ay nagchat si
Jessie sa akin.

Jessie: Napier, pumunta ka rito sa bahay.

Ano naman kayang kelangan niya ngayon. Lumabas


na ako ng building dala-dala ang kape ko. Naghanap ako
ng masasakyan at pumara.

107
Akosik3n

After fifteen minutes ay nakarating na rin ako.


Kumatok ako sa pinto at binuksan iyon ni Napier.
Nakasando lang siya at nakashorts. Hindi ko alam
kung bakit niya ako pinapunta.
“Nandiyan ka na.”
“Ba't mo naman ako pinapunta rito.”
“Wala lang, I feel lonely eh. Naistorbo ba kita?”
“Hindi naman. Wala naman akong gagawin
ngayon.” Naupo ako sa sofa niya.
“Nag-almusal ka na ba?”
“Oo, uminom ako ng kape sa café niyo.” Tumayo
siya para maghanda ng pagkain niya. Napansin ko sa
kaniya ang benda ng sugat niya. Hindi pa yata niya
napapalitan iyon.
“Jessie, kumusta na iyang sugat mo? Napalitan na
ba 'yung benda niyan?”
“Ahh, hindi pa eh. Hindi ko kaya, nasa likod kasi
eh.”
“Palitan na kaya natin ngayon. Baka maimpeksyon
pa iyan.”
“Sige. Kukuhanin ko na 'yung mga gamit.”
“Teka, naligo ka na ba?”
“Oo, kanina pa.” Pumunta siya sa kuwarto niya para
kuhanin ang mga gamot na nireseta sa kaniya ng doktor.

Naupo siya sa tabi ko. Nakatalikod siya sa akin


dahil nasa likuran ang sugat niya. Buti na lang at
nakasando siya ngayon kaya madali ko lang mapapalitan
ang benda. Paano kaya kung nakadamit siya? Ahhh! Ano
na naman ba 'tong naiisip ko!
Ang kinis ng balat niya. Sayang kasi malalagyan 'to
ng peklat. Pinahiran ko ng bulak na may betadine ang
sugat ni Jessie.
“Ow!” Ang reaksyon niya.

108
Subconscious Love

“Sorry.”
“Ayos lang.” Tinuloy ko na ang pagpapahid. Ano
kayang pakiramdam ng ganito? Hindi ko na siguro gustong
malaman. Nilapag ko 'yung bulak sa mesa.
Naawa ako dahil alam kong humahapdi ang sugat
niya tuwing naliligo siya. Kung kaya ko lang pagalingin ang
sugat niya...
Iyon na nga! Pwede kong mapagaling ang sugat
niya.
Oo nga pala, hindi pala ako pwedeng gumawa ng
pagbabago sa ibang tao. Pero bakit hindi ko subukan ulit.
Inisip ko na gagaling ang sugat niya. Nilapit ko ang
kamay ko sa sugat niya at hinawakan ito.
“Aray Napier! Anong ginagawa mo?!”
Nagulat ako nang biglang naghilom ang sugat ni
Jessie. Nawawala na 'yung tahi at nagsasara na 'yung
sugat. Gumana nga!
“Jessie! Tignan mo, magaling na 'yung sugat mo!”
“Ha? Anong pinagsasasabi mo?”
“Totoo! Teka, kuhanin ko lang 'yung phone ko.”
Kinuha ko 'yung telepono at pinicturan ang likod ni Jessie.
“Ito Jessie, tignan mo.” Nagulat siya nang makita
niyang wala nang sugat ang likod.”
“Oo nga! Anong ginawa mo!”
“Hindi ko alam, hinawakan ko lang 'yang sugat mo.”
“’Di nga? Ayos, hindi na ako mamomroblema sa
sugat ko.”
Akala ko ay hindi pwede ang ganoon. Hindi ko tuloy
napagaling ang sugat ni Jessie noong nasa ospital pa siya.
Ngayon naintindihan ko na. Mababago ko lang ang pisikal
na anyo ng lahat ng nasa panaginip. Pero hindi ko
mababago ang mental na anyo nito dahil kontrolado lahat
ito ni Green. Dahil siya ang Populator at Subconscious niya
ang lahat ng tao rito.

109
Akosik3n

Naiintindihan ko na sa wakas. Ngayon ay naisip ko


si Auria na nasa ospital, nabaril din siya. Magiging maayos
na ang lahat kapag gumaling na siya.
“Jessie tara! Pupunta tayo sa ospital Gagawin ko
kay Auria 'yung ginawa ko sa'yo.”
•==•

Nagpunta na kami ng ospital at tumungo sa room ni


Auria. Nang buksan namin ang pinto, nakita namin siya na
nag-uusap.
“Green! Tignan mo, may gagawin ako kay Auria.”
“Ano naman 'yun?”
“Tignan mo 'yung likod ko Green, wala nang sugat.”
Ang sabi ni Jessie. Tinignan naman ni Green at nagulat
siya.
“Gagawin ko 'yung ginawa ko kanina. Teka, nasan
ba 'yung sugat mo.”
“Nandito sa tagiliran.” Ang sabi niya.
“Teka, pwede mo bang itaas muna 'yang damit
mo?”
“Sige, sige.” Ang sabi niya at tinaas niya ang damit
niya para lumitaw ang sugat niya.
Inisip ko ang paghilom ng sugat niya at hinawakan
ko ito. Limang segundong nasa tagiliran niya ang kamay
ko. Tinanggal ko na 'yon kalaunan.
Huminga ako nang malalim, tinanggal ko ang benda
ng sugat niya at tumambad sa amin ang balat niyang
walang sugat.
Nagulat kaming lahat sa nangyari. Pati si Auria ay
walang masabi.
“Masakit pa ba?”
“Hindi na, walang kirot kapag hinahawakan ko. Ang
galing.”

110
Subconscious Love

“Ayos na sa wakas.” Ang sabi ni Green. “Teka


Napier, pwede ba tayong mag-usap sa labas.”
Lumabas kaming dalawa at doon na nag-usap.
“Akala ko ba hindi ka makakagawa ng pagbabago
sa tao.”
“Hindi ako makakagawa ng pagbabago kung
babaguhin ko 'yung mental state nila. Kasi ikaw ang
responsable sa mga isip nila. Hindi ba sabi mo, lahat ng
kilos at sinasalita ng lahat ng nasa panaginip ay nasa isip
lang din ng nananaginip?”
“Oo, ngayon nakukuha ko na. Too bad kahit ako
hindi ko pwedeng kontrolin ang mga iniisip nila. Hindi na
bale, ayos na rin ang lahat. Ilalabas ko na siya sa ospital.
Kinausap na namin ang doktor at pinaliwanag na
naghilom na kaagad ang sugat niya. Kahit na nalilito at
naguguluhan ang doktor ay pinayagan na rin kaming
ilabas si Auria sa ospital dahil wala na rin siyang gagawin
doon.
Sa wakas, ayos na rin ang lahat. Kahit isang araw ay
magsasaya na rin ako sa panaginip na ito. Kung ito lang
sana ang buhay ko ngayon.

~••~

111
Akosik3n

XII

Napier, Jessie,
Green and Auria
Day 13

Nakalabas na si Auria sa ospital at magaling na siya.


Mabuti na ang kalagayan ni Green. Nakaleave pa rin si
Jessie sa trabaho niya nang dalawang linggo. Ang sabi niya
kailangan niyang magtake ng break dahil sunod-sunod ang
stress na nangyayari sa kaniya.
Tungkol sa dalawang bangkay na natagpuan sa
likod ng condo, walang may responsable sa condo dahil
ayon naman sa manager nito, hindi naman sila nakabook
doon.
Nilagay lang ang bangkay sa basurahan ng condo.
At ayon sa CCTV ng condo, wala namang suspicious na tao
mula sa condo ang posibleng naglagay ng dalawang
bangkay sa ospital. Pero, ipagpapatuloy pa rin nila ang
imbestigasyon.
Nasa sala kami ni Green habang nanonood ng
palabas. Naalala ko 'yung sinabi sa akin ni Jessie kahapon.
Maayos na rin ang lahat at pwede ko na ulit gawin ang
gusto ko.
Ito naman talaga ang dahilan kung bakit ako
nandito. Para mag-enjoy sa kung anong pakiramdam
kapag nasa state ka ng lucid dreaming.

112
Subconscious Love

Hinanap ko ang phone ko. Tatanungin ko siya kung


kailan niya balak umalis sa syudad na 'to. Kinuha ko ang
cellphone ko at tinawagan siya.
“Hello, Jessie.”
“Hi, napatawag ka?”
“Tatanong ko lang sana sa'yo, kailan mo ba balak
umalis dito? Aalukin ko na kasi si Green.”
“Bukas na siguro. Para naman makapaghanda ka.”
“Sige.” Ang sabi ko. Binaba ko na 'yung telepono.
Naupo ako sa sofa sa tabi ni Green. Ilang sandali ay
kinausap ko siya.
“Green, may itatanong lang ako sa 'yo.”
“Sige lang.”
“Aalis na kasi ako sa city na ito. Lilipat ako sa ibang
lugar. Tatanong ko sana kung sasama ka ba.”
Hindi nakaimik si Green. Mukhang nag-iisip pa siya.
Maya-maya ay nagsalita siya.
“Hindi ko alam eh. Parang sineseryoso mo naman
yata masyado 'yung panaginip.”
“What do you mean?” Ang tanong ko. “Panaginip
lang naman 'to. I can do whatever I want. Though may mga
limits nga lang.”
“Bakit ka naman lilipat sa ibang syudad?”
“Wala lang. Gusto ko lang maenjoy itong panaginip
na 'to.” Ang sabi ko.
“Sus, hindi mo ba naeenjoy ito? Sa dami ng ganap
dito?”
“I mean, gusto ko lang na makaranas ng buhay na
walang problema. Wala akong aalahanin. ‘Yung tipo na
parang nasa paraiso lang ako.” Ang paliwanag ko.
Napabuntong hininga lang siya.
“May kasama ka ba?”
“Oo, Si... Jessie.”

113
Akosik3n

“Sabi na eh.” Ang sabi niya. “Alam mo, hindi mo na


ako kailangan pang isama. Si Jessie naman pala kasama mo
eh.”
“Eh, gusto rin naman kitang isama eh.”
“Para saan? Para maging third weel niyo? Eh hindi
ka naman mahuhulog doon. Hahahaha!”
“Ugh!”
“Alam mo, okay na ako rito. Mag-eenjoy rin naman
ako dito, huwag kang mag-alala. Una sa lahat, ikaw ang
dahilan kung bakit tayo nandito. Ikaw naman ang gustong
managinip kaya sulitin mo na.” Napangiti ako sa sinabi
niya.

•==•

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ulit si


Jessie. Too bad, hindi makakasama si Green.
“Hello. Jes.”
“Hello, so nasabi mo na 'yung tungkol do'n?” Ang
tanong niya.
“Oo, kaso hindi pumayag si Green eh.”
“Awts, bakit?”
“Well, sabi niya dito na lang daw siya. Ako naman
ang may gusto na managi-- I mean, kaya naman niya dito.”
“So I guess, tayong dalawa lang.” Ang sabi niya.
“Oo. By the way, nakahanap ka na ba ng bago mong
matitirhan?”
“Hindi pa eh, naghahanap pa rin ako ngayon.”
“Alam mo may naisip ako. Since aalis na tayo, what
if gumala muna tayong apat nina Green.” Ang sabi ko.
“Well, magandang ideya iyan. Ayain mo ulit si
Green, baka pumayag na siya kahit papaano.” Ang sabi
niya.

114
Subconscious Love

“Sige, tawagan na lang kita ulit.” Ang sabi ko, tapos


binaba ko na 'yung telepono.
Pumunta na naman ako sa sala at kinausap ulit si
Green.
“Hmm... May sasabihin ka na naman sa akin?”
“Oo, tutal aalis na rin ako. Bakit hindi kaya muna
tayo gumala. Tayong apat. Ako, ikaw, si Jessie ta's si
Auria.”
“Ohhh, I see. Pero nakagala na ako halos sa lahat ng
parte ng syudad na ito. Hindi ko alam kung may bago pa
akong mapupuntahan.”.
“Ano ka ba. Huwag ka ngang ganyan. Ayos lang
iyon. Basta tayong apat ang magkakasama. Baka nga ito
ang huling beses na magkikita tayo bago tayo magising
eh.”
“Sige, tawagan ko na lang si Auria.” Kinuha niya ang
telepono niya at kinausap si Auria. Maya-maya ay binaba
niya rin ang phone niya at sinabihan akong pumayag siya.
Tinawagan ko si Jessie at sinabi na pwede kaming
gumala ngayon. Naligo na ako at nagbihis dahil maya-
maya ay nandito na sila.

•==•

Maya-maya lang ay dumating na rin sina Jessie at


Auria. Pakiramdam ko ay payapa na ang lahat. Wala na
kaming problema. At sa wakas ay maeenjoy ko na ulit ang
panaginip na ito.
“Oh sige, saan tayo unang tutungo?” Ang tanong ni
Jessie.
“Kumain na ba kayo?” Ang tanong ko naman.
“Hindi pa eh.” Ang sabi ni Jessie. Ganoon din ang
sabi ni Auria.

115
Akosik3n

“Ayos, kami rin eh, hindi pa kumakain. Tara


mananghalian muna tayo sa Food Sky.”
“Food sky?” Ang tanong ni Auria. Oo nga pala, term
lang pala namin ni Napier iyon.
“Umm... I mean sa building na may restaurant kada
floor.”
“Ahhh, doon. Sige, doon na tayo mananghalian.”
Ang sabi ni Auria.
Nagpunta na kami sa building sakay ng jeep.
Bumaba kami sa tapat ng food sky at nag-isip kung saan
kami kakain.
Napagdesisyunan naming kumain sa fifteenth floor.
Doon matatanaw mo halos lahat. Mula sa mga building
hanggang sa mga nagtataasang mga bundok.
Naalala ko tuloy noong una kaming pumunta rito.
Tinanong kami ni Green kung anong kakainin
namin. Sagot na niya daw 'yung bayad. Lahat naman kami
ay pare-parehas na kakain. Kaya pumila na siya sa
counter. Nakaupo kami as usual sa gilid sa tabi ng bintana.
Katabi ko si Jessie sa upuan at katabi ni Green si Auria.
Nakalapag ang mga gamit namin. Ginamit ko ang
cellphone ko. Nagvibrate bigla ang mesa namin.
Napatingin ako at nakita kong nakabukas ang cellphone ni
Auria. Tinignan kong maigi dahil may napansin ako sa
cellphone niya. Ang wallpaper niya kasi ay picture nilang
dalawa ni Green.
Hmmm... Mukhang may naiisip ako rito. Ang issue
ko talaga.
Bumalik na ulit sa upuan si Green at kinausap si
Auria nang pabulong. Kunwari naman akong
nagcecellphone a pinakinggang maigi ang sinasabi nila.
Hays, pati sa panaginip nadadala ko ang pagiging tsismoso
ko.
Maya-maya ay nagsalita si Green.

116
Subconscious Love

“Ehem... May gusto sana kaming sabihin sa inyo.”


Mukhang nangyayari na nga ang iniisip ko.
“Kami ni Green ay... nagde-date na.” Ang sabi ni
Auria. Napasinghap ako, though hindi na ako nagulat.
“Yown! Sabi na eh!” Ang sabi ko.
“Anong 'sabi na eh'?” Ang tanong ni Green.
“Ahhh. Alam kong medyo awkward ‘to pero, nakita
ko kasi 'yung wallpaper ni Auria sa lockscreen niya.”
“Weh?!” Ang gulat na tanong ni Auia.
“Oo, sorry kung nakita ko” Ang sabi ko.
“Wews. Ayos lang. At least ngayon alam mo na.”
Ang saad ni Green.
Maya-maya ay dumating na ang order namin.
Nagsimula na kaming kumain. At habang kumakain ay
nag-uusap kami.
“So, nagdedate na ba kayo ni Jessie, Napier.” Bigla
akong nasamid sa tinanong ni Auria. Naubo ako dahil
sumayad sa kalamunan ko ang isang butil ng kanin.
Napatitig rin si Green kay Auria. Nabalot kami ng
katahimikan. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin.
“Sa ngayon, hindi pa.” Ang sabi niya. Sa ngayon?
Anong ibig sabihin ng 'sa ngayon'?
“Ahh... Ganoon ba?” Hays, narito na naman tayo.
Nag-ooverthink sa kung anong iniisip ni Jessie sa tuwing
nababanggit ang topic na iyon. Lalo na kapag nasa ibang
lugar na kaming dalawa.
After forty-five minutes ay natapos na kaming
kumain. Bumaba na kami sa food sky at nag-isip kung saan
pupunta.
Napagpasyahan namin na magpunta sa mall. Para
maglibang o 'di naman kaya ay manood ng movie.
Nanood muna kami ng movie sa theatre. Horror
ang genre ng pinanood namin at halos napapayakap si
Jessie sa tuwing may jumpscare na lumalabas.

117
Akosik3n

Sunod ay naglaro kami ng arcade. Shooting games,


basketball at marami pang iba. Tapos nag-aya naman si
Auria na magpunta sa karaoke booth.

Kumanta naman kaming apat at si Jessie naman ang


sunod na kumanta. Umawit na siya at pinakinggan ko lang
siya.
“Cause with fear comes strength it's from above
And the gods gave us paradise and called it love
Let go of all your inhibitions
This ain't a competition
Get up, get down, take a look at the view
Woah, everything seems perfect when it's me and you
Let go, let loose, stop pretending
Pick yourself up, I'll be standing by you”

Ngayon ko lang nalaman na napakaganda pala ng boses


niya.
Sunod naman ay ako. Pinili ko ang Never Thought
ni Dan Hill. Na-LSS ako rito mula nang napakinggan ko ito
sa bus.

“I never though that I could love


Someone as much as I love you
I know it's crazy but it's true
I never thought that I could need
Someone as much as I need you
I love you.”

Natapos na ang kantahan namin lahat at lumabas na sa


atrium ng mall. May nakita kaming ride sa labas. Round up
ang ride na iyon. Inaya ko sila na sumakay doon. Pumayag
naman sila at pumila.

118
Subconscious Love

Sumakay na kami sa round up at nagsimulang


magpaikot ikot. Pumikit na lang ako dahil madali akong
tamaan ng migraine lalo na kapag hindi ako nakakakita
nang stable.

Bumaba na kami pagkatapos ng five minutes na


ride. Si Green ay hindi makalakad nang maayos dahil sa
hilo.
“Teka Napier, nasusuka ako.” Sabi na't mangyayari
'to eh. Pinapunta ko siya sa banyo at doon na pinasuka.
Buti naman at napigilan niya ang pagsuka habang papunta
kami ng banyo.
Marami pa kaming ginawa at inabot na rin kami ng
gabi. Sa labas ng mall ay naghintay na kami ng sasakyan
pauwi. Maghihiwalay na kami ng sakay kaya nagpaalam na
kami.
“Magkita tayo bukas, paano pala tayo pupunta
doon, bus?” Ang sabi ni Jessie.
“Hindi. Basta hintayin mo na lang ako na magpunta
sa bahay mo.” Ang sabi ko.
“Sige, sasakay na ako. Paalam Napier.” Ang sabi
niya. Nagpaalam na kaming dalawa ni Green kina Auria at
Jessie.
Nasa gilid lang kami ng highway naghihintay ng
masasakyan. Habang naghihintay ay nag-usap kaming
dalawa.
“Hmm... Aalis ka na bukas. Mag-ingat kayong
dalawa.” Ang sabi ni Green.
“Salamat, mag-iingat ka rin dito. Kita na lang tayo
sa paggising natin.” Ang sabi ko naman.
“Hoy, heto ang sasabihin ko sa 'yo. Kung may
nararamdaman ka sa kaniya, hayaan mo lang iyon. Kahit
na sa totoong buhay. Kapag may nararamdaman ka sa
isang tao, don't constrain yourself.” Napangiti ako.

119
Akosik3n

“Huwag kang mag-alala kung matatapos ang


panaginip na ito. Lahat ng bagay may hangganan. Hindi
mapipigilan iyon. Pero that doesn't mean na wala ka nang
gagawin kasi ang iniisip mo, mawawala din naman lahat.
Masmabuting may mararating ka kaysa wala 'di ba?” Ang
pagpapatuloy pa niya.
“Oo, tama ka.” Ang pagsang-ayon ko.
“Hindi ko sinasabing pilitin mong mahulog ka kay
Jessie. Pero, sabi ko nga, kung may feelings ka sa kaniya,
aminin mo na bago pa mahuli ang lahat.” May pumara
nang jeep na sasakyan namin.
“Oo.” Ang sabi ko. Sumakay na kaming dalawa.
Nakauwi na kaming dalawa sa condo at nagpunta
na sa kuwarto. Natulog na ako, may bukas pang
naghihintay sa akin. Tomorrow will be a great day.

~••~

120
Subconscious Love

XIII

Vallen
Day 14

Nagising ako nang maaga. Bumangon kaagad ako. Ngayon


na kami aalis at hindi ko maipaliwanag ang excitement ko.
Kasama ko si Jessie na aalis sa syudad na ito at lilipat sa
ibang lugar.
Naghanda ako ng pagkain at ng kape. Sa sobrang
excitement ko pati si Green ay pinaghandaan ko na rin.
Hindi ko ginawa ito noong pumasok kami sa panaginip na
ito.
Lumabas ng kuwarto si Green pagkatapos,
mukhang nagising yata sa ginagawa ko.
“Good morning Napier, sinipag ka yata.”
“Oo naman, baka kasi ito na ang huling beses na
magkikita tayo sa panaginip na ‘to eh. Kaya dapat na
sulitin ko na 'tong pagkakataong 'to.”
“Oo, sulitin mo na. Baka sa paggising na lang natin
tayo magkikita.” Ang sabi niya. “Siya nga pala, ano ‘yang
niluto mo?”
“Bacon, itlog at hotdog.”
“Wow, sosyal. Ba't 'di mo na lang ginamit 'yang
pagbabago mo?”
“Eh, masyadong simple. Baka may mas magandang
pang paggamitan nito. Isa pa, gusto ko ring magluto.”
Nagsimula na kaming kumain. Nagpakulo na ako ng
tubig at naghanda ng baso. Naalala ko 'yung baso na
binigay sa akin ni Jessie. Hindi ko pa pala nagagamit iyon.
Kinuha ko iyon mula sa kuwarto ko at nilagay sa kusina.

121
Akosik3n

Nagtimpla na ako ng kape at nilapag sa mesa


namin. Nagkuwentuhan lang kami ni Green habang
kumakain.
“Ikaw, anong gagawin mo ngayon dito habang wala
ako?”
“Heh, ewan. Baka sulitin ko na 'yung mga sandaling
kasama ko si Auria. I mean, alam kong paggising ko, hindi
talaga kami mag-uusap at magkikita.”
“Wews, ano kayang mararamdaman mo kapag
nagising ka na?”
“You know, maswerte ka kasi inexistent si Jessie.
Oo, kung ikaw in love ka sa taong iyon tapos paggising mo
hindi mo na siya makikita, masakit iyon. But, what about
me? Totoong tao si Auria, pero hindi ko pa rin siya
makakausap o makikita.” Ang drama ni Green.
“Hoy, lahat ng tao na nasa panaginip na 'to ay
nabubuhay. Hindi kayang bumuo ang isip ng bagong
mukha, ‘di ba? Lahat ng mukha na nakikita mo doon ay
nakita mo na habag gising ka. Ibig sabihin, nakita mo na si
Jessie noong gising ka pa.” Ang sabi ko. Napabuntong
hininga ako. “Alam mo, kahit na wala nang kayo, makikita
mo pa rin siya. What if random people lang sa mall si
Jessie? At hindi na natin siya makikita muli? It's worse.”
“Balak mo bang hanapin si Jessie paggising mo?”
“Well, it's nearly imposible. Paano kung hindi Jessie
ang pangalan niya? Ugh, huwag na nga nating pag-usapan
iyon.” Ang sabi ko. Natawa na lang si Green.
“Sige, basta mag-iingat ka. Oo nga pala, paano kayo
pupunta sa ibang city? Magbubus ba kayo?”
“Ewan, baka magkotse na lang kami.”
“Kotse? May kotse ka ba? Sinong magmamaneho?”
“Ako siguro, gagawa ako ng kotse pati ng driver's
license.” Ang sabi ko.
“Marunong ka ba magdrive?”

122
Subconscious Love

“Oo, tinuruan ako ni papa magmaneho pero wala


akong lisensya.”
“Woah. Oh basta, mag-iingat ka sa pagmamaneho,
baka magising ka nang 'di oras!” Tumawa si Green
pagtapos.

•==•

Lumabas ako ng condo at nagpunta sa parking lot. Doon


ako gumawa ng kotse pati ng driver's license.
Ang nagawa kong kotse ay perfect sa travelling.
Kapag guso mong makalanghap ng sariwang hangin,
pwede mong tanggalin 'yung bubong gamit ang buton.
Sinubukan kong sakyan 'yung kotse at nagpraktis
na magmaneho. Inikot ko ang highway na nasa gilid ng
hotel. Naisip ko na pwede na ito, kakayanin ko naman ang
pagpunta sa ibang lugar.
Bumalik ako sa condo at nakita ko si Green na
naghihintay sa labas.
“Oh, baon mo. Para hindi ka gutumin sa biyahe.”
Ang sabi niya. “Mag-iingat ka ha.”
Niyakap ko siya at nagbro-fist kami. Kumaway siya
habang palayo na ako sa entrance ng condo.
Bumiyahe na ako papuntang Pilar Road para
sunduin si Jessie. May stereo din 'yung kotse na tutugtugin
'yung kantang babanggitin mo.
“Pangalawang Bitaw by The Juans.” Ang sabi ko.
Tinugtog naman ng stereo 'yung kanta.
Matapos ang ilang kantahan, dumating na ako sa
bahay ni Jessie. Bumaba ako sa kotse at kumatok ako sa
bahay niya.
May bumukas sa pinto at nakita ko si Jessie.
Kakaiba ang hitsura niya ngayon. Kulay black ang suot
niya na may roses na design. Off shoulder ang bestida niya

123
Akosik3n

kaya mapapansin mo ang makikinis niyang mga balikat. Sa


kabilang syudad lang naman ang punta namin pero iba ang
hitsura niya.
“Wow, saan ang punta mo? Hahaha!” Ang
complement ko na ‘di naman mukhang complement.
“Bagay ba sa akin?”
“Oo, ang ganda mo nga diyan eh.” Napasilip siya sa
likuran ko.
“Kaninong kotse iyon?” Ang tanong niya.
“Akin. Ang ganda 'di ba? Tignan mo.” Kinuha ko
'yung remote ng kotse at pinindot ang buton para alisin
'yung bubong. Nagtransform 'yung convertible kong kotse.
“Cool 'di ba?”
“Baliw, illegal parking ka. Kapag nahatak 'yang
kotse mo, magtitiis tayo sa bus.”
“Aalis din ako kaagad. Kaya dalian mo.”
“Wait, kuhanin ko lang 'yung bag ko.” Naghintay
ako nang dalawang minuto sa labas. Maya-maya ay
lumabas na rin siya at kinandado ang pinto.
“Teka, paano 'yung mga gamit mo?”

“Tinawagan ko na sina mama't papa. Sila nang


bahala. Iiwan ko lang ‘yung susi sa ilalim ng paso. Tapos
alam na nila kung sa’n nila iyon hahanapin. ‘Yung mga
gamit naman, idedeliver nila iyon sa bago nating bahay.”
“Natin?”
“Ewan, baka sa condo ako tutuloy eh.”
Napakaweird talaga ng panaginip na ito.
“Tara, sakay ka na sa kotse ko. Aalis na tayo.” Ang
sabi ko.
“Saan ka nakakuha ng kotse? Ang angas ha.”
Tanong ni Jessie.

124
Subconscious Love

“Heh, mahabang kuwento. Basta ang mahalaga,


maeenjoy natin 'yung mga tanawin na madadaanan natin.”
Ang sagot ko naman.
Nagmaneho kami panorte ng syudad. “Kung gusto
mo, pwede kang magrequest ng kanta. Banggitin mo lang
'yung kanta tapos tutugtog na 'yun sa stereo.
“Wow, ang cool naman. Sige, uhm. Paradise by Over
October.” Ang sabi niya. Tumugtog na 'yung kanta sa kotse.
“Maganda 'yung kantang iyan. Uplifting tapos maganda
'yung message. Kaya 'yan 'yung favorite kong kanta eh.
“Tungkol saan ba 'yung kanta?”
“Sinasabi ng kanta na huwag kang matakot na
magmahal. Just be careful at falling in love. Medyo weird
pero ikaw 'yung naiisip ko sa kanta.”
“Weh? Kunsabagay, takot naman akong mahulog.
Hanggang ngayon wala pa rin akong gf. Hahahaha!” Ang
sabi ko.

Do you wanna go?


Take a second, take a minute, take an hour
Love ain't that easy, it's like water to a flower
No jumping in, just take a step back and see the power
And just fall in love

Nagjam lang kami sa iilang kanta na pinatugtog namin.


Matapos ang dalawang oras, nakalabas na kami sa syudad.
Ngayon ay nasa mabundok na parte na kami. 'Yung
bundok na lagi naming nakikita sa Food Sky, ngayon
nadaraanan na namin. Napakaganda ng tanawin, may mga
tanim, 'yung sikat ng araw, pati mga ibong lumilipad.

Get up, get down, take a look at the view


Everything seems perfect when it's me and you
Let go, let loose, stop prentending

125
Akosik3n

Paint yourself up, I'll be standing by you

Huminto muna kami sandali para kumain. Sakto ay


napahinto kami sa lambak. Nananghalian kami habang
nakatingin sa tanawin.
Nagpatuloy na kami hanggang sa makarating na
kami sa kabilang syudad.
“Nandito na tayo sa Hellion City.” Ang sabi ni Jessie.
Napakaganda rin ng city na ito. Maunlad din. May mga
advance na technology pa nga eh.
“Teka, alam mo na ba kung sa'n tayo tutuloy?” Ang
sabi ko. “Sabihin mo na lang, 'yung navigator na ng kotse
'yung bahala.”
Nga pala, nalimutan kong sabihin, may navigator
din 'yung kotse. Para hindi ako mawala kung saan ako
pupunta.
“Pentagon Compound.” Ang sabi ni Jessie. Pinakita
naman ng kotse ko ang daan papunta roon. “Maganda
doon, may limang building na hugis pentagon. Tapos
secured pa siya ng dalawang security guards tapos may
swimming pool pa. Limang libo ang upa kada buwan.
'Yung hotel ay may dalawang kuwarto, isang sala, kitchen
ta's dining room, tapos shower.” Ang paliwanag niya.
“Well, sulit na din.” Ang sabi ko.
Nag-asikaso pa kami ng ilang mga bagay bago kami
tuluyang makapasok sa bago naming condo. Medyo weird
kasi wala kaming gamit na dala. Pero buti na lang may
gamit na kahit papaano 'yung condo.
“Baka darating 'yung gamit mamaya o bukas.
Pwede ba muna akong umalis? May pupuntahan lang ako.”
“Sige.” Ang sabi ko.

•==•

126
Subconscious Love

Mga dalawang oras na ang nakalipas nang umalis si Jessie


sa bagong condo. Buti na lang may TV at Sofa na agad dito
kahit papaano. Hindi ako mababagot.
Ilang sandali lang ay bumalik na si Jessie. Pero
kakaiba, may dala-dala siyang boquet ng bulaklak. Binili
niya kaya 'yan?
“Uy, sa'n ka galing? Ba't may dala-dala kang
bulaklak?”
“Ah, namasyal lang ako. Bumili lang ako ng
hapunan natin.”
“Tapos, sa'n galing 'yung bulaklak?”
“May nakasalubong akong lalaki. Sinabi niya na
pamilyar daw ako sa kaniya. It turns out, kasama siya sa
opening ceremony ng dinesign naming building. Isa siya sa
mga nagdisenyo no'n.” Ang paliwanag niya.
“Sabi niya, isang taon daw niya akong hinanap. May
paghanga daw siya sa akin ever since magkita kami. So
ayun, kumain kami tapos binigyan niya ako ng bulaklak
before I go.” Ang tuloy niya.
“Ganoon pala, ayos ha. Napakaswerte siguro ng
lalaki.”
“Sinabi mo pa. Sabi pa nga niya, hindi niya
inaasahan na magkikita pa kami ulit.” Ang sabi niya.
Bumalik lang ako sa panonood. Mukhang may manliligaw
na siya.
“Anong pangalan niya?” Ang tanong ko.
“Ba't naman?”
“Wala naman, natanong ko lang.”
“Vallen.” Ang sagot ni Jessie.
Kumain na kami ng hapunan pagsapit alas seis. At
pagsapit ng alas siete, dumating na ang mgagamit ni Jessie.
Nang makita nila ako, sobra silang nagtaka.

127
Akosik3n

Bakit nga ba naman kami nakatira sa iisang room


ng condo? Nakakahiya't sa kaniya pa naman ang lahat ng
gamit dito. Iisipin na baka live in partner kami.
“Hey, gusto mo ba maglibot sa syudad bukas.
Hanap tayo ng coffee shop dito.”
“Sige ba.” Ang sabi ko. Well, hindi na ako
makakapunta sa ConstelCafé simula ngayon.

•==•
Day 15

Nagising ako nang alas seis ng umaga. Nag-unat muna ako


at humikab bago bumangon. Lumabas agad ako ng
kuwarto at sinubukang magbukas ng TV.
Morning News pa lang ang palabas ngayon pero
pinanood ko pa rin. Narinig ko ang tunog ng shower galing
sa banyo. Napatingin ako sa kanan dahil doon nakapwesto
ang banyo.
Nagulat ako nang biglang buksan ni Jessie ang slide
door. Napalundag ako sa sofa dahil nakita kong nakatapis
lang siya ng tuwalya.
“Oh? Anyare sa'yo?” Ang tanong niya.
“Pasensiya na, hindi kasi ako sanay makakita ng
nakatapis na babae. Hindi pa kasi ako nakakaranas nang
may kasamang babae sa bahay ko.” Well, except syempre
sa pamilya ko. Sanay na akong makitang nakatuwalya lang
ang mga magulang at kapatid ko.
“Ganoon ba? Sorry, hindi ko kasi nadala 'yung mga
damit sa banyo.”
Nakapagbihis na siya at naligo na din ako. Isang
oras ang lumipas at nakapaghanda na rin kami. Lumabas
na rin kami ng condo at nagsimulang libutin ang syudad.

128
Subconscious Love

Una muna ay naghanap kami ng coffee shop para


makainom kami ng kape. Buti na lang at may natagpuan
kami ilang lakad lang mula sa bagong condo.
Nag-agahan na kami doon habang
nagkukuwentuhan. Pagkatapos ay lumabas na kami.
Habang nasa bangketa ay may tumawag sa telepono ko. Si
Green. Namimiss na siguro ako. Lumayo muna ako at saka
sinagot 'yung telepono.
Nag-usap kami, siguro mga limang minuto. Hindi
rin nagtagal dahil nasa trabaho na siya. Paglingon ko ay
may nakita akong lalaki na kausap ni Jessie.
Lumapit ako sa kanila.
“May kasama ka ba?” Ang tanong ng lalaki.
“Oo, heto siya oh, si Napier. Friend ko.”
“Hello, Napier. Nice to meet you. Name is Vallen.”
Ang sabi niya at nagrequest na makipagshake hands sa
akin.
“Ohhhh... Ikaw pala 'yung nakuwento ni Jessie sa
akin.” Nakipagkamay ako. Napaisip ako nang kaunti. May
hitsura naman si Vallen. Mas pogi pa nga yata sa akin. Mas
matangkad siya sa akin at matangos ang ilong. Maputi ang
balat niya, parang artistahin.
Hindi malayong sasagutin ito ni Jessie.
“Oh, I should get going right now. See you again
Jessie!” Ang sabi ni Vallen bago siya umalis.
Kumaway si Vallen sa amin at umalis na. Seryoso
lang ang muha ko pagkatapos no'n.
Nawiwirduhan ako sa nararamdaman ko ngayon.
Nung nakita kong may lalaking kausap si Jessie, naiba ang
pakiramdam ko. At nung malaman ko na si Vallen iyon,
lalong naging weird
Parang hindi ko gustong makita siya kahit sa totoo
lang ay gwapo siya. At ayaw ko na siyang makasalubong o
kahit makita lang siya ulit.

129
Akosik3n

Oh sh*t. Mukhang alam ko na ang nararamdaman


ko. And I don't want this.
“Hoy, may problema ba?” Ang tanong ni Jessie sa
akin.
“Wala. May iniisip lang ako.”
•==•
Day 16

Kinabukasan, nasa bahay lang ako. Siguro mga alas nueve


na no'n nang umaga. Nanonood lang ako nang TV no’n.
Maya-maya ay may kumatok sa pinto. Sino naman kaya
iyon?
Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako dahil si Vallen
ang nasa labas. Naging awkward ang sitwasyon dahil ang
alam niya, kaibigan ko lang siya. May kaibigan bang
nakatira sa iisang bahay? At opposite sex pa ang kasama?
O baka malisyoso lang ako.
“Sorry, ito ba ang room ni Jessie?” Ang tanong ni
Vallen.
“Oo, ito ngayon. Nasa kuwarto kasi si Jessie may
ginagawa.”
“Ahh ganoon ba? Pwede ko ba siyang makita.”
“Hindi ko alam eh. S-sabi niya huwag ko daw muna
siyang guluhin sa loob.” Hindi niya talaga sinabi iyon.
“I see. Sige, pakisabi na lang sa kaniya na
pinabibigay ko ito. Pasensiya na sa abala, mauuna na ako.”
Pinasa niya sa akin ang isang karton ng tsokolate at isang
boquet ng bulaklak.
“Sige.” Ang sabi ko. Sinara ko ang pinto. Ilang
sandali lang ay lumabas na ng kuwarto si Jessie. Bagong
ligo siya.
“Oy, may bigay sa'yo si Vallen. Tsokate ta's rosas.”
Ang sabi ko kay Jessie.”

130
Subconscious Love

“Teka, pumunta si Vallen dito?” Ang tanong ni


Jessie habang nagpupunas ng buhok.
“Oo.”
“Ha? Ba't 'di mo ako sinabihan.”
“Nagbibihis ka eh. Isa pa, may pupuntahan pa siya
kaya umalis na siya agad.” Ang pagsisinungaling ko.
Napatitig na lang ako sa TV na seryoso ang mukha.
“Nakakahiya, nakita niya ako sa bahay mo. Ano
kayang iisipin niya?” Ang sabi ko.
“Wala iyon. Panigurado, hindi niya lalagyan ng
malisya iyon.” Ang sabi ko. Heto na naman ako sa
nararamdaman ko. Dapat ko ba talagang maramdaman
ito?
Napabuntong hininga na lang ako.
“Oh. Anong nangyari sa'yo. Ba't nakasimangot ka.”
Tinaas ko ang kilay ko.
“Ha? Wala, hindi pa rin ako kampante.” Ang sabi ko.
Ayoko na siyang kausapin dahil ayaw kong lumala pa ang
nararamdaman ko. Hindi ko napasin, nakasara na pala ang
kamao ko. Naiinis ako na nagagalit. Bakit ganito ang
nararamdaman ko?
“Ayos lang iyan, ipapaliwanag ko na lang sa kaniya.”
Wow, bakit kailagan pa na maging updated siya? Pero sa
kabilang ganda, hindi rin pwedeng hindi rin malaman ni
Vallen. Ahhhhhh! Nasa dilemma na naman ako.
Narinig ko ang pagbukas ng karton ng tsokolate.
Lumapit siya sa akin at nilapit ang kariton sa harap ko.
“Chocolates, gusto mo?” Umiling ako at tumanggi
ako.
“Sigurado ka?”
“Oo nga!” Nagulat siya dahil nasigawan ko siya.
“Oh, ba't ka galit?” Ang tanong niya.
“Sorry, 'di ko sinasadya.” Huminga ako nang
malalim.

131
Akosik3n

“Ano ba kasing problema mo? Kahapon ka pa


ganiyan. 'Di mo naman sinasabi sa'kin.” Ang sabi niya.
Ayaw kong aminin pero parang gusto nang sumabog ng
damdamin ko. “Pakiramdam ko may kinalaman 'to kay
Vallen 'no.” Gusto ko na talagang ilabas ito.
“Wala.”
“Sabihin mo na.”
“Wala 'to.”
“Wehhh???” Hindi ko na kaya ito.
“Oo na! Nagseselos ako!”

~••~

132
Subconscious Love

XIV

Napier and Jessie III


“Oo na! Nagseselos ako!” Ansarap sa pakiramdam na
malabas itong dala-dala ko. Pero pa'no na? Nalaman niya
na nagseselos nga ako.
“Anong nagseselos?” Ang sabi niya. Naupo siya sa
sofa sa tabi ko. “Hindi ko maintindihan.”
Bumuntong hininga muna ako bago ako magsalita.
“Gusto ko nang sabihin sa iyo lahat ng
nararamadaman ko noong una pa lang. Naalala ko 'yung
una tayong nagkakilala. Naalala ko 'yung umamin ka na
may gusto ka sa akin. Pero hindi ko nireciprocate ang
damdamin ko sa'yo dahil hindi ko kaya at hindi pa ako
handa.
“Andami kong hiningian ng advice no'n dahil
napakadami kong rason kung bakit hindi kita kayang
mahalin. At ayaw kong masaktan ang damdamin mo.
“Kahit na paulit-ulit mong sinasabi na hihintayin
mo ako kapag handa na akong magmahal, alam kong
mapapagod ka rin kahihintay.
“Hindi ko kayang magmahal dahil lahat ng bagay
may katapusan. At natatakot ako na sa huli masasaktan
lang din ako.
“Pero may nararamdaman akong kakaiba. Sa
tuwing kasama kita, kakaiba 'yung saya na nadarama ko.
Naalala mo 'yung nakita mo ako na may kausap sa Food
Sky, humihingi ako sa kaniya ng payo no'n dahil gusto ko
nang umalis dito. Gusto ko nang umalis dahil ayaw kong
tuluyang mapaibig sa iyo dahil alam ko na may katapusan
rin ang lahat ng ito.

133
Akosik3n

“Pero, nahihirapan akong umalis dito dahil rin sa


iyo. Ayaw kitang iwan. Kasi dahil iyon sa saya na
nararamdaman ko kapag nandito ka. Dahil ayaw kong
saktan ang damdamin mo dahil ayaw kong maging isang
tarantadong walang utang na loob.
“Naalala ko ‘yung pinili mong huwag nang umasa at
maghintay pa sa akin. Gumaan ang pakiramdam ko dahil
mas mabuti na iyon kaysa pasahin ka. Pero hindi ko
namalayan na I wasted the chance. At ngayon...”
“At ngayon ano?” Ang tanong niya.
“Ngayon, may kumukuha na ng chance na iyon.
Hindi ko maintindihan ang naramdaman ko. Nagagalit ako
hindi dahil may gusto nang umibig sa iyo, kun;di dahil
pinagtabuyan kita noon. Naisip ko na sinayang ko ang
pagkakataon ko. Lahat iyon pinanghinayangan ko. At alam
kong huli na ang lahat pero...” Napahinto ako sandali at
huminga nang malalim. “...mahal kita, Jessie.” Napanganga
siya sa narinig niya. Napadiretso siya ng upo. Hindi ko
alam kung anong magiging reaksyon niya. Kaya
nagpatuloy na lang ako sa pagsasalita.
“'Yung nararamdaman ko, iyon ang sign na in love
ako sa'yo. I was loving subconciously. Hindi ko namalayan.
Pilit kong tinatanggi pero sa kaibuturan ng puso ko, oo,
mahal nga kita.
“Pero mukhang huli na ang lahat.” Ang sabi ko.
Napayuko ako. Hindi alam ang gagawin. Alam kong oras na
para aminin ito. Pero huli na.
“Hey.” Ang sabi niya. “It's not too late.” Nagtaka ako
sa sinabi niya. Nilapit niya ng kamay niya sa akin at
hinawakan niya ang mukha ko. Gusto niyang titigan ko
siya kaya inayos niya ang mukha ko.
“Anong ibig mong sabihin?”
“Naalala ko noong sumuko na ako sa iyo. Gulung-
gulo ang isip ko kasi ayokong gawin iyon. Gusto ko pa ring

134
Subconscious Love

maghintay. Kasi naniniwala akong balang araw aaminin


mo rin.
“I still love you... Napier. Kahit na pinipilit kong
hindi na umasa, it's still there. This is the reason bakit
inimbita kitang sumama na lumipat ng ibang syudad. Para
makasama kita. I wanna spend time with you. I always
love you, Napier.” Nanlaki ang mga mata ko. Kakaiba ang
nararamdaman ko. Antagal kong hindi naramdaman 'to.
Alam kong nasa panaginip lang ito pero mas
nangingibabaw ang kilig na nadarama ko.
Lumapit siya sa akin. Naglapit ang mga mukha
namin. Nilagay ko ang kamay ko sa braso niya. Wala na
akong dapat isipin pa. Hindi na ako mag-aalala sa mga
bagay na hindi ko kontrol. I just wanna feel this moment.
Unti-unting naglapit ang mga mukha namin.
Masminabuti ko nang ipikit ang mga mata ko. Gusto kong
namnamin ang bawat segundo. Habang nararamdaman ko
ang kamay niya sa aking batok.
Nagsimula nang dumampi ang mga labi ko sa
kaniya. Para akong kinuryente nito pero sobrang sarap sa
pakiramdam. Nadarama ko ang bawat paghinga niya. I
brush her lips with mine. I can't believe this is happening.
Naririnig ko ang mga tunog na nalilikha ng labi namin.
I try to play with my tounge. Binuka ko nang kaunti
ang aking bibig para makalabas ang dila ko. Sobrang tagal
bago ako makaranas ng halik. Lahat ng damdamin ko ay
naipon at ngayon at sumasabog na.
Hindi ko alam kung magagalit ba siya sa ginawa ko
pero tinuloy ko lang. Nararamdaman ko pa rin ang
paghinga niya. Naamoy ko pati ang halimuyak niya. Binuka
na rin niya ang kaniyang labi at hinayaan ang dila ko na
makipaglaro sa dila niya.
Ngayon ay nararamdaman ko ang init niya. Habang
ang mga dila namin ay nag-iispadahan. Hinawakan ko ang

135
Akosik3n

braso niya. Ninamnam ko lang ito dahil alam ko na hindi


ko na ito madarama ulit.
Hindi pa sapat ang pagkakayakap namin kaya
naglapit pa kami. Humigpit ang yakap namin sa isa’t-isa at
nagpatuloy pa rin sa paghalik.
Matapos ng isang minutong halikan ay unti-unti
niyang nilayo ang labi niya sa akin. Napadilat siya at
tumitig sa labi ko.
“Ang galing mo pala humalik.” Ang sabi niya.
Natawa na lang ako. Napatitig ako sa tsokolate at rosas na
binigay sa kaniya ni Vallen kanina
“Sayang itong binigay niya.” Ang sabi ko.
“Kanina nagseselos ka kay Vallen ngayon naawa ka
na.” Ang sabi niya.
“Syempre. Ngayon masisiguro ko nang akin ka. At
akin ka lang talaga.” Ang sabi niya.
“I think sulit ang paghihintay ko.” Ang sabi niya
sabay tawa.
Hindi ko na mawari ang nararamdaman ko dahil
naghahalo-halo na. Sobrang saya, kilig, tuwa. Ayaw ko
nang lumisan pa sa panaginip na ito.
Nasa hapagkainan kami at kumakain. Hanggang
ngayon ay hindi pa rin mawala sa isipan ko ang halikan
namin. Ilang oras ko nang naiisip iyon.
“Uy! Lalim na naman ng iniisip mo. Ano ba? Kumain
ka muna.” Ang pangiti niyang sabi.
“Pasensiya na. Kanina pa kasi hindi mawala sa
isipan ko 'yun eh.”
“Gusto mo halikan ulit kita?” Ang sabi niya sabay
tawa. “Alam mo, paano kung gumala tayo bukas? May
theme park dito sa Hellion. Maraming rides.” Ang aya ni
Jessie.

136
Subconscious Love

“Sure! Why not? Bukas ha.” Pumayag ako sa sinabi


niya. Pakiramdam ko ay nasa heaven ako. Kung pwede
lang na hindi ako magising, hindi na ako gigising.

•==•
Day 17

Nagising ako sa kuwarto ko at bumangon. Nag-unat ako at


naghanda nang maligo. Lumabas ako ng kuwarto at nakita
kong kumakain na si Jessie.
“Good morning Nape.” Ang sabi niya. “Tara, kumain
ka muna.”
“Good moring din Jessie. Nagluto ka pala. Ano
iyan?”
“Itlog at tocino tapos sinangag. May mainit na tubig
na doon sa thermos.” Bigla kong naalala 'yung baso na
binigay sa akin ni Jessie. Hindi ko pa pala nagagamit iyon
kaya kinuha ko muna.
Nagtimpla na ako ng kape sa baso ko. At naupo na
sa harap ni Jessie.
“Teka, iyan ba 'yung basong bigay ko sa'yo.” Ang
tanong niya.
“Oo, ito nga.” Ang sabi ko. “Alam mo, kahit na ilang
araw pa lang tayo rito, namimiss ko na agad 'yung café
niyo.”
“Buti na lang at binigay ko sa'yo iyan. Kahit
papaano may memoies ka sa café na iyon.” Kumain na
kaming dalawa at nag-usap habamg kumakain.
Maya-maya ay naligo na ako. At naligo na rin si
Jessie. Hindi kami nagsabay.
Naghanda kami ng camera, tubig at pera para sa
pamasahe at pambili ng kahit na ano.
Lumabas na kami sa condominium at sumakay sa
sasakyan namin. Pinaandar ko na 'yung kotse at umalis.

137
Akosik3n

Nagsoundtrip lang kami sa kotse habang


nagkwekwentuhan.
Masarap sa pakiradam ang magmahal ulit.
Napakatagal kong hindi naranasan 'to. Naaalala ko ang
lahat ng mga sinabi sa akin ng mga naging kasama ko sa
panaginip.
Alam kong matatapos din itong panaginip na ito.
Parang buhay lang din ito, may katapusan. Mamamatay
din tayo. Kahit na may gawin ka o wala, sa hukay din ang
huli nating hantungan.
Pero it's better to fully live a life. Kung matatapos
din ito either way, bakit hindi nalang natin ienjoy ang
buhay kaysa mag alala sa katapusan. Naalala ko na ito ang
lagi kong ginagawa.
Sabi nga nila, don't fear the inevitable. We had to
accept that there is an end. Pero hindi mo naman iyon
maiisip kung ineenjoy mo ang buhay mo.
Parang panaginip lang ito. Hindi mo maiisip na
matatapos ito kasi masaya kang nananaginip.
Nakarating na kami sa Hellion Theme Park
napakadaming rides sa lugar na iyon. Maririnig mo ang
sigaw ng mga tao.
“Antagal ko nang hindi nakakasakay sa Theme
Park. Alam mo na, busy sa trabaho.” Ang sabi ko.
“Heh, I feel you.”
Bumili na kami ng ride all you can na ticket. At
pagkatapos ay naghanap na kami ng masasakyang ride.
Una kaming sunakay sa pirate ship na ride.
Kinakabahan ako dahil may fear of heights ako. Nagsimula
na ang ride, mababa pa lang ang swing ng ride kaya
kumalma muna ako.
Pero nang nagtagal ay tumaas ang height. Nalula
ako sa taas ng ride. Bakit ba kasi nasa tuktok kami
nakaupo? Imbes na itaas ko ang kamay ko, napayakap ako

138
Subconscious Love

kay Jessie. Nakasandal lang ang ulo ko sa balikat niya


habang siya, nakataas ang kamay niya.
Bumaba kami pagkatapos ng five minutes. “Buong
ride, nakayakap ka lang sa'kin ah.”
“Pasensiya na, may fear of heights ako eh.”
“Sus, halos lahat ng rides dito mataas. 'Di mo
maeenjoy lahat yan kapag takot ka. Face your fears.”
Hindi nagtagal ay may gusto na naman siyang
puntahang ride. Hinablot niya ang braso ko.
Nagulat ako dahil dinala niya ako sa drop tower.
Hindi pa ako nakakasakay sa ride na iyan dahil iyan ang
pinakaayaw kong ride.
Isipin mo, aangat ka sa pinakatuktok ng ride na
halos kita mo na ang lahat ng nasa paligid mo tapos bigla
kang ibababa na para kang nahuhulog. Baka mamaya
matanggal ang seat belt bigla akong mahulog, finish na.
Nakakatakot.
“Hindi ko kaya diyan. Ayoko niyan.”
“Kaya ka hindi sumasaya sa buhay eh. Lagi kang
nilalamon ng takot. Tignan mo kung anong nangyari.,
muntik pa akong hindi maging iyo.”
Wala na akong nagawa, pumila na lang rin ako sa
ride na iyon at naghintay. After a while, kami na ang
susunod. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa takot.
Naupo ako satabi ni Jessie hawak-hawak ang
kamay niya. Naramdaman ko na pinaandar na 'yung ride.
Unti-unti nang umaangat ang inuupuan ko.
Napapikit na lang ako pagdating ko sa taas. Napahigpit ang
kapit ko sa upuan at sa kamay ni Jessie.
Pagkatapos, biglang bumaba nang pagkabilis-bilis
ang inuupuan namin. Nagkandaletse-letse ang sikmura ko.
Nanigas ang tiyan ko. Nangyari lang na nakadilat ako no'n
nang bumaba ang ride. Kaya sumakit ang mga mata ko.

139
Akosik3n

At dahil trigger iyon ng migraine ko, sumakit ang


ulo ko pagbaba.
“Teka Jessie, nahihilo ako sobra. Punta muna ako sa
banyo.”
“Ayos ka lang ba?”
“Nahilo ako nang sobra sa ride. Teka lang, nasusuka
ako.” Ang sabi ko.
Pumunta agad ako ng banyo at doon nagsuka.
Kailangan mawala itong sakit ng ulo ko. Kailangan kong
gamitin ang pagbabago ko. Pinawala ko 'yung sakit ng ulo
ko at okay na. Ayoko naman kasing masira ang gala namin
dahil masakit ang ulo ko.
Lumabas na ako ng CR at nagpunta na kay Jessie.
“Oh, ayos ka na.”
“Oo, tara hanap na tayo ng ibang rides”
What a good day. Sobrang saya na wala kmaing
iniisip nakahit na ano. Kaming dalawa lang ni Jessie sa
panaginip na ito. Well kasama si Napier pati yung mga
subconcious niya.

Ngayon ang araw na aking pinakahihintay


Ngayong nandito ka hinding-hindi sasablay
Itong pinapangarap ko
Ngayon ay magkakatotoo
Lahat ng 'to dahil sa'yo
Heto na, heto na.

Sumakay kami sa roller coaster at sa water slide. Sa bump


car, sa isa pang roller coaster at sa dalawang pendulum
rides na sobrang nakakahilo kapag umaandar.

Magkasama tayong dalawa


'Di na bibitawan ang mga kamay
At mula ngayon lilipas ang panahong

140
Subconscious Love

Magkahawak magkasama
Tayong dalawa

Ito ang pumapasok na kanta sa isipan ko. Kahit na alam


kong panaginip lang 'to, sisiguraduhin kong kasama ko
siya hanggang magising ako.
Halos lahat ng rides sa theme park na iyon ay
nasakyan na namin. Maliban sa ferris wheel dahil balak
namin sumakay doon kapag sunset na.
Well, ilang minuto nalang ay sunset na kaya
napagpasyahan na naming sumakay sa ferris wheel.
Kaming dalawa lang syempre sa loob no'n.
Nag-usap lang kaming dalawa sa loob habang-unti-
unti kaming umaangat.
“Salamat Napier.”
“Hmm?”
“Salamat. Kasi nagawa mo na akong mahalin.
Pasensiya na at sinubukan kong sumuko sa iyo.”
“Hindi dapat ikaw ang humingi ng tawad. Ako
dapat, kasi dahil sa takot ko, pinaghintay pa kita nang
sobrang tagal.”

Can I touch you?


I can't believe that you are real
How did I ever find you?

“Alam mo, ngayon pa lang ako nagkaroon ng kasintahan.


Ikaw ang first love ko.” Ang sabi ni Jessie.
“Ang sweet namang marinig iyan haha.”
“Actually, ako lagi ang gumagawa ng first move. At
lagi akong nasasaktan doon. Pero napakakulit ko, inuulit-
ulit ko pa rin kahit alam kong masasaktan ako ulit.”
“Ngayon hindi na, nakahanap ka na ng para sa iyo.
Ako. Natagalan nga lang.”

141
Akosik3n

“Oo nga eh. Akala ko mauulit na naman ito.”

You are the sunshine in the sky


You are the sparkle in my eye
Baby...

“Ngayon napagtanto ko na na dapat hindi dinadaan sa


akala ang lahat. Kaya ko hindi sinusubukan dahil natatakot
ako dahil inaakala ko na mangyayari ulit iyon. Salamat
kasi, tinulungan mo ako.”
“Wala iyon. Tatandaan mo palagi na lagi kitang
mamahalin.”
Nilapit niya ang mukha niya sa akin. At hinawakan
ang mukha ko. Saka dumampi ang labi niya sa labi ko.

I never thought that I could love


Someone as much as I love you
I know it's crazy but it's true

Sobrang mahal ko siya. Sobra sa punto na ayaw ko na


siyang mawala. Siguro, mababaliw na ako dahil panaginip
lang ito. Pero sa panaganip na ito, makakadama ka ng
kasiyahan na para bang nasa paraiso ka. Sabihan mo na
akong baliw, pero hanggang sa paggising ko mula sa
panaginip na ito patuloy kong mamahalin si Jessie.

I never thought that I could need


Someone as much as I need you

Sinubukan kong pahintuin ang panaginip, pinagmasdan ko


ang ganda niya. Ang weird lang kasi nakanguso pa siya
samantalang ako nakatingin sa kaniya. Ano ba itong
ginagawa ko?

142
Subconscious Love

Naisip ko lang lahat ng pinagdaanan namin sa loob


ng 2 linggo. Kung paano kami nagsaya, nalungkot,
nagsama at nagdamayan. Sana totoo na lang ito. Bumalik
na ako sa pagkakahalik kay Jessie at tinuloy na ang
panaginip.

I love you

Bumaba na kami sa ferris wheel at nagtuloy pa sa ibang


rides. Mag-aalas-once na nang umalis na kami. Magsasara
na rin kas 'yung ride kaya gano'n.
Nasa labas kami ng theme park. Nasa parking kami
para ihanda 'yung sasakyan ko. Nagulat ako kasi wala
'yung susi ko.
“Hala anong nangyari Napier?”
“Gagi, 'yung susi ko nawawala.” Ang sabi ko, buti na
lang at may isa pa akong natitirang pagbabago. Kaya
ginamit ko iyon para makagawa ng panibagong susi.
“Ay hehe, nandito pala. Hindi ako naghahanap nang
maayos.” Ang pagsisinungaling ko.
“Phew, 'kala ko 'di ka na makakauwi eh.”
Habang pinapasok ko ang susi sa kotse, nagulat ako
nang biglang sumigaw si Jessie.
“Napier! Sa likod mo!”

~••~

143
Akosik3n

XV

Green II
“Napier! Sa likod mo!” Hindi pa ako nakakatalikod ay may
sumakal na sa akin.
“J-Jessie... T-tumakbo... ka n-na...” Ang utos ko kay
Jessie.
Pero hindi na nakatakbo pa si Jessie dahil may
dalawang tao nang nasa likod niya. Hinawakan siya ng
dalawang lalaking iyon at dinala sa isang van. Pilit
nagpupumiglas si Jessie.
Hinatak na ako ng lalaki papunta sa van habang
pinipilit kong sumigaw.
“J-jessie... Lumaban... k-ka...” Ipinasok na ako ng
lalaki sa van. Hindi na ako makahinga ng maayos at unti-
unti akong nakakaramdam ng antok. Hindi ko na alam ang
nangyayari.

•==•

Nagkamalay na ako. Pero hindi ko alam kung


nasaan na ako. Una kong hinanap si Jessie.
“Hoy! Nasaan ako! Ilabas niyo ako rito mga gago
kayo!” Ang sabi ko habang kinakalampag ko ang bakal na
pinto. “Nasaan si Jessie! Anong ginawa niyo sa kaniya?!
Sisiguraduhin ko na malilintikan kayo sa akin kapag
nakalabas ako rito, mga gago kayo!”
“Bobo! Sisiguraduhin naming hindi ka makakalabas
nang buhay, tanga!” Ang sabi ng isang lalaki pagkatapos ay
nagtawanan. Bwisit! Hindi ko alam kung nasa'n ako.

144
Subconscious Love

Tinignan ko ang oras at nakita ko na alas once y


media pa lang. Hindi pwede! Hindi ako pwedeng
makagawa ng pagbabago. Tatlo na ang nagawa ko ngayong
araw na ito.
Wala akong ibang gamit na dala. Nandito lang ako
sa isang kwarto na ito. Sisiguraduhin ko talaga na pagsapit
ng hating gabi, hindi na sila sisikatan ng araw.
Nababaliw na ako dito sa kwartong ito kahit na
hindi pa ako nagtatagal. Andami kong iniisip. Kumusta
kaya si Jessie? Ano nang nangyari sa kaniya? Alam kaya ni
Green na nandirito ako?
Naupo na lang ako sa kama. Hindi alam ang
gagawin. Hindi ako pwedeng matulog dahil gusto kong
makalabas dito kaagad. No time to waste.
Habang naghihintay ako na sumapit ang hatinggabi,
nag-iisip na ako sa kung anong gagawin kong pagbabago.
Iniisip ko na pahintuin na lang ang panaginip at
tumakas na lang. Pero hindi magiging maganda iyon para
sa akin. Sa gagawin nila sa akin ngayon, parang gusto kong
bumasag ng bungo.
O baka gumawa na lang ako ng baril. Baka pwede
na rin iyon. Mahilig ako sa fps games at parang gusto ko
rin makaranas ng shooting.
Nauulol na ako sa kahihintay. Iniisip ko bawat
minuto kung ayos lang ba si Jessie. Ngayon ay si Green.
Hindi ko nga alam kung nagising si Green kaya hostile ang
subconcious niya ngayon. At nagsisimula na nga akong
magoverthink.
Eleven fifty-five p.m. na, limang minuto na lang at
babalik na sa tatlo ang pwede kong gawing pagbabago.
Nakasilip lang ako sa labas ng pinto at minamasdan ang
mga bantay. Nag-iisip sa kung anong gusto nila sa akin.
“Hoy! Ano bang gusto niyo sa akin ha?! Wala
kayong mapapala sa akin!” Ang sabi ko.

145
Akosik3n

“Manahimik ka na lang diyan! Mamamatay ka rin


naman pagkatapos!” Tumawa nang pagkalakas-lakas ang
mga bantay. Hindi na ako nagsalita. Samantala, may nakita
akong isang bantay na may kausap sa telepono. Iniisip ko
na baka boss nila ang kausap niya.
“Hoy! Pakausap niyo sa’kin iyang boss niyo! Sabihin
niyo kung anong nais niyo sa’kin!” Hindi ako pinansin ng
guwardiya.
Naupo na lang ako sa kama. Ilang sandali lang ay
may nagbukas ng pinto at nag-abot ng pagkain sa akin.
Nang tignan ko ang oras ay eleven fifty-nine na.
“Oh, pagkain mo. Magpakabusog ka.” Ang sabi ng
isang bantay.
“Hindi na, baka nilason niyo na iyan.” Ang sabi ko.

Day 18

“Tarantado ka ah!” Ang sabi niya sabay hagis ng pagkain sa


akin. Napatingin ako sa relo at alas dose na. Bumalik na sa
tatlo ang pwede kong gawing pagbabago.
May narinig akong pagkasa ng baril. Nakita ko
'yung bantay na may hawak-hawak na pistol na nakatutok
sa ulo ko. Gumawa agad ako ng AK-47. Pinutok ng bantay
'yung baril pero nakailag ako. Hinampas ko ng rifle ko ang
kamay niya dahilan para mabitawan niya ang pistol niya.
Hindi na ako nagpapigil at kinalabit ko ang gatilyo
ng baril sa mukha niya. Tumalsik ang dugo niya sa pader
at tumumba siya. Naalerto ang iba niyang kasama at
lumapit din sa akin.
Nasa labas na ako ng kuwarto. Nakaharap ako sa
kanan. May guwardiya sa likod at sa harap ko. Alam ko na
kakalabitin niya 'yung gatilyo kaya napailag agad ako.
Tunama 'yung bala sa kasama niyang bantay. Pagkatapos,
saka ko pinutok sa dibdib ng namaril 'yung rifle ko.

146
Subconscious Love

Nakita kong gumagalaw pa 'yung tinamaan ng


pistol kaya kinuha ko 'yung baril at pinutok sa ulo niya.
Nagtungo na ako sa main hallway ng gusali, kung
nasaan man ako. Puro duguang tao na ang laman ng gusali.
Nakita ko ang lalaki na may kausap sa telepono kanina.
Naglabas siya ng shotgun niya. Nagkatutukan kami
ng baril, tansyahan na lang kung sa isang putok ba e
mamamatay na ang isa.
May narinig kaming pagsabog kung saan. Hindi
namin alam kung saan galing pero sobrang lapit lang sa
amin. Nagulat ako pero hindi ko inalis ang tingin ko.
Lumingan ang lalaki kung saan nanggaling 'yung tunog.
And that's a wrong move. Binigyan ko ng malakas na
sapak ang lalaki dahilan para makatulog siya.
Sa pocket niya ay may tumunog na ringtone ng
cellphone niya. Numero lang ang nasa telepono kaya hindi
ko nalaman kung sino. Sinagot ko na lang pero hindi ako
nagsalita.
Nagulat ako sa boses ng nasa telepono. “Hello!
Napatay niyo na ba?” Hindi ako makapaniwala sa narinig
ko.
“Green?!” Ang sabi ko. Hindi siya nakasagot at sa
halip, binaba niya ang tawag. Paanong??? Bakit niya
gagawin iyon sa akin?
Hindi ko maintindihan.
Nakakagulat.
Nakapagtataka.
Imbes na magalit ako sa kaniya ay nabalot lang ako
sa pagkalito.
Hindi ko na alam kung sinong priority ko para
hanapin. Gusto kong puntahan si Jessie pero malaking
misteryo pa rin ang ginawa ni Green. Anong mayro’n at
nagawa niya iyon?

147
Akosik3n

Lumabas na ako sa building na iyon. Hindi ko alam


kung nasaan ako. Squatter are ang lugar na ito. Sinubukan
kong gumawa ng kotse na katulad sa isa para matunton
kung nasaan ako.
Pinuntahan ko muna ang condominium para doon
hanapin si Jessie. Baka nandoon siya. Pagpasok ko, wala.
Nandoon ang gamit namin pero wala siya. Sa sobrang
pagod ko ay napahiga ako sa kama. At ang laman ng isip
ko:
Nasaan si Jessie?
Bakit iyon ginawa ni Green?

•==•

Alas siyete, nagising ako. Napagdesisyunan ko nang


pumunta sa Railside Condominium para puntahan si
Green.
Binilisan ko ang takbo ko. Inabot ako ng dalawang
oras bago ko marating ang Dreamstate City. Nagtungo na
ako sa dati kong condominium. Pinarada ko ang kotse at
magtungo ako sa reception ng Condo.
“Nandito pa rin ba si Green Santiago?” Ang tanong
ko.
“Naku sir, kaaalis lang niya nakaraang araw.” Ang
sabi ng receptionist. Bwisit, ngayon saan ko siya
hahanapin?
Isa lang ang naiisip kong paraan. Kailangan kong
tanuning si Auria. Kung may kinalaman ba siya sa
ginagawa ni Green.
Pinaandar ko ang kotse at umalis. Hindi nagtagal
ang biyahe ko. Nakarating kaagad ako sa bahay ni Auria.
Pinindot ko ang doorbell at hinintay na buksan ni Auria
ang gate.

148
Subconscious Love

“Kumusta Napier? Napadalaw ka?” Kamao ko na


ang sumagot sa kaniya. Sinapak ko siya sa mukha at
nakatulog siya. Binuhat ko siya papasok sa bahay.
Kumuha ako ng isang upuan. Naghanap ako ng
electric fan at pinutol ang wire no'n. Naghanap din ako ng
extension chord. Nakakuha naman ako, at sakto, may
switch pa.
Nakahanap naman ako ng plies. Binalatan ko ang
wire ng bentilador. 'Yung exposed wire ang pinantali ko
kay Auria at sa upuan niya. Sinaksak ko 'yung extension
chord. Sarado ang switch pero hindi ko muna sinaksak sa
extension 'yung wire ng electric fan.
Matapos ang fifteen minutes nagising na siya.
“Napier! Anong... Anong ginagawa mo sa akin? Tanggalin
mo ito!”
“Huwag kang mag-alala. May itatanong lang naman
ako sa'yo.” Ang sabi ko. “Kapag hindi ka sumagot, sa
kuryente mo na lang sabihin.” Ang sabi ko.
“Sige na... Sige na... Sasagutin ko lahat ng itatanong
mo.” Ang sabi niya.
“May sinabi ba si Green sa'yo tungkol sa balak
niyang pagpatay sa akin?”
“Ha? W-wala. Bakit naman niya gagawin iyon?”
“Sigurado ka?”
“Oo. Hindi ko nga alam eh kasi kahapon pilit niya
akong sinasabihan na umalis sa syudad na 'to. Hindi
naman niya sinasabi kung bakit.”
“Alam niya na malalaman ko rin ang
katarantaduhan na ginagawa niya. Dapat sinunod mo na
ang sinabi niya. Inabutan pa tuloy kita rito. Sige, sabihin
mo, ano pang mga ginagawa niya?”
“Wala na talaga siyang ibang sinabi sa akin. Wala...
Promise, Napier.”

149
Akosik3n

“Sinong bumaril sa'yo?” Ang tanong ko. Naalala ko


na nakatanggap ng balita si Green na nabaril si Auria.
Hindi siya umimik.
“Sumagot ka! Huwag mong ubusin ang pasensiya
ko!”
“Hindi ko alam Napier! Wala akong alam sa mga
gawain ni Green. Baka nga si Green pa ang nagpapatay sa
akin eh.” Napabuntong-hininga ako.
“Nasaan si Green?”
“Ewan. Wala siyag sinabi kung saan siya pupunta.
Pinutol niya ang koneksyon namin sa isa’t-isa. Si Denver
ang tanungin mo. Siya ang laging kasama ni Green.” Ang
sabi niya. Sinabi na niya rin sa akin ang address ni Denver.
“Sige.” Nagdalawang isip pa ako kung bubuksan ko
ba ang switch o hindi.
“Napier, please nagmamakaawa ako. Huwag mo
akong patayin. Gusto ko pang mabuhay. Please!!!
“Please Napier! Maawa ka sa akin! Pakiusap!”
Humupa ang galit ko at narinig ko ang iyak ni Auria. Hindi
pa ako nakakapatay ng tao. Hindi ko rin gustong pumatay
ng tao. Hindi kakayanin ng konsensiya ko.
Tinanggal ko na ang extension sa pagkakasaksak.
Tinanggal ko na rin ang wire na nakatali sa kaniya.
“Pasensiya na tinakot kita. Nadala lang ako. Akala
ko kasabwat ka rito.”
“Salamat, Napier. Salamat.” Ang pahingal niyang
sabi.
Lumabas na ako sa bahay niya at pinuntahan ang
address ni Denver.
Matapos ang ilang minuto ay nakarating na ako sa
address na binigay ni Auria. Sinipa ko ang pinto. Nasira ito
saka ako pumasok. Naroon ang pamilya niya.
“Itaas niyo ang kamay niyo! Nasaan si Denver?!
Magsalita kayo!”

150
Subconscious Love

“Wala siya rito. Please, huwag niyo kaming


sasaktan.” Ang sabi ng... kapatid niya yata.

“Papuntahin niyo siya rito. Asan ang cellphone


niyo? Tatawagan ko siya.” Gumawa muna ako ng
mahabang lubid para ipantali sa mga kamay ng kamag-
anak ni Denver gamit ang pagbabago ko. Isa-isa ko silang
tinali. Binigay na ng kapatid ni Denver ang phone
pagkatapos ay tinali ko na rin siya. Tumawag na ako sa
kaniya.
“Denver. Pumunta ka rito sa bahay mo. Isang oras.
Kapag hindi, malalagutan ng hininga ang mga kamag-anak
mo.” Ang sabi ko saka ko binaba 'yung telepono.
Matapos ang kalahating oras dumating si Denver.
At tulad ng inaasahan, may mga kasama siya kaya
pinutukan ko sila agad.
Nagulat si Denver nang makita niya ako. “Napier?”
“Kumusta, matagal na tayong 'di nagkikita ah.” Ang
sabi ko.
“Napier. Anong kailangan mo sa akin? Huwag mong
sasaktan ang pamilya ko.”
“Magtatanong lang naman ako sa'yo Denver.
Tungkol kay Green. Nasaan siya?”
“H-hindi ko alam. Wala siyang sinabi--” Ang sabi
niya. “Itanong mo si Auria, siya ka--”
“Huwag niyo akong pinaglololoko! Nanggaling na
ako kay Auria. At siya ang nagsabi napumunta sa iyo.
Huwag mong sasayangin ang oras ko Denver, malilintikan
kayo sa'kin.”
“Hindi ko nga alam! Nagsasabi ako ng totoo!” Ang
sigaw niya sa akin. Nagpaputok ako nang isang beses
pataas

151
Akosik3n

“Tawagan mo siya! Babarilin ko ‘yang kapatid mo!


Hindi ako aalis dito nang hindi ko nalalaman kung nasaan
siya. Tawagan mo si Green, Denver!” Ang sabi ko.
Sinunod niya ang sinabi ko. Tinawagan niya nga si
Green. Hindi ko gustong kausapin siya sa telepono.
Pupuntahan ko siya nang personal.
“Green, nasaan ka ba ngayon?” Ang sabi niya sa
tawag.”Nandito si Napier, gusto niyang malaman kung
nasaan ka.
“Ayaw niya, basta sabihin mo na lang. Kapag hindi
ko nabigay sa kaniya ang address mo papatayin niya ang
pamilya ko.” Ang sabi niya. Binaba niya ang telepono
pagkatapos. “46 San Lorenzo Road. Iyan ang address niya.
Please, pakawalan mo na sila.” Ang pagmamakaawa niya.
“Sige.” Ang sabi ko. Tinanggal ko ang tali nilang
lahat. Umalis na ako at nagtungo na sa street na bigay sa
akin ni Denver. Binilisan ko na ang takbo ng kotse para
makarating agad ako.
Sampung minuto ang nakalipas, nakarating na ako
sa address. Isang warehouse. Ito siguro ang lugar kung
saan ginagawa ni Green ang mga katarantaduhan niya.
Nakita ko ang mga guard doon. Nakita rin nila ako
at hindi na sila nag-atubili pa. Nagkaroon na ng putukan sa
pagitan ko at ng mga guardiya. Dalawa lang ang guard
doon kaya madali lang ang laban.
Lumapit ako sa isang guard, inapakan ko ang leeg
niya at nagtanong. “Nasaan si Green?”
“Nasa second floor.” Ang sabi niya. Umakyat ako
doon. Nakita ko ang isang kuwarto. Sinipa ko ang pinto at
nakita ko nga si Green na nakatalikod
“Green.” Ang sabi ko. Humarap siya sa akin.
“Ikaw pala Napier.”
“Gago ka! Bakit mo ginagawa ito?”

152
Subconscious Love

“Kasi nahihibang ka na. Naeenjoy akong makita


kang kapit na kapit sa nangyayari sa panaginip na ito.”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Ansarap kayang makita kang hindi na
magkandaugaga kapag nakikitang nasasaktan si Jessie.”
Hindi ako makapaniwala! Siya lahat ang may pakana no’n!
“Ikaw?! Ikaw ang may pakana no'n?!” Ang sabi ko
sa kaniya pagkatapos ay tinutukan siya ng baril.
“Oo. Pinagmamasdan lang kaya kita na unti-unting
mabaliw sa isang kathang isip na tao.”
“Hindi siya kathang-isip! Alam mo bang kayang-
kaya kong iputok ito sa'yo?”
“Sige gawin mo lang. Sa huli ikaw lang din naman
ang masasaktan. Nakita mo na ba si Jessie simula noong
naholdap ka kagabi?”
“Ilabas mo siya! Hayop ka!”
“Kung papatayin mo ako, wala ka nang oras para
hanapin pa si Jessie.” Ang sabi niya.
“Tarantado ka! Hayop ka! Nasaan siya?!” Ang sabi
niya.
“Huwag kang mag-alala. Ligtas siya ngayon. Ang
problema mo na lang ay kung mahahanap mo siya sa
oras.” Nanginginig na ako sa galit. Malapit ko nang
kalabitin ang gatilyo ng baril.
Gulung-gulo na naman ang isip ko. Nasa dead-end
na ako. Hindi ko alam kung anong gagawin. Kapag hindi ko
pinutok sa kaniya ang baril, baka lalo pa niya kaming
paglaruan.
Pero kapag ginawa ko iyon, baka iyon na ang huling
pagkikita namin ni Jessie. Bakit ba kasi ako nahulog sa
kaniya. Sabi na't mangyayari rin ito eh. Naiipit ako sa
sitwasyon na'to.
Kailangan ko nang gumawa ng desisyon.

153
Akosik3n

Huminga ako nang malalim. Kailangan ko nang


tanggapin na nasa panaginip lang ako. Lahat ng ito ay
imahinasyon lang at mawawala rin. Ngayon na ang oras na
mawawala ito.
“Kita na lang tayo paggising ko Green.” Ang sabi ko
saka ko pinutok ang baril

~••~

154
Subconscious Love

XVI

Bryan II
(Green)
REAL WORLD

Nagising ako mula sa panaginip niya. Nasa secret


room pa rin ako ni Bryan. Pinindot ko ang dorbell. Hindi
ko alam kung anong oras na. Tapos ay dumating na si
Bryan.
“Oh, gising ka na?”
“Oo. Dali lagyan mo na ng Dream Oblivion Sedative
si Napier. Malilintikan ako no'n paggising ko.” Ang sabi ko.
“Ha? Hindi ko pwedeng gawin iyan nang hindi ka
nagpapaliwanag. Baka mamaya may pinaplano kang
masama kay Napier.” Ang sabi niya
“Wala. Kailangan ipaliwanag ko ito nang mabilis.
Baka mga anim na minuto ko lang maipaliwanag sa'yo ito.”
“Sige. Magsimula ka na.”

•==•

Ipapaliwang ko sa inyo kung bakit ko nagawa ang


lahat ng iyon. Ayaw kong isipin ninyo na napakairasyonal
ko dahil ginawa ko na lang iyon basta-basta.
Kilala ko si Napier. Madali siyang maatach sa mga
bagay-bagay lalo na sa mga mahal niya. Kaya nga
pagpasok na pagpasok sa panaginip na ito. Nag-aalala ako
na baka ayaw n niyang lumisan. O kung hindi naman,
uulit-ulitin niya iyon at hindi magugustuhan ni Bryan iyon.

155
Akosik3n

DREAM

Day 1

Pumasok na nga kami sa panaginip na iyon.


Nakakapanibago dahil Subconscious ko ang nasa
panaginip na ito. Sa una nga ay hindi ko alam ang gagawin
namin dahil hindi naman namin pinagplanuhan ito.
Nasa condo ako. Hindi ko alam kung paano kami
nakapunta doon pero bahala na. Naglibot-libot ako sa
condominium para makita ang hitsura nito. Mga 5 minuto
ang lumipas at lumabas na rin kami ng building. Doon ko
nakita si Napier.
Napagpasyahan namin na kumain sa restaurant.
Naglibot-libot kami at nakita namin ang isang building na
may labinlimang palapag at sa bawat palapag na iyon ay
may restaurant.
Sa KFC na kami kumain. Tanaw ang buong syudad.
Kitang-kita pati ang bundok. Habang naghihintay kami ay
kinausap ko siya.
“Ano nang plano mo? Gusto mo bang maghanap ng
nga chicks?” Ang tanong ko. Napatingin siya sa akin. Poker
face ang mukha.
“Ano ka ba? Hindi ako interisado diyan. Saka may
plano akong gumawa ng kanta sa isang recording studio.”
Dahil nga sa past break-up nila ng recent niyang jowa,
hindi na siya umibig ulit. Wala talaga siyang balak.
“Ano ba iyan. Ang boring mo naman. Subukan mo
naman, malay mo magustuhan mo.” Ang sabi ko. Pero
kahit na ganoon, hindi ko pa rin siya makukumbinsi.
“Hays... Ikaw ba, anong plano mo rito.”
“Ewan ko, sa'yo naman itong panaginip na ito eh.
Ano bang magagawa ko rito? Hindi naman ako malayang
makagawa ng pagbabago rito.”

156
Subconscious Love

“Pwede mo namang sabihin sa akin na may gusto


kang baguhin. Tatlo naman ang pwede kong baguhin sa
isang araw. Isa sa iyo, dalawa sa akin.”
“Siguro, maglakbay lang kung saan saan. Bahala na,
malalaman naman natin kung ano eh.” Kumain na kami at
naglakad-lakad na rin sa labas pagtapos

•==•

Nasa bangketa kami naglalakad. At habang nag-


uusap kaming dalawa ay may nabangga siyang babae.
“Ay! Naku! Sorry!” Ang sabi niya. ““Pasensiya na,
tulungan na lang kita sa pagpulot.” Pinulot ni Napier ang
mga gamit niya. Hindi ko nga alam kung bakit pero binasa
niya ang pangalan ng babae.
“Jessie Mae Arellano?” Ang sabi ni Napier.
“Yes, ako nga. Bakit?” Sagot naman ng babae.
Iyon na nga ang simula ng lahat. Hindi ko nga
pinansin 'yung babae na iyon kasi hindi ko naman alam na
mahuhulog iyon kay Napier.

•==•
Day 4

Nag-uusap na sila Napier at Jessie simula noing


magkita sila so ConstelCafe. At nalaman ko nga na may
gusto si Jessie kay Napier.
Paglabas ko ng Sports Complex, nakita ko si Napier
na hinalikan ni Jessie sa pisngi niya.
“Napier!” Ang tawag ko. Nagtaka ako sa nangyari
nang makita ko iyon
“Aehhh.... Green, k-kumusta?” Ang bati niya sa akin.
Mukhang nagulat nang makita ako.

157
Akosik3n

Umalis na si Jessie. Agad namang lumapit sa akin si


Napier.
“Wala ka naman sigurong nakita ano?” Ang tanong
niya sa akin.
“Bakit ka niya hinalikan sa pisngi? May gusto ba
siya sa iyo?” Ang sabi ko.
“Oo, tama ka. Pero kaibigan lang ang turing ko sa
kaniya. At sinabi ko na iyon.” Nanlumo ako sa sagot niya.
Sayang iyon!
“Gago ka!” Ang sabi ko. “Bakit mo ginawa iyon?!
Jackpot ka na sa babaeng iyon oh! Napakaganda!”

•==•

Doon ko rin nakita si Auria na dati kong jowa.


Muntikan ko na ngang masira ang panaginip.
“Green! Umayos ka!” Niyuyugyog ako ni Napier
pero nakatitig pa rin ako sa kaniya.
“Nandito siya... N-n-nandito siya.” Ang sabi ko.
“Sino?”
“Ang ex ko.”
“Huwag kang tumitig sa kaniya, magugulo ang isip
mo.” Ang sabi niya sa akin habang pilit niya akong
pinapatalikod.
“Huwag mo siyang isipin, please. Masisira 'tong
panaginip natin.” Ang dagdag pa niya.
“Kailangan ko siyang makausap. Kailangan kong
malaman kung bakit niya ako iniwan.” Ganoon ang
nangyari. Sa totoo lang, naisip ko na ganoon ang nangyari
noong nakita ko ang ex ko. Pero paano kaya kung si Napier
ang populator at nakita niya ang ex niya.
Anyways, doon, nagkaayos na kami ni Auria. At sina
Napier at Jessie, patuloy pa rin ang pag-uusap. Hindi ko

158
Subconscious Love

nga maintindihan kasi patuloy ang pagtanggi ni Napier na


may feelings siya kay Jessie pero iba ang kinikilos niya.

•==•
Day 6

Plano namin na ienjoy ang araw namin ni Napier.


Marami na sana kaming balak puntahan, una ay
magbasketball, kumain sa Food Sky, magmall para
manood ng sine at maglaro ng arcade.
Pero mukhang hindi nasunod ang plano. Dahil
dumating si Jessie sa sports complex. May dala-dala siyang
kape. Ilang minuto bago magsimula ang laro ay nag-usap
muna sila.
Maya-maya lang ay tinawag ko na si Napier para
magsimula nang maglaro. After 5 minutes ay opisyal na
ngang nagsimula ang laro.
Napakasupportive ni Jessie kay Napier. Sa tuwing
nakakashoot si Napier, grabe ang hiyaw ni Jessie. Sa unang
tingin aakalain mong magjowa sila. Patay na patay si Jessie
sa kaniya.
“Bakit hindi ka na naglaro? Sayang naman.” Ang
sabi ko kay Napier..
“Pasensiya na kung hindi na ako nakapaglaro, hindi
naman ako magaling magbasketball eh. Baka matalo lang
kayo.” Duda ako sa sinabi niya
“Hindi marunong o gusto mo lang makausap si
Jessie?”
“Ano ba? Hindi nga ako marunong. Hays, hayaan
mo na. Mamasyal na tayo sa ibang lugar bago tayo kumain
sa food sky.”

159
Akosik3n

Pagkatapos magbasketball ay nagpunta muna kami


ng parke. Nawiwirduhan talaga ako sa kilos ni Napier sa
tuwing kasama niya si Jessie.
“Napapansin ko lang ha, sa tuwing nagkikita kayo
ni Jessie, abot langit ang ngiti mo. Sabihin mo nga,
hanggang ngayon pa rin ba, wala kang nararamdaman sa
kaniya?” Ang tanong ko
“Anong abot langit ang ngiti?” Ang tanong niya.
Nagdeny pa nga siya.
“Hays, nagdedeny ka pa. Hindi ba't sobrang saya
mo sa tuwing nakikita't nakakasama mo siya?” Hindi na
siya nakaimik. Magtatanghali na kaya napunta na kami ng
Food Sky para kumain.

•==•

Nasa labas na kami Food Sky. May biglang tumawag sa


telepono ni Napier.
“Hello?” Ang sabi niya. “Kakain na kami ng lunch sa
Food Sky... Sa bahay? Hindi ba may trabaho ka?” Anong
pinag-uusapan nilang dalawa?
“Tek--” Binabaan na siya ng tekepono.
“Si Jessie iyan ano?” Ang tanong ko.
“Oo, pinapapunta niya ako sa bahay niya.” Kumunot
ang noo ko.
“Ha? Ano ba yan? Bakit naman, kakain na tayo eh.
Saka nasabi mo ba na may schedule tayo ngayon?”
“Oo, nagtataka nga ako sabi niya ayaw niyang
distorbohin ang araw natin pero pinapapunta niya ako sa
bahay niya, urgent daw.”
“Tapos, pupunta ka?” Hindi siya nakakibo kaya
bumuntong-hininga na lang ako. Hindi marunong tumaggi.

160
Subconscious Love

“Silence means yes. Sige na, puntahan mo na. Basta


kitain mo ako sa mall bago mag-alas seis para
makapamasyal pa tayo.”
“Sige!” Ang sabi niya sabay kaway at umalis.
Napailing na lang ako.
Papasok na sana ako nang may makita akong
pamilyar na mukha. Mukhang si Denver iyon ah. Siya ang
kaibigan namin ni Napier noong college.
“Denver!” Ang tawag ko sa kaniya. Napatingin
naman siya sa akin. Napaturo siya na parang sinasabi niya
sa sarili niya na 'parang kilala ko ito ah'.
“Ahhh, Green!” Lumapit siya sa akin. “Antagal na
nating hindi nagkikita ah.” Ang sabi niya.
“Oo nga eh. Anong ginagawa mo rito?” Ang tanong
ko naman.
“Wala, namamasyal lang. Ikaw?”
“Kakain sana kami ni Napier dito kaso may
kailangan siyang puntahan ngayon. Biglaan daw kaya ako
na lang nandito.”
“Gusto mo eh, saluhan na kita. Sagot ko na.” Hindi
na ako tumanggi. Masarap 'pag libre.
Kumain kami at nag-usap. “Kumusta ka ngayon?”
Ang tanong ko kay Denver.
“Nakipagbreak ako sa gf ko.”
“Ha? Bakit naman?”
“Nalaman ko na mafia boss ang kapatid niya.”
“Woah. Tapos anong nangyari?”
“Dahil nalaman ko, nagbanta sa akin ang kapatid
niya. Sasabog daw ang bungo ko oras na magsabi ako sa
mga pulis.” Ang paliwanag niya. “Tapos nahuli siya.
Kinabahan ako dahil baka pagbuntungan nila ako dahil
baka sinumbong ko sila sa pulis. Pero it turns out, ang ex
ko ang nagtip sa mga pulis.” Ang dagdag niya. Akala ko ay
rumor lang na may kaugnayan sa mafia ang kapatid ng

161
Akosik3n

jowa niya sa totoong mundo. Pero hindi ko alam kung


macoconfirm ko iyon sa panaginip.
“Kumusta na ang mafia niya ngayon?” Ang tanong
ko.
“Buo pa rin hanggang ngayon. Pero dahil inutil ang
pumalit na boss, hindi na sila as effective as before.” Ang
sagot naman ni Denver.
Nagpaalam na kami pagkatapos. Napilitan na lang
akong mamasyal mag-isa hanggang alas seis.
Six fifteen p.m., wala pa rin siya. Minessage ko siya
sa account niya. Hindi siya nagseen at offline siya.
Naghintay lang ako sa arcade malapit sa exit ng mall.
Tinext ko na nasa arcade lang ako.
Mga apatnapu’t limang minuto akong nasa arcade
naghihintay. Hindi pa rin siya nagrereply o nagseseen sa
message ko at hindi pa rin siya dumarating kaya
nagdesisyon na lang akong umuwi.
Sa bahay ay nanood na lang ako ng TV hanggang
ten. Tinext ko siya na nandito na ako sa bahay. Sumapit na
ang ten pero hindi pa rin siya umuuwi.
Pumasok na lang ako sa kuwarto ko at natulog.

•==•
Day 7

Nagising ako at hanggang ngayon ay wala pa rin si


Napier. Ewan ko, baka may nangyari na nga sa kanilang
dalawa. Nag-agahan na ako at saka nanood ng TV. Maya-
maya ay bumukas ang pinto. Dumating na rin si Napier.
Doon ko nalaman na naglasing pala siya kahapon.
“Kumusta sa bahay ni Jessie?” Ang tanong ko sa
kaniya

162
Subconscious Love

“Ano ba? Huwag ka na nga munang panimula.


Masakit ang ulo ko.” Ang reklamo niya.
“Kung sumunod ka sana sa usapan hindi ka
magkakaganiyan.” Napatingin siya sa akin.
“Eh, pinilit ako ni Jessie na manatili sa kanila.”
“Hindi ka ba pwedeng tumanggi?”
“Eh, baka kasi magtampo siya...” Hindi na ako
nakatiis. Kailangang may matanto siya.
“Eh ano ngayon kung magtampo siya? Napier, wala
kayong relasyon. Wala kayong label. Siya, umaasa siya
sa'yo na baka mamahalin ka niya kahit mas maliit pa sa
alikabok ang pag-asa niya sa'yo.
“Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang
concern mo sa kaniya. Eh hindi mo naman siya makikita
paggising mo. Hindi mo siya kilala, hindi ko siya kilala.
Samantalang ako, nabubuhay ako. Kilala mo na ako simula
pa noong grade two tayo. Pero hindi mo ako naisip habang
nandoon ka sa bahay niya.” Ang dagdag pa niya.
“Ay nako! Andrama mo, bahala ka diyan.” Ang
nasambit ko bago ako pumunta sa kuwarto.
Napabuntong-hininga ako. Kailangan niya lang ng
kaunting tulak. Hindi naman ako tutol sa pag-iibigan nila.
Pero ayaw ko na gawin ni Napier ang ginagawa niya
ngayon kay Jessie.
Ayaw kong ganoon ang kilos niya sa totoong buhay.
Siya lang din ang mahihirapan. Pinipigilan niya ang sarili
niyang magmahal dahil sa takot.
Ito ang kailangan kong gawin. Ngayon malalanan
mo na kung bakit ko ginawa iyon kay Jessie.
Tinawagan ko si Denver. “Denver. Alam mo ba kung
saan ang hideout ng mafia ng kapatid mo? Pupuntahan ko.
May ipapagawa ako sa kanila.”

~••~

163
Akosik3n

Denver

"Denver." Ang sabi ko.

"Bakit?" Ang tanong naman niya.

"Alam mo ba kung saan ang hideout ng mafia ng kapatid


mo?"

"Ha? Bakit? Anong gagawin mo?"

"Pupuntahan ko. May ipapagawa ako sa kanila."

"Baliw ka ba? Baka hindi ka na makalabas nang buhay sa


hideout nila." Ang sabi ni Denver.

"Hindi ngayon. Kailangan ko lang makakuha ng malaking


pera. Alam kong pera ang kailangan nila." Ang sabi ko.

"Hindi ko muna sasabihin ngayon. Magkita na lang tayong


dalawa kapag may pera ka na. Doon, ituturo ko kung saan
ang hideout nila. Deal?"

"Deal." Ang sabi ko sabay baba ng telepono.

Ngayon alam niyo na ang simula ng lahat ng mga


nangyayari dito sa panaginip. Hindi sa gusto kong
pahirapan si Jessie pero kailangang magyari iyon. I feel
like kailangang magbago ni Napier.

Maya-maya lang ay lumabas si Napier sa kuwarto niya.


Gusto niyang makipag-ayos. At ngayon na lang mamasyal
para magawa ang hindi namin nagawa kahapon

164
Subconscious Love

•==•

Nasa mall kami, tawag nang tawag si Jessie sa kaniya


habang namamasyal kami. Kahit na labag sa loob niya,
dahil may usapan kami, hindi niya ito sinagot. Hindi
natagal, napansin ko na malayo ang tingin ni Napier.

"Napier, anlaim ng iniisip mo ah. Hulaan ko, tungkol kay


Jessie iyan ano?" Ang sabi ko sa kaniya.

"Yup, naisip ko lang kasi 'yung sinabi mo kanina. Wala


kaming label." Ang wika niya.

"Mhmm?"

"Naisip ko, wala akong nararamdaman sa kaniya, I am not


ready. And hindi ako pwedeng magpakampante na
maghihintay siya."

"You know what, you need to tell her." Ang sabi ko.
"Nypyr, kung hindi mo rin kasi siya mamahalin, then don't
let her waste her time kakaasa sa wala. Tell her na hindi
mo pa kayang magmahal or whatsoever. Either way
masasaktan naman siya, pero huwag mo nang patagalin
pa." Ang piece of advice ko sa kaniya.

Masyado kasing empathetic si Napier. Ayos lang na siya


ang masaktan basta makita lang niya na hindi nahihirapan
ang mga taong... mahal niya. But in this case, friendly o
platonic love ang namamagitan sa kanilang dalawa.

•==•

DAY 8

165
Akosik3n

Dumating nga sa punto na nakita niya ang kuya niya na


matagal nang patay. Doon pa lalo dumagdag ang anxiety
niya. Habang nasa food sky kami ay wala siyang ibang
reaksyon kun'di lungkot at pangamba.

"Oh, anong meron sa'yo? Nakasimangot ka na naman.


Hindi ba dapat masaya ka kasi nagkita na kayo ng kuya
niyo after 2 years." Ang wika ko.

"Oo, pero, hindi ko kasi maalis na panaginip lang 'to eh.


Hindi ko naman siya makikita paggising ko eh."

"Ano ka ba, hindi ka magigising ngayon. Isa pa, huwag


mong sayangin ang oras niyong dalawa sa pag-iisip mong
iyan. Just, enjoy the moment. Ienjoy mo na magkasama
kayong dalawa. Kahit sa panaginip lang."

"Guess you're right." Ang sabi niya. Takot siyang marating


ang dulo. Ang naiisp niya kasi ay mawawalan rin naman
ng saysay ang lahat oras na matapos ang lahat.

Hindi na siya gagawa ng kahit na ano dahil sa huli,


masasayang lang rin ito oras na dumating ang katapusan
ng lahat.

•==•

Nasa condo lang ako dahil namasyal si Napier kasama ang


kuya niya. Naisip ko ang usapan namin ni Denver kanina.
Nag-iisip ako kung paano ako makakuha ng malaking pera.
Alam ko na pwede ko iyong hilingin kay Napier pero
magsususupetya sa akin iyon.

166
Subconscious Love

Lumabas muna ako para mag-isip. Doon ko naisip na


chairman nga pala si Denver ng architectural company rin.
Nakwento niya iyon habang kumakain kami sa foodsky
nang magkita kami sa panaginip na iyon.

Tinawagan ko siya. "Hello Denver."

"Oh, napatawag ka, Green."

"May hihingin ako sa'yong pabor."

"Sige lang."

"Hindi ba't chairman ka ng isang architectural company?"

"Oo. Bakit mo natanong?"

"Baka kailanganin ko 'yang pwesto mo 'pag manghihingi


ako ng pera. Pero hindi ko aagawin 'yung trabaho mo.
Basta ipapaliwanag ko rin kalaunan." Ang sabi ko.

"Sige, ikaw bahala." Ang sabi ko.

•==•

At tulad ng inaasahan, darating din sa punto na


mamamayapa ang kuya ni Napier sa panaginip na ito.
Makakaramdam na naman siya ng kalungkutan. Sakit na
dulot ng pagkawala. At sakit dahil alam mo na pagdilat ng
mata mo sa totoong mundo, hindi mo na siya makikita.

Masakit. Kahit ako ganoon din ang mararamdaman ko.


Ang kaso nga lang, si Napier, hindi siya bumibitaw.

167
Akosik3n

Kumakapit siya sa patalim na habang tumatagal ay lalong


lumalalim ang sugat na dinudulot ng talim na iyon.

Kung hindi ko ito gagawin, lalo lang siyang masasaktan.

•==•

DAY 9

Inasikaso ni Napier ang cremation ng kuya niya.


Tinulungan ko na rin siyang asikasuhin ang mga papeles.
Habang ginaawa ko iyon ay naisip ko na iprint na rin ang
mukha ni Jessie para mamaya. Nakauwi na rin ako sa
bahay. Pagkatapos ay tumawag ako kay Denver.

"Denver, gagamitin ko na'yung trabaho mo ha. Maya-maya


may pera na tayong matatanggap para sa mafia." Umoo na
lang siya sa akin.

Hindi nagtagal, dumating na si Napier. Kaya kinuha ko na


'yung mga papeles para iabot sa kaniya.

"Nandito na 'yung papeles. Kapag naipakita mo na ito sa


crematorium, ma-crecremate na nila ang kuya mo." Ang
sabi ko sa kaniya saka ko binigay ang papeles

"Salamat." Ani Napier.

"Siya nga pala, Napier. May trabaho na ako dito. Sa isang


Architectural Company." Napangiti siya sa sinabi ko. Hindi
ko alam kung maniniwala ba siya sa napakahalatado kong
pagsisinungaling.

"Ha? Talaga? Saan?" Mukhang gumaganana naman

168
Subconscious Love

"Sa tabi ng monorail depot. Naghahanap sila ng papalit sa


chairman ng kumpanya. Nagresign na kasi siya eh. Tapos
nag-apply ako. Eh, nalaman nilang kwalipikado ako kaya
natanggap ako."

"Wow, napakastrange naman niyan. Sinong naghire sa


iyo?"

"'Yung CEO. Weird nga eh. Sana ganoon na lang kadali


maging Chairman sa totoong buhay." Ang wika ko sabay
tawa.

"Oh, oo nga pala. May ikukuwento rin ako. May nakausap


akong therapist sa bar."

"Oh, tapos?"

"Wala lang, nagkausap kami. Para naman gumaan 'yung


loob ko. Magkikita nga kami sa Food Sky ng alas siete."

"Hindi ka pupunta kay Jessie?"

"Ewan, hindi na muna siguro." Ang sabi niya. Strange,


isang araw na hindi si Jessie ang laman ng isipan niya.

Lumabas muna ako para tawagan si Denver.

"Denver, simulan na natin. Manghihingi na ako ng pera kay


Napier. Pagkatapos ay saka na natin pupuntahan ang
hideout ng mafia."

"Sige."

169
Akosik3n

"May ipapagawa na ako sa kanila kaagad." Ang sabi ko.

"Sige, itext mo na lang ako kapag handa ka nang umalis


ha." Ang sabi niya. Umoo ako saka ko binaba ang phone.
Nakita ko si Napier sa labas kaya lumapit na rin ako sa
kaniya.

"Ah, Nape, pwedeng humingi ng pabor?"

"Ano iyon?"

"Hihingi sana ako ng 5 million pesos. Para sa proyekto ng


kumpanya namin." Kinabahan pa nga ako eh. Sunod-sunod
na ang strange things na nangyayari sa lugar na 'to.

"Waw, anlaking pera no'n ah." Alam kong nagtataka si


Napier. Sino ba namang hindi?

"Nga pala, kahit iwan mo lang 'yung 4 million. 1 milyon


lang dadalhin ko bukas. On cash." Lalo akong kinabahan.
Isang malaking halaga on cash.

"On Cash? 5 million on cash? Wala tayong space na


paglalagyan no'n." Ewan. Sana pumayag na si Napier,
kun'di hindi gagana lahat ng pinlano.

"Basta, kailangan. Humanap ka na lang ng paglalagyan."

"Ugh! Sige na, ako nang bahala." Pumayag rin siya. Akala
ko magiging kumplikado pa ito eh. Sinabi niya sa akin na
may storage room kami. Kaya doon namin napagpasyahan
na ilagay 'yung mga pera.

170
Subconscious Love

Kinuha ko na 'yung isang million, nilagay sa cash bag. At


tinext si Denver na magkita kami sa Food Sky.

•==•

Nandoon na nga kami. Dala-dala ang isang milyon, tinuro


na ni Denver ang lugar ng kanilang hideout.

"Green, mag-iingat ka. Tutukan ka nila ng baril pagpasok


na pagpasok mo pa lang. Mag-isip ka ng dahilan para hindi
ka nila barilin." Ang sabi ni Denver.

"Oo. Akong bahala. Sisuguraduhin ko na hindi tayo


masasaktan."

Nakarating na kami sa isang abandonadong bodega.


Pumasok ako sa bodegang iyon. Tumambad sa akin ang
miyembro ng mga mafia.

Walang anu-ano'y kinasahan at tinutukan na kami ng baril.

"Sandali. Hindi ako nandito para makipag-away." Ang sabi


ko.

"Hoy Denver! Hindi ba't sinabi ko na mananahimik ka rito!


Anlakas pa ng loob mong magdala ng tao rito! Kapag
nakarating ito kay Eli, malilintikan ka." Ang sabi ng sa
tingin ko ay leader ng mafia.

"'Yung sinasabi nila na si Eli, iyon ang kapatid ng ex ko."


Ang sabi ni Denver.

"Kumalma kayo. Mayroon akong pera. Gusto kong


magkaroon ng deal sa inyo." Ang sabi ko.

171
Akosik3n

"Ano naman iyon? Sino ka ba?" Ang tanong ng boss nila.

"Green. Magbibigay na ako sa inyo ng paunang bayad.


200000 pesos." Ang ani ko. "Ibibigay ko sa inyo ang
300000 kapag nagawa niyo na ang una kong gagawin."

"Bakit naman namin tatanggapin ang deal niyo?"

"Konektado ako sa AFP. Marami akong kakilala


mapasundalo o pulis. Nasa bingit na ng pagbagsak ang
grupo niyo simula nang makulong si Eli. Kung tatanggapin
ninyo ang deal, ako ang magiging instrumento para
umangat ulit ang grupo niyo. Kung hindi naman, ako ang
magiging dahilan ng tuluyan niyong pagbagsak." Hindi ko
alam kung ito na ang huli kong speech dahil baka barilin
nila kami dahil binalaan ko sila. Pero sana umiral ang
pagiging bano ng bago nilang boss.

"Sige. Anong ipapagawa niyo sa amin." Ayos! Tinanggap


nila ang deal.

Pinakita ko ang printed na mukha ni Jessie. "Siya ang


pakay ko. Nagtatrabaho siya sa Designer Inc. Isusulat ko
ang adress ng pinagtatrabahuhan niya. Ang gusto kong
gawin ninyo ay mamanmanan ninyo siya sa pag-uwi niya."
Ang sabi ko.

"Green, para saan." Ang tanong ni Denver.

"Kailangan natin siyang barilin pero hindi papatayin.


Kapag nalaman na natin ang ruta niya, maghahanap na
tayo ng pwedeng pagpwestuhan ng sniper para barilin
siya." Ang paliwanag ko.

172
Subconscious Love

"300000. Kapag naibigay niyo na sa akin ang ruta niya.


Ok?"

Sigurado ako na gabi pa uuwi si Jessie kaya umuwi na


muna kami ni Denver. Alam ko na delikado ang pinasok
ko. Kapag hindi ako nag-ingat, magigising kami. Sinabihan
ko si Timothy, ang boss ng mafia, na tawagan ako kapag
nalaman na nila dahil pupuntahan ko sila.

•==•

Alas siete, napatawag si Timothy. Sinabi niya na alam na


namin ang ruta. Hinanda ko na ang pera pero sinubukan
kong hindi maging kaduda-duda kay Napier. Buti na lang
at nasa kuwarto siya ngayon.

Nasa warehouse na kami, sinabi sa amin ng dalawa niyang


tauhan na sumasakay ng jeep si Jessie at baba sa mismong
depot ng Jeep. Tapos ay lalakarin niya papunta sa isa na
namang loading zone para magjeep papuntang 10th
highway at Pilar Rd. intersection. Saka siya sasakay ng
traysikel papunta sa bahay niya.

"Sigurado ka ba na iyan ang dadaanan niya papasok?" Ang


tanong ni Denver.

"Oo. Iyon ang pinakamalapit na ruta na dadaanan niya."


Ang sabi ko. Napansin ko na dinaanan niya rin ang Food
Sky. At saktong bukas ay nandoon sina Napier.

"Bukas, pumwesto kayo sa rooftop sa harap at sa gilid ng


food sky. Kailangan ko ng dalawang sniper." Ang wika ko.

173
Akosik3n

"Bakit dalawa?" Ang tanong ni Timothy.

"Basta, hindi gagana ang plano kung isang tao lang ang
ipapadala natin. Kung sakaling magkaroon ng problema,
may back-up tayo." Ang paliwanag ko.

"Mas mabuti kung hihintayin niyo na may lumabas na


lalaki sa food sky. Pagkatapos, saka niyo siya barilin. Kung
hindi naman, barilin niyo siya paglagpas ng building.
Kuha?" Ang sabi ko.

Tumango sila.

"Paunang bayad ay 100k. Ibibigay ko ang 400k kapag


nagawa niyo na ang trabaho." Ang wika ko.

•==•

DAY 10

Nasa lugar ako na hindi mapapansin ni Napier. Nakita ko


siya nanakikipag-usap sa nakilala niyang therapist.
Nakausap ko ang dalawang sniper gamit ang earbuds na
bigay ni Denver at sinabing nakapwesto na sila.

Nakita ko si Jessie na nanggaling sa kanan. Matiwasay


siyang naglalakad. Naaawa lang ako dahil hindi niya alam
ang sasapitin niya.

"Hold your fire." Ang sabi ko.

Sa perspective ni Jessie, kumanan siya. Siguradong


makikita niya si Napier. Napahinto siya at napatingin sa
kanan niya. Malamang, nakita na nga niya si Napier.

174
Subconscious Love

Nagpatuloy na si Jessie sa paglalakad. Maya-maya lang ay


lumabas na si Napier.

"Ngayon na." Babaril na sana ang unang sniper kaso nakita


siya ni Napier. Kaya ginamit ni Napier ang pagbabago niya
at gumamit ng telekinesis para patumbahin ang sniper.

"Back-up, barilin mo na siya." Ang sabi ko.

Pumutok na nga ang sniper at tumama sa balikat niya.


Napatingin naman si Napier kay Jessie at nagulat siya dahil
may tama na si Jessie ng baril.

Napasigaw siya at hinawakan si Jessie. Ginamit niya ulit


ang pagbabago niya at tumakbo nang pagkabilis-bilis at
sigurado, sa ospital ang punta niya.

Pasensiya na Napier, para sa iyo naman ito.

~••~

175

You might also like